Lesson from the fig tree and end times. - PINOYDEN


Go Back   PINOYDEN > Tambayan Zone > Humanities

Welcome to PinoyDen Forums.

You are currently browsing our forum as a guest, please consider registering to get full access to all of our forum features, download free games, get help for your pc and cellphone problems and learn new mobile tricks like how to browse the internet using your cellphone for free. All that and more, so what are you waiting for, JOIN us now!!!! Click here to register...
 Topic: Lesson from the fig tree and end times.  (Read 192 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Pages: [1]   Go Down
01-07-19 03:47 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 344
Thank You: 8
Reputation: 1
James307 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"Lesson from the Fig Tree and End Times. (Ikalawang buhay at paghuhukom sa mga di mananampalataya, mga sakim sa kapangyarihan at kayamanan).

Bago ko simulan ang ito, nais ko munang ikuwento sa inyo ang "Parable of the Fig Tree" na makikita sa Matthew 24:32-34

"Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag ang mga sanga nito ay umuusbong at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw.

Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na siyang[a] dumating, halos naririto na.

Tandaan ninyo, magaganap ang lahat ng mga ito bago maubos ang salinlahing ito."

Kung mapapansin natin. Ang Parable na ito ay naglalaman ng susi para sa mangyayaring Great Tribulation. Isang panahong nagpapahiwatig na malapit na ang wakas. (Battle of Armageddon and Second Coming)

Ang Fig Tree o ang Puno ng Igos na tinutukoy dito ay ang Bansang Israel na naging simbolismo na rin ng Israel sa lumang tipan.

Ang Chapter 24 ng Book of Matthew ay tumutukoy sa kahihinatnan ng bansang israel. Nangyari ito noong 70AD noong na-invade ng Roman Forces ang Jerusalem at pinalayas ang mga hudyo. Sa loob ng 2000 years, ang Israel (Fig Tree) ay nanunuyot.

Ngunit isang milagro ang nangyari noong May 14, 1948. Ito'y sa kadahilanang muling nabuhay ang Puno ng Igos noong ang bansang Israel ay na-reborn bilang isang nasyon at ang Jerusalem ay napasakamay na ng Israel noong 1967.

When the Tribulation begins, when the Apocalyptic events Jesus described in Matthew 24 unfold, Israel will be thrown into the Summer. And the heat of this furnace will trigger The Second Coming of Christ and the Battle of Armageddon.

Anong Generation ang tinutukoy dito?

Nakasaad ito sa verse 34:

"Tandaan ninyo, magaganap ang lahat ng mga ito bago maubos ang salinlahing ito"

Makikita natin sa bible na ang isang henerasyon o salinlahi ay mayroong 14,400 days o 40 years at ang biblical lifespan naman ay 70 years (Biblical Lifespan base sa birth ni Jesus at pagbagsak ng Jerusalem)

Kung idadagdag natin ang 70 years sa araw kung kailan muling naitayo ang Israel at ibabawas naman ang 7 years of Tribulation, ang lalabas ay - May 14, 2011

Ngunit wala namang significant events ang naganap between 2011 - 2012

So, balik tayo sa 1948. What if kung 40 years lang ang idadaggdag natin?

1948 + 40 = 1988

Noong Early 80's, nagsimula ng isang Christian Movement ang manunulat na si Hal Linsey at ang Calvary Temple. Naniniwala ang Christian Movement na ito na ang Tribulation ay nagsimula sa taon bago ang 1988. Still, walang significant biblical events ang nangyari noong panahong iyon.

Pero teka. Ang generation na tinutukoy kung kailan magsisimula ang "Doomsday" ay ang second Generation.

Kung gayon: 1948 + 40 + 40 = 2028

Kung ibabawas natin ang 7 years of Tribulation, ang lalabas ay 2021.

Kung magkagayon. Tayo na ang Final Generation.

Nakalagay dito na Generation 1. Ang makakakita ng significant events noong 1914 (kung saan pinaniniwalaan na ito ang taon kung kailan naluklok si Jesus bilang hari). Sila rin ang nakasaksi sa muling pagbangon ng Israel.

Ang Generation 2 ay mag-i-intersect sa 1st Generation. Sila ang makararanas o makasasaksi sa Tribulation.

#JESUS SAVES!
#Smoking Cigar And Alcoholic Beverages Kills!
#Search GotQuestions Org and Thebereans Net.
#END CORRUPTION AND CRIMES.

Message: Baptist/Evangelical.
 (Conservative Pinoy).

Reply #1
01-08-19 02:52 PM
  • Full Member
  • ***
  • Offline
 
Posts: 2408
Thank You: 71
Reputation: 0
WongFeiLong has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
ha? sus . kung ano ano na naman ang naiisip mo. 
dyan nag kakaproblema eh.

matagal ng may haka haka na kesyo ganito ganyan.
excited ka sa end of the world
Reply #2
01-10-19 11:59 AM
  • Sr. Member
  • ****
  • Male Offline
 
Posts: 6289
Thank You: 212
Reputation: 1
cycle19 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"Siya'y mamamatay sa kakulangan ng Turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya."
(Proverbs 5:23)


"Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang."
(Matthew 24:36)

Dahil walang ibang nagtatag ng mga wakas kundi ang Ama lang.


"Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sino nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?"
(Proverbs 30:4)



"Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling."
(Proverbs 30:6)
Reply #3
01-10-19 07:57 PM
  • The Legendary Buhok Ni SaDaKo Sa Balown Ng Mga Adik
  • Moderator
  • *
  • Female Offline
 
Posts: 36397
Thank You: 1843
Reputation: 55
babyPowdeR has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
tama walang nakakaalam ng exact date or year ang sabi lang sa bible dapat laging handa kase darating syang parang magnanakaw,walang

nakakaalam kahit sino kahit pa si Jesus Christ ang Diyos Ama lang ang nakakaalam kung kelan ang 2nd coming.
Reply #4
01-11-19 10:08 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 344
Thank You: 8
Reputation: 1
James307 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Isaias 44:9Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya. 10Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman? 11Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama.  12Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya'y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya'y hindi umiinom ng tubig, at pata. 13Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay. 14Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan. 15Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan. 16Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy: 17At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.  18Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa. 19At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy? 20Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay?
Pages: [1]   Go Up
 

All dates are GMT+8:00. The date now is 01-16-19 02:24 PM
WWW.PINOYDEN.COM.PH does not store any files on it's server, we are just indexing other sites contents!
WWW.PINOYDEN.COM.PH [Ang Tambayan ng pinoy!] © copyright 2008-2009 All Rights Reserved.
Contents published on www.PinoyDen.com.ph requires permission for reprint.

Page created in 0.063 seconds with 21 queries.