Familiar ka ba? - PINOYDEN


Go Back   PINOYDEN > Tambayan Zone > Arts and Literature > Writer's Desk

Welcome to PinoyDen Forums.

You are currently browsing our forum as a guest, please consider registering to get full access to all of our forum features, download free games, get help for your pc and cellphone problems and learn new mobile tricks like how to browse the internet using your cellphone for free. All that and more, so what are you waiting for, JOIN us now!!!! Click here to register...
 Topic: Familiar ka ba?  (Read 150 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Pages: [1]   Go Down
08-10-18 05:15 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 1597
Thank You: 380
Reputation: 1
10reason has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!


Malamang naka add ka sa iba’t ibang group page, kahit hindi mo sabihin sakin okay lang kasi baka nakakabasa ka ng mga makikita mo o kaya’y aksidenteng lumabas sa newsfeed mo. Hayaan kong isa isahin ko ang ibig kong sabihin.

Kailangan paba na ipakita mo ang cleavage o hita para magustuhan lang post mo?

Bakit di natin subukan na simply lang, yung ganito!

kong pagbibigyan kita ilang rounds kaya mo ?

Lalakeng papasarapin ang tanghali ko, asan ka na??

May magkakagusto kayang single mom sakin dito?

Kung Iisipin Mo Lang....Saka mo Malalaman na...
PANGET PALA TALAGA ANG EX MO.
KAPAG nakamove on kana.

May matino pa kayang lalake sa panahon ngayon?

kong mahal mo dapat iputok sa loob ? ganon ba un ? pano kong mabuntis

At  marami pang iba matanong kita ano napansin mo?

Obvious na nagparami lang ng likes tapos na flood ng comment na ang sasabihin “pa accept” o di kaya’y “pm at hi” natatawa na lang ako kapag ganyan ang nakikita ko sa comment, halata na nauuto sila ng nagpost pero hindi ko nilalahat ang uto uto sa social media, mangilan ngilan na lang ang may malawak na pagiisip o di kaya’y walang magawa sa buhay kaya nagsasabi ng hindi maganda ang ending? Ayun away at kung anu-ano na sinasabi. Kahit sunod sunod na ang likes at comment walang reply yung nagpost kasi wala lang talaga, gusto lang talaga niya magparami ng likes, kinabukasan same scenario ulit. Endless nga kung tutuusin yung ganyang post sa totoo lang, ang mabuting gawin huwag na lang pansinin at I scroll down mo na lang ang post para hindi ka matuksong magcomment para happy.

Kung ang usapan rounds panigurado mas maraming comment yan syempre biglang sulputan ang mga “Hokage”

 May mababasa kang “baka ikaw ang sumuko”
“ihi lang ang pahinga mo” 
“dadalin kita sa langit”

“Poser”
“bakla”
At kung anu-ano pa, walang pakialam kahit binabastos na siya ang importante lang sa kanya marami likes niya kasi feeling niya sikat na siya pag marami siyang likes at marami siyang nauuto syempre may basher pang bonus.

Itchy ang dating kasi tanghaling tapat nag iinit si ate, as usual dumami na naman ang mga “Hokage” sa social media, ang simple ng sagot sa post ni ate eh di maligo  kung nag iinit bakit kailangan pa I broadcast.


Bakit kailangan mo pa I broadcast na natanggal na helmet mo porket nalaman mong pangit pala ex mo, ano ibig sabihin nun? Wala lang ganon po ba?

 Kung may matino pang lalaki sa panahon ngayon, ang simple ng sagot syempre meron kaso endangered species na sila kasi karamihan ng lalaki ngayon eh….alam niyo na, hindi ko na kailangang ipaliwanag kasi tinatamad ako sabihin, ang masaklap lang bakit kailangan mo pa Itanong sa madla, ano pinaglalaban mo ano po?

Bakit kailangan pang sabihin na kung mahal mo sa loob mo ilabas? Okay lang na ilabas sa loob kung handa ka na maging tatay at handang humarap sa responsibilidad, takot maging tatay ang ayaw panagutan ang isang babae kung sakaling mabuntis niya.

Sa tuwing bubuksan mo account mo sa social media halos araw araw ka makakabasa ng ganyang post kahit ibahin nila pero same content kaya minsan nakaka asiwa na talaga, may nabasa pa nga kong post dati eh kaya sumali sa isang group para manghingi ng load sa mga member na andon. Ate huwag mo gawing loading station ang isang page sa suking tindahan ka magpaload, malas mo kapag walang pumasin sayo, malas mo din kapag na bash ka, swerte kapag may nauto ka.

May nabasa na kong post regarding sa nabanggit ko last year, nagpost pa talaga yung na scam ng load sa page with matching screen shot para lang I broadcast ang ginawa sa kanya ng babae, ang mali niya eh naniwala agad siya, malamang pinangakuan siya ng babae na ikinatuwa niya, alam niyo na sagot sa ibig kong sabihin. Ang nangyari? Ayun katatako takot na negative comment ang natanggap niya, nung tinignan ko profile ng nascam……no comment basta alam niyo na sagot.

After mascam nung lalaking nagpost sa page hindi pa rin nadala kasi naghahanap na naman ng babaeng gusto maging girlfriend, in short desperado magkaron ng love life kahit yung ibang tao na nagpopost ng kung anu-ano kagaya ng naghahanap ng matinong boyfriend asan ka na etc…paano ka makakahanap ng matinong boyfriend kung sa caption pa lang sablay na isama mo pa yung picture na medyo daring na kita dibdib, langya puro “Hokage” makakakuha ng atensyon sa ganong post.

Yung iba MEMA lang para kunwari “IN” sila weh di nga? In ka ba talaga? huwag mo lokohin sarili mo kung sino ka man po kuya/ate, gumising ka po sana sa ilusyon na ikaw lang nakakaalam at magising sa katotohanan, huwag mo po lokohin sarili mo. Masakit man tanggapin pero yun talaga ang totoo.

Nung nakaraang buwan may nabasa akong post ng thread starter sa isang forum, konti lang ang nagiwan ng comment pero medyo “Rude” yung iba nga “Spam” pa nga eh, hindi yung Spam na kinakain ha?

Kesyo hindi daw nabanggit yung paid trolls at hindi paid trolls, pati yung maka GO at kung anu-ano pa ang tanong ko.

Libre na nga binabasa niyo nagrereklamo pa kayo, sa Barangay kayo pumunta uso don magreklamo huwag sa gumawa ng nabasa niyo.

Huwag niyo pangunahan, puro kayo batikos sa nabasa niyo, di gumawa kayo ng sarili niyong opinyon sa napupuna niyo ng maramdaman niyo kung ano ibig kong sabihin.

Walang ibig sabihin lahat ng sinabi ko, wala akong pinapatamaan. Sinasabi ko lang opinyon ko sa mga nakikita ko sa social media araw-araw pati na rin sa forum at kung anu ano pa.

Sabi nga sa intro song ng Alabangers Album ni Andrew E.

“Ang sino mang mag react sa sinabi ko…..GUILTY!”



Pages: [1]   Go Up
 

All dates are GMT+8:00. The date now is 11-19-18 01:44 PM
WWW.PINOYDEN.COM.PH does not store any files on it's server, we are just indexing other sites contents!
WWW.PINOYDEN.COM.PH [Ang Tambayan ng pinoy!] © copyright 2008-2009 All Rights Reserved.
Contents published on www.PinoyDen.com.ph requires permission for reprint.

Page created in 0.079 seconds with 21 queries.