Una po sa lahat pagpasensyahan nyo na po kung may mga details kayo na di maintindhan sa post ko kasi 1st thread ko po ito.

Susubukan kong masagot mga tanong nyo sa abot ng aking kaalaman. kung meron man...lol
Q: para saan ba tong kalokohan mo TS?

A: para ito sa mga tao na willing gawing outdoor modem yung tabo nila para makasagap ng mas malakas at mas magandang signal.
Q: di ba may nabibili namang external antenna bakit ka magtatake risk na gawin to sa tabo mo?

A: As the title says kung willing ka lang nman..walang pilitan.

Seriously mas ok sa akin yung ganitong set-up kesa noong naka external antenna ako. mas malakas sumagap yung internal antenna ni tabo kesa dun sa mga external antenna kasi may signal loss na sa sobrang haba ng coaxial cable unlike sa internal antenna na naka rekta sa board.
So lets start!
Things needed:
*commonsense

*tyaga at madaming tyaga
*modem xempre (BM622 sa akin)
*soldering iron
*soldering lead
*multitester
*tupperware or any container na kasya yung board ni tabo ang pinaka mahalaga is hindi pinapasok ng tubig pag nakasara na.
*lan cable (5meters gamit ko)
*telephone cord with jack sa dulo
*push button switch (normally open)
*lan cable extension coupler ( for POE)
*necessary tools...etc!
First step is baklasin ang pinaka mamahal nating tabo


Second is maghanda tayo ng 2 strips of wire para sa push button switch na gagawin natin

Third step is tanggalin natin yung port ng telephone jack at ilipat dun sa katabi nya na walang nakakabit na components. Bakit? Kasi nung tinester ko yung 2 terminals nya may voltage na lumalabas kaya ilipat natin doon sa isang slot na walang components.

Fourth step is i sosolder na natin yung wires doon sa mismong push button at telephone port na nilipat natin para may remote switch tayo sa baba.
dito nyo isosolder yung wires labeled as line 1 and line 2

ganito pag nasolder na




ito yung cables and push button switch na gamit ko



Fifth step is yung DIY Power Over Ethernet adaptor natin (pinaka mtrabaho sa lahat ng procedure so isusummarize ko na lang)
*Optional ito..pwede niyo ng iskip tong procedure na to kung gagamit kayo mahabang extension cord para sa power adaptor nyo. Pero kung sa bubong nyo ilalagay yung adaptor at mababasa ng ulan need mong gawin tong part na to para safe ang tabo pati na din ang bahay at buhay mo 
basahin nyo muna to para may idea na kayo before natin siya gawin
http://en.wikipedia.org/wiki/Power_over_Etherneteto ang POE connection natin sa power board ni tabo
pins 1,2,3,& 6 are dedicated for data connection
pins 4&5 doon tayo magpapadaan ng (-)negative voltage
pins 7&8 for (+) positive line

next is yung sa mismong adaptor na natin
base dun sa pin outline natin pwede na taung mg tap ng positive at negative line ng adaptor natin dun sa isang kabaak nung lan cable coupler natin...

eto mas detailed pin outline ng POE connection

ganito siya pag natapos...label it as PC for pc M for modem hindi pwedeng mgkabaliktad yan baka masira yung PC or laptop nyo pag ngkabaliktad ng kabit kasi yung kabaak nyang coupler is may 12v na supply. yun yung para sa tabo natin para mabuhay.


after that POE procedure e almost done na tayo. kelangan nyo nalang itest if mabubuhay na si tabo gamit yung remote push button switch na ginawa natin.


TADA! eto na si tabo ngayon...outdoor modem na mala Smart Bro!


Here's the result ng outdoor modem ko. Hindi ko makuha yan sa external antenna ko..hehe

credits kay pareng google tska sa mga kapitbahay natin sa kabila.hehehe
Feel free to ask kung nalalabuan kayo...sharing tayo mga tsong
Feedbacks and thanks lang pawi ng pagod ko sa pag gawa ng thread na to....hahaha