Credit to Supertoyantz

Quote:
poster's note: for more stories (including Kwadro
Alas, Bantay ng Computer Shop, Time Machine, Totoy
etc.) of idol Toyantz visit Adult Zone

A short story originally created by Romeo Q. Loņosa III
( TOYANTZ )
Thank you for supporting Kwadro Alas..
Hope that you all have a Merry and Safe Christmas..
Isa sa mga paraan ko para pasalamatan ang lahat ng
tumatangkilik sa Kwadro Alas..

P.S.
Wala pong kinalaman ang story na ito sa ibang story

Start
"Di ka pa ba uuwi Digna ?.. " tanong ng kaklase nyang
babae.
Natigil ang pag mumuni muni ni Digna..
Tila nuon lamang nya napagtanto kung nasaan sya..
Mabilis nyang inayos ang sarili at tumayo..
Nginitian nya ang bestfriend nyang si May..
"Tara na.. " aya ni Digna..
Ngumiti din ito at inalok ang isang kamay..
Sila na lamang pala halos ang natira sa silid aralan.
Halos lahat ng estudyante ay mabilis na nagsisilabasan
kapag tumunog na ang pang huling bell.
Pero hindi sya.
May dahilan sya kung bakit..
At ang dahilan na iyon ay nasa harapan na nya
ngayon..
"Tara na anak.. " aya ni Mang Ronaldo..
Napahigpit ang hawak ni Digna sa kamay ng
bestfriend nya..
Mabilis syang naglakad palabas ng paaralan..
Ni hindi binigyan ng pagbati ang sariling ama..
Nalungkot si May sa inaasal ng kaibigan..
Kumalas sya sa mahigpit na kapit ni Digna ay tumigil
sa tabi ng ama nito..
Tumingin sa kanya ang kaibigan..
Nagtatanong ang mga mata..
"Sige mauna ka na.. Sabay na kami ng tatay mo.. "
sabi nya..
Nalukot ang mukha ng dalaga..
Tinapunan nya ng tingin ang ama sabay tumalikod at
mabilis na naglakad..
Ngumiti ng malungkot si Mang Naldo..
Iika ika syang sumunod sa anak..
Nauunawaan nya ito..
Sadyang masakit lamang sa loob nya ang mga
nangyayari sa anak..
Naramdaman nyang humawak sa kanang braso nya
ang matalik na kaibigan ni Digna..
Sinulyapan nya ito at ngumiti .
"Samahan mo na ang anak ko.. Susunod na lamang
ako.. " sabi nya..
Umiling si May..
"It's ok po Tito.. Mas masarap kayong kasabay kaysa
sa anak nyo.. " biro nya..
Natawa ng mahina si Mang Naldo..
Tinapik nya ang makinis na kamay ng dalaga at
nagsimula ng maglakad..
Habang naglalakad pauwi ay di maiwasang
makaramdam ng awa ni May sa sitwasyon ng
kasama..
Iika ika itong maglakad sanhi ng pilay na paa..
Pasimple nyang pinasadahan ng tingin ang ama ng
kaibigan..
Bagama't malinis namang tingnan ang suot nito.. Nag
mumukha itong pulubi ..
Di nya masisisi ang matanda..
Ito ang janitor ng eskwelahan nila..
Napatingin sya sa nagmamadaling kaibigan..
Malayo na ito sa kanila..
Di nya maiwasang mapailing..
Kahit pa sabihing kaibigan nya ang dalaga..
Minsan ay nais nya itong singhalan, pagalitan.. Murahin
kung maaari.. Para lamang idikdik sa utak nito na
walang kasalanan ang ama sa mga pangyayari..
Silang dalawa ni Digna ay estudyante ng isang
magarang eskwelahan..
Mayaman ang pamilya nila..
Pero higit na mas mayaman dati ang pamilya ni
Digna..
May ari ng isang malaking kumpanya ang tatay nya
na si Mang Ronaldo nga..
Pero sa kasamaang palad..
Isang malagim na trahedya ang nangyari..
Naaksidente ang mag asawa ng minsang mamasyal
ang mga ito..
Binawian ng buhay ang kabiyak ni Mang Naldo, ina ni
Digna..
Napakalungkot na pangyayari ang naganap..
Bata pa sila nuon ng kaibigan nya..
Lahat ng kayamanan ay naitustos sa operasyon ni
Mang Naldo at Aling Lydia...
Pero bigo ang medisina na isalba ang mabait na
ginang..
Tanging si Mang Naldo ang nabuhay..
At ang isang paa nito ang naging kapalit..
Bumagsak ang kabuhayan ng kaibigan nya..
Ngayon ay nakatira na lamang ang mga ito sa kalapit
na skwater sa tabi ng subdivision nila..
Ang dating squater's area na laging hinahamak at
minamaliit ng kaibigan..
"Ahm Ineng.. P-pasensya ka na kung medyo mabagal
akong maglakad ha ?.. " mahinang paghingi ng
paumanhin ni Mang Naldo..
Napangiti si May at umiling..
"Mas masarap talaga maglakad ng may kasama di po
ba Tito ?.." sabi nya..
Tumango ang matanda..
"Tama ka.. Nuong namamayagpag pa ang kabuhayan
namin.. Di ko naappreciate ang ganda ng kalikasan..
Ngayon na lamang dahil naglalakad na lang ako..
Akala ko nuon , dahil sa mayaman kami.. Nakikita ko
na ang buong ganda ng mundo.. Pero di ko akalain
natatabingan pala ng pekeng kaligayahan na dulot ng
pera ang totoo nitong ganda.. " matalinhaga nyang
banat..
Saglit silang nahinto para pagmasdan ang papalubog
na haring araw..
Nature lover din si Mang Naldo tulad ni May..
"K-kamusta na po ba ang lagay nyo ?.. " naglakas loob
syang tanungin ang matanda..
Ito ang unang pagkakataon nyang makapagtanong
mula ng bumagsak ang kabuhayan ng mga ito..
Nahihiya sya na baka isipin ng mga ito na minamaliit o
pinagtatawanan nya ang mga pangyayari..
Paikang lumakad si Mang Naldo at naupo sa isang
bench..
Mabilis na umalalay si May para di na gaanong
mahirapan ang matanda.
Tumingin muna ito sa paligid...
Kapagkuwa'y tinapik ang katabing espasyo..
Naunawaan ni May ang nais mangyari ng matanda.
Mabilis syang naupo sa tabi nito..
Huminga ng malalim si Mang Naldo at ngumiti ng
malungkot..
"Nauunawaan ko ang kalagayan ni Digna.. Dati syang
sunod sa lahat ng luho pagkatapos sa isang iglap.. Ni
baon sa eskwela ay wala sya.. " malungkot na bungad
nito..
Tumango si May.. Nakaramdam sya ng awa sa
kaibigan..
"Di ko alam kung ano ang naging kasalanan ng
pamilya ko.. Pero kung mayroon man.. Sana ako na
lang ang pinarusahan.. Hindi na sana binawi ang buhay
ng asawa ko.. Pati si Digna nahihirapan.. " nagsimulang
mabasag ang tinig nito..
"Pero Tito.. Wala po kayong kasalanan.. May reason po
ang lahat.. " walang ibang masabi si Digna..
Hindi nya alam kung paano pagagaanin ang loob ng
isang tulad ni Mang Naldo..
Ngumiti ang ang matanda..
"Tama ka.. May dahilan nga siguro ang lahat.. At siguro
ang nangyaring sakuna ay para ipaalala sa akin na
hindi ako Diyos porke marami akong pera.. " nakangiti
si Mang Naldo..
Pero batid ni May na hindi ito tunay na ngiti.
Pilit lamang pinapagaan ng matanda ang sitwasyon
kahit na papaano..
Walang mahanap na salita si May..
Sa mga ganitong sitwasyon..
Sabi ng crush nyang si Romeo..
Hindi lahat ng magagandang salita ay
nakakapagpagaan ng sitwasyon..
Kadalasan ay mas mainam ang manahimik at
makinig..
Ang mahalaga ay nanduon sya para alalayan ang
matanda..
Gagawin nya ang lahat para hindi ito mahirapang
makibaka sa buhay..
Hirap na humakbang si Mang Naldo papasok sa dampa
nila..
Masakit na naman ang kaliwang binti nya.
Samantalang ang kanan ay putol na nga sanhi ng
sakuna..
Nakarinig sya ng kalabog na nagmumula sa kwarto ng
anak..
Kahit na maliit ang bahay nila..
Sinikap nyang magkaroon ng kwarto si Digna..
Para sa privacy ng anak.
Nakasimangot itong lumabas ng kwarto..
"Saan na naman ba kayo galing Dad ?.. " tanong ni
Digna..
Nagkibit balikat lang si Mang Naldo.
"Dyan sa kapitbahay anak.. Nakiluto ako ng sinaing.. "
nakangiting sabi nito..
Napansin nga ni Digna na may hawak na kaldero ang
ama..
Kumunot ang noo nya..
"Bakit ?.. Ano na nangyari sa kalan natin ?.. " tanong
nya.
Pumasok si Mang Naldo at nilapag ang kaldero sa
maliit na mesa..
"Wala na anak.. Nuong isang araw pa.. Nakikiluto na
lang ako dyan sa kapitbahay natin.. Eh bilang kapalit
sa gaas.. Ako na din ang nagluluto ng kakainin nila..
Bale nakikisabay lang talaga ako.. " nakangiting sabi
nito..
Nanlaki ang mga mata ni Digna..
Umahon ang hiya sa loob nya..
"Grabe naman Dad.. " tanging nasabi ng dalaga..
Napangiti parin si Mang Naldo.
"Oh kain na .. Lalamig yan.. Tirhan mo ako at babalik
pa ako don.. May naiwan pa akong niluluto.. " sabi nito
at paika ika uling lumabas ng dampa..
Napatingin na lang si Digna sa ama..
Nais nyang maawa..
Hirap itong maglakad..
Nawala na ang lahat sa kanila mula ng mangyari ang
aksidente.
Karangyaan.. Kasikatan.. Buhay ng Mommy nya..
Ang kanang binti nito..
Di nya alam kung paanong tinanggap na lamang ng
ama ang mga pangyayari.. Dating matayog at
mapagmalaking lalaki si Don Ronaldo .. Pero sa isang
iglap.. Eto ang ama nya.
Nasa kahiya hiyang sitwasyon..
Pinilig ni Digna ang ulo nya at sinilip ang niluto ng
ama..
Napangiwi sya ng makita ang dalawang piraso ng
galunggong na nasa loob ng maliit na kaldero na
naglalaman ng sinaing..
Sa buong buhay nya hindi pa sya nakakaranas
makakain ng ganitong pagkain..
Imbes na kumain, pinili na lamang nyang matulog.
Mabilis na lumipas ang mga araw..
Pasko na ..
Unang pasko na wala ang ina .
"Sasali ka ba sa Christmas Party Digs ?.. " tanong ni
May..
Napangiti ng malungkot si Digna..
"D-di ko alam bes.. " sabi nya..
Tumango si May at tumabi sa kaibigan..
"Ako rin. Di na lang din siguro ako sasali.. Mag mall na
lang tayo.. " aya nya..
Lalong nawala ang sigla sa mukha ng dalaga..
Nuon, isa sya sa mga nagpaparticipat e sa mga
ganitong event..
Pero dahil nga sa wala na silang pera.. Hindi na nya
magagawa ang mga nakasanayan nya.
"Pass muna ko May.. " malungkot na sabi nya..
Tumango ang kaibigan ..
Mabilis itong lumipat sa dating upuan ng pumasok ang
guro..
Break time..
Kinapa ni Digna ang bulsa..
Wala na syang pera..
Kanina ng nag exam sila.. Nagbayad sya ng 50 pesos..
Nahihiya naman syang manghingi sa kaibigan kaya
imbes na mag recess.. Tiniis na lang nya ang sariling
gutom..
Nilabas na lamang nya ang isang notebook nya para
mag aral.. Pero ang totoo ay upang itago ang
sitwasyon nya..
Nais nyang magkaroon ng idadahilan sa mga
kaklaseng magtatanong o mag aaya sa kanya para
mag break..
Ilang saglit pa ay nakarinig si Digna ng sitsit..
Paglingon nya ay nakita nya ang ama..
May hawak pa itong mop..
Nakangiti nitong tinaas ang isang kamay para ipakita
ang dalang plastic..
Nanlaki ang mga mata ni Digna..
Mabilis nyang sinara ang notebook at halos liparin na
ang distansya nila ng ama..
Madiin nya itong hinawakan sa braso para akayin sa
isang sulok ng hallway..
"Dad !.. What are you doing here ?.. " galit na tanong ni
Digna..
Napakunot ang noo ni Mang Naldo..
"Hinatid ko itong baon mo anak.. Nasalubong ko kasi si
May.. Sabi nya nagbayad daw kayo ng exam kanina
kaya sigurado akong wala kang pera.. Alam kong
gutom ka na kaya ito.. Sayo na lang itong baon ko. "
nakangiting inabot ng matanda ang plastic na
naglalaman ng pagkain..
Pakiramdam ni Digna ay tumayo ang ilang balahibo
nya ng makita ang nasabing pagkain..
Mabilis nyang nilingon ang paligid..
Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang mga
kaklaseng babae na nagtatawanan at papalapit sa
kanila..
Di na nakapag isip ng maayos ang dalaga.
Natabig nya ang kamay ng sariling ama dahilan para
tumilapon ang dala nitong supot ng pagkain..
Patakbo syang bumalik sa kwarto..
Kinipkip ang lahat ng gamit at walang lingon lingon na
lumabas ng silid..
Nagulat man... Wala ng nagawa si Mang Naldo kundi
sinupin ang natapong pagkain..
Nauunawaan nya ang anak.. Bagama't gusto nyang
magalit..
Pinili na lamang nyang intindihin ito..
Pinilit nyang yumuko para damputin ang pagkain ng
may isang pares ng kamay na nauna sa kanya..
Pagtingin nya ay nasa harap nya ang isang gwapong
binata..
Ngumiti si Mang Naldo para magpasalamat..
"S-salamat iho... Estudyante ka ba dito ?.. " tanong
nya..
Umiling ang binata..
"Di po.." sagot nya..
Napakunot ang noo ni Mang Naldo..
"Ah ganon ba.. Siguro may dinadalaw ka lang.. S-sige
mauna na ako.. " sabi nya..
Paika ikang naglakad si Mang Naldo..
"Anak nyo po ba yon ? .. " tanong ng binata..
Napahinto ang matanda.
Naisip nyang kung ipagtatapat nya ang tunay nilang
relasyon ni Digna.. Baka mapahiya ang anak nya dahil
isa na lamang syang hamak na janitor..
Nilingon nya ang gwapong binata at dahan dahang
umiling..
Masakit sa loob nya ang ginawa..
Pero batid nyang ito ang dapat..
Para sa anak..
Sa kabiglaan ni Mang Naldo..
Tumawa ang binata..
"Di nyo na po kailangang magsinungaling. . Narinig ko
na tinawag nya kayong Dad.. " sabi nito..
Natigilan si Mang Naldo..
Maya maya ay hinarap nya ang binata..
"P-pakiusap iho.. Itago mo na lang yang nalalaman
mo.. Baka mapahiya ang anak ko.. " pakiusap nya..
Nawala ang ngiti sa mukha ng gwapong binata..
Hinawakan nito ang baba..
Tila nahulog sa malalim na pag iisip..
Maya maya ay ngumisi..
"Sige po.. Alis na po ako.. Baka naiinip na yung mga
kapatid ko.. " sabi ng binata.
Inakbayan nya ang matanda at kinapa ang bulsa ng
damit nito..
Mabilis na sinilid ang hawak pagkatapos ay naglakad
palayo..
Tumango ang matanda at ngumiti.. Hinatid nya ito ng
tanaw..
"Iho saglit lang.. Ano bang pangalan mo ?.. " tanong ni
Mang Naldo..
Huminto ang binata at lumingon..
Ngumisi ito..
"Spade po.. Ako po ang Ace of Spades.. " sabi nya
sabay nagmamadaling umalis..
Naiwan si Mang Naldo na natitigilan..
Akmang babalik na sya sa pwesto ng may mapansing
kakaiba..
Kinapa nya ang bulsa ng damit..
Kumunot ang noo.
"Ano ba itong kalat na ito.." natatawang sabi nya..
Hinugot nya ang kalat mula sa bulsa..
Para lamang magulat..
Ang inakala nyang kalat ay isang bungkos ng pera..
Tulala sya.
Inisip ang mga pangyayari kung paano sya ng karoon
ng ganun kakapal na pera..
Hanggang sa maalala nya ang pag akbay ng gwapong
binata..
Nais mapaiyak ni Mang Naldo sa naisip..
"S-salamat Spade.. " tanging nasabi nya..
Hinihingal na huminto si Digna sa tapat ng isang
malaking puno..
Napansin nya ang bench sa tabi nito kaya dali dali
syang naupo..
Mabilis pa ang tibok ng puso nya..
Guilty sya sa ginawa nya.
Aminado syang mali yon..
Pero no choice na sya kanina..
Kung di sya tumakbo ay malamang na makikita sya
ng mga kaklase nyang sosyalera..
At siguradong laman na sya ng chismisan ng mga ito..
Ayaw na ayaw nyang pinag uusapan..
Kung dati ay makakapalag sya..
Iba na ngayon...
Di na nya kayang makipagsabayan dahil sa nag iisang
dahilan..
Hindi na sila mayaman..
Sa naisip ay lalong kumulo ang dugo ng dalaga sa
ama..
"It's all your fault Dad !.. " gigil na sabi nya..
Sumandal sya sa sandalan ay pinikit ang mga mata..
Pinayapa ang sarili..
Ilang saglit pa..
Nagulat si Digna ng makitang madilim na..
"Gosh..Nakatulo g ako.. " kinakabahang sabi nya..
Mabuti na lamang at hindi sya nakatago ng
masasamang loob..
Mabilis nyang sininop ang mga gamit at mabilis na
tumayo..
Sa pagtayo nya ay kumalam ang sikmura nya..
Napangiwi si Digna.
Wala syang kain mula pa kaninang umaga..
Tuyo kasi ang ulam nila..
At hindi hindi sya kakain nuon..
Kaninang tanghali naman ay di rin sya nakakain dahil
nga sa ginawa ng ama..
Nakakahiya..
Galit na nagpatuloy maglakad si Digna..
Nakayuko sya ..
Nahihiya at natatakot ng sabay..
Ilang saglit pa ay may nadaanan syang nag titinda ng
siomai..
Nanuot sa ilong ng dalaga ang amoy..
Pero dahil sa walang pera..
Pinili nyang lampasan na lamang ito..
"Psst !.. " sitsit ng isang boses..
Nagulat si Digna at natakot..
Lumingon lingon sya..
Wala..
Lalo lang syang natakot kaya mabibilis ang mga
hakbang nyang lumayo sa lugar..
"Wag kang matakot.. " muling may nagsalita..
Di na lumingon si Digna..
Lakad takbo na ang ginawa nya..
Hanggang sa mapatili ng may mabanggang isang
katawan..
"Ssshhh.. Tae naman.. " sabi ng isang lalake sabay
takip sa bibig ni Digna..
Nagpanic ang dalaga..
Inipon nya ang lakas at kumawala dito..
Pero ng mapatitig sya sa mga mata ng nasabing lalake
ay di nya maintindihan ang sarili..
Malamlam ang mga mata nito.
Tila hindi gagawa ng kung anong masama..
"Oh ano ?.. Bibitawan na kita ha ?.. Tinatakot mo ko sa
sigaw mo eh .. " nakangiwing sabi nito..
Nagsalubong ang mga kilay ni Digna..
"Wag kang magalit.. Bibitawan na kita ha ?.. " sabi pa
nito..
Tumango ang dalaga.
Ngumiti ang lalake..
Dahan dahang inalis ang kamay..
"Ayan.. " sabi nya..
Huminga ng malalim si Digna..
"What the hell are you doing ?.. Are you kidnapper ?..
Sorry to say pero wala akong pera.. Poor lang kame..
So if you excuse me.. I need to go home.. " mabilis at
sunod sunod nyang pagtataray..
Natakot ang lalake at hinawakan ang dibdib..
"Wag mo naman akong englishin.. " sabi nya..
Nagulat si Digna .. Di nya inaasahan ang sinabi nito..
Kaya kahit na ayaw nya.. Bigla syang natawa..
Napangiti ang lalake..
"Yan.. Mas maganda ka kapag nakangiti.. " sabi nya..
Namula ang mga pisngi ni Digna..
Inirapan nya ang lalake at nagsimulang maglakad..
Pero biglang kumalam ang sikmura nya..
Nahihiyang napangiwi ang dalaga..
Natawa ang lalake..
Minuwestra nito ang isang direksyon..
Paglingon ni Digna ay nakita nya ang isang parang
kariton..
"Ano yan ?.. " tanong nya..
Napakamot sa batok ang lalake..
"Maliit na negosyo.. Kakabukas ko lang kasi.. Dati
akong magtataho.. Eh mukhang malakas na sideline
itong Siomai eh.. " sabi nya..
Napalunok si Digna..Muling kumalam ang sikmura nya..
"Wala akong pera.. " tanggi ni Digna..
Natawa ang lalake..
"Di ko naman sinabing bayaran mo.. " sabi nya..
Nanlaki ang mga mata ng babae... Nagsimula syang
magduda..
"Baka may something yan ha ?.. " tanggi nya..
Nagkibit balikat ang lalake..
"Ikaw ang bahala.. Kumbaga.. Free Taste ko sana ..
Titingnan ko lang sana kung masarap.. Wala kasing
nagdadaan sa parteng ito kaya nung nakita kita..
Pasensya na pero sinitsitan kita.. " natatawang sabi
nya..
Napangiti din si Digna..
"Bakit ka kasi dito nagtinda ?.. " tanong nya..
Natawa lalo ang lalake..
"Bobo ko nga eh.. Hayaan mo na.. Tikman mo na lang
tapos sabihin mo kung masarap.. Bilisan mo kasi lilipat
ako dun sa parteng yon.. Medyo maraming tao.. "
tinuro nito ang isang lugar.
Umiling si Digna..
"Wag dyan.. Mayayaman ang mga tao dyan.. Dun ka
sa malapit samin.. Maraming bibili nyan siguro.. "
suhestyon nya.
Napangiti ang lalake..
"Ganun ba ?.. Sige.. Bilisan mo na.. Baka wala akong
mabenta.. " sabi nya..
Di na nagpatumpik tumpik si Digna.
Paborito nya ang Siomai kaya mabilis syang lumantak..
Sumubo sya ng isa at ninamnam..
Napapikit ang dalaga..
Pagdilat nya ay nanlalaki ang mga matang napatitig
sya sa kaharap..
"Damn.. ! . It's so good.. Paano mo to ginawa ?.. "
tanong ni Digna..
Nagkibit balikat ang lalake..
"Tyamba siguro.. Ano masarap ba ?.. " tanong nya.
Nanlaki lalo ang mga mata ni Digna..
"Hellooo.. Sabi ko nga So Good eh.. Yayaman ka dito !..
" sabi nya..
Tila hindi naman natuwa ang lalake..
Nagtaka si Digna..
"Oh bakit parang malungkot ka ?.. Ayaw mo bang
yumaman ? .. " tanong nya..
Nagsalok pa ang lalake ng isang siomai sa platito ni
Digna..
"Di naman sa ganon.. Lahat naman siguro ng tao gusto
ang maging mayaman.. Pero nakakatakot kasi.. " sabi
nya..
Natawa si Digna..
"Nakakatakot ang maging mayaman ?.. " tanong nya..
Tumango ang lalake.
"Oo.. Mahirap na kasing hanapan ng kaligayahan ang
taong nasa kanya na ang lahat..Lagi na lang kulang
ang tingin nya sa isang bagay.. Parang natatakot di
ba ? .. Hindi mo na makikita ang tutoong kulay ng
isang bagay kasi naka focus ka na panlabas nito..
Kukunin mo na ang lahat.. Kasi marami kang
pera..Gusto mo ikaw na ang nakahihigit.. Nakakatakot
kaya yon.. Okay na ako sa pagiging tindero ng siomai..
" paliwanag nito.
Natigilan si Digna..
Di nya akalaing makakarinig sya ng mga ganitong
pananalita sa isang tindero lamang ng siomai..
Napatingin sya sa maamo nitong mukha..
"Hindi naman lahat nabibili ng pera.. At hindi lahat ng
tanong ay pera ang kasagutan.. Siguro naman alam
mo na yan kasi mukha ka namang matalino.. "
nakangiting sabi nito..
Hindi nakapagsalita ang dalaga.
"Oh ano na ?.. Masarap naman di ba ?.. Pupunta na
lang ako dun sa lugar na sinasabi mo.. " sabi ng lalake.
Walang nagawa si Digna kundi tumango..
"Oh sayo na to.. Iuwi mo sa Daddy mo.. Pakisabi na
wag syang mawawalan ng paniniwala at takot sa
Lumikha.. " sabi ng lalake sabay tinulak na ang kariton
nito ng siomai..
Naiwang tulala si Digna..
Hanggang sa mamalayan na lang nya na dinadaan
daanan na sya ng mga tao..
Parang robot syang umiwi..
Nawala na sa isip ni Digna ang pangyayari..
Hindi na rin nya masyadong nakakasama ang ama
dahil lagi na itong wala sa bahay..
Palapit na rin ng palapit ang christmas party nila..
Pero wala na syang balak sumali dahil sa bukod sa
wala silang pera...Parang nauumay na sya na dumalo..
Sa di nya malamang dahilan..
Tumabi sa kanya ang kaibigan..
"Sama ka ?.. " aya ni May..
Napakunot ang noo ni Digna..
"Saan ?.. " tanong nya..
Ngumiti ang dalaga.. Tila kinilig ito..
"Dun sa kabilang school.. Nabalitaan ko kasi na may
program daw na gaganapin yung Kwadro Alas.. Nuod
tayo.. " sabi nito..
Napakunot ang noo ni Digna..
"Anong Kwadro Alas ?.. " tanong nya..
Pinaikot nito ang mga mata..
"Helloo.. Ewan ko ba sayo.. Sumama ka na lang.. Teka
si Tito Ron ?.. " tanong nya..
Nagkibit balikat si Digna..
"Puntahan natin dun sa quarters ng mga maintenance..
Ayain natin..." sabi ni May..
Umiling ang dalaga.
"Sus wag na.. Dyahe no.. Tayo na lang.. " sabi nya..
Nalungkot si May..
"K-kaw bahala.. " sabi na lang nya..
Maraming tao sa dinayo nilang ewskwelahan..
Marangya din ito tulad ng kanila..
Halatang may mga sinabi din ang mga nag aaral..
Pagpasok nila ay biglang nag sigawan ang mga tao..
"Simula na !.. " sabi ng isa..
Nagtakbuhan ang mga ito patungo sa open grounds ng
school..
Napatakbo na lang din sina May at Digna..
Pagdating nila ay nakakita sila ng improvised stage..
May mga disendyo na pang pasko..
"Ano bang meron ?.. " tanong ni Digna..
"May program nga.. Paulit ulit.. " natatawang sagot ni
May..
Nanahimik na lang si Digna at nanuod..
Ilang saglit pa ay pumailanlang ang masayang tugtog
na pang pasko..
Naghiyawan ang mga tao..
Hanggang sa lumabas ang apat na binata..
Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao kabilang na
ang kaibigan nya..
Infairness.. Lahat gwapo..
Pero napako ang mga mata nya sa lalaking nakaitim..
Pamilyar ang mukha nito..
Parang nakita na nya.
Ilang saglit pa ay nagsalita ang nakaitim na lalaki..
"Ahem ahem.. Ano lagay natin ?.. " tanong nito..
Naghiyawan ang mga estudyante..
"Ayos pa ba ?.. " inagaw ng isa ang mic mula sa
lalaking naka itim..
Nagsigawan ng pag sang ayon ang mga tao..
Muling inagaw ng nakaitim na lalaki ang mic..
"Tangnang to.. Manahimik ka nga dyan.. Anyway..
Before anything else.. I would like to call a very specia
person.. Masyado akong namangha sa katauhan ng
isang ito.. Nakakabilib.. Ay pota.. Naiiyak ako.. Sige na
nga.. Let us all welcome .. Mang Naldo !.. " pakilala ng
lalake..
Nagpalakpakan ang lahat ..
Maliban kina May at Digna.. Nagkatinginan pa sila.
"Don't.. Please .. Sana hindi si Dad.." dasal ni Digna..
Unti unti ng gumagapang ang hiya sa katawan nya..
Hanggang sa umakyat ang isang matandang
nakasaklay..
Halos panawan ng ulirat si Digna..
Napatingin sya sa di kalayuan..
"Si Mang Naldo yan ah ?.. Janitor namin yan sa
school !.. " sabi ng isa..
Namukhaan ito ni May .. Kaeskwela nila..
Tiningnan nya ang kaibigan..
Tulala ito..
Nangingilid na ang mga luha..
"Hanep si Mang Naldo !.. Sikat na pala... " sigaw ng isa..
Nais takpan ni Digna ang mga tenga nya..
Lumingon lingon sya sa paligid..
Nakukuha na nila ang atensyon ng marami..
Pati mga magulang nga mga estudyante ay nanunuod
na rin sa ginagawa ng ama nya..
Kahiya hiya talaga..
"Mang Naldo.. Gusto po namin ibigay ito sa inyo.. " sabi
ng chubby na lalake..
Nilabas nito ang isang sobre..
"Tseke po yan.. " pahabol pa nito..
Pero binatukan ito ng isang lalake na nakapula..
"Wag mong gawing tanga si Mang Naldo.. Alam nya
yan.. " sabi nito..
Nagtitigan sila..
"Mga siraulo kayo.. Anyway Mang Nalds.. Eto pa po.. "
sabi ng isa..
Naglabas ito ng isang mamahaling violin..
"Nakwento sa amin ni Rom na marunong daw po
kayong tumugtog ng violin.. Special po yan ..
Customized at personalized.. Pero sa inyo na po.. " sabi
ng binata..
Naluluhang tumango si Mang Naldo..
Nagpasalamat sya sa apat na binata..
Nagpalakpakan ang mga tao..
Pero sa may umepal..
"Sus !.. Wala na ba ?.. Tatakbo ba kayong
Congressman ?.. Ahaha.. Ang korni nyo !.. " sigaw ng
isang malaking lalake..
Halatang mayaman ito base sa pananamit..
Natawa ang katabi nitong parang bouncer..
"Naiiyak na ako !.. Tangna.. !.. Mag silayas nga kayo
mga uhugin !.. Wala bang live show ?.. Anong
mapapala namin sa lumpo na yan ?.. Ni hindi ko nga
kilala yan !.. " sigaw pa nito..
Naiyak na si Digna sa mga narinig..
Pinigilan nya ang pagluha pero unti unti na itong
pumapatak..
Akmang tatalikod sya para sana tumakbo at mag
walkout..
Pero may nabangga syang katawan..
Pag angat nya ng tingin ay ang nakangiting mukha ng
lalakeng nag titinda ng siomai ang nakaharang..
"Where are you going ?.. Stay here and watch .. " sabi
nito..
Nais magtaka ni Digna.
Ang pagkakatanda nya ayon sa sinabi nito ay di ito
nakakaintindi ng salitang ingles..
Pero fluent ang pagkakasabi nito ng mga kataga..
Naramdaman nya ang kamay nito na pinipigilan ang
braso nya..
Ngumiti ang lalake..
"Mamaya na ang tanong.. Manuod ka muna.. " sabi pa
nito..
Nahihiwagaang napatango si Digna..
Kahit ayaw nyang panuorin ang mga pangyayari ay
wala naman syang magawa dahil nakaharang ang
malapad na katawan ng lalake sa daraanan nya..
Kaya pumihit sya para tingnan ang mga susunod na
mangyayari..
Pagtingin nya sa stage ay wala na ang apat na binata..
Tanging ang ama na lamang nya ang natira.
Nahawi ang makapal na bilang ng tao..
Mabagal na naglalakad ang apat na binata..
Lahat na katiim ang bagang at halatang galit..
Kita nya ang takot sa mukha ng ibang estudyante..
Pero mukhang wala itong epekto sa dalawang
umepal.
Bakit nga naman.. Di hamak na malalaki ang katawan
ng dalawang ito kumpara sa apat na binata..
"Oh baket ?.. Ang aangas ng mukha nyo ha ?.. Gusto
nyo bang balasahin namin kayong apat ?. " maangas
na sabi ng isa..
Pero huminto ang lalaking nakaitim at ngumisi..
"Baket kami mag aaksaya ng oras sa mga panget na
tulad nyo ?.. Eh kung ma expel kame ?.. " nakangising
sabi nito..
Natawa ang dalawa..
"Bakla pala to.. Ahaha.. Sige boy.. Umuwi na kayo at
tawagin nyo mga tatay nyo.. !.. " sigaw pa ng isa..
Nagkibit balikat ang lalaking naka itim..
"Sure ka na tatawagin namin tatay namin ?.. " tanong
nito..
Lalong natawa ang dalawang mokong..
"Kahit sino !.. Pulis ako tanga !.. " sabi nito..
Pero halos malaglag ang baga nito ng biglang may
malakas na batok ang tumama sa likod ng ulo nito..
Galit na lumingon ang lalake..
Pero nanliit sya ng makita ang kapre sa likod nya..
"Problema pare ?.. " baritonong tanong ng matangkad
na lalake..
Naumid ang dila ng isa..
"W-wala.. " sabi nito..
Natawa ang lalaking matangkad..
Umangal ang lalaking nagsabi na pulis sya..
Binuksan nito ang suot na shoulder bag para ilabas ang
baril pero may kamay na pumigil sa kanya..
Pagtingin nya ay napapalibutan na sya sila.
"Ano Pareng Primo ?.. Takalan na natin to.. " sabi ni
Denzel..
Tumango si Nestor..
"Oo nga pare.. Mayayabang eh.. Lalo na to oh !.. "
dinuro nito ang nagpakilalang pulis..
"Pulis ka ba talaga ?.. Asan tsapa mo ?.. Ano bang
station ka ?.. " tanong ni Gustavo..
Inakbayan ni Vincent ang isa..
Walang sabi sabing sinikmuraan..
Napangiwi ito sa sakit..
"T-teka .. " pigil nito..
Pinitik ni Zack ang ilong ng lalake ..
Napangiwi ito at umatras..
Akmang tatakas..
Pero nakaharang ang kapre..
"Kasama to di ba ?.. " tanong ni Rigor sabay dakot sa
kwelyo ng lalakeng may malaking katawan..
Kinwelyuhan din ni Gustavo ang isa at sabay nilang
nilapit kay Primo..
"Hatol insan ?.. " tanong ni Gustavo..
Napatingin si Primo sa anak nyang si Romeo..
Lumapit ang Kwadro Alas.
"Kaw may kasalanan kuya.. " sabi ni Romeo..
Nagtatanong ang mga mata ng lalake..
"Sabi mo kasi tawagin namin mga tatay namin eh.. "
natatawang sabi ni Darius..
"Lagot kayo ngayon.. " pananakot ni Rhoi..
"Papitik nga din Uncle Rigs.." hirit ni Aldrin sabay pitik
sa ilong ng lalakeng hawak ni Rigor..
Natawa ang mga tao..
"Anong gagawin natin dito anak ?.. " tanong ni Primo..
Nagkibit balikat si Romeo..
"Kiber ko dyan.. " sabi nya..
Natawa ang mga tatay..
"Kiber daw pare.. Meaning.. tayo na bahala.. Hehe.. "
nanlisik ang mga mata ni Vincent..
Tumango si Primo..
"Sige.. Sa likod ng building.. " nakangising sabi nya..
Naghiyawan ang mga tatay..
Pero pagtalikod nila..
Natulala sila ng makita ang mga asawa..
"San kayo pupunta ?.. " nakataas ang isang kilay na
tanong ni Alexa ..
Napangiwi si Primo..
"Uuwi na .. Ay sya ngapala My Queen.. New Friends
namin oh.. " halos mabulunan na sabi nya..
Napakunot ang noo ng mga nanay.
"Friends ?.. Bakit parang hinaharass nyo ?.. " tanong ni
Annette..
Umiling si Denzel..
"No honey.. New friends yan... Di ba guys ?.. "
kinakabahang paghingi nya ng pag sang ayon.
Napalunok ang lahat ng isa isang magdatingan ang
mga asawa nila.
"TOMO.. " sagot ni Zack.. Pero napangiwi sya ng
pingutin ni Sab..
"Uwi !.. " mataray nitong utos..
Tumawa ng malutong si Rigor..
"Mga UNDER !.. " pagmamalaki nya..
"Regidor Dimagiba !.. " sigaw ng isang boses sa likod
nya..
Nagulat si Rigor..
Halos muntik ng tumigil ang pagtibok ng puso nya..
Dahan dahan nyang nilingon ang pinanggalingan ng
boses..
"H-hi Strawberry Pie.. " malambing nyang bati sa
asawang si Heidi..
Napasimangot si Heidi at tinuro ang malaking tyan..
"Strawberry Pie your face !.. " singhal nito..
Napangiwi ang kapre at tumiklop..
Sinulyapan ni Primo ang mga kapwa nya tigasin..
Lahat natalo na...
Naalala nya ang apat na binata..
Lumingon si Primo sa anak..
Pero halos mapatili sya ng makitang kumaripas na rin
ng takbo ang kwadro alas..
Natulala si Digna..
"Who are they ?.." tanong nya..
Ngumiti ang lalake..
"Kahit sino pa sila.. It doesnt change the fact na kahit
hindi nila kilala ang tatay mo. Pinagtanggol nila.. Hindi
sila tumitingin sa antas ng buhay ng isang tao.. Bagkos
dito.. " tinuro nito ang puso..
Napalunok si Digna..
"Actually.. They we're just friends.. Except for Primo
and Gustavo.. Mag pinsan sila.. Bukod sa kanila.. Wala
ng magkamag anak dyan.. Pero meron sila na wala
ka.. " sabi ng lalake..
Napatingin ang dalaga..
"A-ano yon ?.. " tanong nya.
"Love for your family.. Respect and Loyalty.. " diretsong
sabi nito.
Natulala si Digna..
Unti unti ng tumulo ang kanina nya pa pinipigilang
luha..
"S-sorry.. " sabi nya..
Umiling ang tindero ng siomai.
"Wag saken.. Sa tatay mo.. Mabuti syang tao.. Mag isa
nyang hinaharap ang problema nyo sa araw araw sa
kabila ng kapansanan.. Kamangha mangha.. Di ako
magtataka kung bakit sya napili na bigyan ng parangal
ng Kwadro Alas.. " sabi pa nito..
Lalong naiyak si Digna..
Pakiramdam nya ang sama sama nya..
"Wag mo na sayangin ang luha mo.. " biglang banat ng
isang boses..
Paglingon nya ay yung lalaking nakaitim.
"Wag kang umepal Romeo.. " sabi ng lalake..
"Ang bagal mo eh.. Ano pa bang sinasabi mo dyan
Totoy ?.. " epal ni Romeo..
Nagtaka si Digna..
"Magkakilala kayo ?.. " tanong nya..
Tumango ang dalawa..
Nuon lamang napansin ni Digna ang malaking
pagkakahawig ng mga ito..
"K-kambal kayo ?.. " tanong nya..
Nagkatitigan ang dalawa..
Pero sabay din silang napangiwi..
"Yuck ! .. " sabi ni Totoy..
"Pwe !.. Di hamak na ang layo ng kagwapuhan ko
kumpara mo sa tindero ng kung ano ano.. " pang aasar
ni Romeo..
Nais matawa ni Digna.
Pero naalala nya ang ama..
"Si Dad !.. " sambit nya..
Nginuso ni Romeo ang backstage..
"Nandun.. Pinakain ni Taba.. Sumunod ka na... " sabi
nya..
Napangiti ang dalaga..
Hinawakan nya sa kamay ang kaibigan si May na
tulala na sa dalawang binata..
Marami syang dapat ihingi ng tawad sa ama..
Di nya alam kung paano sisimulan..
Pero bahala na..
Ang importante masabi nya dito kung gaano nya ito
kamahal..
ITo na lamang ang natitira nyang kamag anak..
Di nya hahayaang malungkot ito sa mga nalalabing
araw nito sa mundo..
Masayang hinatid ng dalawa ng tingin si Digna.
Siniko ni Romeo si Totoy..
"Nakita ko pare.. " nakangising sabi nito.
Nagtaka ang kalahating anghel..
"Ang alen ?.. " tanong nya..
Lalong ngumisi si Romeo..
"Hinawakan mo yung boobs.. Nakita ko.. Pasimple
lang.. " sabi nya..
Nanlaki ang mga mata ni Totoy at sinakal ang binata..
"Langya ka !.. Nakita mo pa yon ?.." natatawang
tanong nya..
Natatawang umiwas ang binata..
"Pero infairness pare.. Ang ganda ng ginawa nyo.. "
sabi ni Totoy..
Nagkibit balikat si Romeo..
"Wala yon.. " sabi nya..
Napangiti si Totoy..
"Ikaw nga ata ang kalahating angel sa ating dalawa.."
sabi nya..
Kinilabutan si Romeo..
"Gago !.. " tila nandidiring sabi nito..
Natawa si Totoy..
"Anyway.. Saan galing yung perang nilagay mo sa
bulsa ng damit nya ?.. " tanong nya..
Napakamot sa batok ang binata..
"Pati ba naman yon nakita mo pa ?.. " tanong nya.
Tumango ang kalahating anghel..
"Dun sa tatlo.. Ambagan namin yon eh.. Sabi ko mag
ambagan kami pang gawa ng T-Shirt.. Ahihi... Yari na
naman ako.. Wala na yung pera nila.. Ahihi.." landi ni
Romeo..
Napabungisngis si Totoy..
"Ginulangan mo na naman yung tatlo.. " sabi nya..
Nagkibit balikat lang si Romeo..
"Ang bait ni Mang Naldo.. " sabi nya..
Tumango ang kalahating anghel..
"Tama ka.. Mahirap na sa sitwasyon nya ang
makarecover.. Pero dahil sa hindi sya nawawalan ng
pananalig sa Maylikha.. Nananatili syang matatag.. "
humahangang sabi nya..
Tumango si Romeo..
"Sa estado ng buhay ng mga tulad ni Mang Naldo..
Hindi na lang kayamanan at karangalan ang
nawawala.. Kundi pati paniniwala.. Minsan.. May mga
taong naghahanap ng masisisi sa mga kamalasang
nangyayari sa buhay nya.. Sa kakahanap nya ng
masisi.. Hindi na nila nabibilang ang mga bibiyang mas
higit nilang natatanggap.. " paliwanag nya.
Napangiti si Totoy..
"Ganun talaga .. May mga tao na kung ano ano ang
hinahanap.. Pero di naman nila talaga naiintindihan ang
hinihingi nila.. Imbes na manghingi ka ng kung ano
anong materyal na bagay.. Hilingin mo na lang na
nawa'y manatili kang malusog at matatag sampu ng
pamilya mo at mga mahal sa buhay.. Sapat na yon
para harapin ang mga hamon sa buhay.." sagot nya..
Nag inat si Romeo..
"Natatawa ako sa mga sabi ng sabi ng SMP .. Porke
pasko.. Requirements na daw na dapat may kayakap
sila.. Kaululan..Kaman gmangan.. Literal at
ileteral..Nakak abobo na talaga.. " maasim na sabi
nya..
Natawa si Totoy..
"Nasasabi mo yan kasi walang nagtatagal na babae
sayo.. Babaero ka kase.. " pang aasar nya..
Pero binigyan lang sya ng dirty finger ng binata..
"Nagugutom na ko.." sabi ni Romeo..
Pero nanlaki ang mga mata nito ng may
makasalubong na magandang babae..
"Hi miss.. I'm Romeo.. But you can call me mine.. SMP
ka ba ?.. SMP ako eh.. Bakit di natin gawan ng
paraan ?.. " banat nya..
Natulala ang babae..
Kinalawit ni Totoy ang binata sa leeg..
"Siraulo ka talaga..Kumain na nga tayo.." sabi nya..
Napangiti si Romeo..
Inakbayan nya si Totoy at naglakad na sila patungo sa
iba pa..
Napatingin ang isang estudyante sa dalawang
binatang magkaakbay..
Di nya maiwasang kilabutan..
Yung isa puting puti sa suot nitong white polo at white
slacks..White din ang sapatos..
Habang si Romeo ay Itim na itim... Black Polo , black
slacks at black shoes..
Kung titingnan sila sa malayo ay parang yin at yang na
magkadikit..
"The Angel and The Demon.. " sabi nya sa sarili..
End of Special Story..
Muli..
Maligayang Pasko po..
Maraming Salamat sa patuloy na Pagsuporta..
Originally Created by : Romeo Q. Loņosa III
( TOYANTZ )