Wala sa Estado ang PAGKAKAMALI - PINOYDEN


Go Back   PINOYDEN > Tambayan Zone > Arts and Literature

Welcome to PinoyDen Forums.

You are currently browsing our forum as a guest, please consider registering to get full access to all of our forum features, download free games, get help for your pc and cellphone problems and learn new mobile tricks like how to browse the internet using your cellphone for free. All that and more, so what are you waiting for, JOIN us now!!!! Click here to register...
 Topic: Wala sa Estado ang PAGKAKAMALI  (Read 228 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Pages: [1]   Go Down
12-15-12 02:48 AM
  • Jr. Member II
  • **
  • Male Offline
 
Posts: 282
Thank You: 18
Reputation: 1
_kevin_ has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!




Si Allan ay isang alagad ng batas na ginagawa ang tungkulin bilang isang mabuti at matulunging pulis, isa sya sa singkwentang mga nasabitan ng ng pangulo ng medalya dahil sa marami na itong nalutas na kaso at natulungan na tao.
Hindi man nya matanggap ang pagpapakita ng galit ng kanyang mga magulang sakanya ay hindi nya ito ginawang dahilan para kalimutan ang kanyang mga magulang na syang nagpatapos sa kanya bilang isang maginoong pulis.

"Hindi mo na nagagawa ang trabahong bahay dahil sa puro lakwatsa ang pinupuntahan mo.". Palaging pambungad ng kanyang ama na isa lamang magsasaka sa kanilang baryo. Hindi nya ito maikakaila sa kanyang mga magulang dahil wala naman sigurong magulang ang gustong mapahamak ang kanyang anak. Ngunit ang katotohanan ay syang silbing daan para ipakita sa kanyang magulang na sya ay nag aaral at kinaylangan nya ang oras ng gabi para sa isang subject nito. Minsan naawa din sya sa kalagayan ng kanilang buhay, nag aaral nga siya, ngunit puro promisory note ang kanyang dala kapag dating ng exam. Palagi nalang ganito ang routine ng buhay ni Allan, isang palamunin ngunit may ambisyon na kasing taas ng isang lipad ng ibon ,at habang ang kanyang ambisyon ay lumilipad,ay gusto nyang makatulong sa kapwa nya ibon.

Bago man sya makapagtapos ng colehyo ay dumating ang di inaasahang pangyayari, ang pagtuyot at pagkawala ng tubig sa palayan.
Hindi ito ginawang dahilan ni Allan para huminto, bagkus ay nagdoble-kayod ang binata.

"Tita hiramin ko muna iyong inyong tricicle at akoy magpapasada pandagdag lamang sa aking allowance,". Aniya sa kanyang maldita at matapobre na tiyahin.
Masama man sa loob nya ang kapalit ng kanyang hiling sa tiyahin ay ginawa parin nya ito upang makapagtapos lamang sa kanyang pag-aaral.

Aral sa umaga, pasada sa gabi.
Kumukuha na lamang sya ng maikling tulog sa library kapag may bakante syang oras.

"Kuya pahitid kami sa tulay lang.".pasahero na umarkila sa kanyang minamanehong trycicle.
Bagaman alangan sya sa pagmumukha ng mga taong isinakay nya ay kaylangan nya ito dahil pandagdag pa nya sa allowance nya ang ipapamasahe ng dalawa.
Pagkatapat na pagkatapat sa tulay ay biglang humugot ang isang pasahero mula sa kanyang likod ng isang bakal na animo'y nakakamatay pag kinalabit.Alerto sya sa mga oras na yun.

"holdap to, ihinto mo at di ka namin sasaktan, motorsiklo mo lamang ang aming kailangan." pauna ng isang lalaki habang tinapat sa likuran ng binata.
Kinabig nya ang manubela para malihis ang baril at tsaka nya ito tinulak para mahulog sa pagkakaupo. Kinabig nya pa ulit ng pakanan at saka tinadyakan ang isa sa side car dahilan ng pagtalon at kasabay ng humaharurot at mabilis na pagtakas ni Allan.

Sa awa ng panginoon ay nakapag-tapos sya bilang isang Zuma kumlawde sa pribadong paaralan na kanyang pinapasukan. Ngayon ay isa na syang ganap na pulis at may Taas ang kanyang pwestong inuupuan.

Iniwan ang pamilya sa Probinsya, nagtrabaho sya ng walang kaalam alam ang pamilya nya. Ngunit hindi parin nya ito nakakalimutan, isang bagay na kumukurot sa kanyang puso kapag naaalala ang isang payo ng ina.

"hiwain mo man ng pinong pino ang iyong katawan ay hindi sapat na kabayaran sa utang mo sa iyong magulang ng ikaw ay kanyang isilang".



----

"Oh pare, natutulala ka nanaman, may problema ba?".Tanong ng kanyang partner na si Joey.
"wala naman pare. Kamusta nga pala yung meeting nyo ni General?". Balik tanong ng binata.
"ok naman pare, may good news ako.".
"anu yun pare?" nakangisi na tanong ng binata.
"diba sa cagayan ang iyong probinsya?". Tanong ng partner nito.
"oo pare .Bakit?".

Isang kaso ng Multiple Murder ang kanilang hahawakan ,at tuwang tuwa ang binata dahil mabibisita na nya ulit ang kanyang kinalakihang lugar.
Nag-impake at sabay umalis ang magkumpare na may dalang saya sa mga ngiti.

"teka pare, mukhang pamilyar tong lugar na to, san ba ang unang destination natin? Sa bahay o sa Crime Scene?".
Tanong ni Allan na may halong pagtataka.
"sa CrimeSCEne pare,".


Hindi man buo ang kanyang loob ay may kutob na sya at may konting idea na sa kanyang utak ang namumuo.
Nasa harapan na sya ng kanilang bakuran ng bigla nalang itong mapahagulgol at tila gustong umiyak ng pagkalakas-lakas.
"Sana hindi nalang ako umalis, sana hindi ito nangyari.".Paninisi na lamang sa kanyang sarili ang kanyang nagawa bagamat wala na itong magagawa.

"asan ang suspek?".Tanong ng binata.
"nakakulong na pare.".
"gusto ko syang makausap.".
"pare andito tayo para imbestigahan ang pagkamatay ng pamilyang ito.". Pagpapaliwanag ni Joey.
"wala akong pakealam! Gusto ko makausap ang gumawa nito.".Pagpupumilit ng binata.

Pinuntahan ng magkumpare ang prisinto ng nasabing lugar.

"bakit mo ginawa iyon?". Maalumanay na tanong ng binata sa isa babae sa kabila ng rehas.
"Mga wala kayong utang na loob! Pinag aral kita, binigay ko sayo ang hiling mo at hindi ka tumupad sa kundisyon ko,kaya nararapat lang sa kanila ang nangyari!!". Sigaw ng suspek na nasa rehas.



"di ba sinabi ko naman po sa inyo na babayaran ko iyon? Kelangan ko lamang ng kaunting panahon, At alam mo naman na hindi papayag ang itay na kunin mu ang sakahan dahil ito na lamang ang natitira nilang kabuhayan!!.".Pasigaw at may bulyaw kong sumbat.



Itinago ng binata sa kanyang magulang na ang kapalit ng hiniram nya nuon na tricle ay kapalit ng kanilang tatlong hektarya ng sakahan ng kanyang ama,pero dahil sa gusto nyang makapagtapos ay sumugal sya dahil alam nya na kapag sya ay nakatapos ay kaya nya itong bayaran.
.

Ngunit mali at masyado syang nagkamali sa akala nyang ikakabuti ng kanilang buhay na syang tumapos sa kanyang pamilya na naabutan nyang nakahandusay dahil lamang sa pagkasakim ng kanyang tiyahin sa lupa na gustong maangkin.



Quote:
:lolcard:
Reply #1
12-18-12 06:17 AM
  • Hero Member
  • *****
  • Female Offline
 
Posts: 11808
Thank You: 187
Reputation: 1
queenie has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Aw, gahaman
Reply #2
12-18-12 06:27 AM
  • Jr. Member II
  • **
  • Male Offline
 
Posts: 282
Thank You: 18
Reputation: 1
_kevin_ has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
hmm salamat sa pagbabasa queenie.
Pages: [1]   Go Up
 



All dates are GMT+8:00. The date now is 05-26-13 12:06 PM
WWW.PINOYDEN.COM.PH does not store any files on it's server, we are just indexing other sites contents!
WWW.PINOYDEN.COM.PH [Ang Tambayan ng pinoy!] © copyright 2008-2009 All Rights Reserved.
Contents published on www.PinoyDen.com.ph requires permission for reprint.

Page created in 0.179 seconds with 22 queries.