Quote:
Humawak sa damit ni Cristo para gumaling? Tapos humahawak sa rebulto para gumaling? Eh gawa lang yan ng kamay ng tao paano yan maghihimala?
Tungkol naman sa mga aral na itinuturo ng mga ministro sa INC eh wala naman tayo magagawa kung tamaan ang ibang mga sekta ng relihiyon, may basehan naman sila sa Biblia, kung sila ang kinatuparan noon eh wala tayong magagawa. Tulad ng naipost ko na dati, yung aral demonyo na magbabawal ng pagaasawa. Kung sino man tamaan niyan, nakasulat yan sa Biblia.
Eh, sa tingin mo ba gawa gawa lang na nahihimala ang rebulto? Kung gawa gawa lang yan sana hindi dudumugin ng milyon milyon na deboto, . .At gusto mo palavasin mo ok lang na kayo ang bumabatikos? Kasi bible pinagbasihan nyo?
-
Eh kung pagbasehan lang ang gusto nyo, ito ang pinanhahawakan namin,
-Mateo 24
Ang Salita ng Diyos (SND)
Mga Tanda ng Huling Kapanahunan
24
Si Jesus ay lumabas at umalis mula sa templo. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang ituro sa kaniya ang mga gusali ng templo. 2 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila: Nakikita ba ninyo ang lahat ng mga ito? Katotohanang sinasabiko sa inyo: Walang maiiwanang isang bato dito na nakapatong sa kapwa bato na hindi babagsak.
3 Habang siya ay nakaupo sa bundok ng mga Olibo, ang kaniyang mga alagad ay lumapitsa kaniya nang bukod. Sinabi nila: Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang tanda ng iyong pagdating at ang mga tanda ngkatapusan ng kapanahunang ito?
4 Sumagot si Jesus sa kanila: Mag-ingat kayo, na hindi kayo mailigaw ng sinuman. 5 Ito ay sapagkat maraming darating saaking pangalan. Sasabihin nila: Ako ang Mesiyas. At marami silang ililigaw. 6 Maririnig na ninyo ang mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan. Ngunit huwag kayong mabalisa sapagkat ang mga bagay na itoay kinakailangang mangyari, ngunit hindi pa ito ang wakas. 7 Ito ay sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at babangon ang isang paghahari laban sa isang paghahari. Magkakaroon ng mga taggutom, at mga salot at mga lindol sa iba't ibang dako. 8 Ang lahat ng mga ito ay pasimula ng sakit na nararamdaman ng isang babaeng manganganak.
9 Pagkatapos ay ibibigay nila kayo sa paghihirap at papatayin nila kayo. Kapopootan kayo ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. 10 Marami ang matitisod at magkakanulo sa isa't isa at mapopoot sa isa't isa. 11 Maraming lilitaw na mga bulaang propeta at ililigaw ang marami. 12 Dahil sa paglaganap ng hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos, ang pag-ibig ng marami ay manlalamig. 13 Ngunit siya na makapagtitiis hanggang wakas ay maliligtas. 14 Ang ebanghelyo ng paghahari ng Diyos ay ipapangaral muna sa buong daigdig upang maging patotoo sa lahat ng mga bansa. Pagkatapos ay darating na angwakas.
15 Makikita nga ninyo ang kasuklam-suklam na paninira nasinabi ni Daniel, ang propeta na nakatayo sa banal na dako. Siya na bumabasa, unawain niya.
16 Kapag mangyari ang mga bagay na ito, sila na nasa Judea ay tatakas sa mga bundok.
17 Siya na nasa bubungan ay huwag nang bababa upang kumuha ng anuman sa kaniyang bahay.
18 Siya na nasa bukid ay huwag nang babalik upang kumuha ng kaniyang mga damit.
19 Ngunit sa aba ng mga nagdadalang-tao at doon sa mga nagpapasuso sa mga araw na iyon.
-
tamaan sapul