Pinapakilala Ko Siya Sayo (Isang Maikling kuwento) - PINOYDEN


Go Back   PINOYDEN > Tambayan Zone > Arts and Literature

Welcome to PinoyDen Forums.

You are currently browsing our forum as a guest, please consider registering to get full access to all of our forum features, download free games, get help for your pc and cellphone problems and learn new mobile tricks like how to browse the internet using your cellphone for free. All that and more, so what are you waiting for, JOIN us now!!!! Click here to register...
 Topic: Pinapakilala Ko Siya Sayo (Isang Maikling kuwento)  (Read 581 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Pages: [1] 2   Go Down
11-18-12 06:32 PM
  • Jr. Member
  • **
  • Offline
 
Posts: 91
Thank You: 29
Reputation: 0
supladoako has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
 Hindi ko maiwasang tumigil saglit sa kahit ano mang ginagawa ko, tuwing nakakarinig ako ng mga kantang pamasko sa radyo. Minsan kahit anong busy ko pa sa opisina, magrerelax ako at ipipikit ang mga mata kapag nadampian ng himig pamasko ang aking dalawang tenga. Pagkatapos, iduduyan ako ng sarili ko pabalik sa isang kwentong nais kong ibahagi sa inyo.

*****

Isang nakakapasong araw ang bumati sa akin pagkalabas ko ng eskuwelahan para kumain ng tanghalian. Hindi pa ako nakakalayo sa gate nang mapansin ko ang isang batang gusgusin (na sa palagay ko ay pitong taong gulang) na paika-ikang namumulot ng basura sa may gilid ng bakuran. Paminsan-minsan, naghihingi ito ng limos sa mga dumadaan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kahit papaano ay nahabag ako sa kalagayan niya, ngunit hanggang doon nalamang iyon. Sa araw-araw na pamumuhay ko sa isang malaking bayan, sanay na ang mga mata ko sa mga katulad niyang laman ng kalsada na buhat-buhat ang malalaking sako sa kanilang likuran. Sa madaling salita, hindi na ito bago sa aking paningin. Unti-unti na ito minamanhid ng puso ko at binabalewala ng utak ko.

Lumapit siya at isinahod ang kamay sa akin. Tila naintindihan naman niya ang nais kong iparating, kaya agaran niya akong iniwan nang ngumiti ako at umiling. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napatigil lang ako nang makarinig ako ng sigawan at tawanan mula sa aking likuran.

Lumingon ako para bigyan ng matulin na pasada ang nangyari. Nakahandusay sa sahig ang batang gusgusin, sapo-sapo ang ulo at tinatadyakan ng mga kalalakihan.

"pwe! Pulubi ka! Wala kang silbi! Idadamay mo pa kami sa kapamahakan! Kukuwartahan mo pa kami kung nasagasaan ka namin! Pakalat-kalat ka kasi! Walang silbi ang mga magulang mo! Pinapabayaan kang pagala-gala ng ganyan!" Halus naghihimutok ang butsi ng driver sa galit. Kahit hindi ako ang tinatamaan, dama ko naman ang bawat bigat sa mga sipang pinapakawalan niya. "pwe! Alis!"

Tila napahiya ang bata sa mga taong nakausyoso na ang ilan ay pinagtatawanan siya. Dali-dali siyang tumayo. Pinulot ang mga nagkalat na bote't plastic sa daan at agad isinilid sa loob ng puting sako. Walang sabi-sabi, agad siyang kumaripas ng takbo papalayo.

Nakita ko ulit siya kinabukasan na nakaupo sa gutter ng eskuwelahan. Nakayuko at tila umiiyak. Naalala ko ang nangyari sa kaniya kahapon. Parang kinurot naman ang aking puso, kaya't naisipan ko siyang lapitan.

"anong problema?" pagbati ko.

Tumingala siya para tignan ako. Halos mahugasan na ng kaniyang luha ang mga duming kumapit sa kaniyang pisngi. "palimos po. Hindi pa po ako kumakain." hagulgol niyang sabi.

Nahabag naman ako agad, kaya dali-dali kong ibinigay lahat ng pera ko na pang pananghalian sana. Sabik naman niya itong kinuha, pinahid ang luha at ngumiti na tila nabura ang alahaning dumudurog sa kaniya kanina.

"salamat po, sir." buong galak niya.

"bakit ka umiiyak?" muli kong tanong sa kaniya, kasabay sa pagdukot ko sa aking panyo. "ang dumi-dumi mo na oh. Heto, punasan mo ang sarili mo at umuwi ka na ah."

"ai, si bugs bunny po ba ito?" usisa niya pagkakuha sa panyo, na nabuburdahan ng pangalan ko at may mukha ni Jesus Christ kasama ang maikling dasal. "sabi ng mga kalaro ko, sikat na drawing yun si bugs bunny!"

Nginitian ko siya. "hindi. Siya si Jesus Christ. Lahat ng hilingin mo ay tutuparin niya, basta magpakabait ka lang at laging magdasal sa kaniya."

"parang si Santa Clause?" muli niyang tanong.

"hindi, mas mabait siya dun." hinimas ko ang buhok niya at bahagyang ginulo. "sige na, umuwi ka na sa inyo."

Lumipas ang ilang araw, buwan, at taon na hindi ko na muling nakitang nagbabasura sa tapat ng eskuwelahan ang bata. Hindi ko na siya ulit nasilayan hanggang sa makapagtapos ako ng pagaaral. Agad ako nakakuha ng magandang trabaho pagkagradweyt ko. Nakapundar ng malaking bahay at ilang mamahaling kotse. Pinakasalan ako ng babaeng mahal na mahal ko simula pa nung highschool, at biniyayaan ng dalawang anak. Higit sa lahat, sobra-sobrang pera ang naiuuwi ko sa bahay araw-araw. Kuntento at masaya na ako sa buhay. Sa katunayan, masasabing perpekto ang aking pamumuhay.

Dahil sa limpak na salapi ang nakapaligid sa akin, natuto akong magsugal. Magbisyo ng iba't-ibang droga at mambabae. Lalo pang sumaya ang buhay ko. Lalo na ng ma-appoint ako bilang pangalawa sa pinakamataas na posisyon na makukuha sa kumpaniya namin. Kaliwa't-kanan ang bulagsak ko sa pera. Araw-araw na pag hithit ng iba't-ibang klase ng bawal na gamot at kung sino-sinong babae ang katabi gabi-gabi. Ang saya ng buhay ko. Kulang ang salita para maipaliwanag ang sarap ng pamumuhay ko.

Isang araw, umuwi ako sa bahay na wala ang aking asawa at mga anak. Sa isang sulat, pinatibay niya ang nais na makipaghiwalay sa akin. Tinawanan ko lang siya at hindi 'to ininda. Ni hindi ako nasaktan. Madaming isda sa dagat, sa yaman ko, kahit ang pinakamahal ay kaya kong bingwitin. Nanatili ang mga bisyo ko. Sugal, alak, droga't babae. Sa paglipas ng panahon, hindi ko napapansin ang unti-unting paglimas sa mga kasangkapan ko sa bahay bilang pangbayad sa mga malalaking utang. Napatalsik ako sa trabaho at naubos ang ipon. Hanggang sa nabaon sa utang at tinuntungan pa ng ilang utang. Naubos ang yaman ko at yabang ko.

Dahil sa mga naging bisyo ko na naitanim sa aking katawan, namulaklak ito at nagbunga ng ilang sakit. Mga sakit na pumigil at dahilan sa pagtangi sa akin ng mga panibagong trabaho sana. Nagpagala-gala ako sa kalsada. Natutulog sa bangketa katabi ang ilang taong grasa. Namumulot ng bote, dyaryo, plastik, lata o ano mang pwedeng pagkakitaan.

Minsan napadaan ako sa isang simbahan. Puno at hindi magkamayaw sa dami ng tao ang laman ng mga upuan. Pumasok ako sa loob at naglakad sa gitna habang nagmimisa ang pari. Iba-iba ang naging reaksyion ng mga tao pagkakita sa akin. Dahil sa gusgusin ang aking suot at marumi ang hitsura ko, marami ang nangutya at nangmata. Ang ilan ay walang pakialam. Tumigil ang pari sa ginagawang sermon nang makalapit ako sa lamesa niya. Nagkagulo sa loob nang pilit kong nilalapitan ang altar at pigilan ako ng mga sakristan.

"nasaan ka habang naghihirap ako?! Wala kang karapatang pahirapan ako ng ganito!! Wala kang karapatan!!" panduduro ko sa statuwang nakapako sa krus. "hindi ka naman totoo eh! Isa ka lang ilusyon!"

"niloloko mo kami ng mga salita mong hindi totoo!! Wala kang silbi!! Siguro pinagtatawanan mo ako dahil sa kalagayan ko ngayon?!" nagpupumiglas akong makalapit, habang tinutulak ako ng ilang kalalakian paatras at palayo. "bumaba ka diyan!! Harapin mo ako!! Ipakita mong makapangyarihan ka nga!! Wala kang kwenta!! Hindi ka totoo!!"

"pinapahirapan mo lang ang mga tao!! Siguro masaya kang pinagtatawanan kami habang naghihirap!! Halika rito!! Inahamon kita!! Simula ngayon, pinagsisisihan ko na nakilala kita!! Simula ngayon, buburahin na kita sa utak ko!! Simula ngayon, hindi na kita kilala!!"

Sa gitna ng mga palahaw ko, isang suntok sa batok at tadyak sa sikmura ang naramdaman kong lumapag sa aking katawan. Pagkahandusay ko sa sahig, ay pinagpapalo naman ako ng batuta ng mga nakaunipormeng pulis. Pagkatapos ay pahagis akong itinaboy sa labas ng simbahan.

"hindi na kita kilala...hindi na kita kilala...hindi na kita kilala..." umiiyak kong tugon habang nakahandusay. Yakap-yakap ang sarili at pilit pinipigilan ang sakit na kumikirot sa mga bugbog na aking natamo. "sino ka...Sino ka..hindi na kita kilala...sino ka..hindi na kita kilala..."

"anong problema?" dinig kong boses sa aking harapan. Tumingala ako para tignan siya.

"bakit ka umiiyak?" dumukot siya ng panyo sa kaniyang bulsa. "ang dumi-dumi mo na oh, heto punasan mo ang sarili mo."

Inabot niya sa akin ang tangan niyang panyo, na may mukha ni Jesus Christ, kasama ang maikling dasal at may burda ng pangalan ko.

Tinapakan ng kung ano mang mabigat ang aking puso. Napaluhod ako sa sahig at tumangis ng pagkasakit-sakit.

"pinapakilala ko siya sayo. Siya si Jesus Christ. Lahat ng hilingin mo ay tutuparin niya, basta magpakabait ka lang at laging magdasal sa kaniya."

Nabingi ng pamaskong kanta na buhat sa loob ng simbahan ang aking dalawang tenga, habang nanginginig kong pinagmamasdan ang taong nagaabot ng panyo sa akin na maaliwalas ang ngiti sa mukha.
Reply #1
11-19-12 09:09 PM
  • Full Member
  • ***
  • Offline
 
Posts: 1295
Thank You: 74
Reputation: 1
Hazards_of_DJFANHS has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
User is on moderator watch listWatched
parang bitin lang,pero very good story.Thanks!share ko to!
Reply #2
11-20-12 07:38 AM
  • Jr. Member
  • **
  • Offline
 
Posts: 91
Thank You: 29
Reputation: 0
supladoako has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Quote:
parang bitin lang,pero very good story.Thanks!share ko to!
-
thanks po sa pagbasa really appreciate ok lang po, wala pong problema ishare, huwag lang po palitan ang title sir, thanks talaga! :salute:
Reply #3
11-22-12 12:35 PM
  • Full Member
  • ***
  • Offline
 
Posts: 533
Thank You: 12
Reputation: 0
ark_russ has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
salamat sa share..
Reply #4
11-22-12 12:54 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 509
Thank You: 26
Reputation: 0
2ng101 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Ganda ng story,
Reply #5
11-22-12 01:20 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 3106
Thank You: 54
Reputation: 1
Torpets has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
 : ) ..., magpakabait ka lang..,
Reply #6
11-22-12 02:04 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 509
Thank You: 26
Reputation: 0
2ng101 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Kung mayaman man kayo ngayon,balang araw maging palaboy din kayo,kung di kayo magpakabait,haha
Reply #7
11-22-12 10:04 PM
  • Jr. Member
  • **
  • Offline
 
Posts: 91
Thank You: 29
Reputation: 0
supladoako has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Quote:
Originally Posted by : ark_russ on 11-22-12 12:35 PM
salamat sa share..
-
thank you po sa pagbasa
Reply #8
11-22-12 10:17 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 2134
Thank You: 207
Reputation: 0
vineking has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Wow it is a great story ts.  Magpakabait at laging magdasal sakanya (Jesus Christ). ts to be continued ba yan? hitted.
Reply #9
11-22-12 11:33 PM
  • Jr. Member
  • **
  • Offline
 
Posts: 91
Thank You: 29
Reputation: 0
supladoako has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Quote:
Originally Posted by : Torpets on 11-22-12 01:20 PM
: ) ..., magpakabait ka lang..,
-
ehe salamat po!
Reply #10
11-23-12 09:08 AM
  • Jr. Member
  • **
  • Offline
 
Posts: 91
Thank You: 29
Reputation: 0
supladoako has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Quote:
Originally Posted by : vineking on 11-22-12 10:17 PM
Wow it is a great story ts.  Magpakabait at laging magdasal sakanya (Jesus Christ). ts to be continued ba yan? hitted.
-
thanks po! Tapos na po, short story lang po siya
Reply #11
11-23-12 09:53 AM
  • Jr. Member II
  • **
  • Male Offline
 
Posts: 260
Thank You: 12
Reputation: 0
juneharley has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
money is the root of all evil.. Kaya pag may pera na sobra ibigay sa nangangailangan o ipautang na lang na walang tubo kung di mo kayang  ipamigay.. Pag may isinuksok may madudukot ..
Amarayt?! asteg ng kwento.. At laging magpakabait kahit may pera na..
sa kwento
Reply #12
11-23-12 08:26 PM
  • Jr. Member
  • **
  • Offline
 
Posts: 91
Thank You: 29
Reputation: 0
supladoako has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Quote:
Originally Posted by : juneharley on 11-23-12 09:53 AM
money is the root of all evil.. Kaya pag may pera na sobra ibigay sa nangangailangan o ipautang na lang na walang tubo kung di mo kayang  ipamigay.. Pag may isinuksok may madudukot ..
Amarayt?! asteg ng kwento.. At laging magpakabait kahit may pera na..
sa kwento
-verry well said sir! Salamat sa pagbisita at pagbasa sa kuwento
Reply #13
12-06-12 04:48 PM
  • Semi-Newbie
  • *
  • Offline
 
Posts: 39
Thank You: 1
Reputation: 0
yumChoi27 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
ganda ng story.. Sana mabasa rin to ng mga taong wagas kung makapag-waste ng pera.. Magdonate na lang kaya sila sa mga nasalanta ng bagyo..  saludo sa may mga mabuting loob..
Reply #14
12-08-12 05:29 PM
  • Jr. Member
  • **
  • Offline
 
Posts: 91
Thank You: 29
Reputation: 0
supladoako has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Quote:
Originally Posted by : yumChoi27 on 12-06-12 04:48 PM
ganda ng story.. Sana mabasa rin to ng mga taong wagas kung makapag-waste ng pera.. Magdonate na lang kaya sila sa mga nasalanta ng bagyo..  saludo sa may mga mabuting loob..
-
salamat sir nagustuhan mo iyong story, bonus na sa akin ang komento mo! Salamat ulit! Godbless!
Pages: [1] 2   Go Up
 



All dates are GMT+8:00. The date now is 05-25-13 08:23 AM
WWW.PINOYDEN.COM.PH does not store any files on it's server, we are just indexing other sites contents!
WWW.PINOYDEN.COM.PH [Ang Tambayan ng pinoy!] © copyright 2008-2009 All Rights Reserved.
Contents published on www.PinoyDen.com.ph requires permission for reprint.

Page created in 0.187 seconds with 22 queries.