Gusto Ko ng Nunal, Yung Attachable!
Naaalala ko yung unang punta namin sa beach, hindi ko lang maalala kung anong eksaktong edad ko 'non, ang nasisigurado ko lang ay saktong nagbibitaol at nagmamalat ang boses ko ng mga panahon na iyon. Medyo bumubukol narin ang mansanas sa aking leeg. Sa madaling salita, nagbibinata na ako ng mga sandaling iyon, at nakakahiya man aminin, medyo napapadalas na ang basa ko sa mga pocketbook ni ate na may mga titulong 'romance' sa cover. Hindi para kiligin sa love story ng bida, kundi abangan ang mga bedscenes na magaganap. Tanda ko pa nga noon nang mahuli akong nakahubad ang shorts sa loob ng banyo habang tangan ang isang pocketbook. Ang hirap i-explain sa kanila na umeebak lang ako ng mga oras na iyon. Nabanned tuloy ako sa mga pocketbook ni ate. Sayang, hindi ko nalaman kung nakascore ba yung bidang lalake sa girlfriend niya sa eksenang walang tao sa bahay nung babae, at tanging kandila lang ang pumapagitan sa katahimikan at brownout na sandali.
Unang dating ko sa beach. Unang ligo sa maalat na tubig. Unang hilata sa mainit at walang katapusang buhangin. Unang mala kiti-kiti na kilos ko sa tuwing nako-conscious akong takpan ang hubad kong katawan. Ewan ko ba, sa dami naman na pwede naming puntahan na dagat, bakit doon pa sa requirements ay naka-underware lang. Hirap ko tuloy itago ang bumubukol sa brief ko, sa tuwing nakakakita ako ng mga babaeng nakatupis o nakabikini lang.
Nautusan akong bumili ng inumin sa isa sa mga tindihan malapit sa beach. Tinakbo ko ang pinakamalapit, subalit nakasara ito. Naisipan ko na katukin nalang sila, nagbabakasakaling may tao, tamad ko na kasing puntahan ang susunod na tindahan na sa tansiya ko ay may layong dalawang kilometro pa. Inikot ko ang likurang bahagi ng tindahan, pero laking gulat ko sa nakita ko. Nanlaki ang aking mga mata. Muntikan pa nga akong tumili. Isang babae na malamang ang edad ay naglalaro sa bente o bente uno, ang nakahubad at nakatiyaya sa buhanginan! Nagsisigaw akong bumalik sa cottage namin at kinuwento ang nasaksihan ko. Isang malutong na batok ang sinalo ko pagkatapos. Ang akala kong babaeng nagahasa sa buhanginan ay foreigner pala na nagsa-sun bathing.
Kaya simula noon, ganon nalang ang iwas ko sa mga amerikanang may mga palabas na ekstrated films. Ok pa siguro kung asiana, kasi naaalala ko pa ang nangyari sa akin noong ikalawang taon ko sa highschool, nakakita ako ng haponesa sa-------------------
.....
....
...
..
.
Ika-limang tapak - Bidyo.
..
...
....
.....
"ang suwerte mo binibini!" pagtirik sa mga mata ng matandang manghuhula, habang hawak niya ang palad ni Clem. "isang lalake ang sobra kung ihandog ang pagmamahal niya ang makikilala mo sa lalong madaling panahon."
Kinabahan ako. Sa kabila ng pagpupumiglas ko kay Clem kanina na magpahula, heto at nawiwili ako ngayon sa susunod na mangyayari. Hindi sa paminsan-minsang pagsirko ng matanda, o sa manaka-nakang pag-ikot ng dila na sinasabayan ng pagtirik ng mga mata niya, kundi sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig.
"talaga po? Ano po ang pangalan niya?" pagkasabik sa tanong ni Clem.
"sa palagay ko, hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang katauhan ng binatang 'to." winasiwas ng manghuhula ang kaliwang kamay nito, at saka isinayaw na para bagang bulateng gumagapang.
"kahit initials man lang?" bawi ni Clem.
"puwede kong sabihin ang buong pangalan niya binibini. Subalit may kapalit."
"ano po iyon? Ibibigay ko po ang kung ano mang makakaya ko."
"500 pesos kada letra ng pangalan niya." wika ng matanda, na sa kasalukuyang dalawang kamay na ang isinasayaw na parang bulate sa ere.
"hmnn..Ok..Si-sige po."
"t-teka Clem! Sigurado ka ba? I mean, look at her, parang pinaglalaruan at ginogoyo lang tayo niyan." paghatak ko sa kaniya, upang bulungan. "let's leave. Hindi naman totoo ang mga hula-hula."
"it's ok Jang-Jang. Para sa kasiyahan lang naman. At saka tulong ko na lang sa kaniya. Ang hirap kaya ng hanap-buhay niya."
"i don't know, parang kalokohan lang 'tong lahat. Hindi ko nga maintindihan kung bakit tayo nandito e."
Tila wala siyang narinig sa mga babala ko sa kaniya. Hinarapan niya ang matanda, kasabay sa pagning-ning ng mga mata nito. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na baka nahypnotized ng manghuhula si Clem.
"deal na ba tayo maswerteng binibini? Handa mo na bang marinig ang pangalan ng destiny guy mo?" ani ng matanda, sa boses na paalon-alon.
"opo!"
"500 pesos kada letra sa pangalan niya okay?"
"opo!"
"kung ganon, mag-umpisa na tayo." muling kinuha ng manghuhula ang kanang palad ni Clem. Pinisil-pisil niya ito, pinaikot ang mga daliri, at maya-maya pa ay para siyang sinaniban. Pinikit ang mga mata at biglang nagboses bakla! "ang pangalan ng lalakeng iaalay ng todo at buo ang puso niya sa iyo ay..."
Napalunok ako. Iniwasang ipikit kahit minsan lang ang akin mga mata, hinihintay ang susunod na sasabihin ng matanda.
"ang pangalan ay..." minulat ng manghuhula ang mga mata niya, itinutok kay Clem. "John Michael Xevier Alex Christoper Christian Paulo Oliver Benjamin Marko Velasco Mendoza The Third."
Napamura ako, sabay sa paghatak kay Clem papalabas sa tent ng manghuhula. Naglakad kami papalayo, hila-hila siya. Lumipas ang ilang minuto na hindi kami nagkikibuan ni Clem. Patuloy lang ang ginagawang paglakad namin, ni hindi alam ang patutunguhan. Lakad lang ng lakad. Ilang sandali pa ay huminto sa paghakbang ang mga paa niya. Napabalikwas ako ng tingin sa kaniya, tinapunan ko siya ng titig, sa paraang nagtatanong ng bakit.
"Pagod na ako Jang-Jang, pahinga muna tayo." ang naibigkas niya sa usisa ko.
Pumasok kami sa isang convenient store para magpalamig. Minasdan ko siyang abutin ang isang orange juice sa loob ng refrigirator. Parang nailang at nahiya pa siya ng kaunti ng makita niyang napatingin ako sa kaniyang tiyan. Dahil sa pagtingkad niya, nalihis paitaas ang suot niyang damit, dahilan para masulyapan ko ang parte sa ilalim ng kaniyang pusod.
"wow, ok yan ah. Hindi mahihirapan ang mga magulang mo na hanapin ka in case na mawala ka." pagbibiro ko sa kaniya. "sa laki ba naman ng balat mo sa tiyan, ewan ko na lang."
"how rude!" pang-alma niya sa akin, sinabayan pa ng mahinang hampas sa braso ko.
"biro lang, pinapatawa lang kita. Paano ba naman kasi, ang serioso ng pagkalamukot sa mukha mo." muli kong pukol na biro, pagka-abot ko ng bote ng juice sa kaniya.
"hahahaha! Naalala ko kasi yung matandang manghuhula kanina." pagsabog niya bigla ng tawa. "Nakuwenta mo ba kung magkano lahat Jang-Jang?"
"hindi e, ang naalala ko nga lang pangalan ay John Michael something." magkasabay kaming umupo sa isang lamesa. "may the third pa nga akong naaalala e. Lokong iyon."
"ahaha! Natuwa ako sa expression ng mukha mo kanina, kulang na lang ay sakalin mo iyong matanda Jang-Jang."
"buti na nga lang at napigilan ko ang sarili ko. Kung hindi, baka makalimutan kong matanda siya."
"ikaw talaga! Bakit mo naman gagawin iyon?" bahagya niyang inilapit sa kaniyang labi ang bote ng juice, akma siyang iinom. "dahil ba ayaw mong niloloko ako ng ibang tao?"
"nope." hinarapan ko siya, dineretso ang titig sa kaniya. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng pabango niya dahil sa lapit namin sa isa't-isa. "dahil dismayado ako. Hindi kasi ang pangalan ko ang sinambit niya."
Bigla niya akong hinalikan sa labi. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako ng halik buhat sa kaniya, subalit napakatamis parin ng dampi 'non. Smack lang kung tutuusin, pero hindi ko maipagpapalit ang mabilisang halik na iyon sa kahit ano mang bagay na matatamis sa panlasa.
Hinatid ko siya sa kanila pagkatapos ng bonding namin sa convenient store. Nadaanan pa namin ang isang arcade game na kung saan ay maghuhulog ka ng token para mangbingwit ng stuff toy sa loob ng kahong salamin na parang aquarium. Iyon nga lang, kalahating oras ko ng ina-asinta ang nais niyang hugis baboy na manika pero hindi ko magawang ilabas 'to sa makina. Kinailangan ko pang kausapin yung nagbabantay sa palaruan upang bilhin nalang ang gustong stuff toy ni Clem. Sulit naman ang effort kahit papaano. Lalo na nung mahigpit ang kapit ni Clem sa mga bisig ko habang naglalakad kami pauwi, habang tuwang-tuwa niyang pinagmamasdan ang stuff toy na (pinalalunan?) binili ko sa kaniya.
"oh, paano? Sunduin nalang kita ulit sa school niyo bukas ng hapon?" pagpapaalam ko sa kaniya.
"sure! Hintayin kita ah?" usal niya.
"garantisado! Kahit na ano mang bagyo ikaw ay masusundo, ganito lang ako, simpleng tao! Ang maipagyayabang kulang sa iyo ay ang pag-ibig ko." sagot ko sa paraang inaawit ang mga kataga.
"nakakatawa ka talaga Jang-Jang." pagngiti niya kasabay sa pagbitaw ng isang halik sa pisngi ko. "nag-enjoy ako ngayong araw na 'to. Take care."
Lumilipad sa alapaap, na parang naka-ithit ng marijuana. Iyan lang ang isa sa mga pakiramdam na tinatahak ng katawan ko sa mga sandaling 'to. Totoo nga pala iyong kasabihan na, "i'm the king of the world!". Daig ko pa ang pakiramdam ng nakaperfect sa eksam, ang nakatalo ng boss sa larong The King of Fighters, ang nakascore sa basketball, ang nakaboso sa boardinghouse o ang nakakita ng artista. Solb! Ika nga ng mga tambay sa tindahan namin.
"anyare pre? Problema mo?" bati sa akin ni Karl pagkapasok ko sa bahay namin. "Laki ng ngiti mo ah, parang naka-inom lang."
Diretso kong tinungo ang kusina para kumuha ng maiinom sa refrigirator. "okay nakami ni Clem pre! Hindi ko nga lang matukoy kung kami na ba o ano man namamagitan sa aming dalawa."
"ganon ba?" wika ng kausap ko, na kapansin-pansing may pinagkaka-abalahang pinapanood na bidyo sa cellphone.
"busy ata ah? Ano ba iyan?" usisa ko pagka-upo ko sa sofa malapit sa kaniyang pwesto.
"bagong scandal pre! Sarap nung babae! Gusto mo panoorin?"
"ngek?! Ikaw talaga, ang libog! Pass muna ako diyan pre." pagtanggi ko, kasabay sa paglagok sa tangang pitchel ng tubig.
"wow! Nagsalita ang hindi!" inilapag niya sa lamisita ang hawak na cellphone, dahilan para masulyapan ko ang ilang senaryong nagaganap sa bidyo. "sayang, paborito mo pa naman ang eksena. Rape. At sa palagay ko hindi siya scripted pre."
Dumungaw ako ng kaunti upang makita ko ng malinaw ang bidyo. Hindi ko maaninagan ng mahige ang mukha nung babae, sapagkat malikot ang ulo nito, naglulumaban sa tatlong lalakeng sumasalbahe sa kaniyang katawan. Subalit napukaw ang attensiyon ko sa malaking balat niya sa ilalim ng pusod, isang balat na hugis paletrang "U".