PD PUYATERS!! GHOST ROOM!! - PINOYDEN


Go Back   PINOYDEN > Tambayan Zone > Arts and Literature

Welcome to PinoyDen Forums.

You are currently browsing our forum as a guest, please consider registering to get full access to all of our forum features, download free games, get help for your pc and cellphone problems and learn new mobile tricks like how to browse the internet using your cellphone for free. All that and more, so what are you waiting for, JOIN us now!!!! Click here to register...
 Topic: PD PUYATERS!! GHOST ROOM!!  (Read 3758 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Pages: 1 ... 11 12 13 [14] 15 16 17   Go Down
Reply #195
12-03-12 02:31 AM
  • Sadako Sa BaLowN Ng Mga Adik
  • Pinoyden Addict
  • *
  • Female Offline
 
Posts: 32188
Thank You: 1639
Reputation: 55
babyPowdeR has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
kawawa naman di talaga sysa iniwan ng kuba kinuha talaga sya 
Reply #196
12-03-12 03:02 AM
  • Full Member
  • ***
  • Female Offline
 
Posts: 1939
Thank You: 108
Reputation: 1
riloseosa has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Anashibari
Story of ReinMan237

Alam nyo ba ang kanashibari or sleep paralysis. Yung super annoying and at the same time creepy sensation kapag matutulog ka.

Like for some reasons tulog ang katawan mo but your mind is still awake. Yeah...
I know its just the chemicals in your body, and I know dahil lang to sa stress, but still extremely creepy. It's like nag su-suffocate ka, you can't even move kahit panga mo, then parang me white noise or whatever kang maririnig, then yung matamo lalabo padilim ng padilim. But if meron sliver of light, like say sa napadaan na kotse sa tapat ng window mo, mawawala agad. You shrug it off, smirked and feeling ridiculous.

Minsanan lang dapat ang kanashibari right? Pero dati kase yung sister ko parating binabangungot. As in every night she feels as if she was under attack. Pinagtatawanan ko kase I mean she's 19 years old, ghost hauntings are for kids with strong imaginations, no reason to be scared, masyado lang syang stressed sa school sabi ko.

Yung bestfriend nya may ate na bukas daw ang third eye. Now kwento lang nya sakin to so take it with a grain of salt like I did back then. marunong manghula ang ate ng bestfriend nya, sinabi pa nga na magiging successful sya at papasa sya sa board exam in the first try (she did), yayaman etc. Pati yung mga sins nya alam so medyo nahiya pa nga daw sya. On with the ghostly haunted nightmares. Sinabi na meron ngang makulit na "spirit" sa room nila. Malicious. Hindi daw yun nagpapatahimik. So what she did e dinasalan daw yung kapatid ko ng um, something anyway, sabi nung ate na malaki ang chance na umalis lang ng room nya yung spirit at lumipat sa ibang lugar sa bahay. Also nabuksan ng konti yung Third eye nya, enough daw para "makaramdam".

Hey wouldn't you know it lumipat daw sa room ko! Hah! Dati kase dapat dun sya matutulog sa room ko kase nasira yung DVD player nya, e gusto namin panoorin yung The Hill Have Eyes. Tapos biglang ayaw na daw nya, kase nung sinara daw yung pinto iba daw pakiramdam nya. Pfft, ridiculous sabi ko, this is my room, kahit sino pang pumunta ditong multo di ako mapapaalis dito, aba andito gamit ko, marami ng nangyari ditong hindi masyadong wholesome, andito yung ps2 ko, so f*ck off na lang sya. Well bumalik parin yung kapatid ko sa room nya at natulog na.

Mula nun, araw araw nakong naka-kanashibari, every. single. day. One time nilagay ko yung remote sa kamay ko, prinompt ko yung power button sa index finger ko, so everytime aatakihin ako ng kanashibari pipindutin ko lang power, mawawala na. Naging kaibigan ko na din yung sleep timer ng TV.

Nightmares? Well marami, mga sobrang tindi e. Minsan namatay daw ang dad ko, minsan sinaksak ako sa likod, as in sobrang detailed ng feeling, pati yung cold steel sa likod ko ramdam ko sa panaginip ko. Minsan naman ala 28 days later ang setting, brownout daw pinasok ng mga infected ang bahay namin, it's just seemed so real, I mean hindi ako ganun ka detailed mag dream dati. Pero pinakamadalas talaga yung dream na sinasaksak ako. It's kinda cool, red ang paligid, sa taas ng building, mainit ang hanign, alam kong me tao sa likod ko, alam ko kung ano ang balak nya, yet still nagpapasaksak parin ako sa likod. Coolness.

Nagpatingin ako sa school nurse namin nun, sabi baka madami lang ako pinapanood na horror movies at gabing gabi nako matulog. Well, hindi naman 11 ako matulog maaga na para sa mga 20 years old. Well nasanay nako, effective naman yung sleep timer bypass ko e.

Graduated. Umalis ako papuntang Japan, haay nakatulog ako ng mahimbing, hindi nako nakakanashibari, wala na. Wala na halos nightmare. I slept like a baby.

Last year umuwi ako 6 months sa Philippines. Wow namiss ako binabangungot nanaman ako, nakakanashibari nanaman ako. Damn it! Di ba nila kilala na ako ang mayari ng room

Bumalik ako sa Japan, ok naman na ulit. Pero ang pinagtataka ko lately. Dito, inaatake nanaman ako ng kanashibari. Lately nagigising ako ng 2:59 AM EVERYDAY, for no apparent reason and hindi nako makakatulog hanggang umaga. To be honest I'm scared kase nabasa ko dito yung witching hour HAHAHA. Why the heck!? Nasundan bako ng lecheng to dito o ano HAHAHA
Reply #197
12-03-12 03:40 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 663
Thank You: 60
Reputation: 1
daredlyn has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
wow ! yan pala ang tawag jan .. weird ..
Reply #198
12-03-12 05:15 AM
  • Full Member
  • ***
  • Female Offline
 
Posts: 1939
Thank You: 108
Reputation: 1
riloseosa has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Reply #199
12-03-12 05:20 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 663
Thank You: 60
Reputation: 1
daredlyn has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
post ka pa mam ! Kakaenjoy magbasa e ..
Reply #200
12-03-12 05:31 AM
  • Full Member
  • ***
  • Female Offline
 
Posts: 1939
Thank You: 108
Reputation: 1
riloseosa has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Bahay Ni Lola- White Lady
-Tampopot

    4-5 am kung gumising si tita, malayo kasi ang pinapasukan nya opisina. malimit nagigising ako sa ingay ng blower nya. Minsan bumabangon na rin ako para mag breakfast, or nag stay lang sa kama hanggang makatulog uli at hintayin ko gisingin ako ni lola para sabay kami kumain.

    Pero isang umaga, muli ako nagising sa blower ni tita, at naamoy ko kakaibang pabango, amoy bulaklak, babatiin ko sana si tita na masyado matapang ang pabango nya, pero may nakita ko kasama ni tita, habang naka harap sya sa salamin, sa likod nya may isang babae nakatayo, maputing maputing babae. nag tataka ako kasi d ko alam na may bisita kami dumating o kasamahan ni tita na natulog samin.

    Pinagtatakahan ko bakit bawat kilos ni tita ginagaya nya, saka ko napansin biglang nagbabago na itsura nung babae, nagiging transparent na sya, tagusan na nakikita ko ang anyo ng tita ko na nasa harapan nya, dun ko lang nalaman na white lady yung nasa likod nya. d ako makasigaw sa tita ko, hinayaan ko na lang gayahin nya si tita, pagkatapos ni tita sa salamin, yung white lady umikot sya sa buong kwarto, lumabas ng pinto at mula sa kama nakikita ko pinasok nya yun kalapit namin 2 kwarto saka bumalik sya uli sa kwarto, tumagos sa pader namin papunta sa terrace.

    Akala ko umalis na sya, pero bumalik uli sya, mula sa pader tumagos uli sya papasok sa kwarto, mas mataas na sya sa tita ko, yun pala umaangat na sya sa sahig, pagkatapos ni tita mag bihis, bumaba na sya, ako na lang naiwan sa kwarto at yung white lady, takot na takot ako dahil bigla tumingin sakin yung white lady, nakita ko papalapit na sya sa kama, d ako makasigaw, d ako makaalis ng kama, pumikit na lang ako, nag talukbong ako ng kumot,

    Nakaramdam ako ng malamig na hangin, ayaw ko pa rin buksan mata ko, natatakot ako, pero unti unti naramdaman ko hinihila nya ang kumot ko sa bandang paanan. binababa nya hanggang lumabas na ang mukha ko sa kumot, nakapikit parin ako, takot na takot ako sumilip o dumilat.

    Pero nagtataka ako na bigla sya tumigil, pag bukas ko ng mata ko, andun sya sa harapan ko, nakatapat ang mukha nya sa mukha ko, pakiramdam ko mamatay na ko sa sobrang takot, gusto ko sumigaw pero walang boses lumalabas sa bibig ko, gusto ko bumangon pero d ko alam bakit d ko magawa kumilos, naka freeze lang ako sa kama, nakatingin sa mukha nya, d ko ma describe ano itsura nya basta alam ko lang yung galit na galit nyang mata nakatingin sakin.

    Nakita ko tinaas nya mga kamay nya papunta sa leeg ko, sasakalin nya ko, gusto ko lumaban pero wala ako magawa. pumikit na lang ako sa isip ko sumisigaw ako tinatawag ko ang lola ko, d naman mahigpit ang hawak nya sa leeg ko pero sobrang lamig nya na d na ko makahinga, isa na lang naisip ko mag dasal, d ko pa natatapos yung dasal ko, biglang nagbukas ang ilaw sa kwarto. Si lola pumasok sa kwarto, this time nakakilos na ako, dumilat na ko, at kitang kita ko dahan dahan tumagos sa pader habang nakaharap yung white lady sakin na nakangiti pa sya.

    Tinanong ni Lola bakit ako nakatulala at sa pader pa nakatingin. Kinuwento ko sa lola ko nangyari sakin, sabi nya naramdaman nga nya malamig sa kwarto, mula noon dun na ko sa tabi ni lola natutulog at iniiwasan ko pumasok sa kwarto ni tita.
Reply #201
12-03-12 05:32 AM
  • Sr. Member
  • ****
  • Female Offline
 
Posts: 8630
Thank You: 374
Reputation: 1
link10x3 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
more pa rilotot
Reply #202
12-03-12 05:40 AM
  • Full Member
  • ***
  • Female Offline
 
Posts: 1939
Thank You: 108
Reputation: 1
riloseosa has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Ang Habilin

“Condolence, mare,” bulong ni Maria habang akap-akap si Tina.

“Salamat, mare,” sagot ng humihikbing si Tina. “Pero, buti na rin ito. Ngayon, makakapagpahinga na rin si Inay. Matanda na rin naman siya.”

“Bukas na ang libing, di ba?

“Oo.”

Maraming tao ang nakaupo sa mga plastic na upuan sa harap ng puting ataol, lahat ay abala sa pakikipagtsismisan. Ngunit mas marami ang taong nakaumpok sa lamesa ng saklaan. Marami kasi ang gustong tumulong sa namatayan kayat ipinakikita nila ito sa pamamagitan ng pagtaya sa sakla.

Muling sinilip ni Maria ang bangkay na nasa loob ng ataol, habang tumalikod muna si Tina upang salubungin ang mga bagong dating na nakikiramay.

Ang kapal naman ng make-up. Sino ba ang gumawa nito? sabi niya sa sarili.

Nang lumapit ang mga bagong dating upang sumilip sa patay. Tahimik na umalis si Maria at dumiretso sa saklaan. Di nagtagal, maririnig ang kanyang pabulong ngunit malakas na pagmumura, tanda na, gaya ng dati, naubos na naman ang kanyang dalang pera sa pagsusugal.

“Hay, pambihirang buhay ito! Ayaw pa akong sang-ayunan ng suwerte!”

“Aling Maria,” sabat ng bangka, mabuti pa siguro umuwi na kayo. Gabi na, sigurado hinahanap na kayo ni Ernie.”

“Hoy, huwag ka ngang pakielamero,” sagot ni Aling Maria ngunit tumalikod na rin siya at lumayo sa lamesa. Hinanap niya ang kanyang kumare ngunit hindi niya ito makita. Sa halip, napako ang kanyang mga mata sa puting ataol na naliliwanagan ng maraming ilaw at napapalamutian ng makukulay na bulaklak.

Dahan-dahan siyang lumapit sa ataol. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang mga kinakaharap na problema. Ang kanyang asawang isang hamak na karpintero lamang. Ang kanyang limang anak na kanilang pinag-aaral. Ang kakulangan nila ng pera upang ipambili ng pagkain sa araw-araw. At ang pagtanggi ng swerte sa kanya (lalo na sa sugal).

Tumigil siya sa harap ng ataol at tinitigan ang walang buhay na katawan ng nasa loob nito.

“Lola Nita,” mahina niyang sabi, “magpapahinga ka na rin, ano?” Luminga-linga siya sa paligid, tinitingnan kung mayroong nagmamasid sa kanya. Nang makitang walang nakapapansin sa kanya, ipinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi.

“Alam niyo naman ang hirap ng buhay namin, hindi ba? Ngayon hong sumakabilang buhay na kayo, ihahabilin ko po sana lahat ng problema namin. Sana po isama niyo na sa inyong pupuntahan ang mga problema ng pamilya namin.”

Biglang tumango ang bangkay.

Napasigaw si Maria ngunit agad din naman niyang natakpan ang kanyang bibig. Sa kanyang paligid, datapwat hindi niya napansin, may ilang napatingin sa kanya ngunit agad din namang bumalik sa kani-kanilang pinagkakaabalahan.

Nanlalaki ang mga matang tinitigan ni Maria ang bangkay. Wala namang nagbago sa ayos nito.

Baka imahinasyon ko lamang.

“Mare.”

Bahagyang napatalon si Maria sa pagkagulat. Mabilis siyang tumalikod at nakita si Tina.

“Ayos ka lang ba, mare? Parang namumutla ang mukha mo.”

“H-Ha? Naku baka pagod lang ito. Mabuit pa siguro umuwi na ako.”

“O sige. Pasensya ka na hindi na kita maihahatid sa labas. Alam mo namang bawal, hindi ba?

Napangiti si Maria. Oo nga pala’t pareho silang mapamahiin ng kanyang kumare.

“Sige, Mare.”

Hindi muna dumiretso sa kanilang bahay si Maria. Pumunta muna siya sa bahay ng isa sa kanyang mga kaibigan upang mangutang. Nang hindi napagbigyan, malungkot na umuwi si Maria.

Muli niyang naalala ang nangyari kanina sa lamay. Sa isip niya, kita niya na tumango si Lola Nita. Hindi kaya dahil ito sa kanyang habilin?

Biglang nakaramdam ng tuwa si Maria. Kung nakita nga niya talaga ang kanyang nakita, tiyak na pagbibigyan ni Lola Nita ang kanyang hiling. Kukunin na nito at isasama ang problema ng kanilang problema. Sa wakas ay makakaranas na rin sila ng sagana.

Nakarating si Maria ng may ngiti sa labi. Kahit ng dumating ang kanyang asawa na ang dalang ulam lamang ay tuyo ay hindi nawala ang kanyang mga ngiti. Kahit pa humihingi ng pera ang tatlo niyang anak para ipang-project sa eskwela. Hanggang sa makatulog siya ay hindi nawala ang kanyang kasiyahan.

Isang malakas na katok ang gumising sa mahimbing na tulog ni Maria.

“Anak ng… sino ba iyong kumakatok nitong dis-oras ng gabi? Lando, tingnan mo nga iyon?” Niyugyog niya ang asawa ngunit hindi man lamang ito gumalaw. Naalala ni Maria na mantika nga pala matulog ang kanyang asawa. Padabog na tumayo si Maria at tinungo ang pinto.

“Sino ba y–”

Hindi na natuloy ni Maria ang kanyang tanong. Sapagkat sa kanyang harapan ay nakatayo si Lola Nita!

“L-Lola N-Nita!”

Ngumiti ang matandang babaeng nakatayo sa kanyang harapan. Suot-suot pa nito ang puting-puting damit pamburol nito. Puting-puti ang mga mata nito, habang naninilaw naman ang apat na natitirang mga ngipin nito.

“H-Hindi!” sigaw ni Maria. “Panaginip lang ito.”

Itinaas ng matanda ang kanang kamay nito, nakabukas ang palad na inaabot kay Maria.

“A-Anong…”

Humakbang papaatras si Maria, ngunit nagimbal siya ng malamang hindi niya maigalaw ang kanyang katawan.

“Halika na, Maria. Isasama na kita.” Magaspang ang boses ni Lola Nita.

“Hindi! Bakit niyo ako isasama?”

Lalong ngumiti si Lola Nita. Kitang-kita ni Maria ang gilagid ng matanda.

“Hindi ba’t hinabilin mo sa akin ang problema ng pamilya ninyo?”

“H-Ha?” biglang naalala ni Maria ang sinabi niya sa harapan ng ataol. “Oo nga. Pero bakit ako ang isasama mo?”

Humalakhak ang matanda. “Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Ikaw ang problema ng pamilya ninyo.”

Walang maisagot si Maria.

“Galit ka sa masipag mong asawa. Oo nga’t karpintero lamang siya, ngunit binibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya upang buhayin kayo. Pinapabayaan mo ang mga anak mo. Hindi mo sila inaalagaan at ginagabayan. Hindi ka na nga tumutulong sa iyong pamilya, sugarol ka pa.”

Gustong umiling ni Maria. Gusto niyang takpan ang kanyang mga tainga. Ngunit para siyang isang estatwa na hindi makagalaw.

“Sigurado, kapag wala ka na, makakaranas rin ng ginhawa ang iyong pamilya. Halika na.”

Kinuha ng matanda ang kamay ni Maria.

“Hindi! Panaginip lang ito! Panaginip lang! Panaginip la–”

###

Kinabukasan, nagulat ang buong baranggay ng malamang patay na si Maria.

“Inatake raw sa puso,” sabi ng isang tambay.

“Binangungot daw,” sabi ng isa pa.

“Kagabi lang, andun siya sa saklaan,” sabi ng tindera ng sari-sari store.

“Ngayon pa siya namatay, kung kelan libing ni Aling Nita,” sabi ng tricycle drayber.

“Paano na si Lando at yung mga anak nila?” tanong ng magtataho.

“Naku, palagay ko mas magiging maayos ang buhay nila,” sagot ng magbobote.

“Oo nga. Ngayon, wala na ang problema ng pamilya nila,” sabi ng tanod.
Reply #203
12-03-12 05:40 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 663
Thank You: 60
Reputation: 1
daredlyn has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
ang lupet ! Post pa mam ! Pandagdag lang ng collection .
Reply #204
12-03-12 05:48 AM
  • Full Member
  • ***
  • Female Offline
 
Posts: 1939
Thank You: 108
Reputation: 1
riloseosa has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
ANG BUS

This happened when I was still a student. Nag aaral ako noon sa Baguio and semestral lang kung umuuwi ako sa probinsya namin and usually one week lang ang bakasyon then balik Baguio na naman.

My ghost story happened noong pabalik
na ako ng Baguio, sa amin kasi, (anyway, Cagayan ang province namin) pwedeng sa Tuguegarao ka sasakay ng papuntang Baguio or pwede rin sa Laoag, Ilocos Norte. It so happened na kasama ko yung kapatid ko na pabalik ng Baguio kaya napagkasunduan naming via Ilocos na lang kami. So we boarded the Philippine Rabbit na papuntang Baguio. Noong una, wala namang kaduda duda sa sasakyan kasi half full yung bus noong umalis ng Laoag City. Then pagdating namin ng Vigan, siguro nasa sampu na lang kaming pasahero. Ang ginawa ng ibang pasahero sa likod ng bus, nagsipuntahan na sa may bandang harap kaya wala ng taong natira sa may bandang likod. Mga 2/3 rows lang ang occupied ng mga passengers sa may bandang harap and that time mga 11PM na kaya medyo inaantok na kaming mga pasahero. Pagdating namin sa La Union, dun na nag umpisa..... Dahil sa antok siguro, di namin napapansin na laging may pumapara sa may bandang likod. (Yung pagpara na kinakatok ang bubong ng sasakyan para huminto ang bus.) Halos bawat barangay na madaanan e may kumakatok at humuhinto ang bus kaya ako'y nayayamot nun. Ako kasi hindi makatulog sa bus kapag laging humihinto kaya nawala yung antok ko at imbes na matulog na lang, nakatingin na lang ako sa dinadaanan namin. Ang pumapara sa may bandang likod ay tuloy pa rin pero di ko lang pinapansin. (Anyway, ordinary bus lang ang sinakyan namin nun. Yung mga bus na dalawa ang pintuan, isa sa may bandang harap at isa sa may bandang gitna ng bus kaya di ko pinapansin yung pumapara.) Napansin na bawat madaanan naming sementeryo saka pumapara yung nasa likod. Pagdating namin ng San Fernando, La Union, sa may pinakamalaking sementeryo pumara na naman at hindi na lang katok ang ginawa nya kundi sumigaw na na para bang nagmamadaling bumaba kaya pati mga natutulog na ibang pasahero ay nagising at napatingin sa likod. Pagtingin namin sa likod wala namang tao pero patuloy pa rin ang pagkatok at pagsasalita. Saka lang natigil yun noong hininto ng driver ang sasakyan at sinabing "Sige, bumaba ka na." Magmula sa lugar na yon hanggang Baguio ay wala ng pumapara. Alam na pala ng driver at conductor na merong nagmumulto sa sasakyan na yon at ayon sa kwento nila, isa daw yun sa mga biktima ng hit and run.
Reply #205
12-10-12 03:05 PM
  • Sadako Sa BaLowN Ng Mga Adik
  • Pinoyden Addict
  • *
  • Female Offline
 
Posts: 32188
Thank You: 1639
Reputation: 55
babyPowdeR has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
dami storya natakot ako dun sa habilin
Reply #206
12-10-12 07:48 PM
  • Hero Member
  • *****
  • Female Offline
 
Posts: 11808
Thank You: 187
Reputation: 1
queenie has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Rilo
Reply #207
12-11-12 10:38 PM
  • PinoyDen Adik
  • ******
  • Male Offline
 
Posts: 21681
Thank You: 389
Reputation: 1
leon19 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Kakatakot talaga
Reply #208
12-13-12 05:45 PM
  • Full Member
  • ***
  • Female Offline
 
Posts: 1939
Thank You: 108
Reputation: 1
riloseosa has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Ang kwento ng black lady dito sa aming opisina.
Kwento ni einjhel_miguel

May mga narinig na akong kwento at may mga nakapagsabi na sa akin tungkol sa babaeng nagpapakita dito sa opisina bago ko pa siya unang maramdaman at makita.

Noon so...
lo ko ang isang malaking space dito sa opisina.

Isang malaking opisina lang ang meron at walang mga cubicles na naghihiwalay sa bawat department. Ako lang kumbaga ang nakahiwalay at may sariling space/cubicle. Sa likuran ko ay may lamesa na may lumang electronic typewriter. At sabi nang nakararami ay doon siya sa likod ko madalas naglalagi lalo na at madalas tahimik sa lugar ko dahil nag-iisa ako at maaga akong kung umuwi at pinapatay ko na ang ilaw sa lugar ko bago ako umalis.

Sa totoo lang hindi naman ako nagaalala kung meron man laging nakatayo sa likod ko. Dahil hindi ko naman talaga siya nakikita pa noong mga panahong iyon.

Ngunit may mga tao nang nakakapansin sa kanya. At minsan nga nangyari ito sa oras na nakauwi na ako mula sa opisina.

Minsan isang hapon, hindi pa naman nagdidilim nun at kakauwi ko pa lang at pinatay ko na ang ilaw sa lugar ko. Ang naiwan sa opisina ay yung EVP namin na japanese, VP namin na pinoy at isang supervisor.

Narinig nilang tatlo na may umiiyak na babae. Nanggagaling sa lugar ko. Hindi nila makikita kung may tao dahil may harang na whiteboard as wall between sa lugar nila at lugar ko.

Dahil nacurious sila kung sino yung umiiyak tumayo yung EVP at VP namin para sundan yung iyak at tignan kung san galing. Pumunta sila sa lugar ko pero wala silang nakita, huminto na rin ang pag-iyak. Nagkatinginan na lang sila at tumawa ng mahina dahil sa kaba. Alam na alam kasi nilang dalawa na totoong may narinig silang umiiyak at sa pwesto ko galing pero nakakapagtaka naman na wala silang nakitang tao.

another story...

may kasamahan ako sa work na may third eye. At lagi niyang nakikita yung babae sa likuran ko. (dahil sa may area ko nga siya nakatambay) Ang pinagtataka ko bakit ako hindi ko siya nakikita ('though I always block anything 'paranormal' everytime na nakakaramdam akong kakaiba). Pero minsan sadya yatang napakakulit ng 'black lady' eh bigla ko na lang siyang naramdaman na nakatayo sa likod ko.

Sobrang kilabot ang naramdaman ko nung mga panahon na yun. (office hours nangyari 'to 7am-4pm) Ramdam ko talaga na nakatayo lahat ng balahibo ko sa likod at sa braso.. At ramdam ko rin na nakatayo lang siya sa likod ko. Para mawala ang kaba at kilabot ko tumayo muna ako at naglakad lakad pa-lobby. Pero nararamdaman ko pa rin na nakasunod lang siya. Balik ulit ako sa pwesto ko kinikilabutan pa rin ako. Nagdesisyon ako tumambay na lang muna sa CR pagpasok ko sa CR sinalubong niya ako bigla sa ikalawang pinto. As in sumalubong siya na parang may tao kang makakabangga sa bilis ng paglalakad mo. Ang kaibahan lang ay hindi siya buo na parang sa tao. Para lang siyang anino o usok na itim na korteng babae. At sa pagsalubong niya at nagulat niya ako bigla na lang siyang nawala.

may nakakita na rin sa babaeng multo na yun.. that time nga lang naka-pink ang nakita nila.

Pink kasi ang kulay ng uniform ng mga babae sa opisina. Sa CR ng mga babae dalawa ang salamin at magkaharap. Yung dalawang kasamahan ko sa opisina ay nagkwekwentuhan habang nakatingin sa salamin. Napansin nila na may kasama sila kasi may isa pang reflection na galing sa kabilang salamin. Ibig sabihin may nananalamin din sa kabila. Medyo mahaba haba na ang kwentuhan nila nung nagtaka sila bakit hindi lumabas yung babang nakita nila. Dapat kasi mapapansin nila yun dahil nakaharang sila sa daanan palabas.

At alam nilang wala pang lumalabas na babae. Nagtaka na sila dahil nga nakita nila sa reflection sa salamin na may iba silang kasama. Tinignan ila yung mga cubicles pero wala namang ibang tao. Kinakabahan na sila nun ng biglang may narinig sila ng footstep. Na para bang ibinagsak na paa lang. Ayun nagtatakbo na sila palabas.

~Lady In Red
Reply #209
12-13-12 06:37 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 3801
Thank You: 117
Reputation: 1
johnzenery has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
:takot: katakot ang mga kwento, tapos nakatapat pa ako sa ang lamig
Pages: 1 ... 11 12 13 [14] 15 16 17   Go Up
 


Related Topics
Subject Started by Replies Views Last post
CONFESSION ROOM..
Tambay tayo dito!
Rjmc 29 2251 Last post 03-13-09 07:43 PM
by weibkreuz
Help CD Room
PC Help & Support
LigerZer0 5 292 Last post 10-28-10 05:44 AM
by archive
mga PUYATERS lahat sa PD , pasok :))
Tambay tayo dito!
Tiffany29 7492 29900 Last post 11-12-12 09:53 AM
by Tiffany29
PD PUYATERS! GHOST ROOM!!
Tambay tayo dito!
riloseosa 69 696 Last post 09-25-12 12:43 AM
by riloseosa
PD PUYATERS:SHARE WHAT'S GOING ON, YOU NOW :D
Tambay tayo dito!
riloseosa 261 1511 Last post 12-28-12 04:16 PM
by rockraw

All dates are GMT+8:00. The date now is 05-20-13 09:20 PM
WWW.PINOYDEN.COM.PH does not store any files on it's server, we are just indexing other sites contents!
WWW.PINOYDEN.COM.PH [Ang Tambayan ng pinoy!] © copyright 2008-2009 All Rights Reserved.
Contents published on www.PinoyDen.com.ph requires permission for reprint.

Page created in 0.264 seconds with 22 queries.