Note: Wala po kayong babayaran kapag nag-apply kayo dito! Malinaw po yan at wala akong makukuha at mapapala sa ginagawa kong ito

gusto ko lang tumulong

hindi rin ako hihingi ng thanks or repute, alam nyo naman yun kung nakatulong ako o hindi.
FEEDBACKS:
Quote:
ummh andami ko nga pwedeng applyan na positions sa kanila. Kaya sinabi ko na lang na kahit anong work. Hahahah. Sa warehouse daw ako ng manufacturing company sa bagong ilog sa logistics daw. Since sa logistics din ako sa previous job ko.. Pagkaexam ko daw bukas at pasa ako, diretso na daw ako dun sa company... mababait at accomodating pa mga tao dun. Unlike dun sa ibang naaplyan ko na call center na masusungit.
Aug.4,2012 nag-start na sa work si Erin41 as Logistics sa Morning Star Milling Corp.
Quote:
Dun si hubby sa asiapro kanina pa 11am.. Exam nya ngayong 2.30pm.. Inoffer daw sakanya sales clerk homedepot . Reaction niya sa asiapro..bilis daw ng pgprocess.ang babait daw ng mga tao dun, at dame daw talaga nag.aapply dere deretso exam. Yung iba daw na hindi qualified hindi pinapabalik for exam. Itetext nalang daw. Pagpasa daw niya ng resume parang pinag aralan muna maigi si resume then pinabalik siya ng 1pm para sabihin kung anung work fit sakanya. Mag eexam daw siya 2.30pm, pag nakapasa daw siya itext daw siya within 1week, para magprocess na ng requirements. pag hindi nakapasa sa exam hanapan siya ibang work.

Nalobat si hubby hindi na naidetalye anu mga hiring pa.. Ayon .. Goodluck sa hubby ko. At goodluck din sakin tomorrow..

As of Aug.12,2012 wala pang update sakin si lynnbernardo pero sa tingin ko malaki chance ng hubby nya na makapasok sya.

Asiapro Central Bldg.
70 San Rafael st. Bo. Kapitolyo, Pasig City
Apply OnlineBranches (Luzon,Visayas,Mindanao)tel.# 635 5399/747 27770
monday-friday 8am-6pm
How to get there?
-Punta ka ng Shaw Blvd.(either Mrt or bus) hanapin mo yung sakayan ng jeep papuntang Pasig, syempre sasakay ka dun

sabihin mo ibaba kayo sa Kapitolyo (8pesos lang pamasahe) kapag nakita nyo na yung Pag-ibig building sa kanan malapit ka na... kasunod nun ang Shell station tapos Petron Station... bumaba ka na.. may kalsada dun sa tabi ng Petron..Lakad ka may guard house dun sa gitna... makikita mo agad yung Andoks Litson manok

kanan ka uli diretso lang hanggang makita mo yung office ng Asiapro
Positions available:
as of July 24,2012 nasa page 10 ang mga hiring thanks to Erin41

or click here
Page 10 UPDATED LIST:
Go to page 19 or click here
Page 19 Requirements:
2 resumé with picture (yung ibang requirements depende kung saan ka maaasign)
Wear proper clothes po pagpunta nyo, polo o polo shirt po syempre office yun

tsaka wag kayo matatakot mababait mga kakausap sa inyo
Additional Info:
Ok lang kahit HS graduate, Undergrad
Second work ko na ito sa kanila, naka-assign ako ngayon sa Morning Star Milling sa Pasig as Boiler Operator

yung una ay sa Lamoian Corp. (makers of Happee toothpaste) as Machine Operator
Q: Ano kaibahan ng Cooperative sa Agency?
Agency: 5-6 months contract
Asiapro: Continous dito hangga't hindi ka pinu-pull out ng Asiapro or hindi ka natanggal ng company or nagpalipat ka, tuloy tuloy lang trabaho mo
Agency: may mga kaltas na walang malinaw na dahilan like Tax na dapat ay wala kapag minimum earner ka lang di ba?
Asiapro: simple lang... walang Tax kahit above minimum salary ka

bakit? Kasi Cooperative ang Asiapro at ang lahat ng Cooperative sa ating bansa ay hindi required ang Tax.
eto lang muna mga ka-

naka-mobile lang ako eh saka ko na pagandahin itong thread

post lang kayo dito wag mahiya, sana ito na yung hinahanap nyong stable job!