Kaibigan - PINOYDEN


Go Back   PINOYDEN > Tambayan Zone > Arts and Literature > Writer's Desk

Welcome to PinoyDen Forums.

You are currently browsing our forum as a guest, please consider registering to get full access to all of our forum features, download free games, get help for your pc and cellphone problems and learn new mobile tricks like how to browse the internet using your cellphone for free. All that and more, so what are you waiting for, JOIN us now!!!! Click here to register...
 Topic: Kaibigan  (Read 187 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Pages: [1]   Go Down
07-05-12 05:30 AM
  • Jr. Member
  • **
  • Male Offline
 
Posts: 137
Thank You: 43
Reputation: 0
nelzky has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Ang kaibiga’y marka ng ating katauhan
Ang anino ng bawat nating kaligayahan
Imortal nating kapatid magpakailan pa man
Kabiyak ng ating dugo at laman

Sila na ang salita’y pawang mga ebanghelyo
Gumagawad ng munting tinig na makatao
Pag-ibig nila’y payak ngunit sumisimbolo
Ng dalisay, pantay at walang balat-kayo

Masaktan ma’t alipustahin  ay babalik din
Kawangis ng mayang pinilit liparin
Ang kalawakan  ng kagubatan na halos lunurin
Sa huli nama’y abang pugad ang lalambingin

Kaibigan din ang pakpak ng matimyas na lilipad
Sa pagal nating pagkatao at magmamatiyag
Nang labis kung atin lamang maihahayag
Magbibigay ng pagsintang walang kasing alab

Sapagkat ang mga tula ay lirikong binabanggit
Sa mga taong iniibig ko ng pagkarikit-rikit
Sa mga katotong lumisan na at may mga galit
At sa iilang nanatili at patuloy sa pag-awit

Hindi ko man maibuhos ang katas ng pagmutya
Sa aba kong dalanginang paglikha ng tula
Sa mga nahuhuli kong araw sa sinag ng madla
Sa inyong mga kapisan ko na lamang ipapaubaya

Makatang lawin na may dagtang malalalim
Ang pawang naiiwan sa bawat kong pagsalin
Iyan lamang ay upang aking malasin
Ng katotong tunay ang aking bawat damdamin

Kayong nakasusumpong sa mga tulang nabanggit
Tunay kayong kaibigan kong malaya nang makakapikit
Sa mga pagdurusa ko’t bawat pasakit
Kayo ang nakasama ko’t naging kapanalig

Ang agimat raw ay sadyang kalasag
Na nagbibigay ng kapangyarihang hindi matitinag
Ang paki ko nama’y kaibigan ang aking agimat
Tunay kong kalakasan at patunay sa aking imortalidad!


(Orihinal na akda ni Ronnel A. Panlaqui "nelzky")
Reply #1
07-08-12 06:40 PM
  • Full Member
  • ***
  • Female Offline
 
Posts: 385
Thank You: 64
Reputation: 1
fiona_applet has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Para kang laging namamaalam ah i'm coming...
Pages: [1]   Go Up
 


Related Topics
Subject Started by Replies Views Last post
kaibigan help po
Mobile UBT/FBT Help and Support
scooby1981 5 228 Last post 01-14-09 10:08 PM
by clippitch
mga kaibigan!
Introduce yourself
111702 8 257 Last post 12-12-10 05:10 PM
by j480n
Hello mga kaibigan!
Introduce yourself
Astralboy 15 411 Last post 10-10-11 04:24 AM
by Ninjacode
mga kaibigan
Birthdays & Celebrations
dedehenkogatasngbabymo 13 264 Last post 11-19-12 09:34 AM
by komwari
kaibigan nga naman.
Arts and Literature
_kevin_ 21 491 Last post 01-11-13 12:19 AM
by _kevin_

All dates are GMT+8:00. The date now is 06-19-13 11:28 AM
WWW.PINOYDEN.COM.PH does not store any files on it's server, we are just indexing other sites contents!
WWW.PINOYDEN.COM.PH [Ang Tambayan ng pinoy!] © copyright 2008-2009 All Rights Reserved.
Contents published on www.PinoyDen.com.ph requires permission for reprint.

Page created in 0.275 seconds with 27 queries.