Quote:
sana may tut pano gumawa ng simpleng app o exe
Matagal na kong hindi gumagawa ng pyappz na para sa s60v2 pero sa pagkakaalam ko ganito ang ginagawa ko noon sa S60v2 para makagawa ng stand alone appz, una dapat may py2app.sis ka. Ito kasi ang nagcoconvert ng py script para gawing stand alone application para sa s60v2. Kapag nainstall na ito, wala kang makikitang appz sa cp mo. Gagana lang ito sa xplore (xplore kc ang madalas kong gamitin non sa n70 ko at ito ang ikalawang dapat mayron sa iyo, ikatlo ang sisboom). Kapag nasa xplore ka na. Punta ka sa folder ng py appz mo, hanapin mo yong gusto mong gawing appz, halimbawa, myappz.py tapos open by system, tapos may lalabas diyan na (pasensya na di ko na matandaan) pero may 3 options lalabas diyan. Piliin mo yong py2app (python script yata at python module yong 2 options). Tapos lalabas diyan yong paglalagyan mo ng uid (0xXXXXXXXX) lagyan mo yan ng gusto mong uid ng appz mo. Halimbawa 0x21432561. Tapos mag iinstall yan kapag tama ang pagkakagawa mo. Kapag nainstall na punta ka sa my own folder mo sa menu, naroon na yong myappz mo ready to use na. (punta ka sa xplore, e:/system/apps/ myroon ng folder na myappz.) Para maipasa mo o kaya maiuplod mo o para maikalat mo na ang appz mo, gawin mong sis. Gamit ka ng sisboom, pack, installed appz, piliin mo yong folder ng appz na ginawa mo halimbawa yong myappz. Tapos wait mo na lang maging myappz.sis at yun na. Tapos na.... Magulo yata... S60v3 na kasi ang gamit ko at mas madali sa s60v3. Pati yong icon kasama na agad at ipapacked na rin agad kapag gumawa ng stand alone appz (.exe).