Quote:
huh?.. Angkan pa ni levita ang ang hindi mo isinali sa 12 angkan..
Alalahanin mo, kaya nga lumabas ang utos ng ikapu dahil sa angkan ng mga levita..
Ano ka ba naman..
Natural wala ng hudyo o griego.
Kasi nga giniba na ni Kristo ang pader sa pagitan ng dalawa.
Ang layo naman ng konteksto mo eh.
Ang pinaguusapan dito ay ang 144,000 na angkan ng isarel..
Eh talaga naman may maliligtas na Gentil.
Pero sure ako na hindi yan kasama sa 144, 000..
Isa pa kinompirm na nga ng biblia.. Tinutulan mo pa.
"At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng
mga anak ni Israel:" (Revelation 7:4).
Kasama ba ang angkan ni Levy?
12 Ankan.
1. Juad
2. Ruben
3. Gad
4. Aser
5. Neftali
6. Manases
7. Simeon
8. Levi
9. Isacar
10. Zabulon
11. Jose
12 Benjamin..
Kasama ba ang lahi ni levy??..
"Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;" (Revelation 7:7).
Huwag mo akong lukuhin..
Hayagan yang ginagawa mo..
Hindi po daigdig natin ang mamanahin kapatid. Talagang may lupang nananatili pero hindi itong ating lupa.
Sabi ni Apostol Pablo..
"Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan." (2 Corinthians 4:18).
Ang bagay na nakikita ay may katapusan..
Ang mundong ito nakikita kaya may katapusan..
Aling lupa ang ang tinutukoy na mamanahin.. Na hindi pa nakikita?..
"Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya." (1 Corinthians 2:9).
Ang mga bagay na inihanda ng Dios sa mga nagsisiibig, hindi pa po nakikita yon..
Alin bang kautusan ang tinutkoy ni Kristo?..
Ang layo na nito sa lupang mamanahin..

Ang nasa Apocalipsis 7 na 12 na tribu ay tumutukoy sa espiritual na Israel dahil sa mga sumusunod na rason.
Ang listahan ng espiritual na israel ay hindi kapareho ng nasa Bilang kapitulo 1 tungkol sa natural na Israel.
Sa Apocalipsis 7 , tinutukoy nito ang espiritual na Israel sapagkat ang natural na Israel noon gaya ni Ruben ay nawala nila ang karapatan nila bilang mga unang bunga dahil sa mga masasamang nagawa nila. Genesis 49 : 3, 1Cor 5 : 1,2
Pansinin ang nasa Apocalipsis 14 : 4
'....Ang mga ito ay binili mula sa sangkatauhan....'
Maliwanag na ang mga 144,000 ay mula sa sangkatauhan, at hindi sila manggagaling lang sa natural na Israel. Sa Galacia 6 : 15, 16 , mapapansin :
Sapagkat walang anuman ang pagtutuli ni ang di pagtutuli , kundi ang bagong paglalang. At sa lahat niyaong mga lalakad nang maayos ayon sa alituntuning ito ng paggawi, sumakanila nawa ang kapayapaan at awa ,maging sa Israel ng Diyos.
Ibig sabihin hindi na nalilimitahan ang mga ito sa natural na Israel kundi ang lahat ay may pagkakataon.
Tungkol naman sa lupa, eto ang nasasaad sa Isaiah 45 : 18
Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, na Maylalang ng langit, Siya na tunay na Diyos ,na Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito, Siya na nagtatag nito nang matibay, NA HINDI NIYA NILALANG NA WALANG KABULUHAN, NA NAG-ANYO NITO UPANG TAHANAN...'
Pansinin mo na ginawa ang lupa upang tahanan at hindi upang sirain.
Isa pa, sa Awit 37 : 9 - 11
Sapagkat ang mga manggagawa ng kasamaan ay lilipulin, Ngunit yaong mga umaasa kay Jehova ang siyang mag-mamay-ari ng lupa.
At kaunting panahon na lamang ,at ang balakyot ay mawawala na, at pagtutuunan mo nga ng pansin ang kaniyang dako, at siya ay mawawala na.
Ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.
Maliwanag na ang mawawala ay ang mga masasama. Hindi sinabi na mawawala ang lupa bagkus ito ay magiging pagmamay-ari ng mga taong umaasa kay Jehova.
Ngayong ating balikan ang Kawikaan 2 : 21
Sapagkat ang mga matuwid ang siyang tatahan sa lupa, at ang mga walang kapintasan ang siyang maiiwan dito.
Pansinin mong maigi ang word na MAIIWAN. Ibig sabihin walang ibang pupuntahan ang mga tao na tatahan sa paraisong lupa. Itong mismong lupa na ito ang siyang magiging paraiso. Lilinisin lang ito ng Diyos gaya sa nasasaad sa Awit 37.
Kung gayon, ano ang sinasabi ni apostol Pablo na ang lahat ng bagay ay mawawala?
Ang mga bagay na mawawala ay mga materyal na bagay na kinahuhumalingan ng mga tao. Ang sinasabi diyan ay mga bagay po. Hindi po sinasabi na ang mundo ang mawawala. Malaki ang kaibahan ng bagay sa mundo. Ang mga bagay ay pera,kotse, bahay at iba pang mga mararangyang ari arian. Mas makatuwiran ito sapagkat ito ay tumpak sa sinasaad ng Bibliya na mas magandang mag ipon ng mga bagay na espirituwal kung saan hindi ito uubosin ng kalawang kaysa sa mga materyal na bagay.
Ang lupa ay gagawing paraiso sapagkat ito ang purpose ng Diyos sa daigdig.
Sa palagay mo kaya’y matutupad pa ang
layunin ng Diyos na Jehova na mabuhay
ang mga tao sa isang paraisong lupa?
“Sinalita ko nga iyon,” ang sabi ng Diyos,
“gagawin ko rin naman.” (Isaias 46:9-11;
55:11) Oo, tiyak na tutuparin ng Diyos ang kaniyang layunin! Sinabi niya na “hindi
niya nilalang [ang lupa] na walang
kabuluhan” kundi ‘inanyuan niya ito
upang tahanan.’ (Isaias 45:18)