Quote:
question!
1. what will happen to those who are not included in 114,00? would that mean in your millions of followers only the 114,000 will enter heaven?
2. in that case baket nyo pa kailangan mangalap ng mga karagdagang myembro kung hanggang 114,000 lang pala ang makakaakyat sa langit?
maraming salamat.
Correction lang, 144,000 po yon at hindi 114,000.
Sinu-sino ang 144,000 ito? Si
Juan mismo ang nagsabi sa atin: “Ito ang
mga patuloy na sumusunod sa Kordero
saanman siya pumaroon. Ang mga ito ay binili mula sa sangkatauhan bilang mga
unang bunga sa Diyos at sa
Kordero.” (Apocalipsis 14:1, 4) Oo, sila ay tapat na mga tagasunod ni Jesu-Kristo
na pantanging pinili upang mamahalang
kasama niya sa langit. Matapos ibangon
mula sa kamatayan tungo sa buhay sa
langit, “mamamahala sila bilang mga hari
sa ibabaw ng lupa” kasama si Jesus. (Apocalipsis 5:10) Mula pa noong panahon ng mga apostol, pumipili na ang
Diyos ng tapat na mga Kristiyano para
makumpleto ang bilang na 144,000.
Isang napakamaibiging kaayusan na mamahala sa sangkatauhan si Jesus at ang
144,000. Unang-una, naranasan ni Jesus
na maging isang tao at magdusa bilang
isang tao. Sinabi ni Pablo na si Jesus ay
“hindi ang isa na hindi magawang
makiramay sa ating mga kahinaan, kundi ang isa na sinubok sa lahat ng bagay tulad
natin, ngunit walang kasalanan.” (Hebreo 4:15; 5:

Ang kaniyang mga kasamang tagapamahala ay nagdusa rin at nagbata
bilang mga tao. Bukod diyan,
nakipagpunyagi sila sa di-kasakdalan at
tiniis ang lahat ng uri ng sakit. Tiyak na
mauunawaan nila ang mga problema na
napapaharap sa mga tao!
Sila ang nasasaad sa Lucas 12:32
Huwag kang matakot ,munting kawan, sapagkat sinang ayunan ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.
Meron pang isang grupo, mababasa ito sa Juan 10 : 16
At mayroon akong ibang mga tupa ,na hindi sa kulungang ito....
Sa Eden, ipinakita ng Diyos na kalooban niyang ang lupang
ito ay maging isang paraiso na punô ng
di-namamatay at matuwid na lahi ng tao.
Si Satanas ang dahilan ng pagkakasala nina
Adan at Eva, at iyan ay nakaapekto sa
katuparan ng kalooban ng Diyos para sa lupa ngunit hindi naman ito nagbago dahil
dito. Nananatili pa rin ang layunin ni
Jehova na “ang mga matuwid ang
magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila
roon magpakailanman.” (Awit 37:29) At isasakatuparan iyan ng Kaharian ng
Diyos.
Sa palagay mo kaya’y matutupad pa ang layunin ng Diyos na Jehova na mabuhay
ang mga tao sa isang paraisong lupa?
“Sinalita ko nga iyon,” ang sabi ng Diyos,
“gagawin ko rin naman.” (Isaias 46:9-11; 55:11) Oo, tiyak na tutuparin ng Diyos ang kaniyang layunin! Sinabi niya na “hindi
niya nilalang [ang lupa] na walang
kabuluhan” kundi ‘inanyuan niya ito
upang tahanan.’ (Isaias 45:18)
Pagkatapos ng Armagedon, iisang gobyerno na lamang ang mamamahala sa
sangkatauhan, ang Kaharian ng Diyos.
Gagawin ng Kahariang iyan ang kalooban
ng Diyos at magdudulot ng kamangha-
manghang mga pagpapala. Halimbawa,
aalisin nito si Satanas at ang kaniyang mga demonyo. (Apocalipsis 20:1-3) Ikakapit ang bisa ng hain ni Jesus upang hindi na
magkasakit at mamatay ang tapat na mga
tao. Sa halip, sa ilalim ng pamamahala ng
Kaharian ay mabubuhay sila
magpakailanman. (Apocalipsis 22:1-3) Gagawing paraiso ang lupa. Sa gayon,
tutuparin ng Kaharian ang kalooban ng
Diyos sa lupa at pababanalin ang pangalan
ng Diyos. Ano ang kahulugan nito?
Nangangahulugan ito na sa dakong huli,
sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, ang pangalan ni Jehova ay pararangalan ng
lahat ng nabubuhay.
Samakatuwid, ang mga ibang mga tupa , na hindi kasama sa munting kawan na siya namang mamamahalang kasama ni Jesus sa langit , ang siyang mamumuhay ng walang hanggan sa paraisong lupa. Awit 37:29
KAHARIAN - mayroong mga mamumuno at mayroon din namang mga pamumunuan.
Isaalang-alang ang hulang masusumpungan sa Daniel 2:44. Ganito ang mababasa natin doon: “Sa mga araw
ng mga haring iyon ay magtatatag ang
Diyos ng langit ng isang kaharian na hindi
magigiba kailanman. At ang kaharian ay
hindi isasalin sa iba pang bayan.
Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon ay
mananatili hanggang sa mga panahong
walang takda.” Ano ang sinasabi nito sa
atin tungkol sa Kaharian ng Diyos?
Una, sinasabi nito sa atin na itatatag ang Kaharian ng Diyos “sa mga araw ng
mga haring iyon,” o habang umiiral ang
iba pang mga kaharian. Ikalawa, sinasabi
nito sa atin na ang Kaharian ay mananatili
magpakailanman. Hindi ito malulupig at
hahalinhan ng ibang pamahalaan. Ikatlo, nalaman natin na magkakaroon ng
digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Diyos
at ng mga kaharian ng sanlibutang ito.
Magtatagumpay ang Kaharian ng Diyos.
Sa dakong huli, ito na lamang ang
matitirang pamahalaan sa buong sangkatauhan. Pagkatapos ay
tatamasahin ng mga tao ang
pinakamahusay na pamamahalang
mararanasan nila kailanman.