tula para kay hesus - PINOYDEN


Go Back   PINOYDEN > Tambayan Zone > Arts and Literature > Writer's Desk

Welcome to PinoyDen Forums.

You are currently browsing our forum as a guest, please consider registering to get full access to all of our forum features, download free games, get help for your pc and cellphone problems and learn new mobile tricks like how to browse the internet using your cellphone for free. All that and more, so what are you waiting for, JOIN us now!!!! Click here to register...
 Topic: tula para kay hesus  (Read 3701 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Pages: [1]   Go Down
10-26-11 01:10 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
ang mga ipopost ko ay sarili kong mga katha para lamang kay hesus. Pag po ipopost nyo yung mga simpleng tula ko paki creditz nalang po saken ang orihinal na may akda. Salamat
Reply #1
10-26-11 01:17 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"SAKUNA"
nasulat panahon ng
bagyong pedring 

Ang mundo ay nilikha mong
maganda,
Puno ng iyong kagandahan,
Dinisenyo ayon sa iyong plano,
Lahat ay ayon sa dakilang
kalooban. 

Ang iyong grasya at habag,
Ay laan para sa lahat,
Pero sa puso koy may
pagtatanong?,
Bakit mo hinahayaan ang mga
sakuna?. 

Akoy nagbubulay bulay sa oras
na ito,
Na wari koy hindi ko lubos
maunawaan,
Malaking pagtatanong sa aking
isipan,
Bakit ang sakuna ay iyong
pinahihintulutan?. 

Humihip ang malakas na hangin
dumating ang ulan,
Nandiyan na naman ang bagyo,
Tila wariy isang parusa hampas
ng problema,
Lubhang bagabag kung aking
pagmasdan.

Anong kabuluhan ng material at
natural na bagay?,
Naglalakihang bahay at mga
nagtataasang gusali?,
Mga magagarang kotse at
mamahaling gamit,
Pawang sa isang iglap lang
nawalan ng saysay. 

Sa aking pagtatanong ikaw ay
sumagot,
Sagot na lubos kong naunawaan
at buong pusong pinaniniwalaan,
Sapagkat aking
pinanghahawakan ikaw ang
nagbigay ng lahat,
At nasayo ang kapamahalaan sa
mga ito.   

"Kaya ko ito ipinahihintulot na
mangyari,
Ay Upang makilala nila ang aking
pangalan,
Ang aking kapamahalaan at
kapangyarihan,
Sapagkat kayo aking mga anak
binili ng aking buhay". 

"Ang kasalanan ay laganap na,
Lalu na ang pagsamba sa diyos-
diyosan,
Ang puso ko ay hapis na at ang
luha koy naging dugo,
Dahil akoy lubusang nilimot mo".

"Nais kong ipakita sa inyo,
Na walang magagawa ang tao,
Kung hiwalay sa akin at sa aking
salita,
Akong iyong Panginoon "HESUS"
ay tumatawag sayo". 

"Ang lahat ng bagay dito sa
lupa,
Ang yaman, katanyagan, at
kasikatan,
Nais kong ipaintindi sa iyo anak,
Lahat ng ito ay lumilipas at
walang kabuluhan". 

"Sa lahat ng ito ay kayo ay
mangagbago ng pagiisip,
Lumapit kayo sa akin sapagkat
ako ang saklolo,
Sa oras ng sakuna ako ang
iyong diyos na nagmamahal,
Lumapit, kilalanin at tanggapin
ang aking nais". 

"Lumapit ka sa akin at ikaw ay
hindi ko bibiguin,
Kilalanin mo ako at ikaw ay
tatawagin kong anak,
Tanggapin mo ako bilang
panginoon at sariling
tagapagligtas akong si "HESUS",
Ito ang patungo sa buhay na
walang hanggan". 

"Ngayon akong iyong panginoon
at diyos,
Ay naging iyong kasagutang
malinaw,
patungkol sa mga pangyayari na
naging katanungang lubha,
Sa mga kaisipang samot saring
opinyon na akong syang
solusyon". 

"Simula ng iyong maintindihan
mga bagay bagay,
Ako ngayoy laging papatnubay,
Akoy lagi mo ng kasama at
gabay,
Sa lahat ng anyo at punto ng iyong buhay".

Author: derfliw nevets
Reply #2
10-26-11 03:33 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"PILIPINO KABA TALAGA?"
alay sa mga nagbuwis ng buhay
para sa bayan maging sa
ipinaglalaban

Isang magandang paggising sa
aki'y sumalubong,
Pagmamasid sa paligid tangan ng aking mata,
Pagdaka'y pagsalubong sa aking
tagalikha,
Pag-anyaya sa aking
tagapagligtas.

Sa isang banda ay ang mata ay
natuon,
Ang puso ay nakuha,
Ang buong pagkatao ay nalumbay,
Sa mga samot-saring aking
nabalita.

Aking nakita aking narinig aking
nadama,
Puso ay nagkaron ng pangamba,
Halo-halong balita patungkol sa
mga bagay,
Patungkol sa mga karanasang
nakakikilabot.

Isang pagtanaw sa mga bagay
na nauukol,
At sa mga bagay na di' ukol,
Ganito naba ang pilipinas?,
Totoo nga ba na pilipino ka?.

Perlas ng Silanganan,
Hangad ay kayamanan at
kapangyarihan,
Lupang hinirang,
Pero bawat bayan nag
aangkinan.

Isang bansa na nilikha ng diyos,
Ipinaglaban ng mga bayani,
Itinatag ng Sibilisasyon,
Pinalawig ng Administrasyon.

Sabi nila tayoy iisang lahi,
Bakit kapuwa pilipino
nagpapatayan?,
Iisang bansa na may
demokrasya,
Bakit ara-araw puro krimen at
walang kalayaan?.

Nasan ang batas para sa mga
mahihirap?,
Nasaan baga ang kahilingan ng
dukha?,
Ipakita nawa ang paghusga na
nasa katuwiran,
Ayon sa paningin ng tao at ng
lumikha.

Minsan ayoko ng magbukas ng
telebisyon,
O makinig ng radyo,
Ni mag internet,
Tanong sa sarili may nagbago ba pinoy?.

Ilang sundalo na ang nalagas,
Maraming rebelde na ang
nawala,
Halos maging laban sa Gobyerno,
Tuluyan ng Nabura.

Sino ba ang Sundalo?,
Sino ba ang Rebelde?,
Sino ba ang laban sa Gobyerno?,
Diba't tayoy puro Pilipino.

May kanya-kanyang hangarin,
May kanya-kanyang
ipinaglalaban,
Na tila wari koy wala ng
katapusan,
Negosasyong pangkapayapaan
ay waring hindi solusyon.
 
Maging sa krimen at pang
aabuso,
At pagpatay sa mga walang
muwang,
Pang aabuso at pagkitil ng
buhay,
Nasaan na ang iyong puso?.

Nasaan ang iyong dugong pagka
pilipino,
Iisang lahi baga na puro
karahasan,
Puro dalamhati at
pagkamuwi,
Nasan ang iyong puso Pilipino?.

Isang buhay na bigay ng
maykapal,
Ganun na lamang ba kung iyong
saktan,
Kung iyong patayin?,
Kung iyong pagmalupitan?.

Ikaw ba ay may konsensya pa?,
Nasaan ang iyong kaluluwa?,
Tinakpan na ba ng iyong
ipinaglalaban?,
Pati mga inosenteng tao ay
nadadamay.

Bakit kailangan pang may masaktan?,
Pisikal, mental, emosyonal,
Maulila sa pamilya,
Mawalan ng anak, ama,
ina at kapatid isang miyembro ng pamilya.

Isang masakit na pangyayari ang pagkawala,
Araw na tila bangungot sa
kinagabihan,
Masakit na araw sa mga nawalan
ng minamahal,
Pagguho at pagbagsak ng mga
pangarap.

Mga napatay, nalagas,
Nawala sa mundong ibabaw,
Sino nga ba sila?,
Diba't pilipino silang lahat sa
puso't isip maging diwa.

Mga krimen mga pang-aabuso,
Solusyon ba talaga sa tanong sa isipan?,
Pag-asa ba na kanilang
natatanaw?,
O paulit-ulit lang na tila'y kung
titingnan ay waring negosyo
narin?.

Huwag naman sanang maging
ganoon,
Ang maging pananaw at
mentalidad ng
bawat pilipino,
Pananaw na makasarili,
At mentalidad na manhid sa
karahasan.

Mga bala, mga kanyon,
Mga dekalibreng baril at bakal
na kamay,
Hindi bat' lahat ng itoy malaki
ang halaga?,
Mga pondo na dapat ay sa
tamang paglaan nagagamit.

Mga kusing, mga halaga,
Na dapat nagagamit ng maayos,
Sa mga kalsada, edukasyon,
trabaho,
At lalu na sa ibat-ibang uri para
maging sagot.

Hindi ba pwedeng maging
solusyon nalang tayo?
Puwede bang maging sagot na
lang tayo,
Maging mabuting tao,
At maging mabuting Pilipino.

Masarap mabuhay ng payapa,
Na malayo sa ingay ng
karahasan,
Malayo sa anyo ng kawalan,
Malayo sa gulo ng kanya-
kanyang ipinaglalaban.

Masarap makita ang pagkakaisa,
Pagkakaunawaan at
pagmamahalan,
Pag-iibigan at pagtutulungan,
Pag-abot sa kamay upang
handang dumamay.

Lahat ng iyong ipinaglalaban,
Alam ng dakilang lumikha,
Ang isip, salita at gawa ay batid
niya,
Sapagkat ang solusyon sa lahat
ng ito ay si "HESUS" ating
panginoon.

Bawat pangyayari aking
napagtanto,
Ang bawat pilipino ay di dapat
sumapit sa ganito,
Sa lahat ng pangyayari ito lang
ang alam na solusyon,
Solusyon sa tanong at
ipinaglalaban ng mga pilipino.

 Una sa lahat ay makilala ka
"HESUS",
Tanggapin ka bilang panginoon
at sariling tagapagligtas,
Idulog na higit ang
pagpapatawad sa lahat-lahat ng mga kasalanan na nagawa,
Diyan magsisimula ang bagong
pilipinas.

Ang tunay na pagbabago at
solusyon ay si "HESUS",
Magsisimula sa isip,
Maririnig mula sa iyong salita,
At makikita sa gawa ng bawat
Pilipino.

Ngayong kasama na si "HESUS",
Iyo at aking Panginoon,
Sundalo, Rebelde, laban sa
gobyerno,
Sambayanang pilipino nakamit na ang pag-asa.

Nariyan na at nakamtan na,
Ang bagong pilipinas,
Individual na sa diyos umaasa,
Bawat kanyang nilikha laging
nagmamahalan.

Ito ang tunay na pagbabago,
Ikaw "HESUS" ang tunay na solusyon,
Ikaw ang sagot sa bawat dasal,
Na makita ang bagong pilipinas.

Narito ang tunay na simula,
Bawat tao nakita ng may
pagkaunawa,
Nadama na mayroon ng
pagmamahal sa bawat isa,
Nagkaroon ng pagkilala sa isang
dakilang diyos ama.

Masasabi ngang pilipino ka nga
talaga,
Inuuna ang pagmamahal sa diyos,
kabalikat malasakit sa bansa, Pagmamahalan,
Pagkakaunawaan,
Pagtutulungan, Pagbibigayan at
Pagkakaisa  sa isip ... Sa salita...
At sa gawa...

Author: derfliw nevets
Reply #3
11-02-11 07:11 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"UNDAS"

Maraming taong naglalakad,
lumalakad patungo sa buhay,
meron din namang kaibahan,
patungo sa kalawit ng kamatayan.

Sumikat ang araw mula sa itaas,
pagbabalik tanaw sa panahon,
mga nangyari sa nakalipas,
nangyayari palang at ang bukas.

Linya ng mga kataga yaong yumao,
binubulay-bulay minsan pa,
mabuti o masamang nagawa,
nakatatakot at nakatutuwang nagawa.

Tunay na ang buhay ay may hangganan,
may oras at panahong itinakda,
sa lahat ng tao nilikha ng may akda,
dakilang lumikha ng langit at ng lupa.

Mula sa pagsilang sa mundo,
hanggang sa oras ng paghimlay,
sa dakong kinalakihan,
papunta sa isang patutunguhan.

Buhay na bigay ng panginoon,
pag ito ay kanyang kinailangan,
itoy talagang haharap sa Ama,
ito ang pasimula at ang pagtatapos.

Ganoon na lamang ba ang buhay?
Ang pagikot ay kapareho ng sa iba,
ang mabuhay at mamatay,
ay isang pangkaraniwan na talaga.

Dumako sa usapang espiritual,
aking ibabahagi aking nalaman sa buhay,
tungkol sa aking narinig at nakita,
ayon sa kanyang salita at dakilang gawa.

Ito lang ba talaga ang buhay?
Ganito nalang ba ang pagkaintindi,
sa palagay ko ay hindi,
sa ganang kaalaman ay ibang-iba.

Para sa akin ganito ang buhay,
tulad ng paglikha,
tulad ng pagtubos sa atin,
halintulad ng pagdalangin ni hesus sa tuwina.

Isang okasyon sa lahat,
pagdiriwang at isang pag-alaala,
mga pag-aalay ng bulaklak,
pagtitirik ng mga kandila.

Mga dalangin sa namatay,
iyan bay pakikinggan pa?
Mga kandila na pinaiilanlang,
may nakakakita at tumatanggap pa ba?.

Mga luha ng mga miyembro ng pamilya,
kasama ng pamilya,
laging naaalala sa tuwina,
buhay na ikinabubuhay gunita sa alaala.

Mga pinaghirapan ng namatay,
mga yaman at kapangyarihan,
nasaan ang bunga ng pagpapagal,
isang pag-iimpok sa mundo ng kalugihan.

Mga oras na nagugol sa trabaho,
mga taon na itinuon sa pagpapayaman,
mga panahon na nasa kapangyarihan,
sa oras ng kamatayan nasa kanila paba ang kapamahalaan?.

Isang pagpapatunay lamang,
pawang lahat ng bagay ay ni walang kabuluhan,
mga buhay na wala sa panginoon,
mga uri ng isip na puro pagpapayaman.

Pagkasakim sa kapangyarihan,
buhay na malayo sa diyos ama,
mga bisyo at masasamang gawa,
alam mo bang naglalakad kana sa sheol.

Tunay nga pala ang mga salitang ito,
buhay kapa ngunit ang iyong espiritu,
ang kaluluwa moy pawang naglalakad,
naglalakbay na patungo sa impiyerno.

Mga sikat sa industriya,
papular sa lipunan dahil sa pera,
kagalang-galang kung iyong tignan,
isa sa maraming mga kaluluwa sa ilalim ni kamatayan.

Isang paggawa ng mga regalo,
mga kasangkapan at gamit para ilihis,
para mawala sa linya sa buhay,
sa daan na dapat talang lakaran.

Sa okasyon na ito ng undas,
tayo ay mag-isip at magbulay,
tayo ay magnilay sa buhay,
ang pagtawag ni hesus ay kaluluwa.

"Mga kaluluwa maging ang buhay,
na pawang napariwara na nga,
mga namatay ngunit hindi ako tinanggap,
ang puso ko ay hapis sa pagluha".

"Tunay na alamin mo ang iyong layunin,
buhay na may pagtuon ng pansin,
paglaan sa nag iisang kaluluwa,
iyan ngay hangad lagi na ng aking puso".

"Ang aking paglikha sa mundo,
ay isang disenyo ng kabutihan,
puno ng aking kagandahan sa buhay mo,
at sapat na sa aking pagmamahal".

Sa mga salita ng buhay,
araw-araw na binubulay,
ang bagay-bagay titulo ay buhay,
patungo sa buhay na walang hanggan.

Kaya ikaw aking kapatid,
ikaw aking bansang pilipinas,
maging ikaw buong mundo,
narito si HESUS Tumatawag sa iyo.

"Isang pagtawag na galing sa puso,
ito'y iyong siyang destinasyon,
pagbalewala ay sa kamatayan nakarehistro,
sapagkat hindi mo ako dininig sa aking pagtawag".

Pawang ang buhay ay hiram lamang,
ito'y hindi atin ito ay sa diyos ating ama,
ang pagpuri at pasasalamat sa kanya lang laan,
pagsuko ng buhay ay tanging alay.

Sambahin sa espiritu at katotohanan,
ipahayag sa lahat ang iyong salita,
ipaliwanag ang dakila mong pagmamahal,
mga susi sa buhay tungo kay Hesus.

"Pagkilala sa akin ay siyang nais,
dalangin ko aking anak huwag kang mahiwalay,
sa aking utos at mga salita,
sa aking pagmamahal nais kong dito ka manahan".

"Naway batid mo ang aking mensahe,
na walang permanente sa mundong ito,
lahat ng bagay ay nauuga at makitang walang kabuluhan,
dahil ako ang kasapatan at kakuntentuhan ng mundo".

"Akong si Hesus nag-iisang panginoon,
umaalaala sa iyo sa tuwina,
mga ginawa mong kabutihan na may katotohanan,
damahin mo akong lagi na aking minamahal na anak".

"Ang kamatayan ay isang kahalintulad,
sa isang pagtatapos,
pagtatapos gaya ng isang mag-aaral o estudyante,
dumaan ang pagsubok nagtiis ang bunga ay tagumpay".
 
Okasyon sa unang araw ng nobyembre,
mga tao ay may pagkakaisa na tumutungo,
sa puntod ng isang pamilya na pumanaw na,
naway isang pag-alaala narin para sa paghahanda.

Mapalad ang tao na sa pasimula palang,
ako ng sa kanya ay diyos,
mga naligaw at alibughang anak,
nakapagsisi bago ang pagharap sa lumikha.

Ang kamatayan ay isang kaganapan din,
isang daan ng espiritu patungo sa ama,
kamatayan na nakay kristo,
magandang pag-alaala kasama ang mga anghel.

"Sa aking bahay ay puno ng kakuntentuhan,
puno ng pagmamahalan at awitan,
nababalutan ng mga naggagandahang bulaklak,
musikang makalangit pagsamba at papuri".

"Walang katulad ang Langit,
mga mansion na laan para sa iyo aking anak,
mga bagay na higit kaysa sa mundo,
walang salita na maikukumpara sa gawa ng aking Ama".

"Ang pagdiriwang ng Undas,
ang pag-alaala sa araw na ito,
ay gawing makabuluhan at tama,
akong si Hesus ngayoy umaalala".

   
Reply #4
11-02-11 07:17 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"WapWorld"
buhay sa wapworld

Ano nga ba ang ibig sabihin ng wapworld?
Ito ay isang komunidad,
nag-uugnay sa totoong buhay,
at ang buhay mobile internet.

Mga tao na animo'y mga imbisibol,
mundo na wala sa talaan,
kalawakang sakop wari moy wala,
parang mapa na burado na.

Ngunit mali ang pagkaintindi,
mali ang pagkaunawa,
hindi tama ang pag-sang ayon,
walang sapat na kaalaman.

Ang katotohan matagal na nag-eexist,
halos araw-araw sari-saring bayan ang taglay,
kabilaan ang mensahe,
walang putal o lagot ang mensahe.

Isa ang Wapworld sa papulasyon sa internet,
gamit ang mobile,
nagba-browse sa built-in browser,
at third party applications.

Sadyang nakakaadik sa mundong ito,
isang bisyo na hindi mapigilan,
ni hindi masolusyunan,
walang gamot para masolusyunan.

Pag-gising sa umaga talaga nga naman,
wap agad ang inaatupa,
tama ako diba? Wag kang tumanggi,
jejeje dahil ganyan din ako.

Umaga, tanghali, hapon at gabi,
madaling araw wap ang kaulayaw,
hindi na magawa gawaing bahay,
hindi na maka-concentrate sa pag-aaral.

Huwag naman sanang dumating ang ganito,
ok lang ang mag adik sa wap,
pero dapat nagawa na ang dapat gawin,
at nagawa na ang takdang aralin.

Wap moderately kumbaga,
ayos ba? Ka-wap?
Gamitin ang pagwa-wap,
sa makabuluhang pag-gamit,
laging tandaan wap moderately,ok ba?.

Sa kabilang dako paroon,
mapagusapan naman natin,
ang mga batikan sa wap,
nasaan na nga ba sila?

Sa aking pagsasaliksik,
ang iba sa kanila ay may ibang mundo na,
mundo na malayo sa wap,
kalawakan ng wap ay nilisan na.

Ang iba ay nagkapamilya na,
busy sa trabaho,
nasa web world,
ang iba ay talagang lumayo na.

Ganoon pa man ang nangyari,
tama nga kasabihan,
"kapag may umalis, tiyak may bagong darating",
sa aking pananaw ay mas malupet pa sa dati.

Mapapansin nyo lamang,
hindi ako gumagamit ng username,
ng mga alamat at magaling sa wap,
dahil sa isang paniniwala.

Sa aking isipan,
kapag nakatuntong kana sa mundong ito,
na tinatawag ngang wapworld,
ay kabahagi kana sa mga magaling at alamat.

Isa kana ngang malaking parte,
ng mundo ng wap akin ring ginagalawan,
bihira ang nakakaalam,
piling-pili ang nakaka-unawa.

Ang wapworld ay bahagi,
pang araw-araw na buhay,
lumilipas maraming oras,
linggo, buwan at taon na kasa-kasama.

Salamat na may mundong ganito,
mundo ng wap nagbigay kulay,
sa minsang pagka boring at walang gana,
tahimik, emotero, tambay na laging wap kakulitan.

Salamat sa tambayang wap,
sa lungkot at saya,
ang wapworld na aking mundo,
ang nagbibigay saya at laging kasama.

Ito ang mundo kong ginagalawan,
ito ang aking tahanan na siyang kublihan,
ito rin ang guro na tagapagturo,
ito ang aking Mundo ang WAPWORLD


 

Reply #5
11-02-11 07:21 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"WILFRED DISIMULACION"
aking talambuhay

Bawat nilikha ng diyos ay mahalaga,
sa kanyang paningin pawang maganda,
kabihisan na ibinihis sa sanglibutan,
pagpapala na kanyang inilaan.

Isang buhay ang nasulat,
nadagdag sa mundong ibabaw,
habag at pagpapala ditoy inilaan,
pagsama at gabay ay pawang inilaan.

Tunay ang buhay ay puno ng saya,
puno ng sigla,
walang isipin at suliranin,
tanging ikaw lang ang syang tagatingin.

Tagamasid, tagasubaybay,
ikaw na siyang gabay,
kaibigan na tunay,
tanglaw sa landas ng buhay.

Ngunit sadyang pinahihintulot,
lubhang dapat maranasan,
mga bagay na negatibo,
halos mag-isa na sa buhay.

Dumating sa punto at anyo,
ng buhay na mag-isa sa kawalan,
ang maulila at mawalan ng minamahal na ama,
at paglisan ni ina upang pumunta sa ibang bayan.

Naiwang mag isa sa lugar na dako,
sa isla kasama ni lola,
kaagapay si lolo sa buhay,
at mga tito at tita na laging nariyan.

May malas nga ba sa mundo?
O puro swerte daw ang hatid?
Maging lagi bang magtitiis?
Sa mga dusa at hinagpis.

Lumaki sa aking lolo at lola,
sila ang ibinigay ng maykapal,
upang umaruga sa isang bata,
na mag isa nalang walang kasama.

Pinalaki sa kagandahang asal,
kahit ang buhay ay may kahirapan,
inilaban, inaruga at inalagaan,
sa pagsama ng anghel dela guwardiya.

Lumaki sa sambahan ng maranatha,
doon nakilala bugtong na anak,
roon naranasan banal na prisensya,
at nakatagpo ang diyos aking ama.

Ang bundok ang naging pasyalan,
ang tubig ang naging pinagkukunan,
simpleng buhay kumbaga,
na bigay ng diyos aking ama.

Pag ahon sa bundok akoy sinanay,
mumunting bata palang ay kasakasama na,
tunay sa mataas na bundok na iyan,
ang aming panalangin ang dala sa tuwina.

Ang pagluhod sa bundok,
tangan ang mga pasasalamat,
dala ang papurit pagsamba,
para sa kataas-taasang panginoon.

Habang lumalaki akong bata,
disiplina at kaayusan laging pinatutupad,
ang kaayusan para maging mabuting bata,
sa hinaharap naaalaala bilin ni tatay.

Lumipas ang araw,
ang linggo,
ang buwan,
maging ang taon.

Ngayon akoy malaki na,
hustong gulang ngayoy sapat na,
naging binata sa isip at salita,
aking gawa at nais iniwan na ang pagkabata.

Natutong tumugtog sa diyos,
inialay ang sarili sa kanya,
isang buhay na kaayaaya,
paglilingkod ko at buhay sa kanya nakaasa.

Tulad ng pangitain ng aming relihiyon,
ang krusada ang nakita,
pumupunta sa bawat bayan,
upang magdala ng mabuting balita.

Sa aking pagiging kabataan,
minsay nalugmok at nahiwalay,
sa daan ng katotohanan ng buhay,
nawala ang init sa paglilingkod.

Napadpad sa lugar ng batingan,
nagkaroon ng bahay at lupa,
mula sa isla napunta ng bayan,
sabik maranasan mga hindi nagawang bagay.

Halos iba't-ibang paaralan aking pinasukan,
natutuhang magsugal, maginom,
manigarilyo at mambabae,
lahat na ata ng bisyo ay natikman na.

Dumaan ang panahon at oras,
sa araw-araw ang puso ay masaya,
ang pita ng laman ay sayang-saya,
ninanamnam mga kasalanan kasama ang mga liko.

Sa bawat inuman akoy naroon,
isang tawag ng kaibigan akoy paroon,
gawa ng kasalanan akoy siyang-siya,
hindi mapigilan galak na dala.

Sa init ng kasiyahan,
sa saliw ng tugtog ng sanlibutan,
sa indak at sayaw ng mundo,
ako'y sadyang aliw na aliw sa mga ito.

Ngunit lahat ng kasiyahan ay may katapusan,
may pagtatapos mga tunog,
may pagtatapos ang mga kanta,
at may katapusan ang lahat ng bagay.

Sa mga bagay patungo sa kasalanan,
mga masamang gawa tangan padin,
hindi na maalis sa puso,
hanap at nais ng laman.

Isang hating gabi sa mahimbing na pagtulog,
may isang ingay na malakas,
na tunog aking nadinig,
malakas na pagpupuri sa diyos.

Hindi nakuha ang aking atensiyon,
tuloy parin ang ligaya,
rock and roll padin ang aking musika,
sigarilyo at alak padin hanap ng bibig.

Dumating sa punto kahit na may asawa,
aking nakarelasyon at nakasama,
puro kasiyahan sa piling nila,
halos lahat ay may asawa na at anak.

Tunay na ang prisensiya moy malayo na,
totoong wala na talaga,
ang banal na espiritu akoy iniwan na,
aking anghel nilayuan na.

Lumipas mga taon ganoon padin sitwasyon,
di' makaalis-alis sa ganoong senaryo,
halos ang sarili lugmok na,
ang pagkatao ni hindi na kilala.

Pumasok sa aking isip sa kinagabihan,
humiga at natulog ng mahimbing,
pagdaka'y malakas at dumadagundong,
musika ng pagpupuri aking naririnig.

Dagling napabalikwas napaupo,
mapahawak ang dalawang palad,
sadyang napatulala nga,
at pagdaka'y bumagsak ang luha sa aking mga mata.

Hindi maipaliwanag ang naganap,
sa tuwina'y ginigising,
gabi-gabi'y di' winawaglit,
sa lahat at punto ng buhay gustong mahalin.

Ang tinig ng pagpupuri,
awit ng pagsamba sa banal,
pagsamba nadama ng kapaligiran,
at ang salitang MAHAL KITA.

Akoy napaluhod na di' mawari,
maging ang kaluluwa koy lumuhod,
nagpatirapa ang puso,
at sumamba aking espiritu.

Sa kabila ng mga pagtalikod,
sa mga masamang ginawa,
at mga kasalanang sayo nagawa,
nandiyan kaparin aking tapat na diyos.

Hindi mo ako iniwan ni' pinabayaan,
hindi mo ako nilimot,
maging kaluluwa mapunta sa dagat na apoy.

Doo'y akoy taos pusong dumalangin,
panalangin ng pagsisisi,
dasal ng pagsusumamo,
dalangin upang patawarin.

Sa aking pagmulat aking nakita,
namasdan iyong kagandahan,
mula pa noong una,
mula sa wala patungong buhay na walang hanggan.

Tulad sa isang alibughang anak,
hindi nawalay ang iyong pagsama,
hindi nawala ang pag-ibig,
maging pag-gabay at pang-unawa.

Bumalik na minsan pa,
ang init ng dating paglilingkod,
ang banal na apoy sa aking musika,
at ang unawa sa iyong kamangha-manghang gawa.

Kasama-sama na ulit sa pangitain,
sa mga bawat krusada,
sa bawat lugar na pagsusuguan,
lumalakad ngayon sa pagsunod.

Sa pagsunod ay may kapangyarihan,
ito ang pagkalikha ng diyos,
isang disensyo ng mabuting panginoon,
na may banal na espiritu na kasa-kasama.

Pananampalataya at unawa ay kasama,
tangan mga salita ng buhay,
aklat ng buhay pangalan ay inilista,
panghahawakan mga pangako mo sa tuwi-tuwina.

Salamat sayo nagiisang diyos,
salamat sayo nagiisang panginoong hesus,
salamat nagiisang banal na espiritu,
ako at aking buong sambahayan ay maglilingkod sa iyo. AMEN





 
   

 
Reply #6
11-02-11 12:13 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"Musika at Buhay"

Sa upuang kawayan,
tablang la mesa,
sa saliw ng ganda ng tunog,
natutong ibahagi ang mga karanasan.

Sa unang pagkarinig ng salita,
musika at buhay,
magkapareho nga ba?,
tulad ba may tugma?.

Maging sa aking sarili,
pakiwari koy talagang magkaiba,
hindi lapat ang letra,
malayo sa salita.

Sa isang banda lubhang napa-isip,
musika at buhay ano nga ba?,
Pagkaintindi ng kahulugan,
pagsagot hindi maunawaan.

Sa kinauupuan aking sinulat,
bawat letra waring kahulugan,
isa isang binigyan pansin,
sa huli ay tama ang iniisip.

Lumikha, gumawa ng pakahulugan,
sa musika ay may buhay,
nag-isip, nagnilay-nilay,
maging ang buhay ay mayroon na niyaon.

Sa bawat opinyon o kuro-kuro,
dagling inunawa,
ang musika at buhay ay magkasama,
musika at buhay ay iisa.

Isang musika na kinalakhan,
ang magandang tunog sa kinaumagahan,
buhay na magandang pinagmulan,
isang tala sa kinaumagahan.

Sa dapit hapon,
isang malamig na tinig ang haplos,
sa iyo ang musika,
aking nadaramang lubha.

Kinagabihan ay ugoy ang saliw,
waring batang pinatutulog,
ina ng musika ang taglay,
sa magdamag syang ugoy ng buhay.

Buhay ay puno ng karanasan,
maging ang musika ay ganoon din,
tila ayoko ng tumayo,
na sa aking sarili ayaw ng tumugtog.

Pagbitiw sa aking instrumento,
na wariy pag-iisantabi na,
hindi na pinahalagahan,
lumbay ng puso walang paglagyan.

Tulad sa buhay na dumating,
at darating maging sa nakaraan,
may pagkakataon at oras,
na parang suko kana sa buhay.

Mga pagkatalo, pagkasawi,
problemang personal, at suliranin,
hindi matapos tapos na bagyo,
bagyo ng buhay na sadyang nakapagpalungkot.

Sa mga oras ng hindi ko na marinig,
ang musikang taglay,
maging aking buhay nagdarandam,
tuluyan ng nawala at naparam.

Natangay ng mga pangyayari,
nadala ng agos ng buhay,
naibagsak ng makamundong musika,
wala na ang dating sigla.

Buhay bay ipagpapatuloy pa?,
musika ko bay hanggang dito nalang?,
buhay bay katapusan ay pagbagsak,
o musika ko bay aangat pang wagas.

Sa maraming katanungan,
at paghahanap ng kahulugan,
pagtatanong sa mga bagay-bagay,
pinipilit ang sarili masolusyunan.

Umuwi sa aking probinsya na kinalakihan,
dala ang mga dating piyesa ng kanta,
bitbit ang gitara na binili ni ina,
tangan ang biblia aking kalasag sa tuwina.

Sa aking silid aking tahanan,
akoy pumasok na nangungulila,
pakirandam koy akoy mag-isa,
hindi na madama ang dating sigla.

Pinipilit akong ilugmok ng pangyayari,
mga negatibong bagay para tumigil,
hampas ng buhay dagok maging musika,
wala na akong makita wala na akong marinig.

Dating init sa paglilingkod,
pawang bula na nakita,
dagling kay ganda dagling nawala,
musika na nagbibigay buhay naglaho na.

Silid ng pagbubulay-bulay,
akoy pumasok sa mundo ng kasagutan,
hanap ng puso hangad ng kaluluwa,
isang kasagutan pawang ipagkaloob.

Isang buhay na puno ng musika,
maayos, malinis sa iyong harapan,
sa pandinig may haplos sa akin,
pagdakay may samyo ng tinig.

Sa bawat kordiya dapat nariyan,
ang nota ng buhay na bigay,
sandali sa aking isipan hawak habang buhay,
tunog sa paligid dala ng kaluluwa.

Sayong kamay ay may buhay,
ikaw ang syang musika,
dahil sa tinig o kanta ng maylalang,
musika ang umiilanglang.

Ikaw ang aking buhay,
ikaw ang kahulugan ng aking musika,
buhay na ikaw ang nagpapaganda,
musika na ikaw ang may akda.

Matagal narin hindi nakabalik,
sa aking silid na dating tagpuan,
isang silid na tipanan,
ng akin at ng iyong kaluluwa.

Sa pagpasok palang sa aking silid,
maging ang aking puso ay sinidlan, ng mga bagay na dating mga ginagawa,
unti-unting ipinaalaala.

Dito sa ating tagpuan,
musika laging talakayan,
buhay ang ating usapan,
kaluluwa ang laging naisin lagi na.

Mga araw na magkasama,
mga buwan na magkaagapay,
mga taon na lumipas,
ikaw ang kasama aking kaibigan.

Luha koy bumagsak ng aking makita,
mga nilikhang kanta,
mga sinulat na tula para kay hesus,
na ating pinaghirapan na gawin.

Mga bagay pakahulugan sa musika at buhay,
at mga bagay na mga sinulat,
maging mga musika na tayo ang syang may katha,
mga oras na laging masaya.

Aking ipinagpag mga bagay na may alabok,
mga instrumento na puno na ng agiw,
mga kagamitan sa pagsulat ng kanta,
alikabok ng paglimot at agiw na pumigil sa pagtunog.

At ngayoy nalinis na,
naging maaliwalas ang paligid,
nabuhay ang mga katha ng musika,
naliwanagan patungkol sa musika at buhay.

Pawang ang mga bagay na dating ginagawa,
nabalik sa aking unang pag-ibig,
init ng paglilingkod bumalik na,
nadagdagan pa ng unawa at pag-asa.

Ngayoy inilathala muli ang musika,
nagkaroon muli ng buhay at pag-asa,
nalaman at naunawaang malinaw,
na ikaw ang musika at buhay.


 

Reply #7
11-02-11 12:15 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Pera o Kaluluwa?

Nakaupo sa bintana,
nakatanaw sa bawat bahay,
nakatingin sa mga batang naglalaro,
nakatingin sa kagandahan ng diyos.

Natatanaw ang bundok,
maging karagatan,
sa palibot ay mga kabahayan,
sa paligid mga mamamayan.

Lahat ng kagandahan ay naibigay,
ang iyong kabutihan ay naranasan,
ang iyong habag at pagpapala ay nakamtan,
at ang iyong pag-ibig kailan pa man.

Ngunit sa kabila nito,
akoy nalugmok sa sitwasyon,
nakita ko nalang sarili na mag-isa,
nakatingin sa kawalan.

Ang kawalan na isang pahirap,
uri ng sakit sa pamumuhay,
na wari ko ay isang parusa,
ang puso ko ay tuluyang nakuha.

Pera o kaluluwa? Tanong sa sarili,
maraming mga bagay pumasok sa isipan,
hinahanapan ng sagot,
tanong sa aking dasal at panalangin.

Hinahanap ang sagot sa kung saan,
hinahanapan ng mga solusyon,
ang kayamanan para makatayo sa kawalan,
o ang kaluluwa na siyang nais ni HESUS.

Sa isang kaganapan sa buhay,
ng akoy nakaluhod,
walang tigil ang daloy ng luha,
nagnanais ng kasagutan.

Dooy napasubasob sa aking pagluhod,
isang liwanag aking namasdan,
paghaplos mo aking nadama,
paglingap mo aking nakita.

Dumaloy ang luha at pagkakilabot,
namasdan ang kagandahan ng iyong anyo,
narinig ang iyong tinig,
"ANG NAIS KO AY ANG IYONG NAGIISA NA KALULUWA".

"Hindi ang pera o kung ano pa man,
wala diyan ang kaligayahang hanap mo,
ang anyo at disenyo ng kaligayan at kapayapaan,
ay nasa aking kaharian".

"Magpakaligaya ka sa pagsunod sa akin,
basahin aking mga salita,
magpakaligayang lagi na,
at ibibigay ko sa iyo ang nasa ng iyong puso".

"Pilak ay akin,
maging ang lahat ng ginto ay akin din,
lahat ng ito ay nasa aking kapamahalaan,
gasino na ito na ipagkatiwala at ibigay ko sa iyo".

"Ang nais ko lamang ay makita kang matatag,
sa problema at suliranin,
makita kitang sa akin ka umaasa,
masumpungan kitang lagi na sa pagsunod".

Sa aking pagkakaluhod akoy nagsimulang tumayo,
ang pagtayo tangan ang iyong salita,
dala ang susi ng pagtatagumpay,
naukit sa puso ang kayamanan sa iyo nagmumula.

Salamat aking diyos na banal,
salamat aking panginoong hesu-kristo,
salamat mahal kong banal na espiritu,
salamat aking anghel tagapagbantay.

 
Reply #8
11-02-11 04:22 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"Cellphone at Computer"
aking hiling

Messaging, log, gallery, camera, media,
contacts, web, music, clock, profiles,
organizer, tools, connectivity, hardware, software,
antivirus, mobile and internetbrowsers yan ang mga MENU sa cp at pc.

Parte na ata talaga ng tao ang cp at pc,
isang kaugalian na isang kabahagi,
malaki naging impluwensiya,
partisipasyon sa mundoy laganap na.

Isang impluwensiya sa buong mundo,
na bawat individual ay ginagamit,
sa ikaaayos ng koneksyon,
maging komunikasyon at negosasyon.

Pangunahin para sa kaalaman,
sa ikatututo ay kailangan,
mabilis na sagot sa katanungan,
diksiyunasyong buhay sa karunungan.

Sa umaga pagkagising hanap ay cellphone,
tinitignan agad hanap agad,
may mensahe ba? May tawag ba?,
may new quotes ba? May bagong jokes?.

KaPag hindi hawak ang cellphone,
ang puntirya naman ang computer,
internet laman ng puso,
malaking oras laging ginugugol.

Sa cp at pc ba iikot ang buhay?,
Sa mga studyante prayoridad na,
trabahador o individual,
halos magkapareho na lang.

Mga bagay na ginawa ng kamay ng tao,
mga ginawa ayon sa pagpa-plano,
halos ihalintulad na sa diyos,
parang sinasamba at pinupuri na.

Ito ata ang isa sa mga dios-diosan,
gawa ng kamay ng tao,
ginawang altar ng mga tao,
buong oras at araw nilalaan ginagawa ng diyos.

Hindi bat ipinahihintulot ito ng maykapal,
para sa ikagaganda, kaayusan,
sa ikadadali, sa ikabibilis,
ng mga impormasyon at gawain.

Nilikha upang maging kaaya-aya,
hindi gugulin buong oras,
ginawa upang makatulong sa tao,
ngunit hindi para ibigay at ilaan ang puso.

Lahat ng sobra ay masama,
epekto ng sobrang paggamit,
epekto sa pisikal, emosyonal,
espirituwal na karampatang tunay na dito dapat ilaan.

"Hiling ko sayo ang iyong oras,
minuto, araw, linggo,
buwan at taon na laan sa akin,
pawang karapdapat lamang na paglaan".

"Akoy lubhang nalulumbay,
kapag aking namasdan sa aking nilalang,
na dapat ay sa akin ang pagsamba,
na dapat sa akin ang iyong pagpupuri".

"Ngunit bakit sa iba mo nilaan?,
ang buhay mo ay galing sa akin,
ako mismo ang lumalang at nagbigay buhay,
bakit ka lumayo at di inalala?".

"Ako ang tumubos at nagbigay,
ng aking sariling buhay para sa lahat,
para sa buong sanlibutan,
at lahat ng sangkatauhan sa ibabaw ng lupa".

"Sino baga ang makakagawa ng ganito?,
sino baga makakatulad sa ginawa ko,
akong si Hesus lumikha ng lahat,
at nagbigay buhay magpakailanman".

"Abala sa mga ginagawa,
at patuloy at patuloy na inyong ginagawa,
na parang akoy ipinagpalit mo na,
ang iyong kaluluwa sa mga ito".

"Ang aking pag-iyak at hirap,
sana ay lagi mong makita at maalala,
ang ginawa ko sa krus ng kalbaryo,
nawa ay iyo namang pahalagahan at pagbulay-bulayan,

"Hindi masama ang paggamit sa mga ito,
ngunit huwag mo akong ipagpalit dito,
may tamang oras sa paggamit dito sa dapat at kailangan,
pero sana mas malaki ang oras na igugol mo saken".

"Sapagkat ang pagkalikha ko sa tao,
ay ang pagkilala sa akin,
pagpupuri sa tuwina,
pagsamba at paghihintay na may pagtitiis".

"Masaya ako na kasama kitang lagi,
sa oras at punto ng iyong buhay,
pagtakbong ngtutumulin,
na hinahanap ang aking kaharian".

"Maunawaan mo aking salita,
mabigyang pansin mga gawa,
maintindihan nais sabihin,
gawin ang aking dakilang kalooban".

"Sa lahat ng bagay na nakita,
sa mga dakong lihim,
akong lahat ang may likha,
akong si Hesus ang may akda".

"Nais kong idagdag ito sa iyo,
nawa ay matutuhang laging manalangin,
sa bagay na ito ang salita ko ay bulayin,
sapagkat ako ang iyong matibay na saklolo".

"Huwag magulumihanan ang iyong puso,
sapagkat lahat ng bagay dito sa mundo,
ay pawang galing sa aking amang diyos,
ako at ikaw ay kabahagi".

"Ang pagbibigay ng tamang  oras,
sa cellphone at internet,
iyan lamang ang aking hiling,
laging hiling na alam ko iyong naunawaan".

"Ngayong alam mo na aking saloobin,
alam mo na ang pakiusap,
natanto mo na laman ng puso,
ngayon akong iyong diyos na panginoon ay nagagalak sa iyo".



   
Reply #9
11-05-11 08:20 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Magandang araw aking pagbati,
kumusta kaibigan?,
kumusta kapatid?,
kumusta ka Pilipino?.

Marahil ikaw ay nagtatanong,
anong klaseng blog iyong napasukan,
isang magandang katanungan,
kagalakan ko na ikaw ay sagutin.

Nais kong ipakilala aking blog,
pangalan ay http://tulaparakayhesus.blogspot.com,
isang blog na puno ng aral ng buhay,
patungkol kay Hesus.

Aral sa buhay,
maging sa pamumuhay,
ibat-ibang klaseng pangyayari,
mga usapin at hinaharap.

Ang inyong lingkod ay hindi malaman,
na dito pala sa ganitong larangan,
ito magiging tahanan,
dito mananahan.

Maibahagi mga salita ng diyos,
ipaintindi tamang gawin,
aral na makukuha,
mga mensahe para mabasa buong bansa.

Nagdalawang isip nga ako,
kung english o sariling wika, aking gagamitin at susundin,
ngunit aking pinili sariling wika bigay ng lumikha.

Kalat na mga pilipino sa ibat-ibang dako,
naroon sa ibang bansa,
kayo nalang ang magpaintindi sa kanila,
pakiusap na tulungan akong maunawaan nila.

Ito ang nais ng diyos,
ang ibahagi ang mabuting balita,
sa lahat ng dako,
sa buong sulok ng mundo.

Ang pag update ko sa aking blog,
ay 7 tula kada isang linggo,
sa kabuoang 28 tula gada 1 buwan,
ganito ang magiging pag-update ko.

Maraming idaragdag para mapaganda,
mga websites na makatutulong sa espiritual na paglago,
sa mga taong naliligaw ng landas,
kamay ng diyos blog na ito ang gamitin upang umabot.

Sa aking nakikita ito ang mabisang gamit,
ang internet upang ibahagi,
upang maraming magising sa katotohanan ng buhay,
para magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Inyong makikita sa gawing kaliwa,
mga topics na nagawa,
mga mensahe na nais iparating,
mga salita galing sa nag-iisang diyos.

I-click mga tula na nagawa,
basahin maging iyong intindihin,
iukit sa isipan,
ikintal sa iyong puso.

Ang plano at aking layunin,
ay pawang ibahagi o magbahagi,
mga ugat ng tinatalakay,
mga mensahe galing sa bibliya.

Dito ako ngayon lumalakad,
sa panulat at pagsusulat,
paglikha na mula sa diyos,
mga sinasabi ng panginoong hesus.

Ni sa panaginip hindi inaasahan,
ako ay lilikha at magsusulat,
dito ako dinala ni Hesus,
kagalakan na paglingkuran aking Hari.

Dumadaan ang mga araw,
naging paborito at kasiyahan,
naaliw at pawang nasiyahan,
sa bawat salita at mensaheng nasulat.

Masarap sa pakirandam,
maibahagi mga tinatanggap,
hindi man pera o yaman,
alam kong higit pa ito sa mga yaon.

Maibahagi aking mga saloobin,
patungkol sa bansa,
mga krimen at mga pangyayari,
mabuti at masamang naganap.

Dito sa blog na ito naipapakita,
mga pinapasabi patungkol sa buhay,
paano humarap sa pagsubok,
at magsaya yaring pagtatagumpay.

Nais ng puso na bisitahin,
makibalita ka aking kapatid,
laging i-click mga bagong tula,
itoy para sayo para maunawaan mga bagay-bagay.

Patuloy ang aking pag-update,
araw-araw,
linggo-linggo,
bawat buwan at taon,
asahang laging may bago.

Pawang hindi kayo maboboring,
pagkat bawat letra malalim,
mga pangunahing usapin,
ibahagi maging iyong komento.

Kasangkapan sa media,
ilalathala dito,
ang diyos siyang magpala,
siyang patuloy na magpuno.

Mga kaalaman,
mga dapat malaman,
nais iparating,
ipahiwatig at sambutin.

Ako ay ipagpaumanhin,
kung aking introduction ginawang tula,
salita at letra may tugma,
nawa ay iyong unawain.

Bawat mga katha,
sulat ng aking kamay,
kuwadernong sulatan,
lahat nais ko sayo manggaling.

Mga ilalathala at ibabahagi,
maging sangkat at solusyon,
makita at madama ng bawat pilipino,
na may diyos mayroong Hesus.

Sa bawat araw na nakalipas,
nawa ay maraming makarating,
malaman ang mabuting balita,
tumanggap sa iyo aking panginoon.

Sapagkat ito ang layunin,
dito mo ako iniayon,
dito mo ako inumpisahan,
ang maibahagi sa buong mundo ang iyong pagka diyos.

Mapaalalahanan ang bansang pilipinas,
maabot ng sulat na ito mga kababayan,
saan man kayo dako naroon,
saan man kayo sa oras na ito.

Sa aking pagsusulat,
aking dinadama bawat letra,
bawat salita na aking sinusulat,
naway maraming mamulat at tumanggap kay Hesus.

Hiling ko talaga sa tuwina,
at dalangin ng aking puso,
na makita ang sanglibutan,
na tumanggap kay Hesus.

Sapagkat kung nasa panig ng Diyos,
walang karahasan, krimen, pang-aabuso,
patayan, pagnanakaw o  pangungurakot,
hindi ito magagawa kung may tunay na pagkatakot sa diyos.

Kung ikaw ay gulong-gulo na sa buhay,
nadala ng mga negatibong pangyayari,
at nais mo ng pagbabago,
nais kong magbahagi at ipakilala si Hesus tagapagligtas.

"Ang pagkalikha ko sayo akin ngang wangis,
masayang magkasama sa paraiso,
syang laan mga puno at bungang sagana,
sa kagandahan ng pagkalikha".

"Ngunit dumating masamang balita,
tao ay nagkasala at naging kabayaran kamatayan,
nagpakasakit at naghirap akong si Hesus upang tubusin,
upang magkaron bagong buhay sa kaluluwang laan sa akin".

"Kung may may masamang balita,
nandito ang mabuting balita itoy si Hesus,
akong si Hesus namatay sa krus para sa iyo,
tinubos para ikaw ay mabuhay at maligtas sa apoy ng impiyerno".

Ngayong naunawaan mo na,
mga dahilan at layunin,
ulitin o sundin itong dalangin,
upang tanggapin si Hesus iyo ngayong panginoon,
diyos patungo sa buhay na walang hanggan.

Panginoong Hesus kailangan ko po kayo. Maraming salamat po sa pagpapapako ninyo sa krus
upang tubusin ang aming mga
kasalanan. Tinatanggap ko po
kayo sa aking buhay na bilang tagapagligtas at Panginoon. Isulat nyo po ang aking pangalan sa aklat ng buhay diyan sa inyong kaharian. Marami pong salamat sa
pagpapatawad sa aking mga
nagawang kasalanan at sa
ibinigay ninyong walang
hanggang buhay sa akin. Amen
Reply #10
11-05-11 08:23 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"Hustisya ang Sigaw"
nagawa at naisulat para sa mga kababaihang inabuso at pinatay

Magandang umaga ang pagbati,
giliw waring isang dilag,
dalaga ngang pilipina,
kapita-pitagan ang ganda.

Mapupulang labi,
makinis at kayumangging balat,
katamtaman ang mata,
magandang masasabing talaga.

Maitim na buhok,
maaayos na mga kilay,
katawang minolde,
kabigha-bighaning nilalang.

Dumaan sa pagkabata,
naglalaro sa maghapon syang gusto,
kasa-kasamang mga bata lagi na,
mga kaibigan mga kababata.

Lumaki at nag-aral sa elementarya,
pinalaki ni ama at ina,
maging ni lolo at lola,
maraming taon silang kasama.

Masasayang oras kapiling,
malungkot man na sitwasyon,
lagi sila na nasa tabi,
gumagabay at pumapatnubay.

Makalipas mga taon ngayoy high school na,
naging dalaga ng talaga,
nag-umpisang magka-crush,
nandiyan na si kupido taga pana.

Si inay tagapayo,
ang itay laging tagapagtanggol,
aking lola kumakalinga,
mahal na lolo takbuhan sa tuwina.

Talagang masarap mabuhay,
pag pamilya magkakasama,
lamang ang mga ngiti sa labi,
minsan syempre may lungkot ding hatid.

Natutong umibig ng totoo,
nasaktan din naman at umiyak,
tumawang muli sa bagong pag-ibig,
high school life nga naman puno ng pag-ibig.

Tumuntong na ng kolehiyo,
nag-aral sa kilalang paaralan,
ginastusan ni ama at ni ina,
parte si lolo at lola.

Pagpasok sa butas ng karayom,
para makapasok at makapagtapos,
halos masaid na si ama,
wala ng ibuga si ina.

Maraming pagsubok ang dinaanan,
sa pera maging emosyon,
physical, masakit na sa ulo,
pero tuloy padin sa pag-aaral sa tulong diyos.

Mga okasyon at mga palatuntunan,
maraming nasaksihan,
pagod sa projects at exams,
thesis at marami pang iba.

Sadyang ibang-iba ang kolehiyo,
hindi maitutulad sa elementarya,
hindi maiwawangis sa high school,
ibang mundo ang ginagalawan.

Tulad sa isang istorya,
may magandang nasusulat,
at dumadating din ang panganib,
ang pagkatakot at salimuot.

Hindi inaasahang mga pangyayari,
dapat ba talagang harapin?,
nandyan na ang masamang magaganap,
andyan na si kamatayan.

Pananakit sa pisikal na katawan,
pagmolestiya sa inosente,
ginawan ng masama kahit walang kasalanan,
hindi nakuntento pinatay at kinitil pati buhay.

Pinagsisikapang mapag-aral,
nag-aaral ng maayos,
nagsisikap para makatapos,
iginagapang para makapagtapos.

Sa ganito na lang ba matatapos?,
Lahat ng paghihirap hanggang dito nalang ba?,
mga pangarap nawalang parang bula,
pusoy waring pinatay na.

Isang walang kasalanan,
ni walang kaalit at kaaway man lang,
walang inaagrabyado,
bakit ganito kinahantungan?.

Sobrang labo na talaga,
mga tao sa mundo dahil sa droga,
maling mentalidad at nais,
dala ng laman masamang pag-iisip.

Magagawa ba ito ng matinong tao?
Mga krimen at pang aabuso,
mga pagpatay ng ganoon na lamang,
pagkitil ng buhay parang manok na lamang.

Halos pare-parehas ang problema,
krimen maging paaralan at publikong lugar,
balita estudyante ginahasa,
ulat babae pinatay.

Nasaan ngayon ang seguridad?,
sa mga kilala at iba pang unibersidad?
Sa lahat ng paaral sa bansa,
ligtas nga ba sa binabayad na malaking halaga?.

Sa paglabas ng campus ligtas ba?
O may nakaambang sumalakay,
mga durugista trip ang hanap,
bawat kanto papuntang boarding house may inuman.

Mga krimen na puro kapurwesiyuhan ang dala,
ni hindi kilalang tao siyang gumawa,
walang kasalanan pinaslang,
pinatay ng walang kalabanlaban.

Nagngi-ngitngit yaring kalooban,
sa mga taong walang ginawa kundi mamurwisyo,
mga taong halang ang kaluluwa,
mga hayop at demonyo ng bansa.

Batid ng puso hapis na mga magulang,
lungkot ng kalooban walang pagsidlan,
dama ko mga luhang pinakawalan,
pinapasa diyos pero sanay pakinggan.

Hustisya ang sigaw nila,
lumuluha pa hanggang sa ngayon,
dalangin sa ama mabigyang halaga,
mga kaso inihain at isinampa.

Mga anak na galing sa sinapupunan,
dinala sa kalooban,
pinalaki at pinag-aral,
ngayoy kasama na ng dakilang lumikha.

Masasamang nangyari hindi parin mawaglit,
naaalala sa pag-iisa at minsang pag-iisip,
mga panahon na ikaw ay kapiling,
ngayoy ikaw ay nandyan na sa langit.

Dalangin ng puso ang hustisya,
dasal sa kalangitan nawa ay pakinggan,
munting anghel sinaktan,
winalang buhay nilang pumatay.

Panawagan sa bawat paaralan,
hindi baga paaralan pangalawang tahanan,
yaman lamang ipatupad lagi na,
seguridad ng lahat ng mag-aaral dapat na pagtuunan.

At pakiusap sa nasa katungkulan,
dinggin inihaing mga haing demanda,
ipatupad ang tamang batas,
ibigay nararapat na hustisya.

Sinong hindi mapupukaw ang puso,
magiging bulag sa pangyayari,
binging hatol at batas,
sa ganitong sitwasyon bagbag ang damdamin.

Hiling sa maykapal aking diyos,
bigyan mga magulang ng lakas at determinasyong tumayo,
bumangon upang malagpasan masamang sitwasyon,
tulad ng ganitong nangyari.

Tunay na alam ko sa oras na ito,
inyong munting mga anghel nasa piling na ni Hesus,
masaya na sa piling ng Ama,
laging nakatingin sa inyo kanilang mga magulang.

May mga pagtatanong padin minsan sa akin,
kahit itong sumulat hindi lubos maintindihan,
kung bakit pinahihintulot ganitong pangyayari,
basta ang alam ko lahat ng tao may itinakdang oras sa pagharap sa nagiisang Ama sa langit.

Lahat ng itoy maging aral,
sa paaralan at nanunungkulan,
magulang at estudyante,
magaganda at masamang pangyayari alam ko si Hesus ay mabuti.

Author: derfliw nevets
Reply #11
11-06-11 06:16 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
"Umpisa na ng Pagpapala"
botelya ng luha

Malayo narin ang paglalakbay,
patungo sa mga dako paroon,
maging ibat-ibang uri ng buhay,
sa pakikipagsapalaran laging tangan.

Magandang umaga ay dumampi,
isang pagbagsak ang tangi,
taglay mga pagtitiis,
dusa ang syang kawangis.

Paghahanap ng makakain,
para sa buhay at pamilya ipakain,
mga butil ng pagpapagal,
minsan talagay may sagabal.

Mga kanya-kanyang binabaka,
suliranin hindi masolusyunan,
malayong pagktakbo ang tangan,
sa pagkadapa hindi maalalayan.

Dilim ng gabi,
bangungot ng buhay,
hampas sa isip,
di maiwaksi maging sa panaginip.

Maraming bagay di maintindihan,
patungkol sa aking kinabukasan,
hindi matanaw ang liwanag,
mga susi sa magandang buhay.

Magandang kinabukasan,
mga pagpapalang wagas,
kukunin bang may dahas,
hindi matanaw ang bukas.

Bagong umaga,
ayaw ng gumising pa,
paulit-ulit ginagawa,
huwag ng tingnan pa.

Pagbayo ng kahirapan,
sakit ng mamamayan,
hindi na ata masolusyunan,
laan na talaga sa kandungan.

Mga problemang naganap,
naipon sa isip,
masasamang naganap,
panget na pangyayari nalanghap.

Batid ng puso,
umasa sa pangako,
na magandang buhay,
magninilay-nilay pagdakay natangay.

Mga bagay na nais makamtan,
tuluyan ng naparam,
nais at mithiin,
hindi naba kayang likhain.

Patuloy akong naglakad,
nakatingin sa paligid,
patuloy sa pagtakbo,
humihingi ng saklolo.

Isang inspirasyon aking pamilya,
upang magpatuloy,
ako bay susuko na?,
damhin pagbagsak ng pagkatao.

Obra maestra ng buhay,
saan nga ba ang daloy?,
bawat sulok at anggulo,
kung tingnan koy anung gulo.

Ayon sa aking paniwala,
sa aking mentalidad,
dito na lang ba ang buhay?,
puro kahirapan at kawalan nalang.

Hindi makapaniwala,
ganito mga pangyayari,
mga inaasahang buhay na maganda,
naging kapalaran na wala.

Naging walang kabuluhan,
maging aking pananaw,
mga pagpaplano,
hindi sumang-ayon itong mundo.

Magandang buhay aking hiling,
maging dalangin iparating,
ngunit bakit ayaw dinggin,
pagsusumamo at aking hinaing.

Mga oras ng pagluha,
panyo na basa,
pamunas sa hirap,
simbolo ng munting pangarap.

Ayaw mo ba talaga iparanas,
buhay na maaliwalas,
naway ipagkaloob,
kalooban koy maging moog.

Nais ko lang naman,
magandang buhay makamtan,
sapagkat ako ay sawa na,
sa hirap ay manhid na.

Paglingap mo ba ay malayo na,
mga pagpapala ay wala na,
pag-abot sa aking kamay,
sadyang talagang hiwalay na hiwalay na.

Prisensya mo hindi na maranasan,
bingi na ba sa aking alinlangan,
paulit-ulit na dasal,
laman puro nalang kasaganaan.

Hibik na aking puso,
na sa lahat ng mga ito,
ako man lang bigyang pansin,
tugunin naman aking daing.

Maraming hadlang sa aking pagsagana,
mga tabing sa pagpapala,
mga bara sa buhay,
pag-iipit na nagsisilbing sakit.

Mga negatibong bagay nasa harapan,
gulo sa kaliwat kanan,
hindi ko na mapigilan,
pagkat itoy iyong kalooban.

Tuyot na damo sa parang,
sa problema akoy gumagapang,
tigang na batis,
sa dusay hindi na makaalis.

Paikot-ikot ang buhay,
masasayang memorya,
pagdakay malungkot na pagsalubong,
sakit ng ulo yumabong.

Sa pagkadapa hindi padin makabangon,
hawak padin mga pananaw,
pagkabigo sa lahat ng aspeto,
waring hindi na matuto.

Bigat na bigat yaring kalooban,
problema dito,
suliranin doon,
abang-aba na sa mga tao.

Sa lahat ng ito,
ikaw padin laging nasa isip,
ikaw padin nasa aking kaluluwa,
ikaw ang dahil sa pagpapatuloy.

Tuloy ang buhay,
sa kabila ng pagtatanong,
ikaw padin siyang sagot,
sa aking pagtitiis huwag mawaglit.

Pagbagsak at pagkadapa,
mentalidad na di tama,
pananaw na mali sa paningin,
akong iyong anak ay patawarin.

Hindi ko napagtanto,
na mayroong inilaan at nakalaan,
higit pa sa bagay dito sa mundo,
di pangkaraniwang syang laan.

Isang silid sa langit,
aking namasdan,
isang bagay nakaagaw ng pansin,
doon ko lang naintindihan.

Tunay nga sa mundo,
may pagtitiis na dapat talagang harapin,
ngunit sa kabila nito,
syang lumikha ang dapat unahin at bigyang pansin.

Mga botelya ng luha,
lubos aking kinagalak,
pusoy lumuha ng may galak,
pagkat aking naunawaang gayak.

Sa langit may ipunan ng mga luha,
botelya ng pagtitiis at dalangin,
mga dasal na iniipon,
pag itoy napuno ito na ang umpisa.

UMPISA NA NG PAGPAPALA,
puno na ang botelya,
sapat na at panahon na,
umpisa na ng pagpapalang walang sukat pagkalagyan.

Mga pagpapala sa tamang oras,
hindi masayod ng isipan,
walang salitang maihambing,
nadama sa iyong piling.

Paganyaya sa Pagpapala,
umpisa na ngang talaga,
lahat ng mga tanong,
kusa mong pinakita at pinaunawa.

Lahat ng mga paghihirap,
maging lahat ng pangarap,
nasolusyunan na nga,
habag moy dumating na.

Grasya at habag,
kasaganaan at pagpapala,
narito na sa aking harapan,
magandang buhay nakamtan na.

Akala ko noong una,
mga dalangin hindi pinapakinggan,
ni wala man lang sagot,
dasal na binalewala at nilimot.

Mga pagbagsak ko,
ikaw pala ay kasakasama ko,
mga espekulasyun,
hindi pinabayaan ating relasyon.

Sa aking pag-iisa,
ikaw pala ay kaagapay,
isang kaibigan,
hindi ako pinabayaan o iniwan.

Sa dilim na nakaupo sa sulok,
kamay moy iniaabot,
sa pagkalugmok,
inaalalayan upang makatayo.

Maraming bagay dapat ipagpasalamat,
ngunit winalang bahala,
natingin sa kawalan,
natuon sa sariling kapakanan.

Sa pagkakataon ikaw ay nilimot,
pero ang totoo ikaw ay di nagbago,
panahon ng paglayo ko,
sa aking pagbalik masayang ngiti buhat sayo.

Totoong marami ng pinagdaanan,
bago matutuhan,
bago lubos ipaintindi,
ang pagpapalang sa akiy laan.

Walang pagsidlan aking kagalakan,
sa mga salitang tinanggap,
sa pagmolde sa karakter at katauhan,
patungo sa walang hanggan.

Walang hanggang pasasalamat,
aking alay sayo panginoong Hesus,
sa mga pagpapalang ibinigay at laan,
pupurihin kita habang akoy nabubuhay.

Author: derfliw nevets
Reply #12
11-12-11 08:12 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 962
Thank You: 34
Reputation: 1
killua77 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
may mga likha po ako ulet, ipopost ko dito by monday siguro. Sana ay lagi nyong tangkilikin ang aking mga likha
Pages: [1]   Go Up
 



All dates are GMT+8:00. The date now is 10-02-14 12:22 PM
WWW.PINOYDEN.COM.PH does not store any files on it's server, we are just indexing other sites contents!
WWW.PINOYDEN.COM.PH [Ang Tambayan ng pinoy!] copyright 2008-2009 All Rights Reserved.
Contents published on www.PinoyDen.com.ph requires permission for reprint.

Page created in 0.429 seconds with 23 queries.