'MeDyas'' A Love Story'..BOOK II'' - PINOYDEN


Go Back   PINOYDEN > Tambayan Zone > Arts and Literature

Welcome to PinoyDen Forums.

You are currently browsing our forum as a guest, please consider registering to get full access to all of our forum features, download free games, get help for your pc and cellphone problems and learn new mobile tricks like how to browse the internet using your cellphone for free. All that and more, so what are you waiting for, JOIN us now!!!! Click here to register...
 Topic: 'MeDyas'' A Love Story'..BOOK II''  (Read 16101 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Pages: 1 [2] 3 4 5 ... 37   Go Down
Reply #15
02-05-11 03:01 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Chaoter 19: Confrontation


Joshua


Sa sobrang pagod namin, napahiga kami, nagpasalamat ako sa kanya, maya maya'y naramdaman ko nalang na napapalapit ako sa kanya, parang namamagnet na hindi ko malaman.

Palapit ako ng palapit sa kanya habang nakatitig lang siya at nakangiti sa akin. Lalong napapalapit ako sa kanya. Napapalapit na ang mga labi ko sa kanyang mga labi. Malapit na malapit na aming mga labi sa isa't isa. Hahalikan ko na siya..

*knock knock*

..ng biglang may kumatok. Pareho kaming natauhan ni Janine. Ano ba yung muntikan ko nang magawa? Hays. Hindi tama, pero naramdaman ko nalang na parang kailangan kong gawin yun. Siguro nadala lang ako sa emosyon ko.

*knock knock*

"Pasok po!" sabi ko sa kumakatok habang si Janine ay natatawa tawang nakaupo sa kama habang kapit ang isang libro na kala mo'y nagbabasa.

"Anak! Si Cyrus nasa labas." ang sabi sa akin ni Mama.

Ano? Si Cyrus? Nasa labas? Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Pati si Janine nagulat din, napatigil siya sa pagtawa niya at isinara ang libro.

"Hoy mga anak! Sabi ko si Cyrus nasa labas." pambasag ng katahimikan namin.

Tinulak naman ako ni Janine. "Pare! Bestfriend mo nasa labas daw." sabi niya sa akin. Nang-aasar ka ba pare? Bestfriend? E mukang hindi na yun ang turing niya sa akin.

"Ah opo, bababa na po." ang tanging nasabi ko kay Mama, pagkatapos at isinara na niya ang pinto.

"Kakausapin ko muna si Cyrus." pagpapaalam ko kay Janine. Tumango naman siya at lumabas na ako ng pinto.



Pumunta ako sa sala, pero wala siya dun. Baka sa labas siya naghihintay. Paglabas ko ng bahay sa may garden andun nga siya.

"Sai." pagtawag ko sa kanya. "Ano meron? Tara pasok muna tayo, ang init dyan eh. Magmeryenda ka muna." pagyayaya ko sa kanya.

"Hindi na Joshua! May sasabihin lang ako sayo." pagtanggi niya sa alok ko, mukang alam ko na ang sasabihin niya.

"Ah, ano ba yun?" pagkukunwaring tanong ko sa kanya na para bang hindi ko alam ang sasabihin niya.

"Huwag ka nang magmaang maangan Joshua. Alam mo kung tungkol saan ang sasabihin ko." seryosong sabi niya sa akin. Hindi nalang akong nagsalita.

"Mula ngayon, ayaw ko nang kakausapin mo si Chloe, huwag mo na siyang lalapitan, huwag mo na siyang itetext. Kahit ano, wag na. Gusto kong layuan mo si Chloe." sunod sunod na sabi niya sa akin. "Noong nawala ka sa buhay namin. Naging maayos ang relationship namin, now that you're back into our lives, nagkagulo gulo na naman. I want you to leave us alone. Gusto ko mawala ka na ulit sa buhay namin at huwag ng babalik pa."

"Sai.." ang natangi kong nasabi.. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan si Cyrus. Anong nangyari sa bestfriend ko? Bakit ganyan na siya?

"Joshua, tama na pwede ba? Sana ito na ang huling pag-uusap natin. Nahihirapan si Chloe, alam mo ba yun?" dugtong niya.

"Yun na nga Sai eh, si Chloe ang nahihirapan. Ano bang problema? Hindi na ba tayo pwedeng maging magkakaibigan ulit?" tanong ko sa kanya.

"Magkakaibigan? Hindi na pwede Joshua, dahil hanggang ngayon alam kong hindi ka pa din nakakapagmove on. Alam kong mahal mo pa din si Chloe. At aagawin mo siya sa akin." sunod sunod niyang sabi sa akin, nagulat ako sa mga sinabi niya.

"Cyrus, kahit kailan hindi ko gagawin sayo yan, dahil bestfriend kita. Kung dati nga hindi ko ginawa sayo yan, ngayon pa? Alam ko naman na ikaw ang mahal ni Chloe e." depensa ko sa sarili ko.

"E yun naman pala e, so leave us alone!" pagmamatigas niya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"What's happening here?" tanong ng isang babaeng pumunta sa amin ni Cyrus. Si Janine pala.

"Ah wala naman. Nag-uusap lang kami ni Sai." sagot ko kay Pare.

"Pinagsasabihan ko lang ang boyfriend mo na layuan na si Chloe dahil lapit pa din siya ng lapit sa kanya." sagot niya kay Janine.

"Cyrus!" pasigaw kong sabi sa kanya para matigilan siya sa mga sinasabi niya.

"O bakit? Hindi ba totoo? Kanina pumunta ka sa university namin para kausapin si Chloe, bumuntot buntot ka pa nga sa kanya eh." sabi niya sa akin habang tinititigan niya ako ng masama, ibinaling niya ang tingin niya kay Janine, "Janine sa susunod aalagaan mo ng mabuti ang boyfriend mo para hindi pumupunta sa ibang babae." patuloy niya. Napatingin ako kay Janine, nakita ko ang reaksyon niya, mukang nainis siya sa mga sinabi sa kanya ni Cyrus.

"Cyrus, pwede ba, wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Janine." pagtatanggol ko sa kanya, naiinis na ako kay Sai.

"Joshua.." mahinahong sabi sa akin ni Janine na nakangiti pa. Pumunta siya sa harap ni Cyrus.

"Alam mo Cyrus, nakakaawa ka." sarkastikong sabi ni Janine habang nakangiti kay Cyrus. "Alam mo kung bakit? Kasi talagang pumunta ka pa dito para sabihin ang mga yan sa amin. And for your information, alam ko na pumunta si Joshua sa UNIVERSITY NIYO." dugtong ni Janine tapos tumalikod at muling humarap kay Cyrus.

"At para sabihin ko sa'yo marunong akong mag-alaga ng boyfriend ko. Don't be so paranoid, insecure ka? Kahit kailan hindi aagawin ni Joshua sa'yo si Chloe. Kawawa naman siya, ung boyfriend niya walang tiwala sa kanya." sabi niya kay Cyrus. "Tsk. Tsk. Haysss.." pang-aasar pa niya. Tapang ni Pare.

"What? Of course, may tiwala ako kay Chloe, alam kong ako ang mahal niya." depensa ni Cyrus.

"Is that so? So maybe wala kang tiwala sa pagmamahal mo sa kanya. Is your love not enough to keep Chloe? Huh?" nakakanosebleed na pagtataray ni Pare kay Cyrus.

"How dare you talk to me like that?" pagmamataas ng boses niya kay Janine.

"Cyrus! Huwag mong pagtataasan ng boses si Janine, ah!" pasigaw kong sabi sa kanya.

"Then tell your girlfriend na ayos ayusin niya ang pagkausap sa akin." sabi naman ni Cyrus.

"Really? Tinatapatan ko lang ang tono ng boses mo. Kung ayaw mong kausapin kita sa ganitong tono, umayos ka din." pagtataray pa din ni Janine. Hindi ko alam na ganito na pala siya kataray ngayon.

Napabugtong hininga si Cyrus. "Basta, ang sinasabi ko, Joshua, layuan mo si Chloe kung ayaw mo ng gulo." mga salitang huli niyang sinabi bago siya tumalikod palabas ng gate namin.

"PRANING!" sigaw ni Janine na siyang kinagulat ko at naging dahilan ng paglingon ni Cyrus. "IKAW ANG NAGHAHANAP NG GULO! HINDI KAMI!" pasigaw na dugtong ni Janine. Naku si Pare, naging warfreak na ata. Nakakatakot naman.

Pagkatapos ay sumakay na si Cyrus sa kotse niya at umalis na.


"Angas ng bestfriend mo, Pare!" sabi sa akin ni Janine.

"Bestfriend pa ba yun?" pagtatanong ko sa kanya.

"Ay, mali! Enemy na ba?" tanong niya sa akin sa tonong nang-aasar.

"Enemy ka diyan. Tara na nga sa loob, nagutom ako." pagyayaya ko sa kanya. At pumasok na nga kaming dalawa. "Ang taray mo pala, Pare!" pamumuna ko sa kanya habang napasok kami ng bahay.

"Natutunan ko sa NZ. I'm tougher now!" sabi niya sa akin.

"Tougher?" tanong ko sabay pindot sa pisngi, braso at tagiliran niya.

"Ay! Ano ba?" napaiktad niyang sabi.

"Tougher pala ha!" pang-aasar ko sa kanya. Hinampas naman niya ako sa baliktad. Masakit!



Chloe


"Kuloy! Komaen ka na daw." sabi sa akin ni Yaya Kurds.

"Hindi pa po ako nagugutom." pagtanggi ko sa kanya.

"Anong hende? Eh hende ka pa kaya nakaen semula ng dumateng ka. May saket ka ba?" tanong nia sa akin.

"Wala! Hindi nga ako gutom. Pakisara ng pinto paglabas mo." pagsusungit ko kay Yaya Kurds.

"Aba, ang songet mo naman. Oo na, lalabas na." sabi ni Yaya Kurds sabay labas at isinara nga ang pinto.

Hays. Ilang oras na ko dito sa kama, uupo, hihiga o magpapagulong gulong habang umiiyak. Napapagod na ako pero wala akong ibang magawa. Naiisip ko pa din si Cyrus. Bakit siya nagkaganun? Bakit siya nag-iba? Bestfriend niya si Joshua, bakit ganun na siya sa kanya? Selos nga lang ba? Nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Hindi naman ako papayag na palagi niya akong masasaktan kapag nagseselos siya. Masyado na siyang possesive, minsan nakakatakot na, pero mahal ko si Cyrus. Siya ang mahal ko, kaya talagang iiwasan ko na si Daddy, I mean, si Joshua. Pero ang hirap, may pinagsamahan din kami ni Joshua, masaya kami nung high school, siya ang palaging kasama ko kapag wala si Cyrus. Masaya ako kapag kasama ko siya. Kahit papano.. kahit papano.. mahal ko din siya.

*knock knock* "Kuloy!"

"Hindi nga ako gutom Yaya Kurds!" sigaw ko sa kanya. Pero binuksan niya ang pinto.

"At seno ang may sabe na gotom ka? Hende ako benge Kuloy." pagtataray tarayan ni Yaya Kurds.

"Eh anong kailangan mo?" pagbaba ng boses ko sa kanya.

"Si Batman nasa labas, inaantay ka." sabi niya sa akin.

"Ah! Sabihini mo tulog na ako." mabilis na sabi ko sa kanya pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita.

"Ha? Magsesenongaleng ako? Ayoko nga!" pagtanggi niya sa akin.

"Isusumbong kita kay Tita na nakikipahchismisan ka araw araw sa mga kapitbahay sige." paghahamon ko sa kanya.

"Hoy wag! Oo na, magsesenongaleng na." sabi niya sa akin at isinira ang pinto. Agad agad naman akong pumunta sa may pinto at ikinawang iyon. Tiningnan ko si Yaya Kurds kung sasabihin nga niya yun.

"Oh ano pretty Kurds? Pwede na ba akong umakyat sa kwarto ni Kuloy?" nakangiting sabi nung lalaki kay Yaya Kurds.

"Ah, eh.. Tolog na siya!" pagsisinungaling niya.

"Ha? Ang aga naman pretty." pagtataka nung lalaki.

"Ah basta, tolog na siya. Ales ka na, at ako'y may gagawen pa." pagtataboy ni Yaya Kurds dun sa lalaki, at lumabas na nga ang lalaki sa bahay.

Hays. Hindi ko pa siya makakausap, nalilito ako, naguguluhan.


Cyrus


Hindi ko inaasahan na makikisabat si Janine sa usapan naming dalawa ni Joshua. Ibang iba na si Janine ngayon, tumapang na siya. Tumaray. Marunong na siyang makipagsabayan. Bakit niya hinahayaang lumapit si Joshua kay Chloe? Hindi ba niya alam na mahal pa din ni Joshua si Chloe? O totoo ang sinabi sa akin ni Janine? Na naiinsecure ako kay Joshua, na wala na akong tiwala kay Chloe, na wala na akong tiwala sa pagmamahal ko kay Chloe? Kung ano anong mga tanong ang gumugulo sa isip ko. Nakakaasar, traffic pa naman. Bago ako pumunta sa bahay nagdesisyon ako na dumaan kina Chloe, para humingi ng tawad, para makipagbati sa kanya.

Nagdoorbell ako sa bahay nila Chloe, si Yaya Kurds ang nagbukas. Pinapasok niya ako, pagkatapos ay pinuntahan si Chloe sa kwarto niya. Pagbalik niya sabi niya sa akin tulog na daw si Chloe, imposible. Ganitong oras, tulog na? Malamang ayaw akong makausap ni Chloe, papalipasan ko muna, sana makausap ko na si Chloe.

Pagkalabas ko ng bahay nila dumeretso na ko sa bahay. Kumain at nagpahinga, sana kausapin na ako ni Chloe bukas, sana maayos na namin to.

Kinabukasan nagdecide akong sunduin si Chloe sa bahay nila para pumasok, last week na ng summer class namin. Plano kong bumawi sa kanya, tutal nakausap ko na naman si Joshua, hindi na yun manggugulo. Pagdating ko sa bahay nila, nakita ko si Chloe nasa labas na.

"Chloe!" sigaw ko sa kanya. "Tara, sabay na tayo pumasok." pagyaya ko sa kanya.

"Hindi na, salamat." pagtanggi niya. Maya maya ay lumabas na ang tito niya. Doon siya sa tito niya nagpahatid. Mukang galit pa din sa akin si Chloe.

Pagdating sa university, sinubukan ko siyang kausapin. "Chloe, pwede ba tayong mag-usap?"

"Wag muna ngayon, please." sagot niya sa akin at nagpatuloy siya sa paglalakad. Ilang beses ko siyang sinubukan kausapin nung araw na yun pero wala talaga. Ayaw niya sa akin makipag-usap.


"Cyrus!" sigaw ng isang babae habang nag-iisip isip ako sa ilalim ng puno, lumingon ako kaagad sa pag-aakalang si Chloe yun. Schoolmate lang pala namin na nagpapatulong manligaw.

"I'm sorry, pero wala ako sa mood ngayon. I have my own problem." kaagad kong pagtanggi sa kanya kahit wala pa siyang nasasabi sa akin.

"Ay naman si bro bad mood. Huwag kang ganyan dude!" malakas na sabi niya sa akin habang umakbay at tinapik tapik ang balikat ko.

"Wala akong panahon para dyan sa ngayon!" pagsusungit ko sa kanya, pagkatapos ay tumayo ako pero hinila niya akong paupo.

"Ay! Ay! Masyado kang BV bro. Alam ko ang problema mo." pangisi ngisi niyang sabi sa akin. "At alam ko rin ang solusyon dyan. He! He! He!" pagpapatuloy niya na nakakaloko.

"Wag mo kong lolokohin ah, wala ako sa mood ngayon!" pagbabanta ko sa kanya habang napapaisip kung alam nga ba nya ang dapat kong gawin. Kung paano ako papansinin ni Chloe.

"He! He! Don't worry, ako bahala dude. Ako naman ang tutulong sayo." pagyayabang niya sa akin.

Hinila niya ako papunta sa may.. "Principal's Office?" pasigaw kong tanong sa kanya. "Anong ginagawa natin dito?"

"Oh? Nagulat ka naman." nakangiti niyang sabi sa akin. "Alam mo ito ang naisip ko, romantic kaya to, medyo nakakahiya pero promise, magkakabati kayo ni Chloe." pangiti ngiti niyang sabi sa akin.

Mukang confident na confident tong taong to ah. Ano kaya ang plano niya?

"Oh ano? Ayaw mo?" pagtatanong niya. Hindi kaagad ako nakasagot.

"Sige, alis nalang ako." pamamaalam niya.

"Ah, teka lang!" pagpigil ko sa kanya, kitang kita ko naman na napangiti siya.

"Ano ba ang plano?" tanong ko sa kanya. Inakbayan niya ako at sinabi sa akin ang plano niya para kausapin na ako ni Chloe.

"Baliw ka ba?" reaksyon ko plano niya.

"Yun na nga! Baliw, kabaliwan, isang baliw lang ang gagawa ng ganito. At dahil baliw na baliw ka kay Chloe at gusto mong makipagbati sa kanya, magagawa mo to." nakangiti pa din siya sa akin, nakakalokong ngiti, nakakaasar siya. Pero mukang wala akong ibang choice kundi ang gawin ang sinabi niya, dahil ayaw talaga akong kausapin ni Chloe.

"Tsaka papayag naman si Ma'am, ikaw kaya ang The Great Mr. Bernal!" panigurado niya sa akin na papayag ag Principal sa plano niya.

"Sige, gagawin ko na." pagsang-ayon ko sa kanya. "Teka, paano kung lalo akong hindi pansinin ni Chloe?" tanong ko sa kanya.

"Aba! Hindi ko na problema yun.." nakangiti pa din niyang sabi, nang babatukan ko na siya, tinakbuhan niya ako. "Ikaw na bahala dyaaaan.." sigaw niya sa akin habang tumatakbo.

Tama siya. Wala na akong ibang choice kundi gawin ang kabaliwang plano niya. Wala din naman akong ibang maisip na paraan. Hays. Kabaliwan talaga. Baliw!

Pumasok ako sa Principal's Office, pagpasok ko nakita ko kaagad ang Principal, nagbabasa, mukang madaming ginagawa. Aabalahin ko pa ba siya? Hays. Kahit ayaw ko at alam kong hindi naman tama, gagawin ko dahil kailangan eh.

"Excuse me, Ma'am Del Valle." paunang sabi ko sa Principal namin, napatigil naman siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. "Good Afternoon po." bati ko sa kanya.

"Good Afternoon Mr. Bernal, what brings you here? Have a sit." mahinahong bati at pagpapaupo niya sa akin.

"Uhmm.. I, I ac.. act..-" pautal utal kong sabi sa kanya.

"Mr. Bernal, sabihin mo na sa akin ng deretsuhan." pagputol niya sa akin.

"I actually need a favor." mabilis ko namang sabi sa kanya.

"Hey, hey Mr. Bernal, easy!" pagsaway sa akin ni Ma'am.

"Pasensya na po. Kinakabahan lang po talaga ako." paghingi ko ng tawad sa kanya. Tiningnan lang niya ako, naghihintay siya sa mga sasabihin ko.

"I actually need a favor, Ma'am." sabi ko sa kanya pero hindi pa din siya nagsalita, umupo lang siya ng maayos habang nakatingin pa din siya sa akin. Sinabi ko lahat sa kanya ang tungkol sa amin ni Chloe at ang favor na hihingin ko sa kanya. Kitang kita kong gulat na gulat siya sa mga sinabi ko.

"What? Are you serious? And what makes you think that I'll help you?" mga tanong na lumabas sa kanyang bibig ng matapos ako sa pagsasalita.

"Please Ma'am, wala na po akong ibang maisip na paraan." pagmamakaawa ko sa kanya. Pero hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa baba, mukang hindi siya papayag, patay wala na, wala na akong pag-asa.

"Well, Mr. Bernal, since you're an excellent achiever on this university, I will help you." nakangiting sabi niya sa akin.

Nabuhayan naman ako ng dugo sa mga sinabi niya, napangiti ako at napatingin sa kanya.
"Maraming salamat po." pagpapasalamat ko sa kanya.

"Hey! But this is the first and last favor, okay?" pagsusungit sungitan niya. Tumango na lang ako habang nakangiti pa din. Yun na ata ang pinakamalaking ngiti ko, Principal ng University napapayag ko sa plano ng mokong na yun.

"Thanks you very much po talaga." pagpapasalamat ko pa din sa kanya.

"So, paano mo gusto simulan?" tanong niya sa akin.


This is it! Kakausapin na ako ni Chloe.


Chloe


Ang kulit ni Cyrus. Sana wag na muna niya akong kulitin dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi naman sa galit ako sa kanya at hindi ko na siya mahal pero kasi ayokong isipin niya na bale wala lang sa akin ang mga ginagawa niyang hindi ko nagugustuhan. Sumosobra na din kasi siya. Pero miss na miss ko na siya. I'm sure mahuhulog kaagad ang loob ko kapag may ginawa siyang romantic, pero sana hindi. Ah, ewan. Magulo.

Maya maya nagring ang cellphone ko.

"Hello Janine!" masayang bati ko sa kanya.

"Hi Chloe, we have to talk!" seryosong bati niya sa akin. "Meet me at the library of your university, I'll be waiting." patuloy niya.

Ano kayang sasabihin niya? Bakit seryosong seryoso siya? May nagawa ba ako? Lalong gumugulo ang utak ko, dumadami ang iniisip ko. Aaarg, mapuntahan na nga si Janine.



Bakit kakausapin ni Janine si Chloe? Anong sasabihin niya? Mag-aaway kaya sila?

Tsaka, anong gagawin ni Cyrus? Kakausapin nga ba siya ni Chloe?


Chapter 20: Reconciliation

Janine


Sayang, kiss na naging hangin pa. Haha. Parang ang landi ko naman, pero hindi, miss ko lang talaga si Joshua, miss ko ang lips niya. Yung ilang segundong kiss namin dati parang ilang taon para sa akin. Naku. Alam ko hindi ako ang mahal ni Joshua, matagal ko nang alam yun at tanggap ko na. Masaya na akong makita si Joshua na masaya. Basta palagi lag akong nandito para sa kanya hindi para mafall siya para sa akin kundi para damayan siya at tulungan siya kahit anong kailangan niya.

Ano kaya ang pag-uusapan nila ni Cyrus. Naiintriga ako. Tumayo ako sa kama at sumilip sa bintana, andun sila, nag-uusap, pero bakit ganun? Parang inaaway ni Cyrus si Joshua. Hindi ako papayag na may umaaway sa Pare ko. Hindi pwede to. Kaya nagdesisyon akong makisabat sa usapan nila. Tinarayan ko si Cyrus, nagsagutan kami at sinigawan ko pa siya habang umaalis siya. Akala niya kung sino siya. Walang pwedeng umapi sa mahal ko, ibig kong sabihin, kay Joshua, kay pareng Joshua.

Pagkaalis ni Cyrus ay pumasok na kami sa loob ng bahay, nagmeryenda, nagkulitan hanggang sa nagring ang phone ko.

"Hello?" sagot ko.

"Janine! Let's go malling, all girls!" masayang sabi sa akin ng nasa kabilang linya ng telepono.

"Kelan?" tanong ko sa kanya.

"Now na! We're going to your house na.." sabi niya sa akin.

"Ha? As in ngayon na?" gulat na gulat kong tanong.

"Oo! Slow ka?" pagtataray sa akin, pagkatapos ay naputol na.

"Sino yun?" tanong sa akin ni Joshua.

"Alis na ako pare!" pamamaalam ko sa kanya, kinuha ko ang box at ang bag ko. Pero kinapitan ako ni Pare.

"Sino muna yun?" tanong niya sa akin.

"Bakit ka ba interesado?" tanong ko naman sa kanya.

"Syempre, gusto ko kilala ko mga sinasamahan mo." sagot niya sa akin. Aba, parang boyfriend a.

"Bitawan mo na ako, susunduin na daw ako eh." sabi ko sa kanya.

"Sino nga kasi yun?" pilit na tanong niya.

"Boyfriend ko! Bakit?" sabi ko sa kanya na may halong pang-aasar.

"Ha? Hindi naman kita tinawagan ah. Tsaka hindi kita susunduin kasi kasama na kita." sabi niya sa akin habang nakadisplay ang killer smile niya. Leche na to ah, mababaliktad pa ung pang-aasar ko. Pero ang sarap pakinggan.

"Tse! Pinsan ko yun from NZ, magshoshopping daw kami. All girls." sabi ko sa kanya. Nabaliktad pa ako. Pero nakakakilig naman.

"Ah, dali daling sabihin, paayaw ayaw pa." sabi niya sa akin tapos binitawan na ako. "Teka, mag-ingat ka ah." magpapaalala niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Bakit may pa ganun, ganun pa? Joshua, problema mo?

"Ah sige, salamat! Text text nalang.." pamamaalam ko sa kanya at pumunta na sa kotse ko at umuwi sa bahay. Pagdating ko dun, ilang minuto lang ay dumating na ang mga pinsan ko at friends niya, ung kotse nalang daw niya ang gagamitin. Nagshopping kasi, as usual, MOA, dun nila talaga trip magshopping, after nun nuod ng sine o kaya ice skating.

Pag-uwi ko sa bahay, pagod na pagod. Medyo napadami na naman ang napamili ko. Kinuha ko ang shoulder bag ko, tiningnan ang cellphone..

WHOOOAAAAAAA!?

12 missed calls
8 unread messages

Hala, andami naman. Sana hindi si mommy, dahil kung hindi patay ako. Kapag kasama ko ang mga pinsan ko, bawal ang cellphone cellphone kaya nakasilent. Di naman ako nag-attempt na tingnan kasi last time, ibinato ng pinsan ko ang cellphone ko, nasira. Kanino kaya mga to.

Missed Calls
Joshua (12)

Andami naman, anong kailangan nito? Mukang namimiss niya ako, hehe. Maya ko na tawagan, baka may message.

Inbox
Joshua....
Joshua....
Joshua....
Joshua....
Joshua....
Joshua....
Joshua....
Joshua....

OA ka Joshua! Pero nakakatuwa, andami naman messages, may calls pa. Sayang d ko nasagot, pero sana hindi siya nagalit.


Pare, san kau?
pde ba q sumunod?

Sender:
Joshua

Ay, sayang! Pero d dn nmn siya pwede sumunod kasi ALL GIRLS nga e.

Pare, san na kau?
andamot mo, sunod ako?

Sender:
Joshua


Ganyan nba kabusy?
D mgawang mgreply!

Sender:
Joshua

Nagtampo siya? Sinabi nang all girls yun.

Kaen kna?

Sender:
Joshua


Pare, mgreply ka nmn!
sunod na kc aq dyn..
san ba yan?

Sender:
Joshua

Pare, dadaan kpa b
d2 sa bhy ma2ya?

Sender:
Joshua


mukang busy k tlg..
kht isang reply, ndi
mgawa, kht mga calls
q ndi mu rin msagot.. : (

Sender:
Joshua

hays.. sige ingat nlng..
akala ko ba txt? txt?

Sender:
Joshua


Hala! Nagtampo na nga. Pero bakit ganun, siguro malungkot lang talaga si Pare. Babawi nalang ako sa kanya. Matawagan nga. Nagriri--

"Pare!" mabilis na sagot niya sa tawag ko.

"Pare! Ambilis naman, inaatay mo talaga tawag ko?" tanong ko sa kanya.

"Oo, hindi ka nasagot e, kahit reply sa text wala. Nag-aalala ako sayo." sagot niya, kinilig naman ako.

"Sorry ah, all girls kasi yun eh, tapos hindi pwede ang cellphone kapag kasama ko yung mga pinsan ko, ibinabato nila." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ganun? Paano kung emergency?" tanong niya.

"Sorry, ganun talaga mga pinsan ko eh. Laking NZ kasi, iba ang trip." pagpapaliwanag ko pa din.

"Kahit ako? Hindi pwede makaistorbo sa inyo?" pagtatanong niya with tampo effect.

"Pare naman nagtatampo pa. Hayaan mo. Babawi ako sayo. Sisimulan ko bukas." paglalambing ko sa kanya.

"Talaga?" tanong niya na halata ang excitement.

"Oo, pero may pupuntahan muna ako bukas, bago ako pumunta diyan sa inyo. Personal na lakad to. Gabi na ako makakapunta dyan." sabi ko sa kanya at biglang napatingin sa kahon na may mga laman na galing sa closet ni Joshua.

"Oh sige! Iintayin nalang kita." sabi niya sa akin.

"Okay, o pano, tulog na ko, pagod e, kumain na ako, salamat sa pag-aalala. Sweet dreams

Josh!" pamamaalam ko sa kanya.

"Sweetdreams Janine.." sabi niya sa akin at naputol na ang linya.


Naku Janine, huwag kang assuming, huwag kang umasa. Malungkot lang si Joshua kaya kailangan niya ng kasama. Yun lang yun, kailangan niyang malibang. Janine alam mo yun, hanggang bestfriends lang kayo ni Joshua. Maya maya ay natulog na ako.

Kinabukasan ng hapon pumunta ako sa university nila Chloe para kausapin siya. Nung andun na ako sa may gate, tinawagan ko siya..


"Hello Janine!" masayang bati niya sa akin.

"Hi Chloe, we have to talk!" seryosong sabi ko sa kanya. "Meet me at the library of your university, I'll be waiting." pagpapatuloy ko at pinutol ang linya.

I have to do this. Dumeretso ako sa library ng university nila at hinintay siya dun. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay dumating na siya.
"Hi Janine, kamusta?" bati niya sa akin.

"Okay lang ako Chloe, ikaw kamusta ka?" tanong ko sa kanya.

"Urmm.. okay naman." sagot niya sa akin. Okay? E medyo namumukto ang mga mata niya.

"Sure ka? Parang umiyak ka.." paninigurado ko.

"Ah hindi, don't mind it. I'm okay. Ano pala ang sasabihin mo?" pagtanggi niya.

"Kasi kahapon, nasa bahay ako nila Joshua. Actually, nung isang araw pa. Dun ako nakatulog eh, naikwento sa akin ni Josh ang napag-usapan niyo." sabi ko sa kanya.

"Ganun ba? Pasensya na ah. Yun kasi ang gusto ni Sai eh." sabi niya sa akin.

"Okay lang kung yun ang naging desisyon mo, naiintindihan ko naman, pati si Joshua." sabi ko sa kanya.

"Pero yang boyfriend mo ka---" pagpapatuloy ko pero naputol dahil..

*Teeen.. teeen.. teeeen..*

Mukang may announcement.

*Attention to Ms. Chloe Yu...*

"Ako?" gulat na gulat na sabi ni Chloe. Napatingin naman ako sa kanya.

"May problema?" tanong ko sa kanya.

"Wala, ewan. Hindi ko alam." litong litong sabi niya.

*..please listen carefully on what he's going to say.*
He? Sino? Si Cyrus kaya yun? Nakikinig lang si Chloe, na hindi pa din naiintindihan ang nangyayari.

*Chloe Yu!..*

"Cyrus?" gulat na gulat na tanong ni Chloe habang nakatingin sa akin. Napatango nalang ako, dahil narecognize ko kaagad ang boses ni Cyrus.

*..I'm very very sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa'yo. I know mali lahat ng nagawa ko, narealize ko na at nagsisisi na ako. Please, kausapin mo na ako, bati na tayo, please?*

Sabi ni Cyrus. Lakas ng loob niya, kinig na kinig kaya yun ng buong school. May mga estudyanteng kinikilig at palinga linga, hinahanap kung sino ang Chloe Yu na nabanggit, hindi nila alam nasa harap ko lang. Si Chloe naman hiyang hiya sa ginawa ni Cyrus, namumula siya.

*..please meet me here in the Principal's Office. I really miss you, Chloe! I Love You Chloe Yu.*

Mga huling narinig ng lahat ng mga tao sa loob ng university, na sa tingin ko kahit ung mga taong nasa labas nun a nakinig din. Si Chloe naman ay parang napetrified sa mga narinig niya. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa din kumikibo si Chloe, andaming mga estudyante ang tumatakbo sa tingin ko papunta ang mga sa Principal's Office para makita kung sino si Chloe.

Nag-away siguro sila, kaya todo effort si Cyrus para makipagbati kay Chloe. Paano ko pa sasabihin sa kanya yung ginawa ni Cyrus kahapon? Sayang naman ang effort ni Cyrus, sigurado ako magagalit lang lalo si Chloe kay Cyrus kapag nalaman niyang pinuntahan nito si Joshua. Gusto ko sanang sabihin kay Chloe ang ginawa ni Cyrus para aware siya sa mga pinaggagawa ng boyfriend niya, pero hindi ko na masasabi.

"Chloe!" tawag ko sa knya, pero wala siyang kibo. Nilapitan ko siya, "Huy Chloe!" pagtawag ko ulit sa kanya at sa pagkakataong to medyo tinulak ko siya. Maya maya nakita ko, natulo na ang mga luha niya.

"Dapat nakipagbati na ako sa kanya kanina nung gusto niya akong kausapin, umabot pa sa ganito. Nakakahiya." sabi ni Chloe sabay pahid sa kanyang mga luha.

"Kailangan ko nang pumunta sa Principal's Office, Janine." sabi niya sa akin. "Ano nga ba yung sasabihin mo?" tanong niya.

"Aaah.. wala naman, napadaan lang kasi ako dito sa may university niyo and naisipan kong dalawin ka." pagpapalusot ko sa kanya sabay ngiti.

"Thank you ah, akala ko may seryoso tayong pag-uusapan." sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Ikamusta mo nalang ako kay Daa, kay Joshua!" pagpapatuloy niya, daddy sana ang masasabi niya. Malamang si Joshua ang dahilan ng pag-aaway nila.

"Okay sige, goodluck!" sabi ko sa kanya. Matapos ay umalis na siya. Aalis na din sana ako pero naisipan kong pumunta sa Principal's Office.

Nang malapit na ako sa Principal's Office, kita ko ang andaming tao, as expected. Halos hindi makadaan si Chloe.


Chloe


Nakakahiya ang ginawa ni Cyrus. Nakakahiya na nakakatouch. Talagang gusto niyang makipagbati sa akin, andami namang ibang paraan pero bakit ito ang naisipan niya this time. Nakakahiya. Napansin ko nalan na medyo may tumulak sa akin, si Janine. Muntikan ko nang makalimutan na kasama ko nga pala si Janine.

"Dapat nakipagbati na ako sa kanya kanina nung gusto niya akong kausapin, umabot pa sa ganito. Nakakahiya." sabi ko sabay pahid sa kanyang mga luha, napapaiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan.

"Kailangan ko nang pumunta sa Principal's Office, Janine." sabi ko sa kanya. "Ano nga ba yung sasabihin mo?" tanong ko dahil mukang importante.

"Aaah.. wala naman, napadaan lang kasi ako dito sa may university niyo and naisipan kong dalawin ka." sabi niya sa akin at sabay ako nginitian, parang may laman ang ngiti niya.

"Thank you ah, akala ko may seryoso tayong pag-uusapan." sabi ko sa kanya. "Ikamusta mo nalang ako kay Daa, kay Joshua!" pagpapatuloy ko, matatawag ko na naman sanang Daddy si Joshua, buti nalang nakapagpreno ang dila ko.

"Okay sige, goodluck!" sabi niya sa akin. Pagkatapos ay pumunta na ako sa Principal's Office.Habang papunta sa Principal's Office, andaming tao. Ano ba yan. Paano ako makakadaan nito. Halos hindi ako makadaan. Ayaw nila akong padaanin, nang sinabi kong "Excuse me, I'm Chloe Yu!" tsaka lang nila ako pinapadaan. "Uy! Siya pala si Chloe..", "Haba ng hair mo.." Yan mga naririnig ko kapag sinasabi kong ako si Chloe Yu. Nakakahiya.

Nang nakarating ako sa may Principal's Office nasa labas na si Cyrus, pati na din ang principal ng university. Nahihiya pa din ako. Nang nakita ako ni Cyrus na papalit, kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "Ayyyiiiieeeeeeeeeee.." sigaw ng mga tao na nakakakita sa amin.

"Kakausapin mo na ba ako?" tanong niya sa akin.

"Malamang oo, tara na nga, nakakahiya eh." sabi ko sa kanya. "YESSSS!" sigaw niya. At nagpalakpakan ang mga tao, akala mo naman nakakita ng mga artista na ewan. Pero nahihiya pa din ako. Lumapit ang principal sa akin.

"You're such a lucky girl, Ms. Yu!" sabi niya sa akin. "Okay guys, you may go back to your classes, come on, come on!" sabi niya sa mga nakikiosyoso at nagsialisan na nga sila.

"Thank you, Ma'am!" sabi ni Cyrus. Napangiti nalang ako.

"You're welcome! Cge na, baka may classes pa kayo." sabi ng Principal at pumasok na sa kanyang office.


"Buti naman at kinausap mo na ako. Akala ko hindi mo pa din ako kakausapin eh." sabi sa akin ni Cyrus ng makapasok c Ma'am sa office niya.

"Basta wag mo na ulit gagawin yun, okay?" sabi ko sa kanya.

"Oo, promise! Nadala lang talaga ako ng emosyon ko. Pero hindi na ulit mangyayari un." nakangiting sabi niya sa akin.

Niyaya niya ako sa ilalim ng puno kung saan palagi kaming nagpapahinga kapag nagkakasabay kami ng break. Nagulat ako sa nakita ko, may mga red roses don at meryendang nakahanda. Meron pang banner..

*Happy Anniversary Chlobi!
I love you so much..

will you please forgive me?*


Yan ang mga nabasa ko na nakalagay sa banner, ang sweet talaga ng Saibi ko, sabi ko na nga ba mabilis akong mahuhulog sa mga pasweet ni Sai. Muntikan ko ng makalimutan na anniversary namin ngayon. Buti naalala niya, sayang di ko nadala ang regalo ko para sa kanya.

"Bati na tayo?" tanong sa akin ni Cyrus habang nakadisplay ang kanyang mga ngiti.

Napatango nalang ako, pagkatapos ay niyakap niya ako at niyakap ko din siya.

"Happy Anniversary! I love you, Chlobi.." bati sa akin ni Sai.

"I love you too, Saibi.. Happy Anniversary!" pagbati ko din sa kanya.

Naupo kami, nagmeryenda at nagkamustahan. Hindi na kami nakaattend sa mga last classes namin. Nagbonding nalang kami ni Cyrus. Nang nagsisiuwian na ang mga tao sa university nagdecide kaming magmalling hanggang sa nanuod kami ni sine. Pagkatapos, kumain ulit kami saglit at umuwi na. Masaya ako ngayong araw na to, nagkabati kami ni Cyrus. Masaya na ulit kami. Ilang araw nalang tapos na ang summer classes. Two weeks na mababakante bago ang pasukan. Plano ko spend time with Cyrus kasi alam ko this year sobrang magiging busy kami pareho, baka weekends nalang kami magkita. : (

"Kuloy! Gabe na a, san ka galeng? Aber?" pagbungad sa akin ni Yaya Kurds.

"Nakipagdate kay Batman!" nakangiting sagot ko sa kanya.

"A, mabote hende kay Soperman, penge nga selpon number nya?" sabi sa akin ni Yaya Kurds. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Hindi kaagad ako nakapagsalita.

"Hoy Kuloy!" pambasag katahikan ni Yaya Kurds sa akin.

"Wag na, tinatamad ako." pagtanggi ko sa kanya.

"Aken na selpon, ako nalang maghahanap." sabi niya sa akin. Asan na nga ba ang cellphone ko? Kinapa ko sa bulsa ng pantalon ko pero wala ito dun, tiningnan ko ang bag ko pero wala pa din.

"Nakita mo ba cellphone ko Yaya Kurds?" tanong ko sa kanya.

"Heneheram ko nga sayo tapos etatanong mo sa aken. Kaenamang bata are." sabi niya sa akin sabay alis. Tama nga naman siya. Baka nahulog sa sine o sa kotse ni Cyrus. Sana nga sa kotse ni Sai, sayang naman ang cellphone ko kung wala dun regalo pa naman sa akin yun ni Tito. Dumeretso ako sa kwarto ko at natulog.



Cyrus


Kinakabahan ako, ito na. Nag-umpisa na siyang magsalita..
*Attention to Ms. Chloe Yu, please listen carefully on what he's going to say.*


Pagkatapos niyang sabihin yun, ako naman ang nagsalita..
*Chloe Yu! I'm very very sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa'yo. I know mali lahat ng nagawa ko, narealize ko na at nagsisisi na ako. Please, kausapin mo na ako, bati na tayo, please?*

*Please meet me here in the Principal's Office. I really miss you, Chloe! I Love You Chloe Yu.*

Pagkatapos kong sabihin lahat ng yan nagpasalamat ako sa Principal namin at lumabas na ako ng Principal's Office, lumabas rin si Ma'am. Paglabas ko bigla nalang dumami ang mga tao dun, mukang iniintay din nila ang pagdating ni Chloe. Pagkatapos ng mga ilang minuto, dumating na si Chloe. Nagsorry ako sa kanya at pinatawad na niya ako, niyaya ko siya sa ilalim ng puno kung saan palagi kaming tumatambay kapag nagkakasabay kami ng break. Nagulat ako sa nakita ko, may nakaset up na mga roses, pagkain at may banner pa. Siguro si tomboy na si Marie ang nag-ayos nun, tama ang sinabi niya, nagkaayos kami ni Chloe. Mukang hindi na siya kailangang turuang manligaw dahil successful ang plano niya.

Pagkaalis namin sa university, nagmalling kami tapos nanuod ng sine, bago umuwi kumain muna kami, matakaw talaga tong si Chloe. Pagkatapos at hinatid ko na siya sa kanilang bahay.

"Chloe, thanks pinatawad mo ako. Promise, hindi na mauulit." muling paghingi ko ng tawad sa kanya.

"Okay na Cyrus, hindi na ako galit o nagtatampo. Ingat ka sa pagmamaneho ah." sabi niya sa akin.

"Oo naman. Sleep well Chlobi!" sabi ko sa kanya sabay halik sa noo. "Love you!"

"Same to you.." sagot niya sa akin at binigyan niya ako ng ngiti, pagkatapos ay lumabas nah ng kotse.

Ang weird, bakit same to you? E, ayaw na ayaw niya ng ganun, gusto palaging buo at klaro. Bakit ngayon same to you? Napagod lang siguro siya. Bago ako magmaneho pauwi sa bahay, naisipan kong tawagan si Marie para magpasalamat, matapos ang pag-uusap namin binaba ko ang cellphone ko sa may passenger's seat, may napansin ako. Cellphone ni Chloe. Ibabalik ko ba sa kanya? Mas okay siguro kung wala nalang siyang cellphone para sure na hindi na sila makakapag-usap ni Joshua, pero paano ko siya makocontact? Tanggalin ko nalang kaya ang simcard tapos ung cellphone nalang ang ibabalik ko sa kanya. Kaya lang magtataka naman siya kung nasaan ag simcard. Ah bahala na!



Ibabalik ba ni Cyrus ang cellphone ni Sai? O hindi?
Malalaman ba ni Chloe na na kay Cyrus ang cellphone niya?


Reply #16
02-05-11 03:04 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!

Chapter 21: JJ Moments






Janine


Pagkagaling ko sa university nila Chloe at Cyrus, dumeretso na ako kaagad sa bahay nila Joshua para bumawi. Pagdating ko dun, nakita ko si Joshua nasa sala, mukang kanina pang naghihintay.

"Josh!" bati ko sa kanya. Bigla naman siyang napatayo.

"Janine! Kamusta lakad mo?" tanong niya sa akin.

"Okay naman." sagot ko sa kanya. "Nga pa--"

"Ganun ba? O bumawi ka na sa akin." pagputol niya sa akin. Sasabihin ko sana kung saan ako nanggaling. Pero mukang excited na excited si Joshua.

"Oo nga. Kaya nga ako nandito diba." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Napangiti naman siya.
"Bakit bihis na bihis ka? San lakad mo? Kala ko ba babawi ako sayo, may pupuntahan ka atah.." pagpuna ko sa kanya.

"Ako? Tayo ang may pupuntahan.." sabi niya, nagtaka naman ako. "Diba babawi ka sa akin? Kaya sasamahan mo ako magliwaliw." pagpapautloy niya.

"Magliwaliw?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "At san naman tayo pupunta?" sunod na tanong ko sa kanya.

"Kahit saan, may kotse ka, road trip tayo! Ako bahala sa gasolina, tapos KKBSP a!" sabi niya sa akin.

"Ano? KKBSP?" nagtatakang tanong ko pa din sa kanya. Napatawa naman siya.

"Kanya Kanyang Bayad Sa Pagkain! Matakaw ka kasi, baka maubos pera ko, hehe.." malokong sabi niya.

"Ah ganun? Magroad trip ka mag-isa." sungit sungitan kong sabi sa kanya.

"Ito naman, joke lang. Basta ako na ang bahala sa expenses." pagbawi niya sa sinabi niya. "Pero kung may hiya ka, hatian mo naman ako, haha.." pagbibiro niya.

"Tse!" ang tanging nasabi ko. "Teka.." sabi ko sa kanya, at may kinuha ako sa shoulder bag ko.
"Nakikita mo to?" tanong ko sa kanya habang ipinapakita ang kinuha ko sa bag.

"Oo, may nareceive din ako niyan. Wag ka mag-alala, pupunta tayo diyan." sabi niya sa akin.

"Okay! So ilang oras tayo magroroadtrip?" tanong ko sa kanya.

"Oras? Cheap mo pare, gusto ko matagal, so siguro 3 days, tapos deretso na tayo sa event!" sagot niya sa akin.

"Seryoso ka?" gulat na tanong ko sa kanya. Saan naman kaya kami pupunta nito at araw ang kailangan.

"Oo! Huwag kang mag-alala dail naipagpaalam na kita kay Tita at naipaghanda na kita ng mga damit." sabi niya sa akin habang tinuturo ang pamilyar na maleta sa may sofa.

"Akin yan a. Pinag-impake mo ako?" gulat na gulat kong tanong sa kanya.

"Obvious ba Pare? Mga tanong mo ah." pambabargas niya sa akin, inirapan ko lang siya. Kinuha niya ang maleta ko at ang bag pack niya.

"Tara na!" yaya niya sa akin habang papalabas na ng bahay at papunta na sa kotse ko.

"OA ka, maleta talaga?" sabi ko sa kanya. "Aba! Malay ko kung ano talaga ang mga kailangan mo, kaya lahat ng pwede mong kailanganin andiyan na. Wag ka na magreklamo." sabi niya sa akin.

Ano pa nga bang magagawa ko? Kundi ang sumakay sa kotse at umpisahan na ang road trip namin. Kauna-unahang pinuntahan namin syempre gasoline station, pinafull tank niya tapos sa isang 24/7 shop para bumili ng mga pagkain. Akala mo naman hindi na uuwi si Joshua at andaming pinamili. Siguro ito ang paraan niya para makapagmove on. Okay lang. As long as he is happy. Pagkatapos namin mamili, nagdrive na ulit ako, walang siguradong patutunguhan. Habang nagddrive ako nagkukwentuhan kami, nagkukulitan, soundtrip, minsan napapasayaw pa. Ang cute talaga niya sumayaw lalo na kapag may halong kalokohan.

"San ba tayo pupunta? Maggagabi na o." sabi ko sa kanya.

"Palit tayo, ako na ang magdadrive." sabi niya sa akin. At nagpalit nga kami, ngayon sia na ang nagdadrive at ako na ang nasa passenger's seat.

"San mo naman ako balak dalin? Baka kidnapin mo na ako a." pagbibiro ko sa kanya pero itsurang seryoso.

"Haha, pwede ba Pare, KIDNAP? E ang tanda mo na, kid pa!" natatawang sabi sa akin ni Joshua.

"So san nga?" tanong ko ulit sa kanya.

"Basta, relax ka lang diyan. Makikita mo din." sabi niya sa akin. Kaya sumandal ako, nagrelax, maya maya'y napatitig ako sa kanya.






Joshua


Pagkagsing na pagkagising ko, nag.ayos kaagad ako at tinawagan ko ang mommy ni Janine. Para naman habang wala pa si Janine e malibang ako. Ipinagpaalam ko siya na magrroadtrip kami na wala talagang patutunguhan. Nagpaalam din kina Mama at Papa ayaw ko na silang mag-alala pa. Pinayagan naman nila ako. Pagkatapos kong kausapin ang mommy ni Janine pumunta kaagad ako sa bahay nila, buti nalang at andun ang kasambahay nila at pinapasok ako. Pinag-impake ko si Janine. At dahil hindi ko alam kung ano ano ang kakailanganin niya kinuha ko ang maleta at ipinaglalagay ang mga gamit na sa tingin ko e gagamitin niya. Nakita ko ang madaming pack ng napkin, "Magkakaron kaya siya these days?" tanong ko sa sarili ko. Haha. Babaunan ko na din ng ilang pack, Whisper pala may Charmee pa. Haha.

Umuwi na ako sa bahay dala dala ang maleta ni Janine nang matapos kong ilagay ang mga pwede niyang kailanganin at sinimulan ko na din mag-impake. Nag-isip isip ako kung saan kami pwedeng magpunta sa loob ng tatlong araw bago ang event na pupuntahan namin. Ano kaya ang maisuot sa event na yun? Ah, kahit ano basta dapat terno kami ni pare, siya ang date ko.

Nasa sala ako ng dumating si Pare at niyaya ko kaagad siya sa aking plano. Andami daming tanong ng babaeng to, pero pumayag din naman siya. Pinafull tank ko ang kotse niya at nagsimula na kaming magroadtrip. Maya maya nakipagpalit ako sa kanya para ako naman ang magmaneho, dadalhin ko siya sa isang lugar na hindi pa niya nakikita dito sa Pinas, pero siguro nakita na niya sa ibang bansa.

Habang nagmamaneho ako, napansin kong nakatitig sa akin si Janine. Saktong red light, kaya inilapit ko ang muka ko sa kanya..

"Ganito na ba ako kagwapo at sobra ang titig mo sa akin?" pagkakacute kong sabi sa kanya. Ilang segundo din ang lumipas pero hindi siya umiimik.. "Cute ko no?" sabi ko sa kanya at bigla siyang napapikit. Nakatulog? Tinulugan ako? Bumalik ako sa tamang posisyon para magmaneho.

"Pare ang yabang mo, nakatulog ka?" sabi ko sa kanya, pero hindi siya umiimik. "Yabang mo! Hindi nakakaantok ang kagwapuhan ko no." sabi ko sa kanya, pero mukang nakatulog siya.

Nagmaneho ako ng nagmaneho hanggang sa makadating kami sa isang lugar na para sa akin maganda, sana magustuhan din niya.

"Janine, gising na.. Andito na tayo." paggising ko sa kanya.

"Asan tayo?" tanong niya. "Nasa tuktok ng bundok, malapit ng mahulog!" pagbibiro ko sa kanya.

"ANOOOOO? BAKIT?" napapraning na sabi niya.

"Joke lang." sabi ko sa kanya habang nakapeace sign.

"Wag mo kong bibiruin kapag bagong gising, baka masapak kita diyan." nakangusong pakamot kamot sa ulo niyang sabi sa akin.

Nag-unat unat siya nang lumabas ako sa kotse at pumunta sa kabilang side. Pinagbuksan ko siya ng pinto ay ginuide palabas.
"Welcome to my so called Philippines' Little Stars!" masayang sabi ko sa kanya.

Hindi kaagad siya nagsalita, siguro hindi nia nagustuhan. Naku mali ata ang lugar na napili ko.
"Janine, tara na." pagyayaya ko sa kanya dahil sa tingin ko hindi niya nagustuhan. Pero hindi pa din siya nagsasalita, imbis na bumalik sa kotse naglakad pa ito papalayo.

"Why?" tanong niya sa akin. "Ha? Anong why?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Why you didn't tell me earlier that there's such place!" nakakanosebleed na tanong niya.

"Ahh, kasi.." nauutal kong sabi sa kanya. Di ko alam kung bakit ako nauutal.

"Ang ganda! I've seen this kind of view sa New Zealand but seeing this here in the Philippines.. Wow!" sabi niya sa akin. Nagustuhan pala niya, banong bano siya sa nakita niya. Akala ko hindi niya nagustuhan. Nasa mataas na lugar kami, kung saan madalang ang mga taong dumadaan, tagong lugar siya, isang napakagandang view ang itinago ng lugar na ito, narerelax ako kapag nakikita ko ito. Parang mga bituin ang mga ilaw ng mga buildings at mga kotse na mabagal ang galaw, kapag nakikita ko ito, naiisip ko na hindi imposibleng maabot ang mga pangarap ng kahit na sino, dahil parang kayang kaya kong abutin ang mga bituin at sa katunayan parang mas mataas pa ako sa mga ito.

"Akala ko hindi mo nagustuhan, sige titigan mo lang." sabi ko sa kanya. Pumunta ako sa kotse at kumuha ng snacks at maiinom. Konting alak, bonding lang. Umupo ako sa ibabaw ng kotse at inihanda doon ang aming kakainin at iinumin.

"Ang daya mo Josh, hindi mo kaagad ito sa akin ipinakita." sabi niya sa akin habang nakangiting umaakyat sa ibabaw ng kotse niya.

"Ngayon lang ako nagkaron ng chance e." sabi ko sa kanya.

"Ganun ba? So paano mo ito nadiscover?" tanong niya habang binubuksan ang isang pack ng junk foods.

"Urmm.. nung unang beses kong subukang kalimutan ang nararamdaman ko para kay Chloe." seryosong sabi ko sa kanya pagkatapos ay uminom.

"Nagagawa nga naman ng mga nagmumove on." sabi niya sa akin. Napangiti lang ako. "Pero it wasn't successful, was it? So bakit ka bumalik dito?" sabi niya, nang-aasar ba to?

"Oo, I failed. I don't know. Siguro dahil gusto ko na ulit simulan ang pagmumove on." sagot ko sa tanong niya.

"Talaga bang sinubukan mong magmove on?" tanong niya sa akin habang nakatitig sa view.

"Oo naman! Hindi ka ba naniniwala?" sabi ko sa kanya.

"Naniniwala naman. Pero.." napabuntong hininga siya at tumingin siya sa akin. "Joshua, may sasabihin ako sayo pero sana wag mo akong pagtawanan, okay?" sabi niya sa akin. Tumango naman ako at napabuntong hininga ulit siya.

"Okay! When I was in New Zealand I also tried to move on. Sinubukan ko din na kalimutan ang feelings ko para sayo hanggang umabot sa punto na sinubukan kong kalimutan ka." seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig siya sa mga mata ko. "But I failed, just like you, I know naman na you know na I still love you, hindi ba?" tanong niya sa akin, nabigla naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko, tama siya. "Tama ako, right? Pero narealize ko na, I wasn't moving on. Na I just can't blocked my feelings for you out of my heart, life.. kasi I really love you and I can't.. I just can't. Lalo na kapag naaalala ko yung mga pinagsamahan natin noon." pagpapatuloy niya, hindi ako makapagsalita dahil sa mga narinig ko, nakatulala lang ako. Parang dinudurog ang puso ko sa mga narinig ko, sinubukan niya akong kalimutan, ang lupit naman. Napangiti nalang siya sa akin dahil sa reaksyon ng muka ko.

"Joshua, Walang ibang makakatulong sa iyong makapagmove-on kundi ang sarili mo. Kung talagang ayaw mo na siyang maalala, wag mong ipipikit ang mata mo kung ang iisipin mo lang rin naman ay ang nakaraan niyo." pagkasabi niya yan at tumayo siya sa kotse, inubos ang kanyang inumin at sumigaw ng napakalakas.

"Janine, ano ba yan? Magigising ang mga engkanto." pagbibiro ko sa kanya.

"Haha, o ayan, nakapagsalita ka na." natatawang sabi niya sa akin. "Oo, Joshua! Sinubukan kong kalimutan ang feelings ko para sayo at ikaw na mismo. Pero hindi ko kinaya, dahil mahal talaga kita at madami na tayong napagsamahan." seryosong sabi niya sa akin, maya maya'y napangiti siya. "Sinasabi ko to sa'yo not because I want you to give me a chance, napalaking NO! I'm telling you this just to show you na you can be happy even though you're not moved on. Gets mo ba? pagpapatuloy niya.

"Hindi!" deretsong sagot niya sa akin.

"Hay naku, diba matalino ka? Ang mga matatalino nga naman pagdating sa pag-ibig nabobobo din." pang-aasar niya sa akin.

"O tapos? Anong point? Sige na. Deretsuhin mo na. Pinag-iisip mo pa ako." sabi ko sa kanya habang nagbubukas ng bagong maiinom. Nagbukas din siya bago siya nagsalita.

"Tamad mo, ilang taon hindi mo naisip, nagconcentrate ka kasi isang bagay e." sabi niya sa akin sabay inom. Ang lakas pala uminon ni Janine. Baka mauna pa akong malasing kaysa sa kanya. "Ganito lang yan, Mr. Joshua Garcia, kung hindi mo siya kayang kalimutan or ung nararamdaman mo para sa kanya, e di pag-aralan mo siyang mahalin ng walang kapalit. Hindi mo ba naisip yun?" sabi niya.

"Naisip.." sabi ko sa kanya.

"Talaga? Siguro nga naisip mo, pero hindi mo ginawa. Siguro naisip mo maging masaya para sa kanya, pero at the same time you were still wishing na sana mahalin ka rin niya balang araw." pagpapatuloy niya. Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko. Natatawa naman siya sa akin. "Okay lang yan, ganyan din ako dati, hanggang sa sinubukan ko, pinag-aralan kong mahalin ka nang hindi umaasa na mamahalin mo din ako one day.. mahirap kasi umasa. Tsaka tumatanda na tayo we must know how to face these kinds of things, hindi ba?"

"Salamat pare ah, expert ka pala di mo kaagad sinabi." sabi ko sa kanya.

"Hindi naman ako expert, di ko naman talaga dapat sasabihin eh, mas okay kasi kung ikaw mismo ang makakaalam, pero since mukang hindi mo talaga narerealize, sinabi ko na. Goodluck!" sabi niya sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Salamat talaga. Sana makayanan ko ang nakaya mo." sabi ko habang niyakap ko siya.

"Kaya mo yan! Wag mong sabihin na magpapatalo ka sa akin? Haha. Weeeaaaak!" pang-aasar niya.

"Yabang mo naman pare!"

"Hindi naman, oh ito last, masarap sa pakiramdam kapag mahal ka ng taong mahal mo di ba? Pero trust me mas masarap sa pakiramdam kapag natutunan mo siyang mahalin ng walang kapalit." pagtatapos niya. Napaisip naman ako, mukang tama siya. Kayayanin ko to.

"Kakayanin ko, basta gabayan mo ko, pwede ba?" rekwes ko sa kanya.

"Oo naman, partners in crime?" sabi niya sabay taas ng bote.

"Partners in crime!" sigaw ko. At biglang bumuhos ang napalakas na ulan.

"Patay na, kaya pala biglang humangin." sabi ni Janine habang bumababa sa ibabaw ng kotse.

"Ako na ulit ang magmamaneho." sabi ko sa kanya.

"No! No way! Nakainom ka.." sabi niya sa akin habang patakbong pumunta sa pinto ng driver's seat. Ayaw niya akong papasukin.

"Basang basa na tayo oh! Pumasok ka na dun sa kabila, nakainom ka din naman." sabi ko sa kanya.

"Oh well, at least I know that I can drive even I'm drunk! Alis na, ako na kasi!" pagpipilit niya sa akin.

"Teka nga!" at binitawan ko ang pinto. "Sino bang mas lasing sa atin? Basang basa na tayo oh.." tanong ko sa kanya.

"Sino ba? Eh di ikaw." natatawag sabi niya. "Basa lang yan, natutuyo din naman yan!" pagpapatuloy niya.

"Paano mo nalaman? Aber?" tanong ko sa kanya.

"Oh sige, patagalan tayong nakatayo na gamit ang isang paa, tapos ang kabilang paa naman nakatukod sa tuhod ng isang paa, tapos ilagay ang thumb sa noo then tutungo tayo at gamit ang hinliliit ipapatong un sa ibabaw sa tuhod ng paang nakatukod." paghahamon niya sa akin.

"Yun lang pala eh, sige!" pagsang-ayon ko sa kanya.

"Ako na ang mauuna!" pagmamayabang niya. At ginawa nga niya yun, sinundan ko naman siya. Ilang segundo na ang nakakalipas ngunit hindi pa siya bumabagsak. Maya maya pa'y napatagilid na ako at natumba na. May tama na nga ata ako.

"Ahaha, o ayan. Sabi sayo eh, sino mas lasing sa atin ngayon?" pang-aasar niya. "Lasing na nga, nagdumi ka pa dyan sa ulanan, haha, parang bata lang o.." patuloy niya sa pang-aasar.

Habang tumatawa siya hinila ko siya pababa, kaya napaupo na din siya sa ulanan.
"Oh ano? Pareho na tayong madumi!" sabi ko sa kanya sabay takbo papasok sa loob ng kotse, sa passenger's seat ako naupo dahil talo ako. Pagkapasok ni Janine sa loob, tuloy pa din ang pang-aasar niya.

"Madumi na kung madumi, pero sino ang lasing? Sino ang may tama? Si JOSHUAAAAA!" pang-aasar pa niya.

"May tama si JOSHUAAAA!"

"Si JOSHUA may tamaaaaa.. Ahahaha..·


Inistart na niya ang kotse at nagsimulang magmaneho.







Janine



I can't believe na nasabi ko lahat yun kay Joshua, na nasabi kong mahal ko pa din siya. Hay naku. Basta nasabi ko na, sana magawa din niya para sumaya na din siya. Basang basa kaming pareho, pati loob ng kotse ko nabasa na to, papacar wash ko nalang to.

"San mo naman ako dadalhin?" sabi sa akin ni Joshua.

"Kikidnapin kita." pagbibiro ko sa kanya.

"Kidnap? Tanda ko na kaya." sabi niya.

"ISIP KID naman!" natatawang sabi ko sa kanya. Kikilitiin niya sana ako.. "O, o nagmamaneho ako." sabi ko sa kanya sa mapang-asar na malambing na boses.

"San tayo?" muling tanong niya.

"San pa, kundi sa lugar kung saan pwede tayong magpalinis ng kotse at magpalit ng damit. Magagalit si Mommy kapag nagkamansta ang kotse ko." sabi ko sa kanya.

Kaya nagpunta kami sa isang gasoline stationg kung saan 24/7 ang pacar wash ng buong kotse, mula loob hanggang labas, nagputik kasi dun sa pinuntahan namin kaya pati loob ng kotse naputikan pagpasok namin. Pagkatapos ay nagdinner kami sa isang restaurant, nagdrive ulit at ng antukin naghanap ng matutuluyan. Kinabukasan naligo lang, kumain at muling naglaboy. Tamang sound trip at kulitan sa loob ng kotse. Hanggang sa naisipan namin pumunta sa Enchanted Kingdom. Walang masyadong tao kaya madami kaming nasakyang rides.

Akala ni Joshua hindi ako marunong magkart, nagulat tuloy ang mokong. Naglaro din kami ng kung ano ano dun. May mga prizes kaming nakuha, magaling si Joshua sa mga ganung bagay. Pangperya tong taong to eh, haha. Nilibot namin ang buong enchanted kingdom, kapag napapagod, uupo muna saglit, magpipicture pagkatapos ay magagagala at magsasakay na ulit sa mga rides. Madaming kulitan at asaran ang nangyari nung araw na yun, masaya ako at masaya din naman siya. Ito ang isa sa mga pinakamasayang araw ng buhay ko, ang makasama ang taong mahal ko kahit wala akong inaasahang kapalit mula sa kanya.

Bumili din kami ng tig-isang cotton candy! Parang mga bata talaga kami. Walang ibang ginawa kundi ang magkulitan at mag-asaran. Wala kaming pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nang madilim na sinimulan na namin pilahan ang mga water rides, para kahit mabasa kami, okay lang, pauwi na din naman. Pagkatapos namin magrides, nasakto may event ata, may mga nagparade, ang gaganda nila, para talagang magic. Andami naming nadala pauwi, mga stuff toys at mga souvenirs.
Pagdating namin sa kotse, nagkatanungan kung san ang sunod na lakad, pareho kami ng naisip, kinabukasan pupunta kami sa EK BIKI Waterworld, mag-aasal bata na naman kami. At yun na nga ang nangyari, maghapon ulit kami dun, nagswimming, nagkulitan, nagbasaan at kung ano ano pa. Madami din kaming nakalarong mga bata. Minsan naiisip ko, magkakaanak kaya ako ng ganitong kadami? Haha, sino naman ang tatay? Nako, ba naman ang mga napag iiisip ko. Pangalawang araw na namin ni Joshua na magkasama na walang inatupag kundi ang magkulitan at bumalik sa pagkabata.

Nang pauwi na kami may naiwan si Joshua sa loob ng locker kaya binalikan niya ito, pinaghintay nalang niya ako sa exit para hindi na daw ako mapagod sa paglalakad lakad. Kamalas malasan nga naman, may nakatulak pa sa akin.

"Aray! Ano ba? You're so careless!" mataray na sabi ko sa nakatulak sa akin.

"I'm sorry naman. Di ko sinasadya, ung kaibigan ko kasi eh." sabi nung nakabangga sa akin.

"Well then both of you are careless!" pagtataray ko pa din sa kanya. Nagulat ako ng nakita ko sa likod nang nakatulak sa akin si Joshua.

"Hon, anong problema?" tanong niya sa akin.

"Ito kasi......." mabilis kong sagot sa kanya pero natigilan ako.. Ano daw? Anong sabi ni Joshua? Hon? Nabingi ba ako sa pagkakabagsak ko? O ano? Malamang nabingi lang ako.

"Ano Hon?" muling tanong niya. Aba! Hon nga ang sabi niya, mapag-uusapan yan mamaya ang importante e ung nakatulak sa akin.

"Ah yan kasi, napakacareless! Nakaasar! Napabagsak tuloy ako." pagsusumbong ko sa kanya.

"Pre, sa susunod mag-iingat ka a. She is so precious para lang mabagsak." sabi niya sa nakabangga sa akin. Nagsorry naman siya at umalis na.

"Napakahot headed mo." sabi sa akin ni Joshua sabay akbay.

"Eh nasaktan ako e!" reklamo ko sa kanya.

"Yaan mo na, tara na Hon! Pahinga na tayo." pagyaya niya sa akin, at talagang Hon pa a.

"Hon? Hon ka dyan, eh kung hinaHON-PAS kita dyan, a?" natatawang sabi ko sa kanya.

"Sige gawin mo yan, haHON-likan naman kita." pambawi niya sa akin. Tanga ba to? Pabor ata sa akin yun. Haha.

"HON-la wag nalang. Baka magkakompitensya." sabi ko sa kanya.

"HON-o?" nagtatakang pabirong sabi niya.

"HON-yaan mo na, LG ka e! Haha.." sabi ko sa kanya at pumasok na kami sa kotse, nagdrive papunta sa makakainan at matutulugan.



Pareho kaming pagod kaya nakatulog kaagad kami, syempre kahit sa iisang kwarto lang kami natutulog palaging 2 beds ang kinukuha namin. Alam naman naming walang mangyayari, pero just in case, baka kung anong isipin ng ibang tao. Kinabukasan nauna akong nagising sa kanya kaya naghanda kaagad ako, pagkatapos ko gumamit ng CR, saktong gising naman ni Joshua.

"Good Morning, sleeping beauty!" malokong bati ko sa kanya

"Sleeping beauty ka dyan." sabi niya at dumeretso sa banyo. Naligo at nagbihis. Pagkatapos ay nagyaya na. Malling ang trip niya. At dahil malakas ang sapak niya, sa Mall Of Asia pa nagyaya. Nagbreakfast muna kami, pagkatapos ay nag-ice skating. Masaya, nakakatawa, andaming bagsak namin pareho. Marunong kaming magroller blades pero iba pa din kapag sa yelo. Nagshopping ng konti at nagtingin tingin ng damit para sa susuotin namin sa event bukas. Terno kami ng binili damit, syempre ako daw ang date niya, wala naman akong ibang choice, siya lang din naman ang makakadate ko. Matapos kaming mamili at kumain, nagdecide kaming manuod ng isang movie, AMNESIA GIRL ang napili namin. Tawa kami ng tawa sa mga pick up lines na nakikinig namin. Kami ang pinakamalakas tumawa, medyo naiyak naman ako sa drama part, at ang malokong Joshua, nag-inarte na kinocomfort niya ako. Pagkatapos namin manuod ng sine, napagpasyahan namin na umuwi na, para makapagpahinga para sa pupuntahan naming event.

Hinatid ko muna si Joshua bago ako umuwi, syempre ako ang may kotse, kaya siya muna ang mauunang umuwi. Nang nasa tapat na kami ng bahay nila Joshua..

"Ja, thanks for being here for me." seryosong sabi niya sa akin.

"Ja? Kelan pa? Shortcute kana din a." sabi ko sa kanya.

"Seryoso. Madaming salamat talaga, lalo na dun sa mga advice mo." pagpapatuloy niya.

"Josh, advice lang yun, ikaw pa rin ang makakapagsabi kung gagawin mo yun at kung sa tingin mo yun ang dapat mong gawin." sabi ko sa kanya.

"Okay, maraming salamat talaga." sabi niya sabay yakap sa akin. "No problem, anytime!" sabi ko sa kanya.

"Kaya love kita eh.." sabay kiss sa cheeks ko, medyo natulala naman ako. "Sige Ja, sunduin kita bukas sa inyo." sabi niya sabay baba sa kotse, napatango nalang ako. Lalaking yun, wag ganyan Josh, wag ganyan.


"JANINE! BESTFRIEND LANG KAYO!" sabi ko sa sarili ko..





Chapter 22: CC's Moments






Narrator

Habang nag-eenjoy ang magbestfriend na si Janine at Joshua, nagbonding naman ang magkasintahang si Cyrus at Chloe.






Chloe


*Beep! Beep!*

"Kuloy, mukang andiyan na si Cyrus." sabi sa akin ng Tita ako. At si Cyrus nga iyon. Nakangiti akong nagpaalam sa aking tita at lumabas na. Nakangiti akong pinagbuksan ni Cyrus ng pinto mula sa loob.

"Good Morning Chlobi!" bati nito sa akin, sumakay ako sa kanyang kotse at isinara ang pinto.

"Morning Saibi!" pagbati ko sa kanya, pagkatapos ay kiniss niya ako sa pisngi. Iba ang aura niya ngayon, mukang relax na siya at masaya. Ganun din naman ako, masaya ako na bati na kami at sana hindi na talaga maulit ang nangyari, dahil pareho kaming masasaktan.

Nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa studies namin habang nasa loob ng kotse papunta sa university. Pagkapark niya, nagkaron pa kami ng time na makapag-usap dahil napaaga ang dating namin, wala kasing traffic.

"Nga pala Saibi, nawawala ang cellphone ko, kaya hindi mo na muna ako makocontact." sabi ko sa kanya. Iniisip ko pa din kung san ko naiwala yung cellphone, siguro sa sinehan.

"Ah, ganun ba?" medyo alangan niyang tanong. "Wag kang mag-alala, mahahanap naman kita kahit san kah magpunta e." malambing na sabi niya sa akin, napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Oh pano? Punta na muna ako sa clase ko ah." pamamaalam ko sa kanya.

"Sige, mag-ingat ka." sabi naman niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Isang ngiti na naman ang aking naibigay sa kanya. Pagkatapos ay pumunta na nga ako sa aking klase.




Cyrus


"Nga pala Saibi, nawawala ang cellphone ko, kaya hindi mo na muna ako makocontact."

"Ah, ganun ba?" ang nasabi ko ng marinig ko ang mga sinabi niya, buti nalang hindi niya tinanong kung nakita ko. "Wag kang mag-alala, mahahanap naman kita kahit san kah magpunta e." malambing na sabi ko sa kanya. Wala akong balak na ibalik sa kanya ang cellphone niya.

Nagpaalam na sa akin si Chloe para pumunta sa kanyang klase, hinalikan ko siya sa noo at tanging ngiti lang ang kanyang ibinigay sa akin. Parang nagbabago na si Chloe. O ako lang to? Siguro pagod lang siya sa mga nangyari sa amin lately, pero babalik din naman sa dati, I'm sure!

Nang makaalis na si Chloe, pumunta na din ako sa klase ko, papasok na sana ako sa classroom ng may tumawag sa akin.

"Papa Saaaiiiiiiii.." sigaw sa akin ng malanding kabatchmate namin nila Chloe nung high school.

"Ano meron?" tanong ko sa kanya.

"Para sayo itetch!" sabi niya sa akin sabay abot ng isang sobre namay nakasulat na..
Mr. Cyrus Bernal & Ms. Chloe Yu

"Ano naman to?" tanong ko sa kanya.

"Malamang sobreeeee, da ba?" pagtataray ng malanding bakla na yun sa akin sabay alis. Binuksan ko ang sobreng ibinigay niya, invitation pala, para sa isang event in 3 days. Pupunta kami ni Chloe. Ay teka, siguradong andun din ang dalawang yun, wag nalang. Di nalang kami pupunta. Siguro isang invitation lang ang para sa aming dalawa ni Chloe, hindi ko nalang babanggitin ang tungkol dito. Ipapasyal ko nalang siya. Magdedate nalang kaming dalawa. Pagkalagay ko ng invitation sa bag ay pumasok na ako sa aking klase.




Narrator


"Cyruuuuuuuuuuuus!" pasigaw na tawag ni Chloe.

"Chlobi, bakit ka sumisigaw? Excited ka ata.." sabi ni Cyrus.

"Oo, Sai! Excited ako.." hingal na hingal na sabi ni Chloe.

"Okay relax.. Tell me about it!" sabi ni Cyrus habang inaalalayan niya si Chloe.

"Kasi si Tryone.. I mean, Tyraaa.. binigyan ako ng invitation." sabi ni Chloe. Natahimik naman si Cyrus, akala niya kasi hindi na bibigyan ni Tyrang bakla si Chloe ng invitation. "Hindi ka ba niya binigyan?"

"Ako? Anong invitation? Wala.." sagot ni Cyrus sa kanya.

"Ah ganun ba? Siguro isang invitation lang ang para sa ating dalawa, at sa akin niya naibigay, baka hindi ka niya nakita kanina. Punta tayo ah." sabi ni Chloe. Hindi kaagad nakaimik si Cyrus.

"Punta tayo ah.." sabi ulit ni Chloe. "Gusto ko talagang pumunta, bili tayo ng susuotin mamaya sa mall! Okay?" pagpapatuloy ni Chloe.

"Pero.." sabi ni Cyrus.

"Sige, may last class pa ako, see you in 1 hour, tas punta tayo mall.." nakangiting sabi ni Chloe.

Naasar naman si Cyrus dahil ayaw niya nga sanang pumunta sa event na yun. Pero no choice siya, dahil bumabawi pa din siya kay Chloe, at dahil gustong gusto ni Chloe na pumunta dun, pagbibigyan nalang din niya.

Sa natitirang 3 araw ng summer class nila Cyrus at Chloe, palaging hatid sundo ni Cyrus si Chloe. Okay lang naman kay Chloe kasi ang dahilan niya ay para makapagbonding pa sila ng matagal. Kapag nagkakasabay naman sila ng break, sabay din silang nagmemeryenda. After ng mga klase nila, nagmamalling sila, minsan sa Trinoma, SM, Robinsons o Rockwell. Picture taking ang trip ng dalawa. Sa labas na din sila nagdidinner.

Minsan pa ay kumain sila sa isang restaurant, maayos naman ang pagkain nila hanggang sa dumating na ang dessert, walang humpay sa kulitan. Ice cream ang inorder ni Cyrus at cake naman ang kay Chloe. Nagkulitan sila hanggang sa nagpahiran na ng ice cream at icing ng cake. Hindi pa nakuntento at naglaro pa sila ng water balloons sa bakuran nila Cyrus. Kahit basang basa na silang dalawa hindi pa din sila tumigil sa paglalaro hanggang sa sumali na ang younger brother ni Cyrus na si Cyril. Tumigil lang sila sa paglalaro at pagkukulitan nung basang basa na si Cyril. At dahil walang bagong damit si Chloe, damit ni Cyrus ang suot niya.

"Uhhhhmmmm.. Amoy na amoy Saaiiiiii.." sabi ni Chloe habang inaamoy amoy ang damit ni Cyrus.

"Hindi ko pa yan nalalabhan.." malokong sabi ni Cyrus.

"Weh? Nalabhan na kaya, amoy perfume mo na nga e!" nakadilang sabi naman ni Chloe.

Nung gabing yun dun nah nagdinner si Chloe kasama ang pamilya ni Cyrus. Medyo dry ang father ni Cyrus sa Chloe, hindi naman dahil sa hindi siya gusto nito para sa kanyang anak pero may pagkasuplado ito pagdating sa girlfriend ng anak niya.




Last night bago ang event, sa Trinoma, sa may mga bench, umupo sila at nag-usap.

"Sai.." sabi ni Chloe.

"Uhmm?" ungot ni Cyrus.

"Namimiss ko ung dati natin." pagpapatuloy ni Chloe.

"Ako din e, tanda mo pa ba ung first day natin sa university?" tanong ni Cyrus sa kanya.

"Alin dun? Yung napagkamalan nating Librarian ung principal? O yung napagkamalan mong principal ung isang estudyante?" natatawang tanong ni Chloe kay Cyrus.

"Ahaha, at talagang ipinaalala mo pa yan ha! Hindi yun, ang naaalala ko eh yung mga binili mong snacks sa canteen tapos dinala mo sa library, napagalitan ka ng librarian kasi ang ingay mong magbukas ng mga chips! Ahaha.." bawi naman ni Cyrus sa kanya.

"Ah, talagang hanggang ngayon pinagtatawanan mo pa din yan ah.." sabi naman ni Chloe at lumapit pa siya lalo kay Cyrus para pingutin ang tenga niya.

"Aray! Araaaaay.." reklamo ni Cyrus. Maya maya ay kiniliti na ni Cyrus si Chloe.

"Halaaaa Saiii, wag! Ahahaha, mapapagod ako kaagad nito." natatawang sabi ni Chloe.

Pero hindi tinigilan ni Cyrus si Chloe, kiniliti pa din niya ng kiniliti si Chloe hanggang sa tumakbo ito. Naghabulan sila sa may parang garden dun, paikot ikot sila, nang bigla nalang napahinto si Chloe at napaupo sa sahig, kinakapos siya ng hininga..

"Chloeeeee, what happened? Asthma na naman ba?" natatarantang tanong ni Cyrus sa kanya. Pero hindi umiimik si Chloe, tahimik lang siya, pinipilit na huminga..

"Asan ang bag mo? Teka lang, kukunin ko sa bench.." litong litong sabi niya kay Chloe, nang patayo na siya para kunin ang bag, kinapitan siya ni Chloe na naging dahilan ng pag-upo niya..

"Saiii.. pagod na pagod na ako.." matamlay na sabi ni Chloe. Gulong gulo naman si Cyrus.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Ha? Teka ung gamot mo.." sabi ni Cyrus, nang tatayo na sana siya, pinigilan na naman siya ni Chloe.

"Dito ka lang sa tabi ko.. wag mo kong iwan.." pagpapatuloy ni Chloe, hindi na nakapagsalita si Cyrus. Mahigpit ang pagkakakapit ni Chloe sa kanya na kinakapos pa din sa paghinga. Pinagtitingin na sila ng mga tao dun.

"Yakapin mo ko Sai.." mahinang sabi ni Chloe. Niyakap naman ni Cyrus si Chloe, akmang bubuhatin na sana ni Cyrus si Chloe papunta sa bench ng bigla itong nagsalita..

"Sai.. I really had fun these past few days.. And.. Salamat sa lahat ng oras na nakasama kita.." sabi ni Chloe.

"Chloooo-"

"Shhh.." pagputol nito kay Cyrus. "Salamat sa pagmamahal sa akin, mahal din kita Cyrus, And I'm really really sorry.." seryosong sabi ni Chloe, napapaluha na si Cyrus.

"Saibi, wag kang iiyak.." nangangapos hininga niyang sabi kay Cyrus. Umangat siya ng konti at bahagyang inilapit ang muka niya sa muka ni Cyrus.

"Kanina ko pang gustong gawin to.." pagpapatuloy niya. Hinaplos ni Chloe ang pisngi ni Cyrus at bahagyang ngumiti.. "Mahal kita!" sabi niya pagkatapos ay hinalikan niya si Cyrus sa lips.

Nagkatitigan silang dalawa, matapos ang ilang segundo, napangiti na ng todo si Chloe at pinisil pisil niya ang ilong at pisngi ni Cyrus. "Joke lang mahal kong Saibiiiiii.." natatawang sabi ni Chloe sabay takbo dun sa may bench.

Natawa naman ang mga taong nasa paligid nilang dalawa, ang iba naman ay naasar dahil akala nila tunay ng nagpapaalam si Chloe. Maya maya ay sumunod na si Cyrus sa bench.

"Ang sama mo, akala ko totoo.." mahinang sabi ni Cyrus kay Chloe. Pahikbi hikbi pa siya.

"Ikaw naman Sai, naalala ko lang yung strategy na ginamit mo sa akin dati." sabi ni Chloe habang nakangiti kay Cyrus.

"Strategy?" nagtatakang tanong ni Cyrus at napatingin na din siya kay Chloe.

"Oo! Nung humingi ka ng second chance sa akin nung high school palang tayo." sagot ni Chloe habang natatawa.

"Aaaaah, yun pala. Gumaganti ka pala, ganon?" mapilyong tanong ni Cyrus na aakma ng mangingiliti muli.

"Oo! Pahimatay himatay effect ka pa.. Ahaha.." pang-aasar ni Chloe habang tumatayo. Natatawa naman si Cyrus.

"Hopeless ka na nun eh. Ahaha.. Tapos mahuhulog ka din pala sa paeffect ko.." patuloy na pang-aasar niya kay Cyrus. Tumayo naman si Cyrus at kiniliti na naman si Chloe. Nang makatakas si Chloe sa mga kiliti ni Cyrus, tumakbo ulit siya. Hind naman pinabayaan ni Cyrus na makalayo si Chloe, binilisan niya ang takbo niya at kinapitan si Chloe, maya maya ay niyakap na niya ito. Nagkatitigan silang dalawa at parehong napatingin sa langit, walang mga ulap, puro bituin lang ang nakikita nila.

"Ang ganda no?" sabi ni Chloe habang nakatingin pa din sa mga bituin.

"Ang ganda mo talaga.." sabi naman ni Cyrus habang nakatitig ito sa kanya. Napangiti naman si Chloe at muling ibinaling ang tingin kay Cyrus. Ilang segundo na naman silang nagkatitigan.

"Matutunaw na ko in any minute.." nakangiting sabi ni Chloe.

"Bago pa mangyari yun....." sabi ni Cyrus at bigla niyang hinalikan si Chloe sa lips.
"I Love You, Chloe Yu!" sabi ni Cyrus habang nakalapat ang mga labi nila sa isa't isa.

Bahagya namang lumayo si Chloe, "L-love you too.." pagkasabi niya ay binigyan niya ng smack si Cyrus. Matapos ay nakangiting bumalik ang dalawa sa bench.

"Tara na. Magsstart na ang movie." pagyaya ni Chloe.

"Sige, pipila pa tayo para sa popcorn mo e." nakangiting pagsang-ayon ni Chloe, magkaholding hands ang dalawa habang naglalakad.

Nasa loob na sila ng sinehan.. natatawa at kinikilig si Chloe sa mga punch lines na sinasabi ni John Lloyd at Toni habang si Cyrus naman ay pangiti ngiti lang. Nang drama part na, naiiyak iyak naman si Chloe..

"Chloe, light drama lang naman yan, wag kang umiyak!" pagsaway ni Cyrus kay Chloe.

"Sana, ako nalang siya, amne-amnesiahan.." mahinang sabi ni Chloe.

"Ano?" tanong ni Cyrus. "Ah wala, sorry ah. Napapaiyak ako." sabi ni Chloe pagkatapos at huminga ng malalim at nanuod nang muli.

Nang matapos ang pinanuod nilang pelikula, hinatid na ni Cyrus si Chloe. Sa tapat ng bahay nila Chloe.

"Sai, thanks ah! Happy ako na nakasama kita, namiss ko yung ganito, ung bonding natin.." pagpapasalamat ni Chloe kay Cyrus.

"Thank you din, masaya din ako at mas namiss ko ang ganito. Masyado tayong nabusy sa studies natin at sa ibang bagay kaya hindi na tayo halos nakakalabas.. Pero atleast, we're okay now.." nakangiting sabi ni Cyrus.

"Bukas, don't be late ah!" nakangusong sabi ni Chloe.

"San? Gimik tayo?" tanong ni Cyrus. Hinampas naman ni Chloe ng bag si Cyrus sa balikat.

"Dun sa event! Sunduin mo ko a, kapag wala ka dito bukas ng 5pm sharp, magkocommute ako.." sabi ni Chloe kay Cyrus.

"Okay sige! Pasensya na, nakalimutan ko.." pagpapalusot ni Cyrus, kasi ayaw naman talaga niyang pumunta. Pagkatapos ng sinabi niya ay nagpaalam na din siya at umuwi na.






Cyrus
"Akala ko nakalimutan na niya!" panghihinayang na sabi ko habang nagpapaandar ng kotse.



Chloe
"Parang andaming mali.." nagtatakang sabi ko sa sarili ko habang papasok ng bahay.










Pupunta sina Chloe at Cyrus sa sinasabing event.

May pupuntahang event din sina Janine at Joshua.

Parehong event kaya yun?
Magkikita kaya sila?

Ano kayang mangyayari?
Magkakaron kaya ng problema?
O maiiraos ng maayos at masaya ang nasabing event?

Reply #17
02-05-11 03:06 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Chapter 23: Before The Event





Joshua


Okay na ba to? Kanina pa akong nasa harap ng salamin na to, pero parang kulang. Ano pa ba? Okay na naman tong suot ko. Gwapong gwapo na, nakakahiya sa date ko kung hindi. Ang ganda ganda ni Janine eh. Ay teka, alam ko na ang kulang, perfume! Matapos kong maglagay ng perfume ay inayos ayos ko na naman ang hair ko. Maya maya nagbukas ang pinto ng kwarto ko..

"Mama, ikaw pala." sabi ko sa nagbukas ng pinto.

"Oh anak, excited ba? Kanina ka pa ata diyan sa salamin." sabi sa akin ni Mama.

"Opo Ma, ayaw kong mapahiya ako sa date ko." sagot ko sa kanya habang nakatingin pa din sa salamin.

"Si Janine ang kadate mo anak, bakit ka nagkakaganyan?" nagtatakang tanong sa akin ni Mama.

"Syempre Mama, kahit bestfriend ko ang kadate ko, iba na siya ngayon, magandang maganda na siya at ayaw ko siyang mapahiya ng dahil sa akin." sagot ko kay Mama. Peor bakit nga ba ganito ako? Parang OA naman, pero hindi ko alam, basta dapat mas gwapo pa ako sa gwapong gwapo si Joshua Garcia. Haha, ako din pala yun.

"Lika nga anak.." sabi sa akin ni Mama at humarap ako sa kanya. "Gwapo na, anak!" nakangiting sabi niya sa akin. "Isang smile nga diyan.." hiling ni Mama, kaya ngumiti naman ako. "Ayan, palagi ka dapat nakasmile, yang killer smile na yan ba ang magpapahiya kay Janine?" pambobolang tanong sa akin ni Mama, napailing nalang ako sa kanya. "Anak, tingnan mo nga ako ng kunwari ako si Janine." utos niya sa akin.

"Maaaaa!?" medyo napasigaw kong angal sa kanya. Anong pumapasok sa utak ni Mama.

"Sige na, testing lang!" pagpilit niya sa akin. Inuuto na ata ako ni Mama, pero sinakyan ko nalang ang trip niya, baka masabihan pa ako na basag trip. Habang nakangiti ako unti unti kong inimagine na si Mama ay si Janine, medyo lumabo ng konti ang tingin ko at nang luminaw na ito si Janine na ang aking nasa paningin. Ang ganda niya, ang sarap titigan, hindi ganun kakapal ang make up niya, tama lang sa magandang muka niya, hindi ako magsasawang tingnan siya.

"Kung ganyan mo titingnan si Janine, malamang hindi na kayo makakarating sa event dahil matutunaw na siya." ang mga narinig ko habang nakatingin ako kay Janine na unti unting nagiging si Mama, naku! Nadala ata ako sa pag-iimagine ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Mama.

"Anak, okay lang yan. Huwag kang mag- alala, kasi hindi mo maiipahiya si Janine." sabi sa akin ni Mama pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Nacarried away ata ako sa pag-iimagine. Tumingin ulit ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo, hanggang sa makita ko sa salamin ang isang frame na nakasabit sa dingding.

"Kailangan mo ng bumaba diyan." sabi ko sa frame. Parang tanga lang kinakausap ang frame, kinuha ko na ang frame at inilagay sa isang paper bag. Tumingin ako sa relo at lumabas na sa kwarto. Nasa sala sina Mama at Papa, nagpaalam ako sa kanila at lumabas na ng bahay, susunduin ko na si Janine.





Narrator

"Pa, si Joshua mukang inlove!" sabi ng nanay ni Joshua sa asawa nito.

"Matagal na yang inlove dun sa mga pictures sa kisame niya di ba?" tanong naman ng tatay niya sa nanay niya habang nanunuod ng TV.

"Ibig kong sabihin, kay Janine na. Hindi na kay Chloe." pagpapaliwanag ng Mama ni Joshua.

"Ah! Gusto ko si Janine, mabait na bata.. Hindi ko kilala ang Chloe na yun.." sabi naman ng Papa ni Joshua na busy sa panunuod.




Janine

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko sabay tingin sa relo. Okay, pagdating ni Joshua, I'll be ready. Parang ninenerbyos ako. First time kong makakadate si Joshua, yung official. Tumayo ako sa upuan at humarap sa salamin na kita ang buong katawan ko. Tiningnan ko ng mabuti ang aking sarili sa lahat ng anggulo, umikot ikot pa ako. Ayaw kong mapahiya kay Joshua, hindi isang tulad ko ang magpapahiya sa isang Joshua Garcia. Inilapit ko ang muka ko sa salamin at sinipat sipat bawat anggulo ng aking muka, tiningnan ko kung ayos na ba ang make up ko. Okay na naman, buti nakapagworkshop ako sa New Zealand nang tungkol sa pagmemake up. Maya maya'y tumunog ang cellphone ko, si Mommy calling..

"Hello Mom! What's up?" pangangamusta ko kay Mommy na nag out of town.

"I'm okay, where are you?" tanong ng nasa kabilang linya.

"I'm home, but remember I'm texted you that I'm invited in an event?" pagpapaalala ko sa kanya.

"Yes dear, that's why I'm arriving in 5 minutes, I wanna see my princess before going to that event." malambing na sabi sa akin ni Mommy.

"Mommy naman, ang sweet talaga.." medyo nahihiyang sabi ko sa kanya. At naputol na ang linya.

Si Mommy talaga kapag may event hindi pumapalya na tingnan muna kung anong itsura ko bago ako papuntahin. Gustong gusto niya na nagtransform na ako bilang Janine talaga, yung babaeng babae. Kaya lahat ng luho sa pagdadamit ay ibinibigay niya sa akin, minsan nakakahiya na nga. Gaya ng sabi ni Mommy dumating na nga siya after 5 minutes. Pinaikot ikot niya ako at pinababa pa ng hagdan, nireview ang tamang paglakad ng isang babae. Si Mommy talaga as if naman na makakalimutan ko pa ang mga yun.

"You look perfect my dear princess.." pangbobola sa akin ni Mommy.

"Ma, of course, you'll say that.. I'm your only daughter di ba?" pambabasag ko naman sa pangbobola niya.

"Hay naku! That's true anak, I'm not a liar.." depensa naman niya na nagtaas pa ng kilay niya.

"Okay okay, naniniwala na po, I'm the prettiest princess!" pagpapacute kong sabi kay mommy habang nakangiti.

"That's the spirit! Keep that head high, anak!" sabi niya. Naku naman si Mommy, nakakatuwa talaga, siya ang number one fan ko, next si Daddy! Maya maya pa tumunog ang doorbell.

*dingdong* *dingdong*

"I think it's your prince!" pangtitease sa akin ni Mommy.

"Mom, he is just my date, though I really want him to be MY PRINCE!" kinikilig na sabi ko sa kanya.

"Well, it's not impossible.." nakangiting sabi sa akin ni mommy habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Oh no, Mom, I know that look.." mabilis kong sabi kay mommy nang nakita ko ang kanyang mga tingin.

"I'm just kidding." sabi sa akin ni mommy habang natatawang papasok sa kanyang kwarto.



"Excuse me Janine, andito na po si Sir Joshua.." sabi ni ate Becky.

"Sir ka diyan, sabi ko sayo Joshua nalang.." sabi naman ni Joshua kay ate Becky na nagbablush, may crush ata ito kay Joshua. Pagkasbai ni Joshua ay umalis na si ate Becky.



"Ganyan talaga si ate Becky, masyadong magalang." pabungad ko kay Joshua. Napangiti nalang si Joshua. My gosh, ang gwapo gwapo ni pareng Joshua, lalong lumulutang ang kanyang kagwapuhan sa suot niya. Dagdag pa ang mga ngiting yan at ang mga titig, pwede na akong matunaw.

"Ja! Ready?" pambasag niya sa aking pagpapantasya.

"Urm, yeah!" nakangiti kong sagot sa kanya.

"Joshua.. How are you, hijo?" bati naman ni mommy kay Joshua pagkalabas niya sa kwarto. At nagbeso beso sila.

"Okay naman po." sagot naman niya. "Kayo po kamusta na?" pangangamusta ni pare kay mommy.

"I'm fine!" nakangiting sagot mommy. "Naku! You're really handsome, no wonder.." pangungulit ni mommy. Napapangiti naman si Joshua.

"Okay Mom, okay na! We're leaving na, baka kung ano pa masabi mo diyan." pagpigil ko sa kung ano mang balak na pangungulit ni Mommy.

"Okay lang, Ja!" kontra naman ni Joshua. "Baka matraffic tayo.." nakangiting parang ewan ang sabi ko kay Joshua.

"Haha, my princess, relax.." natatawang sabi sa akin ni mommy. "Here, bring this.. it fits your attire." sabi sa akin ni mommy sabay abot ng mini bag, na ang kasya lang ay cellphone at keys. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na kami. Nang nasa may kotse na kami..

"Joshuaaa!" sigaw ni mommy. "Take good care of my only princess, okay?" sabi niya. Gosh si mommy talaga oh, may pahabol pa.

"I will!" sagot naman ni Joshua at pumasok na kami sa kotse.

"I'm sorry ah, ang kulit ni mommy." paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Okay lang un, ano ka ba?" sabi naman ni Joshua at inistart na niya ang kotse.

Nag-usap kami ni pareng Joshua habang nasa loob ng kotse. Mabilis kaming nakarating sa location ng event dahil hindi naman traffic. Buti nalang at maaga kami ni Joshua pumunta, dahil kung hindi maiipit kami sa traffic at baka mahirapan pa kami sa parking.





Joshua


Pagdating ko dun si ate Becky ang nagbukas sa akin, ang kasama nila sa bahay.

"Hi ate Becky Babes.." pagbati ko sa kanya.

"Ikaw talaga sir Joshua!" namumulang sabi niya sa akin.

"Joshua nalang! Asan si Hon ko?" pagtatanong ko sa kanya.

"Hon? Si Ma'am Janine po ba? Nasa loob po, tara po.."

"Wag ka na mag po po diyan, tsaka wag mong sasabihin na tinaag ko siyang Hon ah, baka ibreak ako nun, ako lang ang nakakaalam na kami." natatawang sabi ko kay ate Becky.

"Ang kulit mo talaga Sir.." sabi naman sa akin ni ate Becky na natatawa na din habang papasok kami ng bahay.


"Excuse me Janine, andito na po si Sir Joshua.." sabi ni ate Becky.

"Sir ka diyan, sabi ko sayo Joshua nalang.." sabi ko kay ate Becky pagkatapos ay siya. Mukang namumula siya.


"Ganyan talaga si ate Becky, masyadong magalang." nakangiting sabi sa akin ni Janine. Ang ganda ganda niya, bagay na bagay sa kanya ang evening gown na binili namin, pati ang make up niya sakto lang, lalong naemphasize ang beauty niya. Para siyang isang prinsesa, nanatili akong nakangiti at nakatitig sa kanya hanggang sa medyo nangati ang mata ko, natuyo ata dahil sa pagtitig sa kanya.

"Ja! Ready?" ang nasabi ko ng ipinikit ko ang aking mata at muling inimulat.

"Urm, yeah!" nakangiti sagot niya sa akin.


Maya maya ay lumabas ang Mommy ni Janine, nagbeso beso kami, kamustahan at konting kulitan. Pagkatapos ay nagpaalam na kami. Nang malapit na kami sa kotse, sumigaw ang mommy niya..

"Joshuaaa!" sigaw nito. "Take good care of my only princess, okay?" sabi niya.

"I will!" nakangiting sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng kotse. Sino ba naman ang hindi mag-aalaga sa ganito kagandang prinsesa. Ang swerte ko at siya ang kadate ko.


Habang nasa loob ng kotse..

"Pare, pwedeng magtanong?" nag-aalangan tanong sa akin ni Janine.

"Kakatanong mo lang, pero pwede ka ulit magtanong ng isa pang beses. Pero isa nalang ah." pambabargas ko sa kanya.

"Ewan ko sayo!" nakausmid na sabi niya sa akin. "Anyways, gusto ko lang malaman kung anong laman ng paper bag na yan.." tanong sa akin ni Janine habang nakatingin sa paper bag.

"Ah, yung frame ng medyas ni Chloe.." sagot ko sa tanong niya. Natahimik lang siya, alam kong tatanungin niya kung bakit dala dala ko yun kaya inunahan ko na siya.. "Ibabalik ko na yan kay Chloe, tutal I'm moving on na, and I think 10% na lang ang kulang pwede ko nang masabi na.. MOVED ON na nga ako.

"Really? That fast?" gulat na gulat na reaksyon niya. Napatango nalang ako. "Well, goodluck!" bahagyang ngiting sabi niya sa akin.

Buti nalang at maaga kaming pumunta ni Janine, hindi kami naipit sa traffic, andami ng tao sa labas ng location ng event, mukang excited ang lahat. Mabilis kaming nakahanap ng parking kaya naman nakapunta kaagad kami sa entrance ng event.





Chloe


"How do I look, yaya Kurds?" tanong ko kay yaya Kurds habang dahang dahang umiikot.

"Yo lok, yo lok, maganda!" sabi naman niya sa akin. Napangiti naman ako. Talagang sinubukan pa niyang mag-english.

"Wala na bang kailangan idagdag? O ibawas?" panguso nguso kong sabi kay yaya Kurds habang nakaharap sa salamin.

"Nakalemotan mong magpabango.." sabi sa akin ni yaya Kurds. Oo nga noh, paano ko nakalimutan yun? Ano ba yan.. buti nalang andito si yaya Kurds. Wala kasi sila tito at tita, busy sa business, lumalago na kaya doble ang pagtatrabaho nila..

Matapos kong magpabango, kinuha ko ang pouch bag ko at nanalamin ulit. Pangiti ngiti ako mag-isa.

"Hoy! Kuloy, para kang sera deyan.." pagpuna sa akin ni yaya Kurds. Pero hindi ko siya pinansin, patuloy pa din ako sa aking ginagawa. Napatingin ako sa relo ko, padating na siguro si Cyrus.

"Ano ba eyang hawak hawak mo? Pinsel keys ba yan? Baket mo kaelangan ng pinsel keys?" mga tanong sa akin ni yaya Kurds, nakakatawa talaga to.

"Pouch bag ang tawag dito.." sabi ko sa kanya.

"Aaaaaah, anong laman neyan? Selpon lang ang kaysya deyan.." sabi niya sa akin. Speaking of cellphone, nawawala pa din, mukang hindi ko na makikita.

"Basta! Hay nako, yaya Kurds, dami mo naman tanong." sabi ko sa kanya pagkatapos ay umupo ako sa harap ng tocador nakaharap pa din sa salamin.

"Wag maenet ang olo, sabe nga ni soperman, chellax!" sabi niya sa akin. At talagang binanggit pa si Joshua. Makikita ko kaya siya mamaya? Malamang kasama niya si Janine, sana maging okay ang lahat.

"Ekokoha na mona keta ng maeenom.." pagpapatuloy niya.

"Wag na, matatanggal ang lipstick ko.." pagtanggi ko sa alok niya.

"May lepstek ka nga pala, seya labas na ko, magloloto pa ako.." pagpaalam niya sa akin.

"Salamat yaya Kurds!" pasweet kong sabi sa kanya.

"Walang anoman Kuloy.." sabi niya sabay labas ng kwarto ko.



Asan na kaya si Cyrus? Dapat andito na siya, baka maabutan kami ng traffic. Darating naman siguro siya, baka may kinailangan siyang gawin. Pumunta na ako sa sala pero wala pa din, inip na inip na ko, 1 hour late na siya. Nakakaasar. 15 minutes pa, kapag wala pa siya, pupunta ako mag-isa. Kaya lang, paano naman? Jeep, bus? Hindi pwede sa suot ko. Taxi? Naku, gagastos pa talaga ako dahil lang late si Cyrus. Pero kailangan kong totohanin ang sinabi ko sa kanya para malaman niyang seryoso ako sa mga sinasabi ko. Pinatawag ko ng taxi si yaya Kurds, kung marunong lang sana akong magdrive, kotse nila tita ang gagamitin ko. Ilang minuto lang ang nakalipas nang bumalik si yaya Kurds.

"Kuloy, kuloy, dalean mo, ang taxe tataas ang mitru.. beles!" natatarantang sabi niya sa akin.

"Okay yaya, madaming salamat!" pagpapasalamat ko sa kanya at lumabas na.

"Kuloy engat ka, ekamosta mo ako kay soperman ko." pahabol niya sa akin. Ano ba tong si yaya Kurdapya, superman nalang ng superman, at may ko pa, pag-aari niya? Kaloka a.

Binuksan ko ang pinto ng taxi, sumakay ako at noong isinasara ko ag pinto, merong pumigil sa akin sa pagsara.





Cyrus

Ito ang unang beses na gagawin ko ang bagay na ayaw ko naman talagang gawin. Gagawin ko ito para kay Chloe, para makabawi sa kanya. Pero ayaw ko talagang gawin to, pang-asar naman oh. Pagkatapos kong magbihis ay umalis ako kaagad ng bahay dala ang aking kotse, nagmamadali ako dahil late na ako nakapag-ayos, dahil hindi ako excited at uulitin ko ayaw ko naman talaga pumunta. Hindi ko namalayan na ganun na pala akong kalate dahil nalibang ako sa paglalaro ng xbox.

Nasa tapat na ako ng bahay nila Chloe, pero may pumipigil sa akin na bumaba at sunduin na siya. Naisip ko kapag nalate ako, hindi na talaga pupunta si Chloe, mag-iimbento nalang ako ng dahilan kung bakit hindi ako nakapunta, hindi naman siguro siya magdududa dahil hindi ko naman siya kinontra. Maghihintay nalang ako dito sa kotse, hindi naman magcocommute yun dahil hindi bagay ang outfit niya sa mga public transportation.

Mag-iisang oras na akong late sa usapan naming oras na dapat susunduin ko siya. Hindi pa din ako bumababa, andun lang ako sa loob ng kotse medyo malayo sa bahay nila Chloe para di niya makita na andun ako, pero tanaw na tanaw ko pa din kung may papasok o lalabas sa bahay nila. Ninety minutes na ang nakakalipas ng nakita kong lumabas si yaya Kurdapya. Saan kaya siya pupunta? Baka may pinapabili lang si Chloe. Di pa rin ako natitinag sa aking kinauupuan habang nakikinig sa akong iPod. Matapos ang ilang minuto nakita ko ang isang taxi tumigil sa may gate nila Chloe, bumaba si yaya Kurds at pumasok sa loob, hindi naalis ang taxi. Naku, mukang pinakuha ni Chloe si yaya Kurds ng taxi, nakita kong nalabas ng bahay si Chloe habang nagmamadali akong nagmamaneho palapit sa taxi, nakapasok na si Chloe ng taxi, isasara na sana niya ang pinto nang mapigilan ko ito.

"Anong ginagawa mo? Malelate na ako sa reunion." sabi niya sa akin.

"Sorry, I'm late, I had an emergency and natraffic pa ako." pagsisinungaling ko sa kanya. "Sa akin ka na sumabay.." sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siyang lumabas ng taxi. Humingi naman ako ng paumanhin sa taxi driver at binayaran ito.

Habang papunta na kami sa nasabing reunion, hindi umiimik si Chloe, tahimik lang siya, nakakabingi ang katahimikan naming dalawa, halatang nagtatampo siya.

"Chloe, I'm really sorry, may kinailangan lan talaga akong ayusin." paghingi ko ng tawad sa kanya.

"Pwede mo naman akong tawagan di ba? Para sabihan na malelate ka.." sabi ni Chloe habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Di ba nawala ang cellphone mo?" sabi ko sa kanya.

"I know, may landline naman kami!" sabi niya sa akin. Oo nga naman, paano na ba to?

"Nakaalis na ako ng bahay nung tumawag sila Mommy at Daddy, pinasundo sa akin si Cyril sa birthday party ng classmate niya at pinahatid sa work place ni Mommy, ndi ko makita kung nasaan ang cellphone mo kaya hindi ako nakatawag. Sorry na!" pagpapalusot ko sa kanya. Hindi pa dinsiya nagsasalita, sana naman makalusot ako.

"Chlobi, hindi bagay ang ganyang expression sa suot mo, pero you look pretty pa din.." nakangiting sabi ko sa kanya. "I am really sorry, sayang ang pagpunta natin dun kung hindi tayo magkabati.." pagpapatuloy ko.

"Sa susunod, aabisuhan mo ako, may mga pay phones naman kung san san eh." sabi niya sa akin. Yes finally, nagsalita na din siya. Magiging okay na kami.

"Sorry na Chlobi, I love you!" paglalambing ko sa kanya sabay kiss.

"Saibi! Baka maaksidente tayo.." pagsaway naman niya sa akin.


Nang dumating kami sa location ng event, madami ng mga kotseng nakapark. Nagpapasukan na ang mga batchmates namin. Ilang beses na kaming umikot ikot sa parking lot pero wala pa din kaming nakitang slot. Nakailang bugtong hininga si Chloe, hanggang sinabi ko na sa kanyang mauna nalang siya at susunod nalang ako. Pero ayaw ni Chloe, ilang ikot pa ang aming kinailangang gawin para lang makakita ng slot, sa wakas nakakita din kami.

Habang naglalakad na kami papunta sa entrance ng event..

"Chlobi, I'm sorry ah, nahilo ka ata sa kakaikot natin dito sa parking lot." paghingi ko ng tawad sa kanya.

"Okay na, punta nalanng tayo sa event." nakangiting sabi niya sa akin. Buti nalang hindi na siya galit, ginantihan ko din siya ng isang matamis na ngiti.

Sa may entrance, andun ang mga nakaassign para icheck ang mga dumarating. Nakangiti kaming pumunta dun sa table. Nakilala naman kaagad ako ng isa dun..

"Oh finally Mr. Bernal!" sabi niya sa akin. "Ilang minuto nalang at mag-uumpisa na ang event." nakangting sabi niya sa akin.

"I'm sorry we're late.." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Not really, just please sign the log book.. and she is.. Ms. Yu? Am I right?" sabi niya.

"Yes. I'm Chloe Yu, nice to see you again Jenny!" sabi naman ni Chloe, kilala pa pala niya si Jenny.

"Me too, just please sign the log book guys.." sabi niya sa amin. Habang nagsasign kami ni Chloe.. "You're on table 8.. kanina pa kayong hinahantay ng mga batchmates natin." pagtatapos niya.

Table 8? May table arrangements pala, sino kaya ang makakasama namin sa table? Huwag naman sana kaming malasin. Hinanap kaagad namin ni Chloe ang table 8, noong nakita na namin ang nasbaing table, pinuntahan kaagad namin, merong isang babae at lalaki ang nakaupo dun, mukang couple sila, sana hindi sila ang aking nasa isip. Nang malapit na kami sa table, napatigil ako, dahil nasigurado kong ang malas malas ko sa gabing ito.

"Cyrus? Let's sit down.." sabi ni Chloe, na naging dahilan ng paglingon ng dalawang nakaupo.

"This is unbelievable!" napalakas na sabi ko, napatingin naman sa akin si Chloe at napatayo ang couple na ayaw kong makasama ni makita.






Narrator


Napalingon si Janine at Joshua nang marinig nila ang boses ni Chloe at ang pangalan ni Cyrus.

"This is unbelievable!" sabi ni Joshua nang makita niya ang dalawa. Napatayo naman sila sa sinabi ni Cyrus. Tiningnan ni Chloe si Cyrus, napatingin na din siya sa dalaga, ang mga mata niya ay parang nagsasabi na wag gagawa ng kahit anong eskandalo si Cyrus.

"No offense guys, I mean, after all, kahit dito sa event, tayo tayo pa din ang magkakasama.." pagpapalusot ni Cyrus. Napangiti naman si Chloe. "Kamusta kayo?" plastik na tanong ni Cyrus sa dalawa.

"Okay naman kami Sai.." sagot ni Joshua, napangiti lang si Janine dahil hindi niya gusto ang tabas ng dila ni Cyrus. "Kayo kamusta? Buti andito na kayo, magstart na daw in a few minutes e." pagpapatuloy ni Joshua.

"We're fine!" malamig na sagot ni Cyrus. At nagtungo na sila sa kanilang seats. Nagkamustahan si Janine at si Chloe, maayos naman ang pakikitungo ni Janine kay Chloe dahil wala naman siyang problema sa kaibigan niya yon, kay Cyrus lang talaga. Paminsan minsan ay iniirapan ni Janine si Cyrus kapag nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Si Joshua naman ay tahimik lang, nakikinig sa pag-uusap ng dalawang dalaga at malimit naman ang tingin kay Cyrus. Hanggang dumating sa punto na natahimik silang apat dahil pinatay ang ibang ilaw sa paligid.





Cyrus:
Is this Janine? She looks so.. gorgeous! I mean, she's extremely beautiful. Bagay na bagay sa kanya ang purple night dress niya, hindi ganung kagarbo pero elegant, kitang kita ang kagandahan ng kanyang katawan, kumikinang kinang siya sa kanyang dress at make up. I can't believe that Janine is really.. aah.. whatever!

Joshua:
Wow! Ang ganda talaga ng baby princess ko, perfect ang color pink para sa kanya. Fit na fit sa kanya ang kanyang suot, maiksi lang, hindi kasing haba ng kay Janine, wala akong ibang masabi kundi ang ganda niya. Lalo na kapag ngumingiti siya, nangungusap ang kanyang mga mata. Hanggang tingin nalang ako, hanga, dahil alam kong ssi Cyrus ang mahal niya.

Janine:
My gosh! He's right, this is so unbelievable, ang plastik niya! Siguro kaya lang siya pumunta dito dahil gusto ni Chloe, dahil kitang kita ko sa mga face expressions niya na ayaw niya kung nasaan siya, na sana nasa ibang lugar nalang siya, txaka bad vibes ang dala niya. Plus, mukang hindi niya pinaghandaan 'to, oo, maganda ang suot niya, black suit, gray necktie, pero bakit gray? Sana tinerno niya sa suot ni Chloe. Ang hair niya, binasta lang ata. Naku, sayang ang kagwapuhan niya kung ganyan ang itsura ng muka niya, nakasimangot!

Chloe:
Daddy, I wish I'm still you're baby. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit nagkaganun si Cyrus, pero wala na akong magagawa, ayaw kong masira ang relationship namin, mahal ko si Cyrus. Pero hindi ko maiikaila na ang gwapo niya, lalo na ngayon, terno sila ni Janine, naka black suit din siya gaya ni Sai, pero purple ang necktie niya, parehong pareho ng kay Janine. Ang gwapo gwapo niya talaga, feeling ko masaya siya, blooming siya, inlove na inlove talaga siya sa girlfriend niyang si Janine. Minsan naiisip ako, sana ako nalang si Janine, ewan ko ba.




Narrator

"Ladies and gentlemen, please have a look at the monitor.. we prepared a short presentation, enjoy!" sabi ng Emcee ng event. At nagsimula ng magplay ang nasabing presentation.


Chapter 24: The Event








Narrator

"Ladies and gentlemen, please have a look at the monitor.. we prepared a short presentation, enjoy!" sabi ng Emcee ng event. At nagsimula ng magplay ang nasabing presentation.

Parang isang compilation ng mga pictures and videos ng lahat ng batch nila nung 4th year high school pa sila. Kahit hindi doon nakapagtapos ng high school si Janine, may mga kuha pa din siya dun. Una munang lumabas ang mga videos, merong mga nag-aaral sa library, mga nakapila at kumakain sa canteen, tumatambay sa ilalim ng puno, mga nagrerehearsal, mga contest sa loob at labas ng school, merong mga lalaking nag-iiwan ng notes sa mesa at sa locker ng mga babae, meron ding mga babaeng kinikilig habang nakakatanggap ng kung ano ano sa kanilang secret admirer, naglalaro sa gym at kung ano ano pa. Nakita sa mga videos na iyon sila Chloe, Cyrus, Joshua at Janine, pati na rin si Ericka na minsan ang nakasama ni Cyrus sa isang contest sa labas ng school. Habang pinapanuod nila yun ay nagtatawanan silang lahat, lahat ng mga batchmates nila nagtatawanan din, hindi nila akalain na may mga kuha pala silang videos na ganun. At ang kahuli hulihang part ng video ay mix ng dance contest na sinalihan nila Chloe at Joshua at ang graduation.

Ang second part ng presentation ay solo picture ng lahat ng mga estudyante ng batch na iyon. Habang pinapakita ang mga pictures ay merong ilaw na nagfofocus sa kasalukang itsura nila, kapag pinofocus na sila, tumatayo naman sila, merong mga kumakaway, meron namang mga shy type ang drama. Sa kanilang apat si Cyrus ang unang lumabas, nang tinapat sa kanya ang ilaw napangiti lang siya, may mga sumigaw nang makita siya, ayaw niyang tumayo pero sinenyasan siya ni Chloe na tumayo kaya napatayo nalang siya at umupo kaagad. Sumunod sa kanilang apat ay si Joshua, tumayo kaagad siya, ngumiti at kumaway, nagbow pa, pagkatapos ay umupo. As usual, madami pa din ang tumili sa kanya, pati si Janine ay napasigaw na din, si Chloe naman ay nakangiti lang abot tenga dahil andoon si Cyrus. Sumunod ay ang picture ni Janine, tomboy pa ang style ni Janine nung una, napatungo naman siya nung nakita ang kanyang picture at natawa sa sarili, nang mapatapat na sa kanya ang ilaw, tumayo siya, pagkatapos niya tumayo nag-iba ang picture na nasa monitor, napawow ang lahat, ang pangalawang picture na lumabas ay ung first time siyang nagsuot pambabae. Ang iba ang hindi makapaniwala sa transformation ni Janine. Panghuling lumabas ang picture ni Chloe, tumayo din siya pagkatapat sa kanya ang ilaw at ngumiti, pagkatapos at umupo na.

Pagkatapos ng nasabing short presentation, merong mga nagperform, may mga sumayaw at kumanta. May mga nagpipicturan at nagkukwentuhan, nang nag-announce na ang emcee na ready na ang mga pagkain nagbalikan na sila sa kanilang mga upuan. Buffet style kaya naman kanya kanyang kuha ang lahat. Sa table 8..

"Ja, gusto mo na kumain?" tanong ni Joshua kay Janine.

"Tara, I'm starving na.." sagot niya at tumayo sila. "Kukuha lang kami ng food, you guys should eat na din.." sabi ni Janine kay Cyrus at Chloe.

"Sige, sunod na kami.." sabi ni Chloe. "No worries, we can manage!" sabi ni Cyrus habang nakatingin sa kung saan.

Hindi umimik ulit si Janine dahil nabubwisit siya sa kasupladuhan ni Cyrus, baka kung ano pa ang masabi niya, tinitigan nalang niya ng mataray si Cyrus at pagkatapos ay nagtungon na para kumuha ng pagkain.

"That guy! Full off bad vibes, can we switch seats? Hingi tayo ng favor sa organizer.." sabi ni Janine kay Joshua.

"Ja, chill ka lang okay? Huwag mo nalang pansinin, papangit ka niyan!" sabi ni Joshua sa kanya sabay pisil sa pisngi at kumuha na ng plato.

"Joooosssssshhhhhh!!" angal naman ni Janine.





"Is there anything wrong, Sai?" tanong ni Chloe sa kanya.

"No, nothing Chlobi! Do you want some food or drinks?" pag-aalok ni Cyrus sa dalaga.

"Oo, gutom na din ako e, tara kain na tayo!" pagyaya ni Chloe. Kaya kumuha na din sila ng pagkain at maiinom. Pagbalik nila sa table 8, nadatnan nila sila Janine at Joshua na nagkukulitan habang kumakain, napangiti naman si Chloe at mukang nag-eenjoy sa nakikita niya. Masaya siya para kay Joshua at lalo na para kay Janine, dahil alam niyang matagal ng gusto si Janine kay Joshua. Si Cyrus naman ay kumakain lang dun at hindi umiimik.

"Chloe, after this event, where are you going?" nakangiting tanong ni Janine sa kanya.

"Urmmm.." paisip na sabi ni Chloe. "..going straight home!" supladong sagot ni Cyrus para kay Chloe na hindi na nakaimik. Napataas na naman ang kilay ni Janine dahil sa sagot ni Cyrus, kinapitan naman ni Joshua ang kamay ni Janine, para controlin ito. Napabugtong hiningan nalang si Janine at muling binaling ang tingin kay Chloe.

"You know what , Chloe. Josh and I are going out after this event. You should come!" nakangiting sabi ni Janine sa kanya at pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua habang pinapataas taas niya ang kanyang dalawang kilay, nakiride nalang si Joshua sa trip ni Janine.

"Uuwi na nga kami after this." sagot naman ni Cyrus.

"Excuse me ah, but, Am I talking to you?" pagtataray ni Janine sa kanya.

"Aaah, Sai, sama ka na din." sabat naman ni Joshua at muli nitong hinawakan ang kamay ni Janine at binulungan. "Ja, easy ka lang, okay? Baka magkawringkles!"

"Aaahh ganun!" sabi ni Janine pagkatapos bumulong ni Joshua at sinuntok niya ito sa braso.

"Aray naman, Hon!" angal ni Joshua, nagulat si Janine sa nasabi ni Joshua, dahil hindi niya ineexpect na sasabihin niya ang salitang "Hon" sa harap nila Cyrus at Chloe, napangiti naman si Chloe nung narinig ang tawag ni Joshua kay Janine, samantalang si Cyrus wala pa ding magandang expresyon sa muka.

"Sorry naman!" natatawang sabi ni Janine. "Ang sakit kaya!" nagtatampu tampuhang sabi ni Joshua.

"Ay kawawa naman, HON-sakit ba?" pang-aasar naman ni Janine kay Joshua na napangiti nalang.

"Ang cute naman ng tawagan nyo, Hon, tsaka ang kulit kulit niyo, ang sarap niyong panuorin." sabi ni Chloe sa kanila na sa mga oras na yun ay naiinggit sa dalawa, dahil gusto din niya sana sweet sila ni Cyrus. Pero wala sa mood si Cyrus.

Matapos kumain ni Joshua at Janine nagpaalam sila sa dalawa nilang kaibigan para makipagbond sa iba nilang batchmates, meron pa ring mga hindi makapaniwala sa bagong Janine ngayon.

"Ang swerte mo naman sa girlfriend mo Joshua, ang ganda ganda." sabi ng isa nilang batchmates. Akala din ng iba katulad ni Cyrus at Chloe ay magkasintahan sina Joshua at Janine, kaya sinakyan nalang ng dalawa ang paniniwala ng iba.

"Mas maswerte ako sa kanya.." sabi naman ni Janine sa mga kabatchmates nila. nagpicturan sila at nagkwentuhan. Halos lahat ng mga kabatchmates nila ay may dalang camera, kaya picture dito picture doon.





"Cyrus, are you alright? Do you want us to go home?" sabi ni Chloe sa kanyang boyfriend matapos nilang kumain.

"Don't mind me, just enjoy the night, okay? Alam kong gusto mong pumunta dito. Okay lang ako." sagot naman ni Cyrus sa kanya.

"Tara, papicture tayo. I want you to have fun, as well." pagyayaya ni Chloe kay Cyrus. Kaya tumayo sila at nagpapicture sa kanilang mga batchmates at former teachers. Sa mga oras na yun, nag-iba ang mood ni Cyrus, medyo nacheer up siya, nakausap niya ang mga dati niyang kaklase at kateam sa basketball, pinaalam din niya sa lahat na girlfriend pa din niya si Chloe, at proud na proud siya, ganun din naman si Chloe.

Matapos ang halos dalawang oras, sinabi ng emcee na bukas na ang cocktail bar at pwedeng umorder ang lahat ng kahit anong gusto nila, pero pinaalalahanan na dapat walang malalasing, na dapat sa tiyan ilalagay ang lahat ng maiinom at hindi sa ulo. Pagkatapos na tapos na magsalita ng emcee ay nag-umpisa nang tumugtog ang bandang inarkila ng event organizer. Ang lahat ay umorder ng kanya kanyang drinks, inom inom, picture picture, sayaw sayaw at paminsan minsan ay sumasabay sa pagkanta ng vocalist. Nang matapos na ang sunod sunod na performance ng banda, isang DJ naman ang nagpatutog.

Todo sayaw ang lahat, pati si Cyrus na pasayaw na din at syempre wala pa din tigil sa pagpipicture ang lahat. Lalo na si Chloe hanggang sa empty batt na ang cam niya.

"Aaargggh!" inis na inis na sabi ni Chloe. "Nakakaasar talaga!" dugtong pa niya ng makita niya na wala pala ang spare battery niya sa pouch bag niya.

"What happened Chlobi?" pasweet na tanong ni Cyrus sa kanya.

"Saibi, empty batt na, wala pa yung spare battery ko." nakangusong sagot ni Chloe.

"Ganun ba? Sa kotse meron akong spare, nasa may dashboard lang." sabi naman nni Cyrus.

"Okay, ako na ang kukuha.." sabi ni Chloe, nang paalis na sana si Chloe..

"Chloeee, ako na pala!" pag-alok ni Cyrus.

"No! Ako nalang, mabilis lang naman.." kontra naman ni Chloe.

"NOOO!" napalakas na sabi ni Cyrus. "Sorry, ako na kasi, madilim sa may parking lot dba? Just stay here and relax.." pagkasabi na pagkasabi ni Cyrus ay mabilis siyang nagtungo sa may parking lot.

Medyo nagtaka naman si Chloe sa reaksyon ni Cyrus, napasigaw pa sya ng dahil lang dun. Noong itatabi na ni Chloe ang camera niya sa pouch bag niya nakita niyang hindi pala nahingi ni Cyrus ang susi sa kanya.

"Hala! Paano magbubukas yun?" tanong niya sa sarli niya. Kaya nagpasiya siya na sundan si Cyrus.







Cyrus

Buti nalang napigilan ko si Chloe, kundi patay na. Doon ako sa right alleyway dumaan para lumabas papuntang parking lot. Nang nasa may kotse na ako, kukunin ko na sana ang susi ang aking bulsa pero wala ito dun.

"Damn! Ang laking tanga ko naman, geeeeez!" nasabi ko sa sarili ko.

Kaya bumalik ako sa party, doon pa din ako dumaan sa right side. Pagbalik ko sa iniwanan kong lugar kay Chloe, wala siya doon. Pumunta ako sa table 8, naisip ko baka napagod siya at dun niya ako hinihintay, pero wala siya dun. Tiningnan ko din siya sa cocktail bar pero di ko siya nakita dun. Sa may kalayuan, nakita ko si Janine, inilibot ko ang aking mga mata malapit kay Janine para makita kung andun ba si Joshua, pero wala siya doon. Bigla nalang pumasok sa isip ko na baka magkasama sila ni Chloe, kaya kaagad akong lumapit kay Janine, nang nakita niya akong papalapit humarap siya sa ibang direksyon, sa madaling salita, tinalikura niya ako.

"Hey!" sabi ko sa kanya. Pero hindi siya nagsasalita. "Janine.." pero hindi pa di niya ako pinapansin.
"Urm.. I'm sorry for being rude before.." paghingi ko ng tawag sa kanya para pansinin niya ako kailangan kong malaman kung nasaan si Chloe at Joshua. Unti-unti siyang humaharap sa akin, nang nakaharap na siya sa akin, nakita ko ang kagandahan niya, kahit mataray, nakataas ang isang kilay niya.

"Marunong ka pa palang magsorry!" pataray na sabi niya sa akin. Ganon na ba talaga ako karude para masabihan ng ganyan. "So what can I do for you?" pagtatanong niya sa akin.

"Have you seen Chloe?" tanong ko sa kanya.

"No!" mabilis na sagot niya sa akin. "Anything else?" tanong niya na may halong katarayan pa din.

"E si Joshua? Asan ang boyfriend mo?" tanong ko sa kanya, napangiti naman siya, nakakaloko ang mga ngiti niyang yun.

"He was there.." sabi niya habang tinuturo kung saan ko iniwanan si Chloe para pumunta sa kotse.

"Are you sure?" pagtatanong ko ulit sa kanya.

"Of course, I am.." sagot niya sa akin.

"Do you know kung saan siya nagpunta?" tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi eh.." pailing iling niyang sagot.

"WHHAAAT? Hindi mo alam kung san nagpunta ang boyfriend mo!?" napasigaw kong tanong sa kanya, hindi naman makikinig ng iba yun dahil sa lakas ng music.

"HEY! NOBODY YELLS AT ME NOT EVEN MY MOM!" sobrang taray na sabi niya sa akin habang lalong lumalapit siya sa akin. Inilapit niya ang muka niya sa may muka ko.. "Bakit ikaw? Do you know where your girlfriend is?" nakakalokong tanong niya sa akin, ang ngiti at mga tingin niya parang nagsasabi na may nangyayaring hindi ko alam. Naguluhan ako sa sinabi ni Janine kaya umalis kaagad ako, kung saan saan ak nagpunta para hanapin sina Joshua at Chloe. Sa sinabi ni Janine sa akin malamang magkasama nga talaga ang dalawa. Nagpaikot ikot ako dun para hanapin si Chloe at Joshua. Pero hindi ko sila makita.







Janine

"Bahala kang mapraning!" natatawang sabi ko pagkaalis ni Cyrus na sigurado ako hindi niya nakinig dahil sa lakas ng music. Haha, bahala siya sa buhay niya, magtatanong nalang siya eh sisigawan pa niya ako. Mabaliw siya. Kahit nakita kong sinundan siya ni Chloe, bahala na siya.

"Ja, okay ka lang?" sabi sa akin ni Joshua na galing sa comfort room.

"Oo naman, ang tagal mo a." sagot ko sa kanya.

"Sure ka? E mukang kakatapos mo lang magtaray ah! Haha.." sabi niya sa akin.

"Ahaha, tama! Pero don't mind it." sabi ko naman sa kanya.

"Okay okay, nacorner kasi ako nung dating coach namin sa basketball e, kaya ayun nakipagkwentuhan muna ako sa kanya.." sagot niya sa tanong ko kanina. Napatango nalang ako sa kanya habang nagpapagroove sa music ng DJ.

"Tara, dun tayo sa gitna, sayaw tayo!" pagyaya niya sa akin, sasama na sana ako sa kanya ng nakita ko si Cyrus sa medyo may kalayuan sa amin, ayaw kong makita niya kami. Gusto kong mapraning siya, wala siyang tiwala sa girlfriend niya, tsk!

"Ahm, wait lang, ubusin ko lang to, you should order some!" sabi ko sa kanya. At umorder nga siya, mas light na alochol drink sa inorder ko.

"Haha, afraid na ikaw na naman ang unang malasing?" pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi naman, pero gusto ko ako ang maghatid sayo!" sabi niya sa akin. Nang naubos na namin pareho ang drinks namin, pumunta na kami sa gitna para sumayaw, nakita ko na kasing papuntag right alleyway si Cyrus, malamang papunta na siya kay Chloe.




Chloe

Ayaw na ako ang kumuha dun sa kotse, pero nakalimutan naman hingin ang susi, ako naman hindi ko ibinigay. Memory gap? Hindi ako makapaglakad ng mabilis dahil sa high heels na suot ko, baka sumakit kaagad ang paa o mahaba pa ang gabi, or worst baka matanggal ang takong. Papunta na sana ako sa may right alleywall nang may biglang tumawag sa akin, nang may sumigaw sa akin.

"Chloe, are you going home?" tanong ng isang kabatchmate namin, lumapit ako sa kanya, dahil ayaw kong sumigaw.

"Hindi pa, may kukunin lang ako sa kotse." sagot ko sa kanya.

"Oh okay, see you around." sabi niya naman sa akin. Pagkatapos ay umalis na siya, ako naman ay napalabas na, at dahil mas malapit na sa kinatatayuan koh ang left alleyway dito na ako dumaan. Pumunta ako ng parking lot, walang katao tao at medyo madilim nga gaya ng sabi ni Cyrus, pero okay lang.

Tanaw ko na ang kotse pero hindi ko nakikita si Cyrus. Naku, baka nagkasalisi kami, pero okay lang, ako nalang ang kukuha ng battery niya tapos babalik nalang ako kaagad sa loob.

Binuksan ko ang kotse, pumasok ako at umupo para makapwesto at makuha ng maayos ang battery, di pa ako sure kung nasaan ba talaga ang battery. Tiningnan ko ng tiningnan ang dashboard ng kotse. Hanggang sa binuksan ko ang sa may right side ng dashboard..

"Jackpot!" ang nasabi ko nung nakita ko dun ang battery. Kinuha ko ang battery at inilagay sa camera.. "Yey! Fully charged pala to, ayos!" ang nasabi ko ulit sa sarili ko.

Isasara ko na sana ang binuksan kong part ng dashboard ng kotse ng bigla akong may nakitang pamilyar. Kinuha ko ito at tiningnan. Invitation yun para sa reunion, pero hindi yun sa akin dahil nasa bahay ang invitation ko. Ibig sabihin nabigyan din si Cyrus ng invitation? Sabi niya hindi siya nabigyan, sabi niya wala siyang natanggap, e ano to? Naguguluhan ako, nung ibabalik ko sana ang invitation sa loob, may nakita na naman akong pamilyar, kinuha ko ito at tiningnan ko. Cellphone ni Cyrus. Pinindot ko, nasa Inbox, at may nakaopen na message..



*Sai, u dnt hav 2
pik up ur bro, il do it
so u can go 2 d event
earlier, hav fun!*

Sender:
Mommy


"Whaaaat?" napasigaw kong sabi sa loob ng kotse pagkatapos kong mabasa ang message ng mommy niya. Ibig sabihin hindi nalate si Cyrus ng dahil sinundo niya si Cyril. Bakit siya nalate? Bakit siya nagsinungaling sa akin? Bakit? Napaiyak na ako, naghanap ako ng tissue sa loob ng kotse, palagi namang may tissue si Cyrus, sa paghahanap ko, may nakita na naman ako at this time umagos na ang luha sa aking mga pisngi. Bakit Cyrus? Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin ng ganito? Bakit?

Reply #18
02-05-11 03:15 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!

Chapter 25: Busted








Chloe

Nasa harapan ko ngayon ang mga nagpapatunay na pinagsisinungalingan ako ni Cyrus. Ang invitation, ang text message ng Mommy niya at ang.. ang CELLPHONE KO! Lalong bumuhos ang mga luha ko, all this time nasa kanya lang pala ang pinanghihinayangan kong akala ko ay nawala ko na. Bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin? Bakit kinailangan niyang itago ang mga ito? Ano na ba talaga ang nangyayari sa kanya? Ilang minuto akong paiyak iyak dun sa loob ng kotse, halos nakalimutan ko na na hindi pa pala tapos ang event. Kaya pinilit kong pakalmahin ang aking sarili, huminga ako ng malalim, kinuha ang pressed powder at nagretouch ng konti. Medyo mapula na ang aking mga mata, buti nalang waterproof ang ginamit kong make-up. Habang tinititigan ko ang sarili ko sa maliit na salamin pinipilit ko pa din na hindi maiyak, pinilit ko ding ngumiti, pero wala pang dalawang segundo bumagsak na naman ang luha ko. Inhale, exhale na naman ang aking ginawa, lumabas na ako ng kotse para makasagap ng konting hangin, tinuyo ko muli ang mga luha na dumaloy sa aking pisngi, kinuha ko ang invitation, ang cellphone niya at cellphone ko. Tinago ko ang mga iyon sa pouch bag ko, para magkasya iniwan ko na ang camara ko dahil wala na akong ganang magpapicture. Ang invitation lang ang hindi nagkasya. Tumayo ako ng maayos at huminga muli ng malalim.

Nagdesisyon akong bumalik sa party para kausapin at tanungin si Cyrus, gusto kong malinawan, gulong gulo na talaga ako. Nang malapit na ako sa entrance ng party, may nakita akong babaeng umiiyak sa gilid ng isang kotse, hindi ko sana siya pupuntahan dahil may pinoproblema din ako ngayon pero nakakaawa naman, kaya pinuntahan ko na din siya. Broken hearted, ex-boyfriend niya ang isa sa mga batchmates namin, nagkwentuhan kami, hindi ko siya iniwan hanggang sa tumigil siya sa pag-iyak, matapos ay umalis na siya at pumunta na ako sa party. Sa pagkakataong ito sa right alleyway na ako dumaan, dahil malamang doon dumaan si Cyrus kanina, nagkasalisi siguro kami. Sa dulo ng alleyway..

"Chloe!!" sigaw ng isang lalaking batchmate namin.

"Oh Jaycee?" tanong ko sa kanya.

"Hinahanap ka ni Cyrus!" sabi niya sa akin.

"Asan siya?" tanong ko sa kanya.

"Lumabas e, hindi ko alam kung saan pupunta.." sagot niya sa akin. Naku! Nagkasalisi na naman kami malamang sa kaliwang banda naman siya dumaan, bakit ba kasi dalawa ang daanan dito? Pareho naman pwedeng entrance at exit.

"Uy, salamat ah! Puntahan ko lang siya.." pagpapasalamat at pamamaalam ko sa kanya. Papalabas na sana ako ng biglang may humatak sa akin.

"Where do you think you're going?" sabi sa akin ng assistant ni Sir Flo, ung dati naming dance instructor.

"Uhmm, susundan ko si Cyrus." nagtatakang sabi ko sa kanya. Bakit ba kasi ako nito hinatak?

"I've been looking you for ages!" exagerated niyang sabi sa akin, anong ages ang pinagsasasabi nito. "Kanina ka pa sa akin pinapahanap ni Sir Flo, tara na!" sabi niya sa akin habang hinihila niya ako papunta sa kung saan.

"Bakit ba?" tanong ko naman sa kanya. "Just follow me!" mataray na sabi sa akin. Ano pa ba nga bang magagawa ko kundi ang sumunod.

"Ok, pero pwede ba bitawan mo na ako, baka magkapasa ako." mahinahong sabi ko sa kanya. Matapos nun ay binitawan na niya ako, sinundan ko siya. Nakita ko na sa isang kumpol na tao kami papunta. Ano kaya ang pautot ni Sir Flo, nang makarating na kami dun, nakita ko ang lahat ng nakasama namin ni Joshua sa dance competition, syempre andoon si Joshua, pati si Janine andun. Ano kayang meron?








Cyrus

"Brad, nakita mo ba si Chloe?" tanong ko sa isang kabatchmate namin.

"Hindi eh.." sagot niya sa akin. Nagpasalamat ako at umalis.

Bumalik ulit ako dun sa may cocktail bar, naisip ko baka may alam si Janine. Nakakaloko ang mga tingin at ngiti niya kanina, pero pagpunta ko dun wala na siya dun, umorder ako ng drinks at nagmasid masid ako sa palagid at nakita ko si Joshua sa gitna, may kasayaw, nakatalikod ang kasayaw niya, nakapatong ang mga kamay nito sa balikat ni Joshua at nakakapit naman si Joshua sa bewang nung babae, parang si Chloe yun. Nainom ko ng mabilis ang drinks na naorder ko. Mukang si Chloe nga yun, si Chloe na nga yun.

Umalis ako sa cocktail bar para puntahan sina Joshua at Chloe, hindi nila ako napapansin na papalapit dahil enjoy na enjoy sila sa pagsasayaw. Itong si Joshua may girlfriend na e sinasayaw pa ang girlfriend ng may girlfriend. nang malapit na ako sa kanila, kinapitan ko sa braso ang babaeng kasayaw ni Joshua..

"CHLOE COME HEEEERE!" sabi ko sa kanya habang hinahatak ko siya.

"SAAIIII!" sigaw naman sa akin ni Joshua.

"What the hell!" sabi ng babaeng kasayaw kanina ni Joshua na ngayon ay kapit kapit ko sa braso. Nagulat ako ng makita ko ang kanyang muka. "What's wrong with you Cyrus?" pasigaw na tanong sa akin ni Janine.

Patay! Si Janine pala yun, akala ko si Chloe.

"Ano bang problema Sai?" medyo naiiritang tanong sa akin ni Joshua.

"A-akala ko si Chloe!" nauutal na sagot ko.

"You're really out of your mind! Do I look like Chloe? Plus, colorblindness ka ba?" sunod sunod na pagtataray sa akin ni Janine kahit pinipigilan na siya ni Joshua. "Josh, hindi ba niya nakita? Purple ang damit ko, ang kay Chloe pink! Long dress ang sa akin, ang sa kanya short lang! Ang sakit ha!" tuloy tuloy na pagtataray niya.

Tama naman siya. Hindi ko naisip yun, hindi ko napansin. Magkaiba sila ng suot, magkaiba ng kulay at magkaiba din naman sila ng buhok. Naku! tanga ko talaga, pinairal ko ang init ng ulo ko.

"I'm sorry!" ang tangi kong nasabi at nagmadali akong umalis dun. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa napadpad na ako sa CR. Humarap sa salamin at kinausap ang aking sarili..

"You're mad Cyrus! Baliw ka na!" sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. "Aaaaaaarggggggggggghhhhhhhhhh!" sigaw ko dahil sa kaasaran ko sa sarili. Maya maya ay may pumasok..

"May problema ba?" tanong niya sa akin.

"Wala!" mabilis na sagot ko sa kanya, lumabas na siya. Ako naman ay naghilamos ng malamig na tubig para mahimasmasan. Nagtuyo ako at nag-isip isip, kung hindi kasama ni Joshua si Chloe, asan siya? Bigla kong naalala na nasa kanya pala ang susi ng kotse, na dapat kukunin ko, nakalimutan ko na ng dahil sa kapraningan ko. Kaya pumasok sa utak ko na baka pumunta siya sa kotse, at, at.. at patay na talagaaaaaa..

Nagmadali akong lumabas ng banyo para pumunnta sa parking lot, kapag may nakakasalubong ako nagtatanong tanong ako kung nakita nila si Chloe at iisa lang ang sagot nila.. HINDI! Ano ba yan, nakalabas na ako't lahat wala pa si Chloe. Habang papunta ako sa parking lot may nakita akong dalawang babae sa tabi ng isang kotse, nag-uusap. Ano kayang meron? Baka magkapatid, o kaya magkaibigan o magsyota? Kung ano ano na naiisip ko, nang malapit na ako sa kotse lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ko, makikita ko na ba dun si Chloe? Nakita na kaya niya ang mga bagay na ayaw kong makita niya? Bakit ba kasi dun ko naisipang itago ang mga yun, naaasar ako sa sarili ko. Nasa may kotse na ko pero wala siya dun, asan kaya siya?

Andun lang ako sa may kotse, nakatayo, nagpapahinga, nag-iisip, ayoko na ulit gumawa ng kapalpakan. Asan na ba si Chloe? Para naman akong naghahanap ng nawawalang 3 year old kid. Umuwi na kaya yun? Baka nakita na niya tapos sa sama ng loob iniwan na ako at nagcommute nalang pauwi. Matawagan nga. Kaya lang wala sa akin ang cellphone ko.. Manghihiram nalang ako.

Sa may entrance, kinausap ko ang isang batchmate namin, nanghiram ako ng cellphone, tinatawagan ko ang landline nila Chloe, pero walang sumasagot. Paulit ulit kong dinial, pero wala pa din. Maya maya may lumabas para tawagin si Jun, ang hiniraman ko ng cellphone..

"Jun sweety tama na yosi, tara sa loob, may nagpeperform.." sabi ng girlfriend niya.

"Sino?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko kilala e, pero sumali na daw ang mga yon sa competition ng school niyo dati.." sagot sa akin ng girlfriend ni Jun na hindi naman nag-aral sa high school na pinag-aralan namin. Isinoli ko ang cellphone niya at nagpasalamat, pumasok na sila sa loob.

Nakalipas ang halos isang minuto, "Teka, competition? Dance competition? Si Joshua at Chloe? Sina Sir Flo?" sunod sunod na tanong ko sa sarili ko. Hindi ko namalayan na tumakbo ako papasok hanggang sa hinihingal akong napatigil sa aking nakita.






Chloe

"At last, you're here Ms. Yu!" sabi ni Sir Flo, napangiti nalang ako sa kanya at sa iba ko pang kabatchmate. "Kanina ka pa namin hinihintay.." sabi niya sa akin, bago pa ako makapagsalita para tanungin kung bakit eh nagsalita na ulit siya.. "I want you guys na iperform ulit ang sayaw na ipinanlaban natin nuon sa competition, siguro naman hindi niyo pa yun nakakalimutan coz I know that you guys are bunch or professionals, am I right? If ever na limot niyo na, here's a copy of our performance.." pagpapatapos niya.

Ipinakita niya sa amin ang record ng sayaw namin sa isang laptop. Hindi ko pa naman nakakalimutan ang mga steps, isinapuso ata namin ang steps kaya imposibleng makalimutan namin yun. Pagkatapos namin manuod..

"In 5 minutes magpeperform na kayo ah, so be ready!" sabi niya at pumunta siya sa may DJ.



Nilapitan naman ako ni Joshua at Janine..

"Goodluck Chloe, kaya niyo yan ni Josh!" sabi sa akin ni Janine.

"Salamat!" sabi ko sa kanya. "Pero kinakabahan ako, ewan ko ba." pagpapatuloy ko.

"Okay lang yan, by the way, where's Cyrus? Maganda sana kung suportahan ka niya." tanong niya sa akin ni Janine.

"Kanina ko pa nga hinahanap e, nasa parking siguro, pupuntahan ko na sana kaya lang hinatak ako ng assistant ni sir Flo." sagot ko naman sa kanya.

"Chloe, okay lang ba?" tanong sa akin ni Joshua.

"Ang alin?" balik na tanong ko naman sa kanya.

"Itong sayaw, kasi may part na sensual di ba?" sagot sa akin ni Joshua.

"Urmm, sa akin okay lang, request naman ni Sir Flo." medyo tagilid na sagot ko sa kanya.

"Josh, there's nothing wrong, magpeperform lang kayo. Cyrus should understand." sabi naman ni Janine na puno ng kompyansa. "Goodluck sa inyong dalawa!" pagpapatuloy niya. Paalis na sana siya para kumuha ng magandang pwesto para mapanuod ang sayaw namin, nang biglang..

"Hoy! San ka pupunta?" sabi ni Joshua. "Sa harap ng stage, malamang!" sagot sa kanya ni Joshua.

"Asan ang good luck kiss ko, ha?" paglalambing ni Joshua habang inilapit niya ang pisngi niya kay Janine.

"Kiss ka diyan!" sabi ni Janine sabay batok kay Joshua. Tumingin siya sakin.. "Goodluck sa inyong dalawa." pagtatapos niya.

Maya maya pa ay tinawag na kami at nagsimula ng magsayaw.






Narrator

"Chloe, sure ka ba talaga? Baka mag-away kayo ni Sai." tanong ni Joshua kay Chloe habang papunta na sila sa backstage.

"Ang kulit mo naman, una sa lahat hindi ko idea to, pangalawa, request to ni Sir Flo minsan lang ang reunion, pangatlo, hindi naman siguro gagawa ng eksena si Cyrus at pang-apat hindi ko alam kung nasaan siya ngayon." pagpapaliwanag ni Chloe.

"Sorry, nag-aalala lang naman ako sa'yo e, ayokong nag-aaway kayo ni Sai dahil nasasaktan ka at nasasaktan din ako.." nakatungong sabi ni Joshua kay Chloe, napangiti naman si Chloe.

"Salamat sa pag-aalala ah, hindi ka pa din nagbabago, caring ka pa din." sabi ni Chloe.

"Of course naman, you're still my baby! Ayt?" pasweet na sabi ni Joshua sa kanya sabay kurot sa pisngi.

"Aray Daddy!" angal naman ni Chloe at sinuntok niya ng mahina sa balikat si Joshua.


Sa hindi kalayuan, kitang kita ni Janine ang konting kulitan ng dalawa..
"Bagay sila, kailan kaya matatauhan si Chloe? I think they're destined to each other.. Kahit hindi sila nag-eeffort na magkasama, nagkakasama pa din sila.." nakangiting sabi niya habang pinagmamasdan ang dalawa.




"Ladies and gentlemen, please welcome this batch's dance group!" sabi ni Sir Flo sa mic at nagpalakpakan ang lahat. Nagsimula nang tumugtog at sumayaw ang mga kasamahan nila Chloe at Joshua habang sila ay nasa likod pa din ng stage, naghihintay ng turn nila.

"Kinakabahan ka ata." pagpuna ni Joshua kay Chloe.

"Medyo.." mahinang sagot niya.

"Don't worry, andito ako.. Hindi kita papabayaan, okay?" sabi naman ni Joshua kay Chloe habang nakangiti, napatingin din naman si Chloe kay Joshua, nagkatitigan sila..

"Ready?" tanong ni Joshua. Napatango naman si Chloe, kinapitan ni Joshua ang kamay ni Chloe at sabay na lumabas mula sa backstage. Nagkantsawan ang mga tao ng lumabas sila, pati si Janine ay napasigaw na.

Masaya si Janine para sa bestfriend niyang si Joshua. "Finally, sasaya na naman ang puso ni Pare!" ang sabi niya sa kanyang sarili habang pumapalakpak na pinapanuod ang dalawa sa kanilang medyo sensual part na sayaw. Tuwang tuwa siya dahil andaming natutuwa sa performance ng dalawa, napalingon siya sa mga nanunuod at sa di kalayuan ay nakita niya si Cyrus, hinihingal at mukang may balak na hindi maganda, nagpatigil sa pagngiti at pagpalakpak si Janine.

Nagsimulang maglakad si Cyrus papunta sa harapan, nakatingin lang naman si Janine sa kanya. Sa isip isip ni Janine, lalapit lang si Cyrus para makita niya ng mas maayos ang dalawang nagpeperform. Pero nang nakita niyang hindi humihinto si Cyrus ng pagpunta sa harapan at malapit na sa may sa stage, nagmadali itong pumunta kung nasaan may si Cyrus.

"Sai!" sigaw niya nang medyo malapit na siya kay Cyrus. "Mr. Bernaaaaaaaaaal!" mas malakas na sigaw niya, pero hindi ito narinig ni Cyrus dahil malakas ang sound system. Lalong binilisan ni Janine ang paglalakad na halos tumakbo na siya, nang malapit na si Cyrus sa hagdan paakyat ng stage naabutan na siya ni Janine.

Nagulat si Cyrus nang merong kumapit sa braso niya ng mahigpit, napalingon siya at nagulat na naman siya ng nakita niya kung sino ang pumipigil sa kanya.

"What are you doing?" seryosong tanong ni Cyrus.

"Isn't it obvious? O kinain na ng katangahan mo ang utak mo?" pagtataray ni Janine kay Cyrus.

"Matalas na talaga ang tabas ng dila mo Janine, you've improved! " sabi ni Cyrus. "But nobody can stop me." pagpapatuloy ni Cyrus at pumalag siya. Ngunit mahigpit ang pagkakakapit ni Janine kaya hindi ito nakawala.

"Do you really think na makakabitiw ka sa pagkakahawak ko sayo?" nakataas kilay na tanong ni Janine. Napakunot noo naman si Cyrus dahil sa kahit anong piglas nito hindi ito nakawala sa pagkakapit niya.

Malakas na ngayon si Janine, kaya full confidence siya sa lahat ng bagay ay dahil nung nasa New Zealand siya ay nag-aral siya ng Martial Arts. Kung saan tinuruan sila ng self-defense at kumpyansya sa sarili. Sa halos dalawang taong pag-aaral niya nun mabilis siyang nakakuha ng mataas na belt.

"Wondering?" tanong ni Janine kay Cyrus na may kasamang nakakalokong ngiti, pilit pa din pumapalag si Cyrus. Hinila ni Janine si Cyrus papalapit sa muka niya.. "Hindi ka makakawala unless bitawan kita, gusto mong ipahiya ang sarili at si Chloe?" pagpapatuloy ni Janine.

"Kapag hinila ko dun si Chloe, tatlo kaming mapapahiya, damay ang boyfriend mo!" mayabang na sabi ni Cyrus. Natawa naman si Janine sa sinabi ni Cyrus at binitawan na niya ito.

"Is that so?" nakataas kilay na namang tanong ni Janine. "Don't forget that I'm here, when I'm around hindi mapapahiya si Joshua." pagpapatuloy niya.

"Talaga? Bakit? Kaya mo bang palitan si Chloe? Marunong ka bang sumayaw? Alam mo ba ang mga dance steps?" sunod sunod na tanong ni Cyrus.

"Why don't you try embarass yourself and your girlfriend.." hamon ni Janine sa kanya. Patakbong umakyat si Cyrus sa hagdan, naisip niya na baka pigilan siyang muli ni Janine. Sumunod naman si Janine na para bang walan nangyari.

Nang dahil sa pag-uusap ng dalawa, natapos na ang medyo sensual dance nila Chloe at Joshua, pagdating ni Cyrus sa taas ng stage, final phase na ang sinasayaw, ang group dance. Pumunta si Cyrus sa gitna ng stage, sinusundan pa din siya ni Janine. Napansin iyon ng mga nanunuod, kaya nagtaka sila, hindi naman kaagad napansin iyon ni Chloe at ni Joshua dahil masaya silang nagsasayaw at nakaharap sila sa audience. Laking gulat nalang nila ng hinatak ni Cyrus si Chloe, kitang kita sa mga mata ni Chloe ang pagkadisappoint sa ginawa ni Cyrus, ganun din naman si Joshua. Lalong nagulat si Joshua ng nakita niya si Janine sa likod ni Cyrus na nakangiti.

Paindak indak na lumapit si Janine kay Joshua. "Don't worry Josh, keep on dancing!" nakangiting sabi ni Janine, hindi alam ni Joshua ang nangyayari, nagulat siya, pero nakinig nalang siya kay Janine at sumayaw nalang. Si Janine ang pumalit kay Chloe na hinila pababa ni Cyrus sa stage.

Nang nasa baba na ng stage si Cyrus habang kapit kapit si Chloe ng mahigpit, napatingin siya kay Janine at Joshua, nagulat siya dahil nakakasabay si Janine sa mga steps nila. Nang pumiglas si Chloe sa kanya tsaka muling nabaling ang atensyon niya sa kanyang girlfriend. Patakbong pumunta si Chloe sa isang table para kunin ang mga iniwan niya dun at nagmamadaling lumabas ng building. Sinundan siya ni Cyrus.

"Anong kalokohan ang ginawa mo dun sa stage, Chloe?" nanggagalaiting tanong ni Cyrus.

"Kalokohan?" naiiyak na tanong ni Chloe. Binuksan si Chloe ang pouch bag niya at inilabas ang cellphone niya at cellphone ni Cyrus. Ipinakita niya ang mga yon kasama ang invitation kay Cyrus. "Ito ang kalokohan! ANONG KALOKOHANG TO CYRUS?" pasigaw na tanong niya. Hindi nakaimik si Cyrus, natigilan siya at napatingin sa baba.

"ANO? HINDI KA MAGSASALITA?" galit na galit na tanong ni Chloe, hindi pa rin makapagsalita si Cyrus, hindi niya alam ang sasabihin niya, ni hindi siya makatingin kay Chloe.

"ANO TOOOOOOOOOOOOOOO?" muling tanong ni Chloe na sa pagkakataong yun, ibinato niya ang mga yun kay Cyrus.

"I, I.. I am sorry!" nauutal na sabi ni Cyrus. Pero bale wala iyon kay Chloe, dahil sa mga oras na yun sobrang nasasaktan siya. Naglakad si Chloe papunta sa loob, susunod sana si Cyrus..

"Huwag mo kong susundan!" sabi ni Chloe, kinuha niya ang susi ng kotse sa pouch bag niya at binigay iyon kay Cyrus.




Chapter 26 SuperMan'' to the Rescue''.

Superman To The Rescue



Narrator

Habang nagsasayaw si Joshua, Janine at ang iba pa, hindi maiikala sa mga mata ni Joshua ang pagtataka, ang pagtatanong kung ano ang nangyayari, naiisip niya na gumana na naman ang selos ni Cyrus, pero hindi niya maintindihan kung papano namemorize ni Janine ang mga steps sa sandaling panahong napanuod niya ang sayaw nila. Nang ang step na ay kinailangan lumapit ng mga babae sa lalaki..

"Josh, relax and enjoy! This is your first and last performance with me infront of this crowd." sabi ni Janine habang nakangiting nagsasayaw.

Walang pagdadalawang isip na inenjoy nga ni Joshua ang sayaw na iyon. Natuwa naman ng husto si Janine.

*Ito na ang last, I can feel it! Sana huwag mong sayangin ang nangyari ngayon, Josh! Go for you dreams.* mga tumatakbo sa utak ni Janine habang sumasayaw.

*Hindi ko alam na magaling palang sumayaw si Janine, nakakabilib talaga si pare, full of surprises.* naman ang mga nasa isip ni Joshua.

Nang natapos ang kanilang sayaw, nagpalakpakan ang lahat at tuloy ang party. Nagpatugtog ulit ang DJ at nagsayawan na naman sa gitna ang iba at napuno ulit ang cocktail bar. Pagkatapos icongratulate ni Sir Flo ang lahat ng dancer at si Janine, hinatak ni Janine ang kanyang bestfriend.

"Joshua, go and find Chloe!" utos ni Janine.

"A-ano? Naguguluhan pa din ako." sabi naman ni Joshua.

"Okay, okay! I know the steps, dahil pinavideo ko yung sayaw niyo dati pa sa isang kaclassmate natin and pinasend ko via e-mail. Si Cyrus pinull out sa sayaw si Chloe dahill sa selos, I bet you know that! Nakita ko na gagawin niya yun, I warned him pero hindi siya nakinig. So what you should do now, I mean MUST DO, is find Chloe." pagpapaliwanag ni Janine.

"Uhm, pero.. pa-paano ka?" nauutal na tanong ni Joshua.

"Shush, don't worry about me. I'm fine, I know that you still love her, wag mong hayaang harapin ni Chloe mag-isa ang mga problema niya ngayon." sagot naman ni Janine.

"P-pero.."

"Joshua Garcia! Wala nang pero, pero. Go and find Chloe, I'll be at the cocktail bar if ever you need me or just give me a ring." sabi ni Janine sa kanyang bestfriend na nag-aalangan pa din umalis kahit gusto na niyang hanapin si Chloe, dahil ayaw niyang maiwan mag-isa ang date niya.

Umalis na nga si Joshua at hinanap si Chloe, nang nasa may kalayuan na siya..

*Tama ako, I really did the right thing, ang palayain ang aking sarili sa patuloy na pag-asa na isang araw mamahalin din ako ni Joshua bilang ako, bilang si Janine, si Janine na hindi lang niya bestfriend, kundi si Janine na mamahalin niya at papangarapin niyang makasama habang buhay. Joshua really loves Chloe, and I know, I can feel that she loves him too, kaya lang nabubulagan siya dahil kay Cyrus. That guy! Argh!!* ang mga tumatakbo sa isipan ni Janine habang papunta sa cocktail bar.









Joshua

Naguguluhan ako sa nangyayari, para akong batang walang kaalam alam sa mundo. Nagulat ako kay pare, alam niya ung mga steps, alam ko din na umiral na naman ang selos ni Cyrus pero para ipahiya pa si Chloe ng ganun? Buti nalang sinalo siya ni Janine. Asan na kaya ngayon si Chloe? Kanina pa ako palakad lakad dito hindi ko siya makita. Magkasama pa din kaya sila ni Cyrus? Kilalang kilala talaga ako ni pare, ayaw ko siyang iwan dahil siya ang date ko, dapat palagi ko siyang kasama, pero alam niyang gustong gusto kong tulungan si Chloe, kaya tinulak niya akong hanapin ito.

Sa may comfort room..

"Pare, nakita mo ba si Cyrus?" tanong ng isang kabatchmate namin.

"Hindi e, hinahanap ko nga." sagot ko sa kanya.

"Ganun ba? Si Chloe kasi nasa isang cubicle, umiiyak!" sabi niya sa akin. Umiiyak si Chloe, alam kong iiyak siya, iyakin naman talaga yun eh. Pero sa cubicle, cubicle na naman?

"Ako na bahala, salamat a." pagpapasalamat ko sa kanya pagkatapos ay umalis na siya, nagtungo naman ako sa comfort room. Hindi ako nahirapang hanapin kung saang cubicle nandun si Chloe dahil sa lakas ng kanyang pag-iyak. Hindi naman siya humahagulgol pero halatang halatang may umiiyak dun sa cubicle.

Lumapit ako sa cubicle. Kinapitan ko ang pinto, bubuksan ko sana kaya lang naisip ko baka matamaan siya at magalit sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala akong mapiling mga salita para sabihin sa kanya. Natotorpe ako? Ano ba to? Pauli uli ako sa labas ng cubicle hanggang sa..

"Sino ka? Kanina ka pa diyan pauli uli!" sabi ni Chloe mula sa loob ng cubicle, siguro napansin niya ang shadow kong pauli uli mula sa labas.

"Ah.. Chloe.." mahinang sabi ko.

"Sino ka?" naiiyak niyang tanong sa akin.

"Can I open the door?" mahinahong tanong ko sa kanya.

"Joshua? Da-daddy?" tanong niya sa akin. Nang bubuksan ko na ang pinto ng cubicle, bigla itong bumukas at lumabas si Chloe, nakatungo siya. Kinapitan ko ang baba niya at pilit na inaangat ang nakatungo niyang ulo pero pinipigilan niya, alam kong umiiyak pa din siya. Bahagya kong inayos ang mga buhok na tumatakip sa kanyang muka. Unti unti kong sinubukang iangat muli ang kanyang ulo ngunit ayaw niya pa rin.

"Come on baby, mapuputol ang ulo mo kakatungo." sabi ko sa kanya, sinuntok naman niya ko sa dibdib pagkasabi ko niyan. Medyo masakit pero ayos lang, nang sinubukan ko ulit iangat ang ulo niya, sa pagkakataong yun ay pumayag na siya.

"Fuu--" mapapamurang sabi ko ng makita ko ang muka niya. Pulang pula ang buong muka niya lalo na ang kanyang mga mata, namumukto na din ang mga ito. Gusto ng lumabas lahat ng mga bad words na alam ko pero pinipigilan ko. Hind ko akalaing makikita ko ulit na umiiyak si Chloe, mas malala kesa nung high school. Nagagalit ako. Sa aking sarili dahil napabayaan ko na naman na umiyak si Chloe at kay Cyrus dahil sa pangalawang pagkakataon pinaiyak niya si Chloe.

Nagsimula na naman umiyak si Chloe, pero bago pa siya nakatungong muli, niyakap ko siya at niyakap niya din naman ako.

"Daaaadddyyy.." naiiyak niyang sabi sa akin na parang batang nagsusumbong sa kanyang tatay. Ako naman ay parang sinasaksak ng paulit ulit sa aking puso, nasasaktan akong makita siyang umiiyak, gusto ko man siyang pigilan umiyak, hindi ko magawa, dahil alam kong nasasaktan siya at hindi niya iyon mapipigilan.

"Salamat kasi andito ka para sa akin." pahikbi hikbing sabi sa akin ni Joshua.

"Limot mo na ata yung sinabi ko sayo nuon a.." sabi ko sa kanya, napatigil siya sa pag-iyak at tumingin sa akin, napangiti naman ako.. "Remember, once I told you that.. I'll always be here for you." nakangiting sabi ko sa kanya habang tinutuyo ang kanyang mukang basang basa na ng mga luha.

Napaisip naman siya, siguro inaalala niya kung kailan nangyari yun.


--- FLASHBACK ---
Chloe

Dahil sa pangyayaring iyon ay lumabas narin ako ng cubicle. Medyo gumaan ang loob ko dahil sa ginawa ni Joshua. Pagkalabas ko ay agad ko naman siyang niyakap.

"Daddy, ang sakit." sabi ko sakanya.

"Wag kang mag-alala baby. Daddy will always be here for you." pagcocomfort niya sakin habang hinihimas-himas ang buhok ko.

--- END OF FLASHBACK ---



"Ahh.. I remember na, sa loob din ng comfort room." napapangiting sabi niya sa akin pagkatapos ay yumakap siya ulit sa akin, niyakap ko din naman siya. "Daddy, please stay with me." paglalambing niyang sabi sa akin habang hinihimas himas ko ang buhok niya.

"You don't have to ask, I will stay, kahit ipagtabuyan mo pa ako o ni Cyrus." sabi ko sa kanya.

"DON'T SAY HIS NAME!" pasigaw na sabi niya sa akin. "Ayaw ko munang makarinig ng kahit na ano tungkol sa kanya." pagpapatuloy niya. Mukang this time malala na ang pag-aaway nila, pero sana magkaayos din sila.

Nakalipas ang ilang minuto, halos kalahating oras na.. magkayakap pa din kami, minsan sinisilip silip ko siya, baka kasi nakatulog na siyang nakatayo habang nakayakap sa akin, pero mulat pa din ang namumuktong mga mata niya. Tahimik lang siya, walang imik, paminsan minsan may bigla nalang may tutulong luha sa kanyang mga mata. Nakakangalay na, pero titiisin ko hanggang sa umayos ang pakiramdam ng prinsesa ko.

Isang oras na ang nakalipas nang bumitiw si Chloe sa pagkakayakap sa akin. "Daddy, hindi ka ba nangangalay?" tanong niya sa akin.

"Kanina pa." sagot ko sa kanya, kita ko naman ang pagkagulat niya. "Eh bakit hindi ka nagsasabi?" gulat na tanong niya sa akin pagkatapos niya akong tapikin sa braso.

"Kasi gusto ko gumaan muna yang pakiramdam mo." sagot ko sa kanya habang pinipindot ko ang namumula niyang ilong. "Wala akong pakialam kung mangalay ako hanggang sa mamanhid na basta maging maayos ka na." pagpapatuloy ko.

"Daddy talaga! Kaya mahal kita eh.." sabi niya sa akin sabay kiss sa cheeks. "Thanks!" pagpapasalamat niya.

"Naku Chloe! Tumigil tigil ka nga, tsansing ah!" pagbibiro ko sa kanya habang kunwaring nililinis ang pisngi ko.

"Ang yabang mo naman!" sabi niya sa akin sabay suntok na naman sa dibdib, bayolente na ata tong babaeng to.

"Joke lang, anytime baby! Alam mo naman mahal din kita eh.." sabi ko sa kanya.. nagkatinginan kami, nagkatitigan, wala kaming masabi sa isa't isa, basta ang nakikita ko si Chloe na mapula ang muka, namumukto ang kanyang mga mata at namumula din ang kanyang mga labi. Hindi ko alam ang sasabihin ko..

"Ay! Buti nalang walang pumapasok dito.." pambasag ko ng katahimikan namin.

"Oo nga e. Can we go somewhere else bago ako umuwi? Sama natin si Janine." request niya sa akin.

"Oo naman! Tara labas na tayo, pero let me fix your hair first." sabi ko sa kanya at inayos ko nga ang buhok niya. "Give me a smile." sabi ko sa kanya at ngumiti nga siya, ganda. "Ang plastik mo! Haha.." pagbibiro ko sa kanya.

"I hate you!" nakaismid na sabi niya sa akin. "Joke lang, my princess! Tara.." sabi ko sa kanya at lumabas na nga kami ng comfort room ng magkakapit ang kamay.

Pagbukas namin ng pinto, nakita kaagad namin sa labas si Janine.

"Ja! Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya. Nagulat naman siya, bakit kaya siya nagulat?

"Ah, eh! Wala naman.. Kasi nakita kita pumasok diyan kaya binatayan ko ang pinto, sa ibang CR ko pinapapunta ang mga gustong gumamit." sabi niya sa akin, bakit ganun ang tono niya, parang nagpapalusot lang siya.

"Ah ganun ba. Nagyayaya si Chloe, samahan natin?" tanong ko sa kanya habang nakatungo lang si Chloe, nahihiya siguro dahil sa istura niya ngayon.

"Oh sure! I'll just get my stuffs." sabi niya at umalis papunta sa kung saan para kunin ang mga gamit niya. Pagbalik niya ay pumunta na kami sa kotse niya at umalis.







Janine

I had a couple of drinks. Pagkatapos ay nagdecide akong hanapin si Chloe, just in case hindi pa siya nahahanap ni Joshua. Makalipas ang ilang minuto nakita ko si Joshua may kausap, siguro tinanong niya kung nakita niya si Chloe, maya maya naglakad na, papunta ata sa CR, ayun dun na nga siya pumasok, siguro andun si Chloe. Pumunta ako sa may pinto ng comfort room, walang dapat na ibang makapasok dito para makapag-usap ng maayos sina Chloe at Joshua.

May mga sumubok pumasok para gumamit ng comfort room, sabi ko hindi pwede, kapag tinanong nila kung bakit isa lang ang sagot ko.. "NONE OF YOUR BUSINESS!" tapos tinuturo ko sa kanila kung nasaan ang iba pang comfort room, hindi naman ako nahirapan sa pagpapapunta sa kanila dun maliban sa isang tao, kailangan ko pa bang sabihin kung sino?

"Bawal pumasok, use the other one. Sa dulo ng alleway na ito on the right side." sabi ko sa kanya, pero hindi ako pinansin, lumapit siya sa pinto. Nang bubuksan na niya ang pinto.. "Kapag binuksan mo yang pintuan na yan, mapipilitan akong pigilan ka sa paraang hindi mo magugustuhan." pagbabanta ko sa kanya, and I'm serious.

"What the hell is your problem? I need to talk to my girlfriend!" pasigawa niyang sabi sa akin.

"Hey! Remember the last night na sinigawan mo ako? What did I tell you? Ulyanin ka na ata. And your what? Girlfriend? So she didn't break up with you.. YET!" sunod sunod na sabi ko sa kanya.

"How dare you?" galit na sabi niya sa akin.

"Haha, hindi mo ba nararamdaman? She's going to break up with you Cyrus, stop being dumb and open your eyes widely! I don't know what really happened to you two, but I'm sure this time you're gonna lose her." pang-aasar ko sa kanya. Kitang kita ko sa reaksyon niya na nagagalit na siya sa mga pinagsasabi ko, kinapitan niya ang door knob at akmang bubuksan ito, pero kinapitan ko siya sa kanyang wrist..

"Ano ba? This is none of your business!" sabi niya sa akin.

"Oh really? Then call me intrimitida! I don't give a d*mn care, but you're not going to interrupt the two of them." pagtataray ko sa kanya.

"Magkasama sila?" gulat na gulat niyang tanong sa akin.

"Is that really your question? Gosh, Cyrus!" pang-aasar ko sa kanya, naramdaman kong pipihitin na niya ang door knob kaya inunahan ko na siya, pinihit ko ang wrist niya at napabitaw siya don at napaurong, kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya.

"Janine, wag kana makisawsaw, pwede ba? Papasok ako sa ayaw at sa gusto mo." sabi niya sa akin.

"Over my dead sizzling hot body!" pagtataray ko sa kanya habang tumapat sa harap ng pinto, tinitigan ko siya habang nakataas ang isa kong kilay, mukang magpipilit talaga siyang pumasok.

"You give me no choice.." sabi niya sa akin, as if natatakot ako sa kanya, lumapit siya sa akin at pilit akong hinihila palayo sa pinto, syempre pinipilit kong magstay sa kinatatayuan ko, trying hard talaga to, infairness, nakakairita, nauuga uga ako, baka mahilo ako nito, nakainom pa naman ako. Hanggang sa tinulak niya ako, andaya nun ah, hinilo muna ako bago ako tinulak, nga naman para maitulak niya ako. Hindi ako papayag na dayain ng kahit na sino, kaya bago pa man niya mabuksan ang pinto, mabilis ko siyang kinapitan muli sa kanyang wrist at pinihit ito hanggang sa mapatalikod siya sa sakit at umangal..

"Aray Janine, d*mn it! Let me go.." pag-angal niya habang pumapalag.

"Stop moving, lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo." sabi ko sa kanya habang pinihit ko pa ulit ng kaunti at diniinan ang kanyang braso.

"Aaaah stop!" reklamo niya.

"I'll stop, if you'll stop trying to get in!" sabi ko sa kanya.

"Oo na, I'll stop!" mabilis na sabi niya, binitawan ko siya, humarap siya sa akin. "Alam mo, hindi ko alam kung saan ka natuto ng katarayan at kung paano mo nagawa sa akin yan."

"Siguro sa New Zealand. Kasi di ba I went there? So malamang doon. What do you think?" pang-aasar ko sa kanya.

"Huwag ka ngang pilosopo." sabi niya sa akin, inirapan ko lang siya. "Tell me, why are you doing this?"

"Doing what?"

"Ito! Tinutulungan na magkausap silang dalawa, I know that you're inlove with Joshua. Bakit mo pinahihirapan ang sarili mo? Di ba magboyfriend kayo?" sabi niya sa akin.

"Exactly! I'm inlove with Joshua, long time ago, and that's the reason why I want him to be happy. Napapasaya ko naman siya pero syempre iba pa din kapag si Chloe. And NO! Hindi ko siya boyfriend." sabi ko sa kanya.

"Whaaaat? So all this time, niloloko niyo lang kami?" gulat niyang tanong sa akin.

"Not exactly! Long story and I'm tired para ikwento yun. So just disappear now!" sabi ko sa kanya, dahil naiirita na ako, kasi kahit tanggap ko na ang mahal ni Josh at si Chloe, syempre naiisip ko pa din paminsan minsan na magiging kami kahit alam kong hindi.

"I really need to talk to her. If you won't let me in, hihintayin ko nalang siyang lumabas." sabi niya sa akin, medyo naawa naman ako sa kanya, talagang gusto niyang makausap si Chloe.

"Kapag lumabas si Chloe at nakita ka niya baka pumasok lang ulit siya at magkulong nalang sa loob. Sa pagkakaalam ko ayaw ka niyang makita kaya ka niya tinaguan, kakausapin ka niya kung kailan niya gusto, so if I were you evaporate right now!" pagtataray ko pa din sa kanya.

"Can you please tell her that I am really sorry and I love her?" pakiusap niya sa akin.

"Sure, I'll also tell her na tawagan ka niya." sabi ko sa kanya, napatango naman siya at nang aalis na siya.. "Urmm.. sorry about the wrist and arm!" paghingi ko ng paumanhin sa kanya, umiling lang naman siya at umalis na, mukang iiyak na siya dahil hindi ko siya pinayagang pumasok dun, medyo nakakakonsensya pero ganun talaga.

Ilang segundo lang ang nakalipas ng umalis si Cyrus ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Joshua at Chloe. Nagulat naman ako, nakatungo si Chloe, malamang pukto ang mga mata niya at ayaw niya itong ipakita. Nagyaya nang umalis si Joshua, pumayag naman ako, kinuha ko ang bag ko at nagpaalam sa organizer ng event, sakto malapit lang siya dun sa table, pagkatapos ay sumakay na kami ni kotse.

Driver pa ang labas ko, ako ang nagdadrive. Si Joshua nasa likod nakaakbay kay Chloe habang nakapatong naman ang ulo ni Chloe sa dibdib niya. Oo, tanggap ko na, ilang beses ko pa bang kailangan sabihin, pero tao lang ako, hindi ako manhid. Nasasaktan din naman ako, part of my heart want to scream and cry but the rest of it is smiling because the love of my life is with the girl of his dreams.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Joshua.

"Chloe, saan mo gusto pumunta?" tanong niya kay Chloe habang hinihimas himas ang buhok niya. Nakita ko siya mula sa salamin na nakatulog na siya.

"She's asleep." sabi ko sa kanya. Tiningnan naman ni Joshua si Chloe, kinumpirma niya kung tulog nga ba si Chloe.

"Nakatulog na siyang umiiyak.." sabi niya.

"Sa bahay nalang tayo, my mom sent me a message, kailangan daw ulit niya umalis." sabi ko sa kanya. kaya nagdrive ako papunta sa bahay namin. Tahimik akong nagmamaneho hanggang sa kausapin ako ni Joshua.

"Ja.." pauna niya. "Yes?" tanong ko sa kanya. "Salamat ah!" pagpapasalamat niya sa akin. "Wala yun!" sabi ko naman sa kanya.

"Ja, you're full of suprises. Andami mong alam na hindi ko ineexpect.." sabi niya sa akin, napangiti naman ako.

"Sa New Zealand, I kept myself busy! I never stop learning something new. Bukod sa studies ko, nag-enroll ako sa kung ano anong extra curricular activities at mga short courses. Kaya madaming bago sa akin." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Kahit kailan talaga, napapahanga mo ako. Salamat din pala dahil binantayan mo ang pinto kanina." sabi niya sa akin, nagulat naman ako dahil hindi ko akalaing alam niya yun. Itatanong ko na sana kung paano niya nalaman..

"I know kasi nakita kita sa labas ng pinto pagkabukas namin. Nakinig ko kasi bago kami lumabas na umikot ang door knob, pero walang pumasok, kaya nung nakita kita sa labas, I assumed na ikaw ang pumigil sa kung sino man ang nagtangkang pumasok dun.." pagpapatuloy niya.

"Yeah, well, you're welcome!" sabi ko sa kanya. Nakarating na kami sa bahay. Tulog na tulog si Chloe kaya hindi na siya ginising ni Joshua, binuhat niya ito papasok ng bahay.

Sabi ko sa kanya dun nalang sila sa guest room, nung una tumanggi pa siya, hindi daw magandang nasa iisa silang kwarto, hindi naman daw ako si Chloe na talagang bestfriend lang. Pero sinabi ko sa kanya na hahanapin siya ni Chloe at baka kung saan siya pumunta, kaya pumayag na din siya.

"I'll be in my room." sabi ko sa kanila pagkatapos ay lumabas na ako ng guest room at pumunta sa akong kwarto.

Napaupo kaagad ako sa kama. "Haaaaays. I'm hella tired!" sabi ko sa sarili ko habang tinatanggal ang high heels, "I know, I'm doing the right thing." sabi kong muli. And knock out!!


- End of Chapter 26.1 -
Reply #19
02-05-11 03:17 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Narrator

Inihiga muna ni Joshua si Chloe sa sofa dun sa loob ng guest room, tinanggalan ng high heels at nag-open bed. Pagkatapos ay inilipat na niya si Chloe sa kama at sa sofa naman siya humiga.

Pinagmamasdan ni Joshua si Chloe mula sa sofa, mahimbing ang tulog ni Chloe.

"Huling beses na napagmasdan ko si Chloe na natutulog ay nung may sakit siya." sabi niya sa kanyang sarili. Maya maya ay nakakatulog na siya. Napapikit na siya nang biglang..

"Sinungaling ka! Sinungaliiiiiiiiiiiiing!!!!!!" sigaw ni Chloe habang umiiyak siyang nakapikit, sa gulat ni Joshua nagmadali siyang pumunta kay Chloe, nadapa pa nga sa pagkataranta.

"Chloe.. Chloe.." panggigising ni Joshua sa kanya. Napamulat naman si Chloe makalipas ang ilang segundo, umiiyak, masyado siyang nasasaktan sa nangyayari sa kanya. Nang nakita niya na si Joshua ang nasa harapan niya, niyakap niya ito ng mahigpit..

"Da-daddy! Please, pi-please don't leave me.. natatakot ako!" nauutal na pakiusap niya kay Joshua habang umiiyak.

"I won't baby, shusshhhh.." mahinahong sabi naman ni Joshua sa kanya habang kinocomfort niya ito.








Chloe

Sobrang nasasaktan ako sa ginawa ni Cyrus, sa mga pagsisinungaling niya, humingi pa siya ng sorry tapos ganun lang din naman pala. Puro kasinungalingan, mahal ko si Cyrus, oo, pero ilang beses na niya akong pinagsinungalingan, bakit? Alam kong mahal niya din ako, pero bakit ganon? Bakit nag-iba ang pagmamahal niya sa akin? Naging possesive siya, seloso at sinungaling! Yun ang pinakaaway ko sa lahat, ang sinungaling!

Buti nalang palaging andito si Joshua kapag kinakailangan ko siya. Hindi ko alam pero sobrang malapit ako at ang puso ko sa kanya. Alam kong si Cyrus ang mahal ko pero nasasaktan ako kapag pilit kong nilalayuan si Joshua. Kahit nilalayuan ko siya, pilit kong iniisip na kailangan layuan ko siya para sa amin ni Cyrus, pero ang puso ko naman pilit hinihilang papalapit sa akin si Joshua. Nagpapasalamat na din ako dahil andiyan si Janine.

Hindi ako matigil sa aking pag-iyak hanggang sa nakatulog ako at napanaginipan ko ang mga nangyari, panaginip na parang bangungot, napasigaw ako.. "Sinungaling ka! Sinungaliiiiiiiiiiiiing!!!!!!"

Maya maya ay may nakinig akong nanggigising sa akin, nung una ay ayaw kong buksan ang aking mga mata dahil baka si Cyrus ang makita ko, pero gusto kong matapos ang bangungot na ito, kaya mumulat ako. Si Joshua ang nakita ko, kaagad ko siyang niyakap, takot na takot pa din ako..

"Da-daddy! Please, pi-please don't leave me.. natatakot ako!" pagmamakaawa ko sa kanya.

"I won't baby, shusshhhh.." ang sabi niya sa akin.

Mabuti nalang at andito pa din si Joshua para damayan ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang aking nararamdaman, umiiyak ang puso ko dahil sa nangyayari sa amin ni Cyrus pero sa kabilang banda, parang ngumingiti ang puso ko dahil kasama ko si Joshua.

"Tahan na baby, kailangan mong matulog para makapagpahinga ka ng maayos. Kung gusto mo pwede nating pag-usapan lahat ng nangyari sa inyo kapag okay ka na.." sabi niya sa akin, ang lambing lambing ng boses niya. Napapatango nalang ako sa mga sinasabi niya.

"Isa pa, lalo kang pumapanget. Itsura mo ooh.." pang-aasar niya sa akin habang tinitingnan tingnan ang muka ko. Inirapan ko lang siya.

"Pwede bang huwag ka munang umalis hanggang sa makatulog ako?" hiling ko sa kanya.

"Sa isang kondisyon!" sabi niya sa akin. "Ano?" mabilis kong tanong sa kanya kahit na medyo sumabit ang boses ko.

"Titigil ka na sa pag-iyak at matutulog na." sabi niya sa akin. "Opo!" ang tanging naisagot ko at ipinikit ang aking mga mata. Hanggang sa ako't makatulog na nakayakap kay Joshua.







Cyrus

"Aaah.. sakit ng ulo ko! A-aw!" daing ko habang kapit kapit ko ang aking ulo. Bago kasi ako umuwi sa bahay, nag-inom muna ako sa isang bar malapit sa aming bahay, sobrang nalasing siguro ako, kaya masyadong masakit ang ulo ko, sa tingn ko ang pinsan kong nagtatrabaho dun ang nag-uwi sa akin.

Pinilit ko ang aking sarili na tumayo at maligo. Pagkatapos ay nag-ayos ako ng aking sarili. Bumaba sa sala, pumunta sa kusina. Wala na naman tao, ilang buwan nang palaging walang tao dito sa bahay kundi ako at mga maids lang, bihira ko nang nakikita sina Mommy, Daddy at Cyril, business kasi. Nagpahanda ako ng pagkain at gamot sa isa naming kasambahay.

Kumain ako. Ininom ko ang gamot para sa sakit ng ulo at katawan. Pumunta sa sala, nag-isip isp hanggang sa makarating sa terrace, makarating sa kwarto, nag-iisip isip pa din. Bakit ba ako naging ganito? Bakit nagawa kong magsinungaling kay Chloe? Bakit nagawa ko siyang saktan for the second time? Andaming tanong sa aking isipan, parang alam ko ang sagot, pero naguguluhan ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang isang number.

"Hello?" sabi sa kabilang linya. "Hey? Do I know you?" tanong niya.

"Yes! I need to talk to somebody and I chose you, mag-iintay ako sa Starsbucks, Trinoma." sabi ko sa kanya at kaagad pinutol ang linya para hindi na siya makatanggi, sigurado ako pupunta siya dahil kung hindi makokonsensya siya na meron siyang pinag-iintay.

Pumunta ako sa Starbucks, ilang minuto lang ako naghintay, wala pa sigurong 30 minutes, dumating na siya.

"Ang kapal din ng muka mong pagbabaan ako ng telepono no?" sabi niya sa akin.

"Sorry, have a sit!" sabi ko sa kanya, umupo naman siya.. "Kaya ko lang naman ginawa yun ay para hindi ka makatanggi. Thanks for coming, Janine." pagapatuloy ko, inirapan lang niya ako, hindi ko alam ang sasabihin ko, halos isang minuto kaming tahimik..

"Ililibre mo ba ako?" tanong niya sa akin. "Oo naman!" mabilis na sagot ko at wala pang dalawang segundo nakatawag na kaagad ng waiter at umorder. Andami niyang inorder, parang si Chloe lang, matakaw din ata to.

"Tititigan mo lang ba ko buong maghapon?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko lang sanang may makausap.." sagot ko sa kanya.

"About?" tanong niya ulit matapos nagzizip sa inorder niyang cold drinks na kakadala lang ng waiter.

"About Chloe and Joshua.." mahinang sagot ko sa kanya habang siya naman ay kumakain. Napakibat balikat lang siya, hindi nagsalita. "Nakinig mo ba ko?" sabi ko sa kanya.

"Were you talking to me?" tanong niya sakin. "Niloloko mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"No! of course not. Akala ko kasi sarili mo kausap mo, hindi ka kasi nakatingin sa akin tapos ang hina ng boses mo, so I assumed na kinakausap mo ang sarili mo.." sagot niya sa akin..

"Hindi ako nagbibiro, Janine." seryosong sabi ko sa kanya. Nilunok niya ang nginunguya niya, uminom siya at inayos ang upo.

"Cyrus, hindi din ako nagbibiro. If you want to say or ask something, go straight to the point. We're too old para magpaikot ikot. Plus ang sarap ng kinakain ko, noh!" sabi niya sa sakin, "Salamat nga pala." pahabol niyang sabi habang nakangiti. Mukang enjoy na enjoy siya sa kinakain niya. Napabuntong hininga naman ako. Ilang minuto din ang nakalipas bago ako nakapagsalita..

"Mahal ko si Chloe.." sabi ko, napatingin naman siya sa akin, ang matataray niyang mata nakatitig sa mga mata ko na parang nagsasabi na *I Know Right?*, taray talaga nito. "Alam ko mahal din ako ni Chloe.." pagpapatuloy ko, hindi nagbago ang reaksyon ng kanyang muka. "Pero alam ko din na mas mahal niya si Joshua.." napahina kong sabi, sa pagkakataong yun hindi pa din nagbago ang pagkakatitig niya sa akin.

"Any comments?" nabubwisit na tanong ko sa kanya, dahil nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi nakikinig. Umayos muli siya sa kanyang pagkakaupo pagkatapos at ngumiti.

"I Know Right!" medyo pasigaw niyang sabi. Yun lang ang sasabihin niya? Dapat pala iba nalang ang tinawagan ko. Nabubwisit na talaga ako dahil nakalipas na ang ilang minuto hindi pa din siya nagsasalita. Tumayo ako para umalis.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"I'm leaving, di ka naman nagsasalita e, I think I'm wasting my time." sagot ko sa kanya, tumawa lang siya.

"You silly! Haha, sit down!" sabi niya sa akin, napatingin lang naman ako sa kanya. "Sige na, umupo ka na, pinagbabaan mo kasi ako ng phone kanina, gumaganti lang, nakakaasar di ba? Haha.. C'mon, don't waste my time, let's talk! Haha.." pang-aasar niya. Napaupo naman ako kasi I really need to talk to someone, e siya lang naman talaga ang nakakaalam ng lahat tungkol sa amin.

"Okay, alam ko na mahal mo si Chloe and alam kong mahal din ni Chloe si Joshua at mahal ni Joshua si Chloe. Pareho naman nating alam kung sino sino ang nagmamahalan. Pagkakaiba lang natin, ako, tanggap ko na si Joshua ay inlove kay Chloe, ikaw, alam mo nga, hindi mo naman tanggap." sabi niya.

"Paano mo ba nagawa yun?" tanong ko sa kanya. "Alin?" balik tanong niya. "Lahat ng yun, ang isuko ang pagmamahal mo kay Joshua? Makapagmove on? Makita silang magkasama? Hindi ka ba nasasaktan." sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Una sa lahat hindi ako MANHID! Oo, nasasaktan ako kapag nakikita silang magkasama at masaya, pero mas nangingibabaw ung saya, kapag nakikita kong masaya si Joshua kasama ang mahal niya. Sinubukan kong magmove on, pero nothing happened, kasi I'm really in love with him, so the best thing that I can do is maging masaya kasama ang mahal niya. Tama na sa akin yung andyan siya, yung nakikita siyang masaya, yung nakakausap siya at natutulungan siya paminsan minsan." mahabang explanation niya.

"Martir ka!" ang tanging nasabi ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay..

"Well, at least, hindi ko sinasaktan ang pinahihirapan ang mahal ko!" mataray na sabi niya sa akin. Aray naman, nasapul ako, simula ng bumalik to galing New Zealand, palagi nalang akong tablado.

"Sana makaya ko din yan." sabi ko, nagulat naman siya at biglang napatingin sa akin.

"So? Papabayaan mo na sila? Makikipagbreak ka na kay Chloe?" sunod sunod niyang tanong sa pagkakagulat niya.

"I think so.." mahinang sagot ko sa kanya. "Pakiulit!" sabi niya. "I SAID, I THINK SO!" napalakas kong sabi sa kanya, bahagya naman siyang napangiti. "Wala naman akong choice di ba? Ayoko nang masaktan si Chloe.." pagpapatuloy ko.

"Kahit may ibang chance ka pa, sa tingin mo masasaktan mo pa ulit si Chloe? Sa tingin mo papayag pa si Joshua na saktan mo siya?" sabi niya.

Oo nga naman, sa tingin ko hindi na din pakakawalan ni Joshua si Chloe, malamang buong gabing umiyak si Chloe, nakita ko na dati kung gaano nagalit sa akin si Joshua nung una kong nasaktan si Chloe, ngayon, sa tingin ko hindi na niya ako mapapatawad.

"Sa tingin mo.. dapat ko na ba siyang kausapin?" nag-aalangang tanong ko pa sa kanya.

"Hindi! Pabayaan mo munang lumamig ang ulo niya, magsink in at matanggap niya kung ano man ang pinag-awayan niyo na sa tingin ko ay hindi lang dahil dun sa kagabi.." sabi niya sa akin na parang nagsasabi na din na.. *Tell me what really happened or I'll kill you!* Nakakatakot minsan ang babaeng to.

Umorder na din ako ng drinks, pagkainom ko at kinuwento ko na sa kanya lahat lahat ng mga kasinungalingan ko at lahat ng mga nagawa ko kay Chloe na hindi ko alam na hindi tama noong mga panahong yun.

"What? Seriously? Naku! You're so dead, lalo na kapag nalaman yan ni Joshua. Tsk! Tsk! Tsk!" gulat na gulat niyang reaksyon na may halong pang-aasar pa. Napabuntong hingi na naman ako.

"Well, I guess that's the right thing to do." sabi ko na parang ayaw kong sabihin pero kailangan. Yun ang dapat, siguro yun nga ang tama, kailangan ko ng pakawalan si Chloe, pero parang hindi kp kayang makipagbreak sa kanya, parang wala akong karapatan. Habang naiisip ko ang mga yun, kain lang ng kain si Janine at nakuha pang umorder ulit. Hindi ba talaga nabubusog to?

"Thanks ha!" sabi ko sa kanya. "Ha? Para saan?" tanong niya sa akin na para bang wala siyang naitulong. "Sa pakikipag-usap sa akin, sa pagpapaintindi sa akin ng kailangang gawin.." sagot ko sa nagmamaang maangang tanong niya.

"Pagpapaintindi? Alam mo Sai, we both know that you knew everything long time ago. Dinedeny mo lang sa sarili mo dahil ayaw mong mawala sayo si Chloe, pero matagal mo nang alam." sabi niya sa akin, napaisip ako sa sinabi niya, may point siya, dahil after graduation kahit masaya kaming magkasama ni Chloe, palagi niyang hinahanap ang kanyang "Daddy", si Joshua. Bakit ko ba nga pinatagal pa ng ganito, tuloy pare-pareho kaming nahihirapan, siguro hindi lang masabi sa akin ni Chloe na mas mahal niya si Joshua dahil ayaw niyang masaktan ako, o hindi pa niya narerealize na mas mahal niya si Joshua.

"Anyways, thanks pa din!" pagpapasalamat ko muli sa kanya.

"Thanks to you, andami kong nakain." nakangiting sabi niya sa akin.

"Antakaw mo nga eh.." medyo pabiro kong sabi sa kanya.

"Hindi naman masyado, Starbucks eh, tsaka minsan ka lang manlibre, syempre lulubus lubusin ko na ang grasya." sabi niya habang inuubos ang natitirang drinks niya.

"I have to go, Janine. Salamat talaga!" pamamaalam ko sa kanya.

"Oh sige na nga, walang anuman, mapilit ka!" sabi niya sa akin, umalis na ako para magbayad habang siya naman ay nakaupo pa din dun, palabas na ako ng maisipan kong lumingon, nakita ko kausap niya ang waiter, naku! mukang oorder na naman, hindi talaga siya nabubusog.







- End of Chapter 26 -


* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Pambitin effects:


"Sabi mo walang iwanan pero bakit parang unti-unti mo na akong iniiwanan. Hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas at makalawa ng wala ka." -???


"Hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na. Hindi kita mamadaliin, hindi kita pipilitin. Wala akong ibang hihilingin basta hayaan mo lang akong manatili sa tabi mo." -???


"Siguro kung ganyan ka lang kabait nung una palang malamang nagustuhan kita." sabi ni ...???


"Hindi ko kailangang maging mabait para mahalin mo rin ako. Masyado ka lang talagang naging focus sa isang bagay kaya hindi mo nagawang mapansin ang mga bagay na nasa paligid mo." -???


"Aaaaaaaaaaahhhhhhh! Aaaaaaaah.. Araaaaaaaaaaaaaay! Aaaaaahhhhh.." angal ni Chloe hanggang sa nawalan siya ng malay.


"Parang pamilyar siya." -???
(merong magbabalik? sino ang magbabalik? makakabuti ba? o makakagulo?)...


waiting again for the next chapter'..
Reply #20
02-05-11 05:45 AM
  • Sadako Sa BaLowN Ng Mga Adik
  • Pinoyden Addict
  • *
  • Female Offline
 
Posts: 32190
Thank You: 1639
Reputation: 55
babyPowdeR has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
ang ganda more tiffany dito
Reply #21
02-05-11 06:04 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Grabe' ang ganda!.
ako hindi ko pa ito nababasa'

@baby pasensya na natagalan' wala pang next' atat ka'
Reply #22
02-05-11 06:21 AM
  • Sadako Sa BaLowN Ng Mga Adik
  • Pinoyden Addict
  • *
  • Female Offline
 
Posts: 32190
Thank You: 1639
Reputation: 55
babyPowdeR has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Nyahaha  nakapaglagay ako ng eyemo for red eyes wahaha namula mata ko kakatitig sa pagbasa sa pc nyahaha pang gabi kase ako kilig naman eh post mo agad ang karugtong pag mewon na pambalemtaymz to nahenlab ako sa wento
Reply #23
02-05-11 09:56 AM
  • Full Member
  • ***
  • Offline
 
Posts: 844
Thank You: 114
Reputation: 1
rare_armor has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
wala pa next? Kind of bitin!
Reply #24
02-05-11 11:31 AM
  • Sr. Member
  • ****
  • Female Offline
 
Posts: 6988
Thank You: 750
Reputation: 12
1behindbars has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
adik ang thread na to sobra.. Di ako nakauwi ng probinsya dahil sa pagbabasa.. Hahaha! Nabasa ko din kasi yung dati.. Parang pocket book lang..
Reply #25
02-05-11 07:10 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Wehehe' adik! Ka bebepow' pang balentwayms' ba'

@behind haha natawa naman ako' tamang tama nga ito sa mga naiistranded eh' sige post ko kagad pag may update na si author nito' hmm..
Reply #26
02-06-11 06:59 AM
  • Sadako Sa BaLowN Ng Mga Adik
  • Pinoyden Addict
  • *
  • Female Offline
 
Posts: 32190
Thank You: 1639
Reputation: 55
babyPowdeR has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
tiffany :wahaha: di ako adik si machetebot lang post mo agad
Reply #27
02-08-11 12:21 PM
  • PinoyDen Adik
  • ******
  • Male Offline
 
Posts: 22887
Thank You: 257
Reputation: 11
shankz_013 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
ay, binitan pa ni otor!
Post mo otor
Reply #28
02-08-11 08:18 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Offline
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Wala pa update yung author nito eh' post ko kaagad
Reply #29
02-08-11 08:50 PM
  • PinoyDen Adik
  • ******
  • Male Offline
 
Posts: 22887
Thank You: 257
Reputation: 11
shankz_013 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
sige tol
Pages: 1 [2] 3 4 5 ... 37   Go Up
 



All dates are GMT+8:00. The date now is 05-22-13 04:05 AM
WWW.PINOYDEN.COM.PH does not store any files on it's server, we are just indexing other sites contents!
WWW.PINOYDEN.COM.PH [Ang Tambayan ng pinoy!] © copyright 2008-2009 All Rights Reserved.
Contents published on www.PinoyDen.com.ph requires permission for reprint.

Page created in 0.818 seconds with 22 queries.