'MeDyas'' A Love Story'..BOOK II'' - PINOYDEN


Go Back   PINOYDEN > Tambayan Zone > Arts and Literature

Welcome to PinoyDen Forums.

You are currently browsing our forum as a guest, please consider registering to get full access to all of our forum features, download free games, get help for your pc and cellphone problems and learn new mobile tricks like how to browse the internet using your cellphone for free. All that and more, so what are you waiting for, JOIN us now!!!! Click here to register...
 Topic: 'MeDyas'' A Love Story'..BOOK II''  (Read 16060 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Pages: [1] 2 3 4 ... 37   Go Down
02-03-11 11:46 PM
  • Full Member
  • ***
  • Male Online
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
heto na po sa mga naghihintay' pasensya na' again credits to stoo_pid and ceezzanesz of tristan cafe


Chapter 1

The Beginning


Joshua

"Josh, padating na ang bride mo. Relax lang dude ha. Congrats." sabi sakin ni Cyrus, ang bestfriend ko nung highschool.

"Ang ganda niya Sai, ano? Matagal kong pinangarap yan." sagot ko naman sakanya.

Tinitigan namin pareho ang mapapangasawa kong naglalakad sa gitna ng altar na papalapit sa akin. Ang ganda niya. Buong buhay ko, siya lang ang nakita ng mga mata at puso ko. Sa wakas, matutupad na ang pinapangarap ko simula pa nung fourth year highschool.

At nakarating na ang bride ko sa aking harapan. Inalok ko ang aking kaliwang kamay upang alalayan siya papuntang altar.

"Ang gwapo mo ngaun daddy." nakangiting sinabi ni Chloe sakin na nakasuot ng napakagandang wedding dress.

Bago pa man niya maiabot ang kamay niya sa aking kamay...


















Eeeeeeeeeeeeenggggkkkkkshhhhh.

"Ano ba yan?!" sabi ng mga tao sa loob ng bus.

Bigla nalang akong nagising sa aking mahimbing na pagkakatulog nang mauntog ako dahil sa napakalakas na brake na pinakawalan ng drayber ng bus. Panaginip nanaman!? sabi ko sa sarili ko. Hanggang panaginip na nga lang hindi parin matuloy-tuloy.

Sumilip ako sa bintana upang tignan kung nasaan na ba ako.

"***! Lumagpas nanaman ako!" sabi ko nang makita kong lagpas na pala ako sa bababaan ko. Walang pinagbago. Lagi parin akong lumalagpas. Si Chloe kase eh!

Bumaba ako at dali-daling naglakad ng mahigit 30 metro ang layo mula sa binabaan ko hanggang sa university.

Dalawang taon na ang lumipas simula ng grumaduate ako sa highschool. Matapos ang graduation ay wala na akong nabalitaan kina Chloe at Cyrus basta ang alam ko lang masaya na sila. Lumipat kami ng bahay at nagpalit narin naman ako ng sim card kaya naman hindi na nila ako makokontak. Pero kahit ganun, hindi parin nawala sa isip ko si Chloe. Para bang isang multo na ayaw akong tantanan. Kahit anong gawin ko hindi ko siya makalimutan, ung picture niya sa kisame ng kwarto ko andun parin. Ung medyas niyang kerokerropi sinasabit ko yun tuwing christmas, nagbabakasakaling lumabas siya dun paggising ko. Para akong ewan na umaasa sa wala.

Marami narin naman akong naexperience nitong college pero mahirap parin talagang kalimutan ang mga nangyari nung fourth year highschool dahil yun ang pinakamasayang taon na naranasan ko, nang makilala ko ang babaeng hanggang ngayo'y nagpapatibok ng puso ko. Minsan nga naisip kong baka merong gayuma ung medyas ni Chloe kasi kahit hindi na kami nagkikita at nagkakausap ay mahal ko parin siya. Mabuhay ang mga tanga!

Sa wakas, sa hinaba-haba ng nilakad ko ay malapit na ako sa classroom.

"Hi Papa Josh!" bati sakin ni Mariel, ex ko nung 2nd sem nung 1st year college ako.

Nginitian ko lang siya dahil nagmamadali na ako.

Ilang sandali pa habang naglalakad ako, nakasalubong ko naman ang isa ko pang ex.

"Joshuaaa!" bati naman sakin ni Liz, ex ko naman nung 1st sem nung 1st year college ako.

Ngiti lang rin ang sinagot ko sakanya.

"Ang mga ex ko nagkalat parang mga virus." sabi ko sa sarili ko.

Naka-siyam akong girlfriends simula nung first year college. Walang seryoso dahil pare-pareho lang naman sila ng purpose. Ang idisplay ako sa mga kaibigan nila. Kumbaga trip-trip lang ang lahat, basta nalang may masabi silang boyfriend nila.

Nang makarating na ako ng classroom ay pumasok ako kaagad. Lagot nanaman ako kay Kalbo, ang professor namin sa napakaboring na subject, ang Kasaysayan.

"Mr. Garcia, late ka nanaman. Puro L nalang ang nakalagay sa record mo sakin." sabi ni Sir Argos.

"Sir, gwapo niyo ngayon ah." pambobola ko sakanya at dumiretso na ako sa upuan ko.

"Bakit late ka nanaman?" nag-aalalang tanong ng seatmate ko.

Nung unang taon ko sa college, aminado ko, ginagawa ko lang laro ang mga bagay-bagay lalong-lalo na ang relationship kaya nga sa napakaikling panahon nakasiyam agad ako. Hanggang sa merong isang tao na nagparealize sakin na mali pala ang ginagawa ko. Ewan ko ba kung bakit pero simula nang mapansin ko siya si Chloe ang nakikita ko sakanya, hindi rin naman nagtagal ay naging mag-bestfriend kami. Binigyan niya ako ng halaga, atensyon, at pagmamahal na humantong sa puntong hindi ko na kayang tumbasan.

"Uy best, tinatanong kita bakit late ka nanaman?" muling niyang tanong.

"Lumagpas nanaman ako best eh." sagot ko sakanya habang nakangiting napapakamot ng ulo.

Siya nga pala si Ana, ang bestfriend ko.



Paano nga ba kami nagkakilala?




Ms. Yu meets Mr. Bernal

Nagring na ang bell at pumasok na nga ang teacher namin, mukha siyang masungit.

"Good morning class. I'm Miss Rodriguez, your adviser for this school year." bungad na pananalita ng aming teacher.

Hindi naman pala siya masungit akala ko lang un dahil sa ambience ng kanyang ichura ang totoo ay masayahin siyang tao. At nagsimula na nga ang tinatawag na "Introduce Yourself" portion namin. Pagkakataon ko na toh para makilala kung sino si first crush ko, siyempre eh di todo pagaabang ako sa pagsasalita niya. Ay teka, teka... siya na magsasalita. "Good Morning everyone. Sa mga hindi pa nakakakilala sakin...*sabay tingin at ngiti kay Chloe na kasalukuyan namang todo titig sakanya, kaya naman ng makita ni Chloe na tinignan siya ng kanyang first crush ay agad nitong ibinaling ang tingin sa kanyang desk kung saan siya'y nagkunyaring may tinitignan doon*...Ako nga pala si Cyrus Nathan Bernal, wag kayong mahiyang lapitan ako pag may kailangan kayo. " Ano ba naman yan, bitin. Akala ko pa naman babanggitin niya kung saan siya nakatira.

Hindi rin maipagkakailang madaming humahanga sa Cyrus ko dahil habang nagsasalita siya ay nakikinig ang halos lahat ng mga kaklase kong babae. Teka, sino tong susunod na magsasalita? Matakpan nga ang tenga ko. "Hello classmates! Alam ko miss niyo ko. Kilala niyo na ako eh? Magpapakilala pa ba ako? Ay, sige na nga para dun sa babaeng nakaheadband na butterfly na nagtakip ng tenga, kunyari pa siya eh noh? ... *sabay kantyaw ng buong klase sa kanilang dalawa* ... Ako nga pala si Joshua Marion Garcia mas kilala bilang campus crush " Hay nako! Ang hangin talaga nitong lalaking toh, lagi nalang pa-cute! Pero infairness, hindi ko siya masisising bansagan ang sarili niyang campus crush. Pero duh?! Sobrang yabang! Mas gwapo parin para sakin si Cyrus ko at ang bait pa, sobra. Marami rami naring classmate ko ang nagpakilala at... hala! ako na pala. "Good morning sa lahat. Ako nga pala si Chloe Yu. I'm from makati pero nilipat ako dito sa Cavite coz my mom needs to work abroad. Nice meeting you all."

"Uy Joshua! Baka matunaw!" biglang kantyaw ng isa naming kaklase at sumabay na ang lahat sa pangangantyaw sa amin, eto namang si Joshua ngiti lang ng ngiti. Excuse me, kahit anong pangangantyaw gawin niyo kay Cyrus talaga ako.

Nang matapos ang "Introduce Yourself" portion namin, naglaro kami ng isang game kung saan kailangan hubarin ng mga babae ang kanilang mga sapatos at isang medyas habang nakablindfold ang mga lalaki at pagkatapos hubarin ay sila naman ang ibblindfold at ang mga lalaki'y pipili ng sapatos at hahanapin ang may-ari nito at isusuot sakanya. Makikita nila ang may-ari sa pamamagitan ng kapares na medyas. Sana si Cyrus ang makakuha ng sapatos ko. Ayan na, nakalagay na ang sapatos ko. At tinanggal ko na nga ang aking blindfold. Laking gulat ko ng makitang si Cyrus nga ang nakakuha ng sapatos ko! Hindi ko alam ang gagawin, parang tumigil ang oras ng makita ko siyang nakangiti sa harap ko. Teka, asan ang isang medyas ko? Kaya agad ko siyang tinanong... "Ahmm, Cyrus... Asan ang isang medyas ko?"

"Wala akong medyas na nakita sa sapatos mo, ikaw nalang kasi ang walang suot na sapatos kaya inisip kong sayo ang sapatos na hawak ko. " sagot sakin ni Cyrus. Dahil sa sinabi niyang hindi niya alam kung nasaan, hindi ko na inalala pa ang medyas ko at umuwi akong isang medyas lang ang suot. Asan nga kaya ang medyas ko? Bahala na nga.

Lumipas ang mga araw hindi ko parin nakikita ang medyas ko, at heto nanaman panibagong gamit ko nanaman ang nawawals, ang bag ko. Ano ba naman yan, lagi nalang akong nawawalan ng gamit. Wala na ngang laman pinagkainteresan pa ang bag ko. Nako ano ba yan!

"Chloe..."
"Please, wag ka munang magulo. Hinahanap ko pa ang bag ko eh." sagot ko sa tumawag sa akin.
"Ah kase..."
"Sabi nang..." sagot ko sakanya, laking gulat ko ng pagharap ko si Cyrus ang aking nakita at hawak-hawak niya ang bag ko.
"Oh bat nasayo yan?" ang nagtatakang tanong ko.
"Kukunin ko kasi ung walis dun sa likod ng pinto tapos nakita ko ung bag mo. Bakit dun mo naman nilalagay ung bag mo?" sagot ni Cyrus sa akin. Ano ba naman tong lalaking toh, ginagawa akong ewan. Bakit ko naman dun ilalagay ung gamit ko diba.
"Ay, hindi ko yan dun nilagay. May nagtago, may nantitrip ata sakin dito."sagot ko sakanya.
"Hayaan mo, malalaman din natin kung sino ang nagtago ng bag mo. Akong bahala. Nadumihan tuloy bag mo oh." *sabay pagpag ni Cyrus sa bag ni Chloe*
Hindi na ako nakapagsalita dahil sobrang kinikilig ako sa lalaking ito. Magulo, sobrang lakas ang kabog ng dibdib ko.
"Oh eto na bag mo oh, mag-ingat ka na sa susunod ha madaming loko loko dito." sabay abot sakin ni Cyrus ng bag ko.
"Salamat. Ingat ka din ha." ayan na lamang ang tanging naisagot ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hanggang sa makauwi ay hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Sobrang bait niya, minsan nalang makakita ng lalaking gwapo na mabait pa. Sana maging close kami.

Kinabukasan, nalaman kong si Joshua pala ang nagtago ng bag ko at ayun nga, kinotongan nanaman siya ni Cyrus. Matapos ang insidenteng yun, naging malapit nga kami ni Cyrus at lalo rin naman akong hindi tinantanan ng pagtatago ng aking bag at pang-aasar ni Joshua. Bakit ba kasi hindi mapaghiwalay itong magbest friend na ito? Hindi ko tuloy masolo si Cyrus.

Kalagitnaan ng First Quarter ng may bumisitang dalaga sa aming klase. Mukha siyang dating estudyante ng eskwelahan namin dahil agad agad siyang sinalubong ng aking mga kaklase at halos lahat sila binabanggit ang pangalan ni Cyrus sa tuwing siya ay babatiin. Sino kaya siya? Sino siya sa buhay ni Cyrus?

Chapter 2 ended


Chapter 3 Peer Pressure

Tulad ng inaasahan ko, mabilis lumipas ang oras at ngayon may pasok nanaman. Umpisa na ng college life ko. Umpisa na ng buhay na wala akong Chloe na iniinis. Hanggang kailan kaya mananatili si Kuloy sa isip ko?

Mga kinse minutos bago mag-time ay nasa university na ako. Mabuti na lang at nakinig ako dun sa tour guide namin kaya alam ko na kung saan ako pupunta, kung hindi baka naligaw na ako. Ang hindi ko nalang alam ay kung saang room ako pupunta. Habang naglalakad ay kinuha ko ang registration form ko sa pouch bag para tignan kung saang room ang una kong klase. Hindi ko namalayan na may kasalubong akong tao kaya nagkabanggaan kami.

"Sorry hindi ko sinaaaa--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko na si Miss puwing pala ang nabangga ko. Patay siya nanaman, sa isip-isip ko.

Mga ilang segundo bago siya magreact. Nginitian niya ako ng bahagya na para bang nagsasabing Ok lang at matapos nun ay pumasok siya sa room na malapit doon. Hindi ko inaasahan ang reaksyon niyang yun ah. Akala ko susungitan nanaman niya ko.

Bago ako mag-umpisang maglakad uli ay may napansin akong isang kerokeroppi na keychain sa sahig. Baka kay Miss puwing ito? Ibabalik ko sana ang keychain kaya lang pagtingin ko sa relo ay limang minuto nalang ang natitira sakin at mag-ta-time na. Kaya napagpasiyahan kong ilagay nalang muna ito sa bag ko.

Kerokeroppi, naalala ko nanaman si Chloe. Hay. Napailing nalang ako at napangiti.

Nagsimula akong maglakad uli. Matapos kong makuha ang registration form ko tinignan ko agad kung saan ang room ko. Lumagpas na pala ako ng dalawang room kaya bumalik ako at pumasok sa room na nakalagay sa registration form ko. Direcho upo na ako sa upuang malapit sa pinto dahil andun na ang professor namin.

Seryoso akong nakikinig sa pagdidiscuss ng professor ko ng syllabus. Matapos niya ito idiscuss ay pinatayo niya kami dahil aayusin na daw ang aming sitting arrangement. Ang korny, college na may sitting arrangement pa, sabi ko sa isip ko.

"Gamboa. Dun ka." sabi ng professor namin sabay turo sa isang upuan.

Habang hinihintay kong matawag ang pangalan ko, natulala ako nang makita ko ang huling tinawag. Tae! Si Miss puwing nanaman!

"Garcia. Sit next to her." pagtawag sakin ng professor.

Lalo akong nanlumo ng malaman kong siya ang makakatabi ko. Ayoko sa mataray, ayoko sa masungit, patay na! Hindi ko alam kung ano bang meron ang babaeng toh at sa tuwing nakikita ko siya pakiramdam ko katapusan na ng mundo! Pero sabagay, hindi naman niya ako sinungitan kanina nang mabangga ko siya kaya hindi narin siguro masamang makipagkaibigan sakanya.

Palihim ko siyang tinignan para makita kung mukha bang badtrip o hindi. Wow nakangiti siya sa akin, bati na siguro kami? Gumaan na ang loob ko at nginitian ko rin siya.

"Timothy! Sayang hindi tayo tabi." sabi ni Miss puwing.

Nawala ang ngiti ko at napatingin sa likod ko.

"Oo nga eh! Hindi bale magkalapit naman." sabi ng lalaki habang papaupo sa upuan niya.

Napahiya ako, akala ko ako ang nginitian niya. Dahil sa nangyaring yun, napatungo nalang ako at kunyari may hinahanap sa pouch ko. Nakita ko ang kerokeroppi na nalaglag kanina kaya naman nagpasya akong isauli na iyon.

"Uhm, Miss puwing." pagtawag ko sakanya.

"Ana.. Ana Gamboa." sagot niya habang iniabot ang kamay niya at nakangiti.

"Joshua Garcia." sagot ko naman at nakipagkamay.

"Siya naman si Timothy." pagpapakilala niya sa lalaking nginingitian niya kanina.

"Hi Timothy. I'm Joshua." sabi ko at iniabot ang kamay ko.

"Nice to meet you tol." pakikipagkamay ni Timothy na pansin ko ang sobrang pagkangiti.

"Hala Timmy, nawawala ung keychain na binigay mo!" sabi ni Ana habang hinahalungkat ang bag niya.

Kinuha ko ang kerokeroppi na keychain sa bag ko at ipinakita kay Ana.

"Ito ba ung hinahanap mo? Nakita ko kasi kanina pagkatapos kita mabangga." tanong ko sakanya.

"Ayan nga! Thanks ha. Thank you thank you talaga." sagot ni Ana.

"Sir malabo po mata ko!" pang-aagaw eksenang sigaw naman ng isa naming classmate.

"Ganun ba? Sige makipagpalitan ka nalang kay... Uhm, kay Mr. Garcia." sabi ng professor.

"Sir bakit sakanya?" pagtatanong ni Timothy.

"Yaan na, nice to meet you both." bulong ko kina Ana at Timothy habang papatayo sa upuan ko.

Pagkaupo ko naman sa nilipatan kong upuan ay agad naman akong kinausap ng katabi ko.

"Hi, I'm Liz." pakikipagkilala niya.

"I'm Joshua." sabi ko sabay ngiti.

"Lumandi ka nanaman sis. Haha!" sabi ng babae kay Liz na nakaupo sa tapat niya.

"Nakipagkilala lang kaya." nangingiting sagot ni Liz kay babae.

"Joshua sama ka naman samin after this class oh? Dadalhin ka namin sa heaven ng tropa ko. Hahaha." sabi ni Liz sa akin na may kasama pang kakaibang ngiti.

Sinagot ko naman ng isang nakakalokong ngiti si Liz.

Natapos na nga ang first class namin at inaya na ako ni Liz na sumama sakanila. Pagkatayo ko ng upuan, sa hindi malamang kadahilanan ay napatingin ako kay Miss puwing at nakatingin rin siya sakin na para bang may gustong sabihin. Hinawakan naman ni Liz ang kamay ko.

"Tara Joshua. Mag-eenjoy ka promise!" sabi niya habang hinihila ako palabas ng room.

"Makakatanggi pa ba ako sa grasya? Este makakatanggi pa ba ko? Eh hila-hila mo na ako." pagbibiro kong sagot sakanya.

Kasama ko ang tropa ni Liz na sina Mariel, Dina, at Luis na isang brokeback. Kasama rin namin ang boyfriend ni Dina at ang barkada nito. Sa mga oras na iyon, ang gaan ng pakiramdam ko, hindi ko na naiisip si Chloe. Sana ito na ang paraan para makalimutan siya nang mabigyan ko naman ng oras ang sarili kong ienjoy ang buhay.

"Papa Josh, ok lang ba sayo magcutting?" tanong sakin ni Liz.

Nagulat naman ako sa tanong na yun dahil sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakapagcutting. Ewan ko pero nakaramdam ako ng excitement at challenge ng mga oras na iyon.

"Ok na ok! First day palang naman eh." sagot ko kay Liz.

"Paano guys? Go daw sabi ni Papa Joshua ko!" sabi ni Liz at nagkantyawan ang grupo.

Sumakay kami sa kotse ng boyfriend ni Dina at wala akong kaideideya kung saan kami pupunta. Masaya ang road trip namin, ang iingay nila at ang kukulit. Pakiramdam ko hindi ako left-out sa grupong ito. Ilang minuto lang ay nakarating narin kami sa pinuntahan namin.

"Andito na tayo sa Heaven Eleven Bar. I uber miss this place." sabi ni Luis pagkababa ng kotse.

"Ang landi mong bakla ka. Kagabi lang nandito tayo noh!" pabirong sabi ni Mariel sakanya.

Sa bar pala kami pupunta, since highschool never pa akong uminom. Napakaconservative kasi ng environment ko kaya hindi ako exposed sa mga ganyang klaseng activities. Pumasok kami sa loob. umupo sa table at nag-order na sila.

"Ilang bote ba ang kaya mong patumbahin Papa Josh?" tanong ni Liz sakin.

"Magbobowling ba tayo?" pabiro kong tanong kay Liz.

"Hahaha. Loko ka ah. Ilang bote ng beer kako ang kaya mong inumin?" sagot niya.

"Hindi ako nainom Liz eh." nahihiyang sagot ko sakanya.

"Good boy naman pala yang si papa Josh mo Liz." sabat ni Luis.

"Really? Hindi ka nainom? Try mo uminom gagaan ang pakiramdam mo. Inumin mo toh." sabi ni Liz habang iniaabot ang isang shot glass na may lamang alak.

Kinuha ko naman ang shot glass at bago ko pa man ito inumin ay nag-isip muna ako kung tama ba itong gagawin ko. Siguro naman walang masama dahil isang beses lang naman toh. Huminga ako ng malalim at ininom ko ng straight ang alak na nasa shot glass. Matapos nito ay iniabot ni Liz sakin ang isang baso habang nagkakantyawan ang mga kasama namin.

"Josh, ito chaser." sabi ni Liz.

Kinuha ko naman ang basong iyon at ininom ko. Red horse ang laman ng basong iyon.

Parang wala lang pala ang pag-inom ng alak. Pakiramdam ko umiinom lang ako ng tubig. Ewan ko pero parang naadik agad ako.

"Oh kamusta naman ang experience mo sa pag-inom? Ayos diba?" tanong ni Liz.

"Parang tubig lang ah. Wala bang harder diyan?" pagbibiro ko.

"A...a...a... Hinay hinay lang baka magsuka suka ka naman diyan mamaya! Hahaha." sabi ng isang barkada ng boyfriend ni Dina, si Ed.

"Pagnalasing si Papa Josh, ako ang mag-uuwi sakanya ha!" sabi ni Luis.

"Ang bakla bakla mo talaga! Baka gahasain mo lang si Joshua noh! Hahaha." sabi naman ni Dina.

"Bruha nga yang Luis na yan, ako kaya ang nagdala kay Josh dito kaya ako rin ang mag-uuwi in case!" sabi ni Liz.

"Hahaha. Mga loko kayo ah. Makakauwi naman ako mag-isa." pagsabat ko sa usapan nila.

"Goodluck sayo." sabi ni Liz na nangingiti pa.

Tuloy-tuloy ang inuman namin with matching videoke pa. Kanta dito, kanta doon. Mabilis lumipas ang oras at nakakaanim na bote kami ng Emperador at isang case ng red horse. Aminado akong medyo hilo-hilo na ako ng oras na iyon. Pakiramdam ko hindi na ako makakatayo ng maayos. Hilong-hilo na talaga ako. Hindi ko na kaya........

Nagising nalang ako na hindi ko alam kung nasaan ako. Ang sakit ng ulo ko at wala na akong maalala kung ano ang nangyari kagabi. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang pag-uusap nila Liz, Luis at Dina. Hindi kaya na kina Luis ako?!

Nagulat ako ng makita kong may katabi pala ako sa kama, nakatakip siya ng kumot at dahan-dahan ko itong inalis.


Chapter 4 'together again''..


Together Again?

Laking gulat ko ng makita ko si Liz na mahimbing na natutulog. At siyempre medyo naging masaya narin dahil hindi si Luis ang nag-uwi sa akin. Pero... May pasok pa kami! Anong oras na ba? Anong oras ba klase namin ngayong araw na toh? Agad akong bumangon at hinanap ang pouch bag ko at tinignan agad ang schedule namin. Nawala ang kaba ko ng makita kong 1 pa pala ang klase namin at 6 palang ng umaga.

"Gising ka na pala Josh. Lasing na lasing ka kagabi ah." pagbibiro ni Liz.

Nagising ko ata siya dahil sa pagpapanic na ginawa ko. Hindi ko alam pero pumasok nalang sa utak ko ang isang bagay,

"Liz, may nangyari ba?" pagtatanong ko sakanya ng direcho.

"Ha? Sira! Lasinggera ko pero hindi ako pokpok noh! Hahaha." natatawa niyang sagot.

"Loko lang. Hindi ka na mabiro. Nga pala, nasaan tayo?" muling tanong ko.

"Andito ka sa bahay namin at paniguradong andun na sa labas ng pinto ng kwarto ang tatay ko at dala-dala na ang shotgun niya." sagot niya sakin.

"Ano?! Wala namang ganyanan Liz." natatakot kong sinabi sakanya. Takte, disgrasya agad toh kung nagkataon!

"Hahaha. Nakakatawa naman reaksyon mo. Ako lang mag-isa dito sa bahay noh. Dadalhin ba kita dito kung andito parents ko?! Hello?!" panloloko ni Liz sakin.

"Buti naman." sagot ko at nakahinga na ako ng maluwag.

"Anong breakfast gusto mo? Ipagluluto nalang kita." pag-aalok niya habang nabangon sa kama.

"Wag na. Sa bahay na ako mag-aalmusal. Uuwi na ako baka nag-aalala na nanay ko sakin eh. At tsaka ang baho baho ko na oh." sagot ko habang papuntang cr.

"Ay ganun. Sige, hatid nalang kita sa sakayan. Teka antayin mo ko mag-ayos lang rin ako saglit." sabi niya.

"Ok na Liz. Wag na. Kahiya eh." sagot ko naman.

"Oh sige, ikaw bahala. Basta pagnaligaw ka wag mo akong sisisihin ah." sabi niya uli.

"Ay, oo nga noh? Hindi ko pala alam tong lugar. Hahaha. Sige na nga samahan mo na ako. Thank you ah." sagot ko uli sakanya.

Sinamahan nga ako ni Liz sa sakayan at habang nasa byahe ay natulog muna ako. Isang oras din akong nagbyahe at sa wakas ay nakarating na ako sa bahay. Naabutan ko namang nagwawalis sa labas ang nanay ko.

"Ang aga naman ng uwian niyo anak." pambungad na bati sakin ng nanay ko na halata ang pagtatampo.

Niyakap ko siya bilang paglalambing.

"Aba't amoy alak ka Joshua. Kailan ka pa natuto uminom?" medyo wala sa mood niyang sinabi.

"Ngayon lang toh ma. Nagbonding lang kami kahapon ng mga bagong classmate ko." pagpapalusot ko habang naglalambing parin sa nanay ko.

"Oh xa, xa. May magagawa pa ba ko? Pumasok ka na dun sa loob at mag-almusal." sagot niya sakin.

"Bait talaga ng nanay ko." pambobola ko na may kasama pang kiss sa pisngi.

Kumain ako, umidlip ng kaunti, at pumasok na uli sa school. Sa pagkakataong ito, katabi ko na talaga sina Miss puwing at Timothy.

"Uy Joshua, bakit absent ka sa klase natin ng hapon?" pagtatanong ni Ana.

"Inaya kasi ako nina Liz ng inuman eh. Ano ginawa niyo?" tanong ko naman sakanya.

"Ah ganun ba, wala nagdiscuss lang ng syllabus." sagot niya sakin.

"Ang boring naman pala nun, buti nalang umabsent ako." sabi ko sakanya.

"Joshua, sino kasabay mo maglunch mamaya?" tanong ni Timothy sakin.

"Samin ka sasabay mamaya diba Joshua?" pagsabat naman ni Liz.

At ganun nga ang nangyari. Sina Liz nanaman ang kasama ko at nagcutting nanaman kami. Ganito ang naging takbo ng first sem sa buhay first year college ko. Hindi lilipas ang isang linggo na wala akong klaseng hindi inatendan. Kung hindi naman absent pumapasok naman sa klase ng nakainom. Ayos diba? Pero may advantage din naman pala ang mga pinaggagagawa ko dahil hindi ko namamalayang lumilipas ang isang araw na hindi pumapasok sa isip ko si Chloe. Basta ang alam ko nalang ngayon ay masaya ako at nag-eenjoy ako sa ganitong klaseng lifestyle kahit magkandalecheleche na ang pag-aaral ko.

Hindi rin naman nagtagal, naging kami ni Liz pero alam naming pareho na laro-laro lang yun kaya wala ring pinatunguhan. Bukod sakanya ay naging girlfriend ko din ang iba pa niyang kabarkada. Ang dating makulit na Joshua ay unti-unting naging pasaway, basagulero, sira-ulong Joshua na.

Semestral break na at kuhanan na ng grades ngayon. Pumunta akong school at kinuha ang grades ko, ano pa bang aasahan ko sa grades ko? Kundi mga pasang-awa. Matapos kong makuha ang grades ay inuman nanaman kami ng tropa, what's new? Sa kalagitnaan ng pag-iinuman namin ay may nagtext.

joshua! nkuha m n grades m?

Sender:
Ana(puwing)

Si Ana nanaman pala. Madalas niya akong tinetext kesyo bakit hindi ako pumasok, nasan na ako, nainom nanaman ba ako, basta andami niyang tanong daig pa ang nanay ko. Minsan nga hindi ko nalang nirereplyan. Medyo may tama na ako ng oras na yun, kaya hindi ko na alam masyado ang mga pinaggagagawa ko. Nireplyan ko si Ana.

alam mo ang kulit kulit mo..
tnong k ng tnong! gf b kta?
o bka nmn gsto m ring mging gf ko?

Oo, alam kong ayan ang nireply ko pero hindi ko alam na magagawa kong makapagreply ng ganyan. Ilang minuto lang ay nagreply na si Ana.

ang sama ng ugali m!
ngaalala n nga sau ung tao
tpos ayn p ssbihin m!
cge magpariwara k! bhla k s buhay m!

Sender:
Ana(puwing)

Nagreply parin ako sa text niya.

tlgang bhla ako!

Matapos nun ay hindi na nagreply si Ana at ako naman ay patuloy na naghahappy-happy kasama ng tropa.

Umuwi nanaman akong medyo may tama. Marahil napapansin na ng magulang ko ang malaking pinagbago ko kaya naman ng gabing iyon nagulat ako ng kausapin ako ng nanay ko.

"Nak, binigay na ba ang grades niyo?" tanong sakin ng nanay ko.

"Hindi pa nay eh" pagsisinungaling ko sakanya. Naramdaman ko ng oras na iyon ang kaba.

"Malapit na ulit ang enrollment ah, bakit hindi pa binibigay ang grades niyo nak?" medyo may pagdududang tanong niya.

"Eh sa wala pa nga eh! Ano bang magagawa ko?! Eh di kayo ang pumunta sa school ng malaman niyo!" pasigaw kong sagot sa nanay ko sabay akyat sa kwarto.

Sa kauna-unahang pagkakataon nasigawan ko ang magulang ko. Dala ba ito ng pagkalasing? Ewan ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay direcho higa na ako sa kama at natulog ni hindi ko man lang naisip kung ano ang naramdaman ng nanay ko pagkatapos nun.

Pagkagising ko parang kakaiba ang naramdaman ko. Weird. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Papa na papasok ng pinto at si Mama naman na paakyat sa hagdan.

"Umalis kayo Pa?" pagtatanong ko sa tatay ko.

"Pumunta kaming ospital ni mama, nahirapan daw siyang huminga kanina eh." sagot niya.

"Ma, ok ka na?" tanong ko kay mama.

Ngunit hindi sumagot si mama at direcho pasok ng kanyang kwarto. Bigla ko nalang naalala ang nangyari kagabi, may naramdaman akong kurot sa dibdib na isang senyales ng pagkaguilty. Lumipas pa ang ilang araw na hindi ako pinapansin ni nanay, ramdam na ramdam ko ang pagkasama ng loob niya. Akala ko dahil dito ay manunumbalik na ang dating Joshua ngunit hindi na ata mangyayari un.

Mabilis lumipas ang sembreak at ngayon ay second sem na, patuloy parin ako sa pag-inom at pagsira ng buhay ko. Hindi narin naman ako kinakausap ni Ana simula ng mag2nd sem, sinubukan kong humingi ng tawad sakanya ngunit ganun ba talaga kasama ang ginawa ko para hindi niya ako pansinin? Bakit nga ba ako apektado kay Ana? Hindi naman ako interesado sakanya.

Nagcelebrate ako ng christmas at new year siyempre kasama ng tropa. Habang buhay na nga lang bang magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Hindi bale na atleast nakakalimutan ko ang mga bagay na dapat kong makalimutan.

Sa pagpasok ng bagong taon lalong naging malala ang bisyo ko. Ako na mismo ang nag-aaya sa tropa na huwag pumasok. Hindi narin siguro nakapagtatakang nakakuha ako ng failing grade sa dalawang subject.

Tulad ng kinasanayan, isang gabi ay pumunta kami sa isang bar na nadiskubre ng isa kong kabarkada. Inom dito, inom doon. Yosi dito, yosi doon. Ngunit may hindi ako inaasahang mangyari ng gabing iyon. Nang marinig ko ang pangalan ng taong naging dahilan kung bakit ako nagkaganito...








"Chloe!" malakas na sigaw ng isang babae sa bar.



..Chapter 5   ''I love you... Chloe..

I love you... Chloe


"Chloe!" malakas na sigaw ng isang babae sa bar.

Nang marinig ko ang pangalang iyon ay naghalong kaba at saya ang aking naramdam. Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan at hinanap kung saan nanggaling ang sigaw ngunit masyadong maraming tao kaya naman hindi ko nahanap. Napagpasyahan kong libutin nalang ang buong bar at hanapin si Chloe. Sa aking paghahanap sakanya ay biglang nagring ang cellphone ko.

Pa
Calling...

Patay natawag si erpats. Nireject ko ang tawag ng tatay ko dahil lowbat narin ang cellphone ko. Ilang sandali pa ay tumawag uli ang tatay ko at sinagot ko na ito.

"Yes pa, napatawag ka?" ang sagot ko.

Dahil sa ingay sa bar at hina ng signal ay hindi ko maintindihan ang sinasabi ng tatay ko kaya naglakad ako papalabas ng bar ngunit bago pa man ako makalabas ay namatay na ang cellphone ko. Ipinagpatuloy ko nalang ang paghahanap kay Chloe. Nakailang ikot rin siguro ako sa bar ngunit wala akong nakita ni-anino ni Chloe. Sa pagkadismaya ko ay nagpaalam na ako sa tropa at nagpasyang umalis.

Sumakay ako ng jeep ng wala akong eksaktong pupuntahan, hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon. Nasisiraan na ata ako ng ulo. Dinala ako ng aking mga paa sa isang convenience store at doon ko ipinagpatuloy ang pagpapakalasing ko. Uminom lang ako mag-isa na parang tanga habang iniisip si Chloe, kung ano ang nararamdaman ko para sakanya. Mahilo-hilo na ako at may tama na nang may isang babae ang kumausap sakin.

"Joshua, ikaw ba yan?" tanong sakin ng babae.

Tinignan ko siya at tila nabuhayan ako ng loob dahil sa gulat. Tumayo ako at niyakap ko siya.

"Ikaw ba yan? Sa wakas nagkita tayo ulit!" ang sabi ko sakanya.

"Ha? Akala mo ba bati na tayo?" sagot niya at inalis ang pagkakayakap.

"Ay, pasensya ka na kung niyakap kita. Nag-away ba tayo? Hindi naman diba?" masaya kong tanong sakanya.

"Aba kapal. Matapos mo kong away-awayin diyan." sabi niya sakin.

"Ito naman, matagal na yun ah. Hindi mo parin pala yun makalimutan. Tara lakad lakad tayo sa labas." pag-aaya ko.

Sinamahan niya ako at naglakad-lakad kaming dalawa kahit medyo hilo ako. Hindi talaga ako makapaniwalang kasama ko na siya ulit.

"Lasing ka ba?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Hindi ah." pagsisinungaling ko naman sakanya.

Tumigil kami at umupo sa isang bench. Ilang minuto lang ay inihiga ko ang aking ulo sakanyang hita. Tinignan ko lang siya at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Mga ilang minuto lang siguro akong nakatulog sa kandungan niya at nagising narin ako. Inayos ko ang upo ko at kinausap ko siya.

"Alam mo ba sinubukan kong kalimutan ka. Lahat ginawa ko para lang mangyari yun pero isang rinig ko lang sa pangalan mo naging back to zero ang pagmomove-on ko. First day palang nun ng makilala kita pero ibang saya na ang dinala mo sa buhay ko at habang tumatagal ay lalo mo kong pinapasaya lalo na kapag napipikon ka sa mga biro ko pero ang malas lang dahil hindi ako ang gusto mo. Ilang beses kong sinubukang sabihin sayo kung ano talaga ang nararamdaman ko baka kahit papaano matutunan mo akong mahalin pero parang may tumututol para mangyari yun--" hindi ko napapansing tumutulo pala ang aking mga luha habang sinasabi ko ito.

"Joshua..." putol niya.

"Ngayon na siguro ang pagkakataon para malaman mo ang tunay na nararamdaman ko para sayo." sabi ko habang unti-unting nilalapit ang mukha ko sakanya.

"I love you...







Chloe" dugtong ko. Nang napansin kong magkalapit na ang aming mukha ay hindi ako nag-alinlangan at ipinikit ko ang aking mga mata at hinalikan ko ang kanyang mga labi.
Reply #1
02-04-11 12:58 AM
  • Hero Member
  • *****
  • Male Offline
 
Posts: 12732
Thank You: 200
Reputation: 8
Nataraki has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Bitin hehe
Reply #2
02-04-11 01:10 AM
  • Sr. Member
  • ****
  • Female Offline
 
Posts: 8396
Thank You: 516
Reputation: 18
sehren has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Ipopost pala ni author ang book 2. kakatapos ko lang basahin from chapter 1 to 26.2. more than 5hours din bago ko matapos
Reply #3
02-04-11 02:55 AM
  • Sadako Sa BaLowN Ng Mga Adik
  • Pinoyden Addict
  • *
  • Female Offline
 
Posts: 32186
Thank You: 1639
Reputation: 55
babyPowdeR has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
  more more bitin tiffany more
Reply #4
02-04-11 06:23 AM
  • Hero Member
  • *****
  • Female Offline
 
Posts: 13964
Thank You: 395
Reputation: 37
rizafel9999 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
ayon may update na si madam tifa

Nag update talga ng bonggang bongga! 5 chapter in 1 post

Magpapa eb daw si ceeza ah
Reply #5
02-04-11 06:57 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Online
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
haha ang bibilis naman mag reply ng mga ito oh' pasensya na ha' naging busy kasi ang lolo nyo eh' matagal tagal din akong nawalan ng silpon' hehe oh ayan' sige update ko na lang ulit' ang hirap mag copy paste pag mobile'
Reply #6
02-04-11 07:09 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Online
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Chapter 6
Reality
Nakaramdam ako ng kakaibang
kaba ng magkalapat ang aming
labi. Hindi pa lumagpas ng tatlong
segundo ay itinulak na ako ni
Chloe papalayo at ang mukha ko
ay nakatanggap ng isang malakas
na sampal. Sa sakit ng sampal na
yun ay napapikit nalang ako.
"Bastos ka Joshua!" narinig kong
sinabi niya matapos niya akong
sampalin.
Naramdaman kong tumayo siya sa
bench na kinauupuan namin kaya
naman iminulat ko ang aking mga
mata at nakita ko siyang
nakatalikod at mukhang
nagbabalak ng umalis.
"Chloe..." muli kong pagtawag sa
pangalan niya.
"Joshua, hindi Chloe ang pangalan
ko kundi Ana! Alam kong lasing ka
pero kailangan mo ba talagang
gawin yun? Your insane Joshua!
At sa tingin ko if ever magkita
kayo ng Chloe mo she'll never like
you! Nakita mo ba sarili mo
ngayon? Subukan mong tumingin
sa salamin at malalaman mo kung
ano sinasabi ko!" sabi niya
habang humarap sakin at nang
matapos ay naglakad na
papalayo.
Nanlaki ang mga mata ko nang si
Ana na ang nakita ko at hindi na si
Chloe. Masakit ang sinabi niya
sakin pero totoo. Aminado ako.
Lubos akong nalungkot ng gabing
yun. Umuwi akong dinidibdib ang
sinabi ni Ana. Paulit-ulit itong
pumapasok sa isip ko.
Pagkauwi ko sa bahay ay wala
akong taong nadatnan, buti nalang
at dala ko ang spare key. Nasaan
kaya si Mama at Papa ng ganitong
oras, alas-onse na ah? Naalala ko
naman na tinatawagan nga pala
ako ni Papa kanina baka sasabihin
kung saan sila pupunta kaya
naman chinarge ko ang cellphone
ko. Iniwan ko saglit ang cellphone
ko para maghilamos.
Tulad ng sinabi ni Ana, tinignan ko
nga ang sarili ko sa salamin.
Gwapo parin naman ah? Mukhang
astig nga eh may konting balbas
na. At kahit ano namang ichura ko,
Chloe will never like nor love me.
Matapos kong maghilamos ay
dumirecho ako sa kwarto at
tinignan ang cellphone ko.
3 messages
received
WALA KA NA TALAGA
SIGURONG PAKIALAM
SA AMIN? WAG NA WAG KA NG
MAGPAPAKITA DITO! HINDI
KA NA NAMIN KAILANGAN NG
MAMA MO HINDI NAMIN
KAILANGAN
NG ANAK NA KATULAD MO!
Sender:
Papa
Ha? Anung pinagsasabi ni Papa?
Labo.
Bakit mo pinatay ang cellphone
mo?! Kanina pa kita tinatawagan
Naospital ang mama mo!
Pumunta ka rito sa SDMC
kung meron ka pang natitirang
pagmamahal sa mga magulang mo.
Sender:
Papa
Matapos kong basahin ang
message na yun ay agad kong
tinanggal ang saksak ng charger
at dinala ang cellphone ko. Umalis
ako at pumunta sa ospital. Hindi
ako mapakali, kaya naman pala
ganun na kung makatawag sakin
si papa kanina. Hindi ko mapigilan
ang maluha sa sasakyan habang
iniisip kung ano ba talaga ang
nangyari sa nanay ko. May
katandaan narin kasi ang nanay
ko at medyo mahina na ang
pangangatawan lalo na ang
kanyang puso kaya hindi talaga
maaalis sa isip ko ang lubos na
pag-aalala.
Nang makarating ako sa ospital ay
agad akong tumungo sa
emergency room at tinanong kung
dinala nga ba dun ang nanay ko.
Tinuro naman sakin kung saan ako
dapat pumunta. Kasabay ng
pagmamadali ko ay ang
pagmamadali rin sa pagtibok ng
puso ko.
Nakita ko ang papa ko na
nakayuko habang nakaupo sa
may waiting area ng ICU.
"Pa..." mahina kong pagtawag
sakanya habang pumapatak ang
mga luha ko sa aking mga mata.
Tumingin ang tatay ko na
mahahalata mo ang bahid ng
lungkot sakanyang mukha.
"Sumunod ka sakin." sabi ng papa
ko at sumunod naman ako.
Pumunta kami sa may likod na
bahagi ng ospital. Binigwasan ako
ng tatay ko ng isang malakas na
suntok at hinawakan ang kuwelyo
ng polo shirt na suot ko.
"Ano bang sinabi ko sayo? Di ba
sabi ko wag ka ng pumunta dito?
Hindi ka talaga marunong sumunod
sa magulang mo noh! Halos
mamatay-matay na ang nanay mo
kanina! Pero nasaan ka?
Nagpapakasarap at
nagpapakalunod sa alak! Ganyan
nalang ba talaga ang pangarap mo
sa buhay? Ang maglustay ng
perang pinaghihirapan ng mga
magulang mo? Pinabayaan ka
namin sa mga gusto mong gawin
sa buhay mo dahil akala namin
malaki ka na para malaman kung
ano ang tama sa mali. Pero
nagkamali kami. At pinagsisisihan
ko yun." sabi ng tatay ko sakin.
Takot na takot ako ng mga oras
na iyon dahil sa unang
pagkakataon ay pinagbuhatan ako
ng kamay ng tatay ko. Hindi ko
alam ang gagawin kundi ang
umiyak.
"Wala kang ginawa kundi pag-
alalahin ang nanay mo. Hindi mo
alam kung ano ang nararamdaman
niya sa tuwing nakikita niyang
unti-unti mong sinisira ang buhay
mo. Wala akong magawa dahil lagi
ka nalang niya pinagtatanggol
sakin sa mga kagaguhang
ginagawa mo kaya naman ngayon
lang ako nagkaroon ng tamang
pagkakataon para ipamukha sayo
ang mga maling ginagawa mo!
Sinasayang mo lang ang buhay
mo sa paggawa ng mga walang
kwentang bagay. Sinasayang mo
lang ang pagod at sakripisyo
naming mga magulang mo araw-
araw. Hindi kami namumulot ng
pera Joshua! Mabuti na nga lang at
ang laking tulong na nagagawa ng
kuya mo at nakakaluwag-luwag
tayo ngayon. Kaya habang maaga
pa sabihin mo na kung ayaw mo
na mag-aral, hindi kita pipigilan.
Matutuwa pa ako dahil hindi na
kami magtatapon ng pera para sa
walang kwentang anak lalo na
ngayon at kailangan natin ng pera
dahil nasa ospital ang mama mo.
Pababayaan na kita ng tuluyan,
kung gusto mong lumayas at
mabuhay mag-isa bahala ka sa
buhay mo. Desisyon mo yan, wag
mo kaming sisisihin sa kung ano
man ang mangyari sa buhay mo.
Wala na akong pakialam sayo
dahil kapag may masamang
nangyari sa nanay mo ngayon,
hindi na kita kilala. Sana marealize
mo kung ano ang dapat at hindi
dapat gawin. Wag mong sayangin
ang panahon dahil hindi habang
buhay pwede mong gawin ang
mga bagay na nagagawa mo
ngayon. Ayokong dumating ang
oras na puro sa pagsisisi nalang
tatakbo ang buhay mo." mahaba-
habang pangaral sakin ng tatay
ko.
Matapos nun ay itinulak niya ako
pababa sa sahig at iniwan. Hindi
tumitigil sa pagpatak ang mga luha
ko, hindi ko mapigilan. Tama si
papa, wala naman talagang
patutunguhan tong
pinaggagagawa ko sa buhay ko.
Kung ipagpapatuloy ko toh parang
tinapon ko narin ang pagmamahal
na binigay ng mga magulang ko,
ang mga paghihirap nila sa
pagpapalaki sakin through out
these years. Alam kong hindi pa
huli ang lahat, kaya ko pang
patunayan sa mga magulang ko at
sa sarili ko mismo na mababalik ko
sa normal ang lahat. Maaayos ko
ang pag-aaral ko at
magtatagumpay ako balang-araw.
Hindi na ako dadagdag sa
populasyon ng mga kabataang
napariwara ang buhay at naligaw
ang landas. Magbabago ako para
sa mga magulang ko. Magbabago
ako para sa sarili ko. At
magbabago ako para kay Chloe,
alam kong magkikita kami balang
araw at kapag may ipagmamalaki
na ako ay hindi ko na hihintayin
dumating ang araw na yun, ako na
mismo ang maghahanap sakanya.
Nang matapos akong makapag-
isip-isip ay pumunta muna ako sa
Tropical Hut na katapat ng
nasabing hospital para bumili ng
pagkain namin ng papa ko.
Mayroon pa nga akong
nabunggong batang babae sa
pagpunta ko dun.
"Ay pasensya ka na ah." sabi ko
sa batang babae habang inaakay
siya patayo, umupo ako ng
bahagya para pagpagin ang
marumi niyang damit.
"Sabi ko sayo bechay tumingin ka
sa dinadaanan mo eh. Ikaw talaga."
sabi naman ng kasama niyang
lalaki habang tinutulungan ako sa
pagpagpag ng damit.
Matapos nun ay pumunta na ako
sa dapat kong pupuntahan at
bumili na ng pagkain. Habang
naglalakad pabalik ng ospital ay
naalala kong mayroon pa palang
isang text akong hindi nababasa
kaya naman kinuha ko ang
cellphone ko ngunit wala ito sa
bulsa ko. Sinubukan kong hanapin
sa mga lugar kung saan ako
nanggaling ngunit hindi ko na ito
nakita. Napagpasyahan ko nalang
na pumasok ng ospital at dalhin
ang pagkaing binili ko.
---
Few minutes ago.
"Uy, kuya tignan mo oh. Cellphone
ba yan?" sabi ng isang batang
babaeng nasa pitong-taong gulang
habang nakaturo sa sahig.
Pinulot ng batang lalaking nasa
walong-taong gulang ang
cellphone.
"Oo nga bechay cellphone nga.
Nagana kaya toh?" tanong ng
batang lalaki.
"Swerte natin kuya! Mabebenta
kaya natin yan? Para naman may
pambili na tayo ng gamot ni
nanay." tanong ng batang babae.
"Bechay tignan mo oh! Nagana pa!
Tignan mo ung lalake sa picture
ang pogi!" sabi ng lalaki matapos
niyang buksan.
"Kuya, bakla ka ba?" tanong ng
babae.
"Hindi ah! Hindi mo kasi ako
pinapatapos sa sasabihin ko eh.
Ang pogi nung lalake kamukha
ko!" sagot naman nung lalake.
"Di ba kuya yan ung lalaking
nakabunggo sakin kanina?"
tanong ng babae.
"Oo, siya nga yun! Tara bechay
hanapin natin siya. Isauli natin ung
cellphone." pag-aaya ng lalaki.
"Pero kuya... Kapag nabenta natin
yang cellphone kay Manong
Carding makakabili na tayo ng
gamot ni nanay at gagaling na
siya." pag-aalinlangan ng batang
babae.
"Pero bechay, hindi atin tong
cellphone at alam natin kung sino
ang may-ari." sabi naman ng
nakatatandang kapatid.
"Kuya, gusto ko pang mabuhay si
nanay. Ayokong iwan niya ako,
tayo." sabi ng babae na naluluha
na.
Sa awa ng batang lalaki sa kapatid
ay hindi nalang nila hinanap ang
tunay na may-ari ng cellphone at
napagpasyahang gawin kung ano
ang balak ng nakababata niyang
kapatid.
Sa pag-uwi ng magkapatid ay
pinakialaman muna nila ang
cellphone. Tinignan ang mga
letrato, video, laro at mga
messages. Binuksan nila ang isang
message na hindi pa nababasa ng
may-ari ng cellphone.
ui Daddyyyy! is
this u? finally
i got ur number!
antgal tgal nmin hinanap
ni sai ung number m!
kung kni-knino kmi ngtnong
pero wlang nkakaalm!
buti nlng my stalker k nung
hs days ntin kya aun nhagilap
nya ang mhiwgang # m!
hay nako abnormal
k tlga! as in wla
kming blita sau..
musta k nb? nkakainis
k nmn oh wla k mn lng prmdam
after graduation, hay..
i miss u n daddy! see u soon ha!
Sender:
Unknown Number
Reply #7
02-04-11 07:12 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Online
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Chapter 7
The Deal
Hay. Asan na kaya ang cellphone
ko? Lagot na ako lalo kay Papa
nito. Ano kaya ang nangyari kay
Mama? Bakit bigla nalang siya
sinugod sa ospital? Yan ang
naglalaro sa isip ko habang
naglalakad papunta sa
kinaroroonan ni Papa. Pagkarating
ko doon ay agad kong inalok kay
Papa ang binili kong pagkain
ngunit hindi niya ako pinansin
kaya nilapag ko nalang ito sa
bakanteng upuan at kinuha ang
para sakin. Nagsimula ako kumain
habang si Papa naman ay
nagmumukmok sa tabi.
"Pa, anong nangyari kay Mama?"
pagtatanong ko.
"May pakielam ka pa pala." sagot
naman sakin ni Papa.
"Siyempre naman Pa. Sorry na po."
paghingi ko ng paumanhin.
"Buti sana kung yang sorry mo
mapapagaling agad ang mama mo.
Wag mo nga muna ako kausapin."
pagtaboy sakin ni papa.
"Pa, alam ko gutom ka na. Andiyan
lang ung pagkain, kainin mo nalang
kung gusto mo. Uuwi muna ko sa
bahay para kumuha ng mga gamit."
pagpapaalam ko habang tumatayo
sa kinauupuan ko at umalis agad.
Malapit na ako sa parking lot nang
malaman kong hindi ko dala ang
wallet ko kaya naman bumalik ako
sa loob ng ospital. Nang
makarating ako sa waiting area,
nagulat ako ng makita na kinakain
ng papa ko ang binili kong pagkain
para sakanya. Nagulat rin naman
ang papa ko ng makita niya akong
nakatingin sakanya. Nangiti nalang
ako ng oras na yun at kinuha ang
wallet ko kung saan ko ito naiwan.
Diretso uwi na ako pagkakuha ko
sa wallet at kumuha ng mga gamit
sa bahay.
Sinamahan kong matulog sa
ospital si papa at kinabukasan
pagkagising ko ay saktong
pwedeng bumisita kay mama kaya
naman nagpasya akong bisitahin
siya at tignan ang lagay niya.
Nakahiga siya at mukhang
nagpapahinga. Pumapatak ang
luha ko habang tinitignan ang
nanay ko. Tumayo ako sa tabi
niya at kinausap siya.
"Ma, kung sakaling gising ka, sorry
kung nagbago ako. Alam kong ang
laki ng sakripisyo mo para
mapalaki ako ng maayos pero
nabaliwala yun dahil pinili kong
mapariwara. I'm sorry ma. Nagsisisi
na ako. Pangako magbabago na
ko. Magpapakagood boy na uli
ako basta pangako mo
magpapagaling ka ha? Alam kong
hindi pa huli ang lahat para bumawi
sayo. I love you Ma." sabi ko kay
mama habang hawak ang kamay
niya at matapos nun ay hinalikan
ko siya sa noo at lumabas na ng
ICU.
Nagpaalam narin naman ako kay
Papa na uuwi na ako para mag-
ayos papasok sa school. Umuwi
ako ng bahay, naligo, nag-ayos at
pumasok.
Maaga ako para sa unang klase
namin, hindi pa tapos ang klase sa
classroom na gagamitin namin
kaya naman naabutan ko si Ana
nasa labas naghihintay kasama si
Timothy. Nung una ay medyo
nailang pa akong lapitan siya pero
nag-ipon ako ng lakas ng loob,
huminga ng malalim at lumapit
sakanila.
"Timothy, pwede ko bang kausapin
muna si Ana?" pagpapaalam ko
kay Timothy.
"Ayoko nga. Haha. Loko lang."
sagot niya sakin.
Maglalakad na sana papalayo si
Timothy nang hawakan ni Ana ang
braso niya.
"Uy ano ka ba? Dito ka lang."
pagpigil sakanya ni Ana.
Hinawakan ko naman ang kamay
ni Ana.
"Ana, please?" pagmamakaawa ko
sakanya.
Hinawakan naman ni Timothy ang
kamay ko.
"O siya, siya. Hindi ko alam kung
anong drama meron kayong
dalawa pero mukhang seryoso
kaya maiwan ko muna kayo diyan.
Babu!" sabi naman ni Timothy at
umalis.
"Ano nanaman ba kailangan mo?"
pagtatanong ni Ana.
"Uhm, sorry sa nangyari kagabi
ha." paghingi ko ng tawad
sakanya.
"Anong gusto mong sabihin ko?
Ok lang? Ganun?" pagsusungit
niya.
"Ganun na nga. Sorry na please?"
pangungulit ko.
"Hindi ganun kadali un Joshua.
Nabastos ako, naapakan ang pride
ko." sagot niya.
"Anong gusto mong gawin ko para
mapatawad mo ko?"
pagmamakaawa ko.
"Seryoso ka? Wala ng bawian
kapag um-oo ka." sabi niya sakin.
"O sige game. Basta kapag nagawa
ko bati na tayo ha?" sagot ko
naman sakanya.
"Ganito lang naman kasimple ang
gagawin mo. Una, hindi ka na iinom
at maninigarilyo. Pangalawa, hindi
ka na magcucutting. Pangatlo,
magiging alipin kita hanggang
matapos ang sem na toh. Oh ano?
Game parin ba?" muli niyang
tanong.
"Ang konti naman. Un lang ba?
Game na game pero dapat hindi mo
narin ako susungitan." kampante
kong sagot sakanya na may
kasama pang ngiti.
Nag-ring narin ang bell at
naglabasan na ang estudyante sa
room kaya naman pumasok na
kami. Habang nag-uusap kami ni
Ana tungkol sa kung anu-ano ay
sumabat si Liz samin.
"Uy Joshua! Bigla mo nalang kami
iniwan kagabi. Maya ulit ha?" pag-
aaya ni Liz.
Napatingin naman ako kay Ana at
tinignan niya ako ng masama.
"Sorry Liz. May date kasi ako
mamaya eh, next time nalang."
pagtanggi ko.
"Ganun ba? Bagong girlfriend?
(sabay tingin kay Ana ng masama
at nagbitaw ng sarkastikong ngiti)"
tanong ni Liz.
"Hindi, friendly date lang yun."
sagot ko sakanya.
"Fine. Next time ha?" sabi ni Liz at
lumayo na samin.
"Next time pala ha." sabi naman ni
Ana pagkaalis ni Liz.
"Palusot lang yun para hindi na
niya ko kulitin." sagot ko kay Ana.
"Weh, maniwala. Mukhang hindi mo
matatagalan yung deal natin." sabi
naman ni Ana.
"Magtiwala ka lang sa alipin mo
mam." sagot ko.
"Sabi mo eh. Nga pala, hindi ka
nagshashare may bago ka
nanaman palang kadate. Sino?"
pag-uusisa ni Ana.
"Bakit ka interesado?"
pagtatanong ko.
"Nagtatanong lang naman. Eh di
wag mo sagutin kung ayaw mo."
pagsusungit niya.
"Oh nagsasalubong nanaman yang
mga kilay mo. Nagsusungit ka
nanaman. Dapat nakasmile."
pagbibiro ko sabay hila sa
magkabilang pisngi ni Ana.
"Ahem, ahem. Sa sobrang sweet
ng dalawa diyan hindi na ako
napapansin." pagpaparinig ni
Timothy.
"Hoy Timmy manahimik ka nga
diyan sasabunutan kita." sagot ni
Ana kay Timothy.
"Nagseselos lang yang si
Timothy." pagbibiro ko.
"Siguro nga!" sabi ni Ana sabay
tawa niya ng malakas.
Simula ng araw na yun ay naging
close kami nila Ana at Timothy. Sila
na ang kasama ko tuwing break
time, gala, at kung saan-saan.
Mahigit dalawang linggo narin
akong hindi umiinom at sumasama
kina Liz. Unti-unti na akong
nagiging good boy uli tulad ng
ipinangako ko sa mama ko.
Masaya ko sa improvement ko
pati narin ang mga professors ko
na nagulat sa pagbabago ko.
"Goodbye everyone. Have a great
day." pamamaalam ng professor
namin para sa huling subject sa
araw na yun.
"Una na ako sainyo Joshua at
Aneng." pamamaalam ni Timothy
samin.
"Cge ingat Timmy!" sagot sakanya
ni Ana.
"Ingat Timo. Ana sabay tayo
umuwi ha? Teka lang cr lang ako."
sabi ko naman kay Ana.
Naglalabasan narin ang iba naming
kaklase ng pumunta akong cr.
Pagbalik ko ay narinig ko sina Liz
at Ana nag-uusap.
"Pasimpleng landi ka rin noh?
Kunyari pang walang gusto kay
Joshua, type mo rin pala." narinig
kong sabi ni Liz.
"Liz, mali ang iniisip mo. Hindi ko
inaagaw sainyo si Joshua."
pagtatanggol naman ni Ana.
"So parang sinabi mo naring si
Joshua ang naghahabol sayo?"
sagot ni Liz.
"Oo, tama ka. Ako nga." pagsabat
ko sakanila at lumapit ako kay
Ana at inakbayan siya.
"Liz, gusto ko na magbago.
Narealize ko na ang halaga ng
buhay ko. Masaya na ako."
dugtong ko.
Halata ang pagkagulat ni Liz
matapos kong sumingit sakanila.
"Ok, good for you Joshua. Bye."
ang tanging nasabi ni Liz sakin.
"Alam mo ang galing mo talagang
artista noh?" sabi ni Ana na may
halong pagkamangha.
"Tara samahan mo ko mag-
auaudition na ako. Dali." pagbibiro
ko.
"Hay nako pagnatanggap ka, hindi
na ako manonood ng tv. Haha.
Loko ka talaga, mamaya isipin ng
mga kablock natin mag-on tayo."
sabi niya.
"Hayaan mo sila mag-isip ng kung
anu-ano. Alam naman natin kung
ano ang totoo eh. Maliban nalang
kung mainlab ka talaga sakin."
sagot ko naman sakanya.
"Kapal! Hindi kita type noh!" sabi
niya.
"Bakit ka defensive? Haha. Deal uli
tayo oh, kapag nainlab ako sayo
talo ako, kapag nainlab ka sakin
talo ka. Game?" paghahamon ko
kay Ana.
"Ano naman ang premyo ng
mananalo?" tanong niya.
"Eh di may tatlong wishes. Payag
ba?" pabalik kong tanong
sakanya.
"Sige. Game." pagpayag ni Ana
habang inalok ang hinliliit niya.
Nakipag-cross ng hinliliit naman
ako sakanya. At dun na nagsimula
ang laro namin ni Ana.
Reply #8
02-04-11 07:15 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Online
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Chapter 8
Game Over?
Ana
Parang tumigil ang oras ko habang
magka-cross finger kami ni Joshua.
Sa isip-isip ko, ano ba tong
napasukan ko? Isang larong alam
ko naman na bago pa man mag-
umpisa ay talo na ako. Itong
tukmol na toh kasi, pa-cute ng pa-
cute, hindi ko tuloy mapigilan ang
sarili kong mahulog sakanya. Pero
akala niya mapapaamin niya ako
sa pagchacharming niya, hindi ako
magpapatalo sakanya! Titiyakin
kong ako ang mananalo sa
pustahang ito. Humanda ka
Joshua.
"Hoy Ana! Baka gusto mo ng
bitawan daliri ko?" panggigising ni
Joshua sakin mula sa aking
pagmumuni-muni.
"Sorry naman ah? Ang higpit kaya
ng pagkakaipit mo." sagot ko
sakanya habang tinatanggal ang
pagkakacross ng aming mga daliri.
"Asuuus. Ako pa ngaun? Isang
daliri pa nga lang yang hawak mo
enjoy na enjoy ka na, paano pa
kaya kung buong kamay ko na
hawak mo?" pabirong sagot
naman ni Joshua na may halo
nanamang pagpapacute.
"Kunyari ka pa, ikaw naman talaga
may gustong humawak sa kamay
ko. O yan hawakan mo na." sagot
ko naman sakanya habang
pabirong iniabot ang kamay ko
sakanya.
Nagulat ako ng ipinatong nga ni
Joshua ang kamay niya sa kamay
ko at hinawakan niya ito ng
mahigpit na mahigpit. Ayoko ng
ganyan ka Joshua baka lalo akong
matalo sa pinaggagagawa mo, sa
isip-isip ko. Kaya naman gumawa
ako ng paraan para magkabitiw
ang mga kamay namin. Inalis ko
ang kamay ko mula sa
pagkakahawak ni Joshua.
"Aray naman!" sabi ko habang
inalis ang aking kamay.
"Grabe naman toh. Hinawakan lang
ung kamay aray agad."
natatawang sagot ni Joshua.
"Ang higpit kaya ng
pagkakahawak mo, sabi na nga ba
eh kunyari ka pa. Gustong-gusto
mo lang naman talaga hawakan
ang kamay ko." sabi ko naman
sakanya.
"Hindi, naalala ko lang kasi ung
kamay ni Chloe. Sorry kung
napahawak ako ng mahigpit."
medyo malungkot na pagsagot
sakin ni Joshua.
Nang mga sandaling un ay
nakaramdam ako ng kirot sa puso
ko. Akala ko pa naman talagang
gustong hawakan ni Joshua ang
kamay ko, un naman pala naalala
nanaman niya ang Chloe niya.
"Sino ba si Chloe? Lagi mo nalang
binabanggit, pati ako
pinagkakamalan mo pang Chloe."
pagtatanong ko sakanya.
"Oh bakit ka nagseselos?"
pangiting tanong ni Joshua.
"Hindi ako nagseselos noh,
nagtatanong lang ako." may
pagsusungit kong sagot sakanya.
"Eh bakit ang sungit mo?" patuloy
na pang-iinis ni Joshua.
Sa inis ko ay napatayo mula sa
aking pagkakaupo at napalakad
papalayo.
"Bahala ka nga diyan. Feeling mo
naman nagseselos ako." sabi ko.
"Ang sungit mo talaga. Kauumpisa
palang ng pustahan natin
nagpapatalo ka agad eh.
Pahirapan mo naman ako kahit
papano." panlolokong sagot ni
Joshua habang lumalakad
papalapit sakin.
"Kapal mo talaga." ang tanging
naisagot ko.
"Tara na nga uwi na tayo. Hatid na
kita sainyo." ang sabi ni Joshua
nang maabutan niya ako at sabay
akbay sa aking balikat.
Nagpansinan rin naman kami ni
Joshua at bumalik sa normal
habang bumabyahe kami pauwi.
Kinabukasan, maaga akong
pumasok ng school at dumirecho
ako ng locker para kuhanin ang
mga gamit ko. Napansin kong may
isang papel na nakatupi kaya agad
ko naman itong kinuha at
binuksan. Isang computerized
letter ang nakita ko.
I should have told you how I felt
then
Instead, I kept it to myself, yeah
I let my love go unexpressed
'Til it was too late
You walked away
Kanino kaya toh nanggaling?
Nalalabuan ako. Baka naman wala
lang mapagtapunan ung mokong
na un at sa locker ko pa tinapon.
Kapal ng mukha nun.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip
nang tumunog ang bell kaya
naman isiningit ko nalang sa aking
libro ang papel na nakuha ko at
pumunta na ng classroom.
Normal lang ang naging takbo ng
araw nito para sakin maliban
nalang nang mag-uuwian na.
"Ana, una na ako umuwi ha. Aalis
kasi si papa bantayan ko si mama.
Text nalang kita. Cge alis na ako."
paalam ni Joshua sakin habang
naglalakad na pauwi.
Hindi na ako nakaimik dahil medyo
malayo-layo na siya. Lokong un
iniwan ako, pauwi narin naman
dapat ako eh. Makatambay na nga
lang muna saglit dito sa school.
Ilang minuto rin siguro ang lumipas
nang makatanggap ako ng text
mula kay Joshua.
snsya na puwing.
klngan ko lng tlga umuwi
ng maaga. ILY. ü
Sender:
Joshua
Reply #9
02-04-11 07:18 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Online
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Chapter 9
A Song Lyric
Ana
Totoo ba ito? Tinext ako ni Joshua
ng ILY? Napangiti ako at agad
nagreply sa text niya.
wehhh??? ILY too. haha Ü
Ngunit bago ko pa man isend ang
text ko para sakanya ay meron
uling nagtext kaya naman tinignan
ko muna ang text na dumating.
Ingat Lagi You!
Haha.. ano kyang akla m? =p
Sender:
Joshua
Nang mabasa ko ang text ay
uminit ang ulo ko. Bwisit ka talaga
Joshua. Hindi ka nakakatuwa.
Makakaganti rin ako sayo. Paasa!
Yan ang tanging nasabi ko sa sarili
ko. Ilang minuto lang naman ay
lumamig na ang ulo ko kaya
nireplyan ko na siya.
wla.. dedma..
feeling m nmn??
k. 14344..
Sender:
Ana
Akala mo ikaw lang marunong ng
ganyan. I HATE YOU VERY
MUCH!!! Bwisit talaga. Makauwi na
nga lang.
Sa aking byahe papauwi ay
natanggap ko ang reply ni Joshua.
143244 =p
Sender:
Joshua
Ang lakas talaga nito ni Joshua.
Ang lakas mang-asar. Kung ano
man yan ayoko nalang alamin.
Nakakainis lang kaya naman
minabuti kong wag ng magreply.
Bago ako matulog ay muli akong
nakatanggap ng text mula kay
Joshua.
gudnyt babe! :*
Sender:
Joshua
Di na ako maniniwala sa
paganyan-ganyan mo. Akala mo.
Nadala na ko!
abnoi..
Sender:
Ana
Matutulog na nga lang ako
mambwibwisit pa tong mokong na
toh.
ay x sent aku.. haha
mas abnoy k =p
Sender:
Joshua
Ewan ko sau! Makatulog na nga
lang.
Kinabukasan pagkapasok ko sa
eskwelahan ay nakita ko ang
abnoy na si Joshua sa tapat ng
gate.
"Bakit di ka pa pumapasok?"
tanong ko kay Joshua.
"May hinihintay pa kasi ako eh."
sagot niya sakin.
"Ah. Sige mauna na ako." sagot ko
sakanya.
"Hindi mo man lang ba tatanungin
kung sino?" sabi sakin ni Joshua.
"Fine. Sino?" tanong ko naman
sakanya.
"Ikaw." nakangiting sagot niya
sakin.
Nginitian ko naman siya na parang
napipikon pero deep inside natuwa
ako dun. Tinawanan naman ako ni
Joshua nang ngitian ko siya.
"Tara na nga." pag-aaya ni Joshua.
"Sige daan muna tayo sa locker
ko." sagot ko naman.
Naglakad nga kami papunta sa
kinalalagyan ng locker ko.
Nang kukuhanin ko na ang gamit
ko ay nakakita nanaman ako ng
papel tulad nung sa kahapon.
Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never
heard
All those words I should have told
you
All those times, all those nights
When I had the chance to?
Tulad kahapon, hindi ko parin
magets kung ano ang gustong
ipahiwatig ng messages na ito.
Wala naman kasi akong maisip
kung sino ang magbibigay sakin
nito. Isinama ko nalang ito sa
nakuha kong papel kahapon.
"Tara Joshua punta na tayong
classroom." pag-aaya ko.
Habang nagkaklase kami ay
naisipan kong guluhin si Joshua
habang abala siya sa pagsusulat
ng notes. Kinukurot-kurot ko ang
kili-kili niya. Nang bigla siyang
nagsalita.
"Alam mo nakakainis ka!
Napakaisip-bata mo! Childish!"
pagalit niyang sinabi sakin.
"Sorry na. Hindi na." paghingi ko
naman ng paumanhin sakanya.
Ngumiti siya at muling nagsalita.
"Gusto na tuloy kitang gawing
baby ko." tumawa siya matapos
niyang sabihin ito.
Hinampas ko siya sa braso dahil
akala ko ay seryosong nagalit na
siya un naman pala ay nagbibiro
nanaman.
"Pero totoo, gusto kita." muling
banat ni Joshua.
"Baka pagalitan kayo ni maam."
pagsita naman ni Timmy.
Natahimik nalang kami at bumalik
sa pagsusulat ng notes.
Sa paglipas ng araw ay papalapit
ng papalapit ang valentines ball na
inihanda ng department namin.
Bukod dun ay lagi rin akong
nakakatanggap ng papel na hindi
ko naman mawari ang nakasulat.
Sinubukan kong pagdugtong-
dugtungin ang mga papel na
natanggap ko.
I should have told you how I felt
then
Instead, I kept it to myself, yeah
I let my love go unexpressed
'Til it was too late
You walked away
Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never
heard
All those words I should have told
you
All those times, all those nights
When I had the chance to?
Always assumed that you'd be
there
Ooh, ooh, couldn't foresee
The day you'd ever be leaving me
How could I let my world
Slip through my hands, baby?
I took for granted that you knew
All of the love I had for you
I guess you never had a clue
'Til it was too late
You walked away
Oh, oh, all the words were in my
heart
Well, they went unspoken
Baby, now my silent heart
Is a heart that's broken
I shoulda said so many things
Shoulda let you know
You're the one I needed near me
But I never let you hear me
Nagets ko na ang meaning ng mga
nakasulat, ikaw kaya ang
nagbigay nito Joshua? Mahal mo
na nga ba ako?
Dumating ang araw ng valentines
ball namin. Hindi ako isang party
animal kaya naman nakaupo lang
ako sa isang tabi habang
pinapanood ang mga kaibigan
kong nagsasaya.
Tumigil ang sayawan. At lumapit
ang isa kong kaibigan.
"Ui si Joshua oh nasa stage,
kakanta ata." pagbanggit niya
sakin.
Sana ang kantang iyon ang
kantahin mo Joshua. Sana ikaw
nga ang nagbigay nun.
-----
Joshua
Muntik ko ng makalimutan si Chloe
dahil sa'yo. Salamat sa pagbibigay
sigla sa college life ko. Sana
maging masaya kayo. Yan ang
tangi kong nasabi sa sarili ko bago
ako magsimula tumugtog at
kumanta.
Something I didn't say
Something I didn't say
Spending another night alone
Wondering when
I'm gonna ever see you again
Thinking what I would give
To get you back, baby
Ito na ang hudyat para lumabas si
Timo at kantahan si Ana.
Lumabas nga si Timo na may dala-
dalang isang bouquet of flowers
habang kumakanta at ako naman
ay patuloy sa aking paggigitara.
Kitang-kita ko ang pagkabigla ni
Ana.
Inaya siya ni Timo makipagsayaw
at nagsayaw nga sila sa gitna
habang kumakanta si Timo.
Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never
heard
All those words I should have told
you
All those times, all those nights
When I had the chance to?
Was it something I didn't say?
(Something I didn't say)
Was it something I didn't say?
(Something I didn't say)
Nginingitian ko si Ana tuwing
sinusulyapan niya ako. At kahit
madilim ang paligid ay nakikita ko
parin ang mga luhang pumapatak
sakanyang mga mata. Marahil yun
ay tears of joy. Halos matatapos
na ang kanta nang bumitaw at
tumakbo palabas si Ana. Wala
naman kaming nagawa ni Timo
kundi ang tapusin ang intermission
number namin.
Nang matapos ang aming
intermission ay agad akong
lumabas para hanapin si Ana.
Nakita ko siyang nakaupo sa
isang plantbox at umiiyak.
"Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba
masaya?" pagtatanong ko kay
Ana.
Ngunit hindi siya sumagot.
Papaupo na ako sa tabi niya nang
bigla niya akong itulak.
"Aray! Ayan ka nanaman! Para ka
nanamang bata! Gusto mo
talagang maging baby ko ano?"
pagbibiro ko sakanya.
"Joshua, pwede ba? Tigilan mo na
ang pagbibiro! Ikaw ang mahal ko!"
pagalit niyang sinabi sakin.
Ang nakangiti kong mukha ay
napalitan ng pagkagulat. Hindi ko
alam ang mararamdaman ko.
Matutuwa ba ako dahil nanalo na
ako sa pustahan namin? O ewan?
Umupo nalang ako sa tabi niya at
inakbayan siya.
"Kasalanan ko rin naman kung
bakit ako nasasaktan ng ganito
eh. Dahil pinaniwala ko ang sarili
kong mahal mo na rin ako at
nakalimutan ko ang sinabi mong
gusto mo ako. NA GUSTO MO
LANG AKO. Iba parin talaga ang
'Gusto kita' sa 'Mahal kita'." ang
sabi ni Ana sakin habang siya ay
umiiyak.
"Inaamin ko gusto naman talaga
kita. Pero hanggang dun nalang
yun dahil mayroong ibang
babaeng nagpapatibok ng puso
ko. Kilala mo naman siguro diba?
Tumahan ka na. Tutal andyan
naman si Timo para sayo." sabi ko
sakanya.
"Natatandaan mo pa ba ung
pustahan? Mukhang panalo na
ako kaya pwede ko na bang iclaim
ang prize ko?" dugtong ko pa.
Tumango-tango naman si Ana.
Hinawakan ko ang kamay niya ng
dalawang kamay at isinarado ito.
Una kong binuksan ang
pinakamaliit niyang daliri.
"First, gusto kong kalimutan mo
ang kung ano man ang
nararamdaman mo para sakin." ang
sabi ko.
Naramdaman kong mas lumakas
ang pagiyak ni Ana kahit pilit
niyang itinatago ito sakin.
Pangalawa ko namang binuksan
ang ring finger niya.
"Second, let's just be a very good
best friends"
At huli ko namang binuksan ang
middle finger niya.
Bago ko pa man sabihin ang last
wish ko ay hindi ko alam kung
bakit pero naluluha ako. Pinipigilan
ko na lang dahil baka mahalata
niya.
"And lastly, bigyan mo ng chance
si Timo, mahalin mo siya ng higit pa
sa pagmamahal mo sakin. Yan ang
three wishes ko, ok?" sabi ko
sakanya.
Binitawan ko ang kamay niya at
pinunasan ang mga luhang malapit
ng pumatak.
"Pwede bang humingi ng favor?"
pagtatanong ni Ana.
"Cge, ano un?" sagot ko sakanya.
"Can I hug you for the very last
time? After that, gagawin ko na
ung three wishes mo. Give me time
to do the first wish. Iiwasan muna
kita, iwasan mo muna ako. I can't
do it ng nandyan ka sa tabi ko.
When I'm ready, gagawin ko na
ang second wish mo." ang sabi ni
Ana na hindi parin tumitigil sa pag-
iyak.
Niyakap ko siya ng mahigpit na
halos tumagal ng limang minuto.
Pagkatapos nun ay bumitiw siya,
tumayo, at naglakad papalayo sa
kinauupuan ko.
Habang pinagmamasdan ko siyang
naglalakad ay tumulo ang mga
luha sa aking mga mata na kanina
ko pa pinipigilan.
Reply #10
02-04-11 07:20 AM
  • Hero Member
  • *****
  • Female Offline
 
Posts: 13964
Thank You: 395
Reputation: 37
rizafel9999 has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
more.

Post mu na hanggang chapter 26 part 1 and 2
Reply #11
02-04-11 07:20 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Online
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Chapter 10
They are back
"Ui best, tulala ka nanaman jan."
panggigising sakin ni Ana mula sa
aking pagkatulala.
"Naalala ko lang kasi kung paano
ka nainlove sakin dati. Hahaha."
pagbibiro ko kay Ana.
Kinurot naman ako ni Ana sa aking
bewang.
"Aray, joke lang eh." sabi ko
sakanya.
"Isusumbong kita kay Timmy?!"
pagbibiro niya.
"Lagi naman e. Haha." sagot ko.
Sa pagtitiyaga ni Timothy,
napasagot niya si Ana. Mahigit
two months na sila hanggang
ngaun. Kami kaya ni Chloe? Kelan
kaya ako magkakaroon ng
chance? O magkakaroon pa nga
ba? Hay. Namiss ko nanaman
tuloy siya. Namiss ko ang kulitan
at pang-aasar ko sakanya.
Ako kaya? Namiss niya? Haay.
Napabuntong hininga nalang ako.
Sa kakaisip ko ng kung anu-ano,
hindi ko napansin uwian na pala.
Pagkauwi ko ng bahay ay may
nakita akong nakapark na kotse
sa harap ng bahay namin. Wow,
binili kaya nila ako ng bagong
kotse?
Pagkabukas ko ng pinto ay
sinalubong ako ni papa.
"Pa, kanino ung kotseng
nakapark--"
"Joshua, ano pang tinatayo tayo
mo dyan? Hinihintay ka na ng
bisita mo!" sabi sakin ni Papa.
Sino naman kaya ang bisita ko?
Himala ata.
Pagkapasok ko ng bahay ay
nagulat ako sa nakita ko. Isang
babaeng matagal ko ng hindi
nakikita ang bumulaga sa aking
mga mata. Ang laki ng pagbabago
niya.
"Pare?" pagtawag niya sakin
habang nakangiti.
"Pare! Ikaw nga!" sagot ko.
Napatakbo at napayakap ako kay
Janine ng ilang sandali. Umupo
kaming dalawa at nag-usap.
"Nakauwi ka na pala sa pinas?
Kelan pa?" tanong ko sakanya.
"Last week lang. Lumipat pala
kayo? Buti nalang alam ni Tita
Tasing ung nilipatan niyong
bahay." sagot sakin ni Janine.
"Oo, mas malapit kasi toh sa
school ko eh." sagot ko naman
sakanya.
"Mas malapit? Eh isang phase lang
naman ang pagitan ng nilipatan
niyo pero same village paren?"
pagtataka niyang tanong.
"Mas malapit kasi sa gate ng
village kaya mas mabilis lumabas.
Haha. Nga pala, laki ng pinagbago
mo ah? Sobra!" pagpuna ko
sakanya.
"Ikaw wala paring pinagbago,
bolero ka paren! Maiba ako, musta
na kayo ni Chloe?" pagtatanong
niya.
"Kami? Walang kami eh. Sila lang.
Silang dalawa ni Cyrus." medyo
naging malungkot ako pero
nakangiti ko paring sinagot.
"Ok lang yan marami pang iba
dyan." pagbibigay lakas loob sakin
ni Janine at napabaling naman ang
atensyon niya sakanyang
cellphone matapos nitong
tumunog.
"Ay pare, una na pala ako. Hanap
na ako ni mama eh." sabi niya
matapos niyang tignan ang
cellphone niya.
"Sige pare, hatid na kita." pag-
aalok ko naman sakanya. Tumayo
naman kaming dalawa.
"Salamat nalang. May sasakyan
naman ako eh." sabi niya.
"Ay sayo pala ung kotseng nasa
labas? Akala ko para sakin eh.
Bigtime! Hahaha." pagbibiro ko.
"Loko ka talaga. Sige una na ako
ha." sabi niya habang papasakay
sa kotse niya.
Pagkasakay niya sa kotse ay
binuksan niya ang bintana.
"Bukas nalang uli pare."
pamamaalam niya ng nakangiti.
Sumenyas naman ako ng parang
nanghihingi ng kiss sa pisngi.
Nilapit ko ang mukha ko sa bintana
at sabay turo sa pisngi ko. Wala
lang nagpapacute lang. Haha.
Imbis na halikan ay kinurot ni pare
ang pisngi ko. Nagkatawanan
naman kami. Hanggang sa umalis
na nga si pare.
Namiss ko rin pala si pare.
Pumasok na ako sa bahay at
nagpahinga.
Kinabukasan ay maaga akong
gumising para maglaro ng
basketball. Katapat lang ng bahay
nila pare ang basketball court
kaya naman kitang-kita ko agad
siya kapag lumabas siya ng
bahay.
Mahigit isang oras na ata akong
naglalaro ng basketball kaya
naisipan kong magpahinga. Ilang
saglit lang ay may lumitaw na
isang bote ng tubig sa harapan ko.
"Oh tubig, baka madehydrate ka."
pag-aalok ni Janine ng tubig.
"Nandyan ka pala. Ginulat mo
naman ako dun. Salamat sa tubig
ha." pasasalamat ko sakanya.
"Alis na ako pare ha, pinag-gro-
grocery pa ako ni mommy eh."
pamamaalam niya.
Hinawakan ko naman kamay niya
bilang pagpigil.
"Ay teka, gusto mo samahan kita?
Maliligo lang ako saglit tapos alis
na tayo." pag-aalok ko ng tulong.
"Sige, tara hatid na kita sa bahay
niyo tapos dun nalang kita
hintayin." pag-aaya niya.
Hinintay nga niya ako sa bahay at
pagkatapos ay umalis narin
patungo sa grocery store.
Ang dami-dami niyang pinapamili.
Bigtime talaga tong si pare.
"Teka lang Josh ha. Kuha lang ako
dun ng oatmeal." pagpapaalam
sakin ni Janine.
"Sige lang pare, hintayin kita dito."
sagot ko sakanya.
Habang hinihintay si pare, tumingin
tingin lang ako ng mga products na
nasa paligid ko. Nabunggo ng
isang babae ang lalagyan ng
napkin na naging dahilan ng
pagkalat nito. Agad naman akong
tumulong sa pagpulot.
"Ekaw talaga, napaka kerles mo."
Pamilyar ang boses ng taong iyon.
Parang narinig ko na dati.
Patuloy parin ako sa pagpulot ng
mga nalalag na napkin at
paglalagay nito sa lalagyan. Nang
marinig kong may tumawag sa
aking pangalan.
"Joshua?"
"Soperman?"
Paglingon ko ay una kong nakita
si ate Kurdapya. At si Chloe...
Hindi ko alam kung ano ang
gagawin ko. Napatulala ako.
Panaginip ba toh? O sadyang si
Chloe na talaga ang nasa harap
ko? Hindi ako makapaniwala.
"Kuloy! Kuloy! Si Soperman
naketa ko nanaman! Nasaken pa
ang perma neya nong hule kameng
nagketa!" tuwang-tuwa na
pagkkwento niya kay Chloe.
Nakakatuwa talaga tong si ate
Kurdapya.
"Ui daddieeeeeeeeeeeeeee!"
pagbati sakin ni Chloe sabay
yakap sakin. Ramdam ko ang saya
niya. Kung alam niya lang, mas
masaya akong nakita ko siya ulit.
"Sinong kasama mo?" tanong ni
Chloe sakin.
"Si..." sabay dating naman ni
Janine.
"Si Janine." sabi ko habang tinuturo
ko si pare.
"Ui Janine, hello!" sabi ni Chloe kay
Janine sabay kaway.
"Ui Chloe! Sinong kasama mo? Si
Cyrus?" pagtatanong ni pare kay
Chloe. Bakit naman ganyan tanong
mo pare, nananadya ka ba sabi ko
sa sarili ko.
"Ako ang kasama ni Kuloy, at
seno ka? Baket mo kasama si
Soperman ko?" pagsingit ni ate
Kurdapya sabay tingin ng masama
kay Janine. Nangingiti naman ako.
"Siya nga pala ang pare ko ate
Kurdapya." pagpapaliwanag ko
naman.
"Pare, pare, walang pare pare
saken." sagot naman niya.
"Ano ba yan yaya Kurds? OA ha."
pagbibiro ni Chloe.
"So, ano na gagawin niyo? Kami
kasi magbabayad na sa counter."
tanong ni Chloe.
"Kami rin magbabayad na. Sabay
na tayo." sagot naman ni Janine.
"Sige tapos kain narin tayo diyan
sa may foodcourt para
makapagkwentuhan naman tayo.
Kung ok lang sainyo?"
pagtatanong ni Chloe.
"Ewan ko kay Joshua?"
pagtatanong naman sakin ni
Janine.
"Ok lang, kayo bahala." sagot ko.
Pero sa kaloob-looban ko,
siyempre naman ok na ok. Ang
tagal kong hindi nakita si Chloe eh.
Nagbayad nga kami sa counter at
pumuntang foodcourt.
"Mag-shopping lang mona ako ng
damet sa taas Kuloy balekan
nalang keta dyan pagkatapos.
Baka hende ako makarelet sa pag-
osapan niyo somaket lang ang olo
ko. Oke? Dyan ka lang ha."
pagpapaalam ni ate Kurdapya kay
Chloe.
"Sige yaya Kurds." sagot ni Chloe.
"Ekaw Soperman bantayan mo
mona ang Kuloy ko. Oke?" sabi
naman sakin ni ate Kurdapya.
"Para sayo ate Kurdapya." sagot
ko naman sakanya habang
nakangiti.
"Wag mo akong ngetean ng
ganyan Soperman, baka hende
ako makatolog mamayang gabe
neyan. O siya ales na mona ako.
Dyan mona kayo mga keds." sabi
ni ate Kurdapya.
At naiwan na nga kaming tatlo nila
Chloe at Janine. Umorder naman
kami ng pagkaen para may
mangangata habang
nagkkwentuhan.
Grabe, sobrang namiss kita Chloe.
Parang ayaw ko ng matapos ang
oras na toh. Hindi ko maiwasang
titigan ka, hindi talaga ako
makapaniwala.
Ang dami naming
pinagkwentuhang tatlo. Mga
experiences namin nitong college
life. Pansamantalang nananahimik
kami sa pagkkwentuhan.
"Joshua." pagtawag sakin ni Chloe.
"Oh baket panget?" sagot ko
naman.
Napangiti si Chloe nang tawagin ko
siyang panget. Marahil naaalala
niya ang asaran namin dati.
"May ketchup kasi sa gilid ng labi
mo." sabi ni Chloe.
-----
Narrator
Kumuha si Chloe ng tissue para
punasan ang dumi sa gilid ng labi ni
Joshua. Hawak na sana niya ang
tissue, ngunit...
"Ay oo nga. Ang kalat mo paring
kumain pare." sabi ni Janine
habang pinupunasan ang dumi.
Para naman hindi mahalata na
naunahan si Chloe, ginamit nalang
ni Chloe ang tissue na hawak niya
upang ipamunas sa sarili niyang
labi.
-----
Joshua
"Ay pare salamat." pasasalamat ko
kay Janine.
Nagpatuloy naman kami sa
pagkain. Nang magpaalam si
Janine.
"Teka Joshua, Chloe. May bibilhin
pala ako sa taas. Maiwan ko muna
kayo saglit ha." pagpapaalam ni
pare.
"Sama na kami Janine." pagpigil ni
Chloe.
"Hindi, sige wag na. Saglit lang
naman ako. Maiwan ko muna kayo
dyan ha." sabi ni pare.
Bago siya umalis ay siniko niya
muna ako. Nananadya ka ba
talaga pare? Bakit ka aalis? Anong
gagawin namin ni Chloe dito?
Anong gagawin ko ngaung si
Chloe nalang ang kaharap ko?
Reply #12
02-05-11 02:03 AM
  • Sadako Sa BaLowN Ng Mga Adik
  • Pinoyden Addict
  • *
  • Female Offline
 
Posts: 32186
Thank You: 1639
Reputation: 55
babyPowdeR has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
more more binitin tiffany pang-umaga na ako di ko na mababasa kasunod after 2 weeks pa sa update
Reply #13
02-05-11 02:44 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Online
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!

Chapter 11

Textmate


Kaming dalawa nalang ni Chloe. Wala si ate Kurdapya. Wala si Janine. At higit sa lahat, wala si Cyrus. Teka, nasaan na nga ba si Cyrus? Bakit

hindi sila magkasama ni Chloe? Break na kaya sila? Hindi ako nag-alinlangang nagtanong kay Chloe.

"Nasaan boyfriend mo?" pagtatanong ko.

"Wala." sagot ni Chloe.

"Wala ka ng boyfriend?" may pagkagulat kong tanong na may halong saya pero hindi ko pinahalata.

"Sira. I mean, wala dito si Cyrus. May family trip kasi sila eh." natatawang sagot ni Chloe.

Akala ko break na sila. Sayang naman. Nawala tuloy ung saya ko.

"Bakit hindi ka sumama?" pag-uusisa ko.

"Ayoko lang. Baka magsawa si Cyrus sakin kung lagi nalang akong sasama sa mga lakad niya." sagot niya.

"Hindi naman ikaw ung tipo ng babaeng pinagsasawaan." sagot ko naman sakanya. Ako hinding-hindi magsasawa sayo, sabi ko sa sarili ko.

"Basta ganun lang ung pakiramdam ko. Maiba tayo, kamusta naman lovelife mo?" pagtatanong naman niya sakin.

"Parang hindi mo naman alam diba?" sagot ko. Hindi ka parin talaga nagbabago Chloe, manhid ka parin.

"Hindi naman talaga? Tagal na kaya kaming walang balita sayo." pagtataka niyang sagot.

"Wala. Wala akong lovelife." sagot ko.

"Akala ko pa naman kayo na ni Janine." parang may panghihinayang niyang sagot.

"Ay, oo nga. Kami pala ni pare, pero hindi niya alam." pagbibiro ko kay Chloe.

Natawa naman kaming pareho.

"Parang ikaw...


Mahal kita pero hindi mo alam." ang biglang nasabi ng bibig ko.

Napatigil si Chloe sa pagtawa niya at natahimik kaming dalawa. Napatingin nalang kami sa isa't-isa.

"Dati pa un. Feeling mo. Ang ganda mo naman?" pambawi kong sagot para. Hindi nga siya maganda pero mahal ko parin talaga siya.

"Alam mo, ikaw, hindi ka parin nagbabago. Ang yabang mo parin." sagot niya habang kurot sa braso ko.

-----

Chloe

Napakayabang talaga nitong Joshua na toh pero hindi ko maitatangging namiss ko rin naman kahit papaano ang kayabangan at pangungulit nito

simula pa noong highschool pa kami.

Habang kinukurot ko si Joshua ay nag-ring ang cellphone ko.

Saibi
Calling...

Ang irog ko na pala ang tumatawag. Kaya agad ko itong sinagot.

Hello Chlobi. Miss na miss ka na ni Saibi. pagbati ni Sai.

Mas miss daw ni Chlobi si Saibi niya. Kamusta naman diyan? sagot ko naman.

Eto, magba-byahe na kami pauwi. Anong ginagawa ng Chlobi ko?

Dito sa mall, nag-grocery. Alam mo ba nagkita kami ni Joshua. Nandito nga siya kasama ko eh. Gusto mo siyang makausap Saibi?

Ah sige, next time nalang natin pagkwentuhan magddrive na ako.

Sige. Ingat kayo Saibi ko.

Ingat rin ikaw, I love you so much.

I love you more bebi.

At pinutol na ni Sai ang tawag.

"Sino yun?" pag-uusisa ni Joshua.

"Si Cyrus." sagot ko.

"Saibi? Ang korny niyo talaga. Hahaha." pang-aasar niya.

"Inggit ka lang." sagot ko naman sa pang-iinis niya.

"Ako inggit? Sawang-sawa na nga ako sa ganyan eh." pagmamayabang naman niya.

"Hay nako Daddy, kunyari ka pa. Hanap mo na kasi ako ng mommy." sagot ko sakanya.

"Meron na. Papakilala kita sakanya." sagot niya.

"Talaga? Dali pakilala mo ko ha." masaya kong sagot.

"Oo. Tumingin ka na sa salamin." pag-uutos niya.

"Nye. Ano kaya un? Mag-seryoso ka nga Joshua." sagot ko sabay hampas ko sakanya.

"Seryoso naman ako ha?" sagot niya habang may seryosong mukha.

Ayan nanaman, hindi ko alam isasagot ko. Totoo ba lahat ng sinasabi mo? Maniniwala ba ako sayo o pinagt-tripan mo nanaman ko?

Nang biglang dumating si Yaya Kurds.

"Kuloy, uwe na tayo. Tapos na ako magsyapeng. Baka hanap naren tayo ng teta mo." pag-aaya ni Yaya Kurds.

"O cge yaya kurds." sagot ko sakanya.

"O, paano Daddy? Una na kami ha. Hindi na namin mahihintay si Janine. Pareho kaming mapapagalitan ni tita eh." pamamaalam ko kay Joshua.

"Cge. Ingat prinsesa ko. I-tetext kita." pagpapaalam niya sabay ngiti.

"Tigilan mo na nga yang pang ttrip mo. Sige. Bbye." sagot ko.

At umuwi na nga kami ni Yaya Kurds. Madami nanaman akong makkwento kay Cyrus nito.

-----
Joshua

Ano kaya naging reaction ni Chloe? Haaay. Kinakabahan ako. Baka iwasan na niya ako.

Ilang sandali rin naman ay dumating na si pare at umuwi narin kami. Habang nasa byahe pauwi, kinausap niya ako.

"Kamusta naman ang date niyo pare?" pagtatanong niya.

"Date na ba un? Haha. Ayun, sinabi ko... Mahal ko siya." sagot ko.

"Talaga? Nasabi mo un?" tanong niya.

"Magtatanong tapos hindi maniniwala." sagot ko.

"Eh di maniniwala na. Ano naman sagot ni Chloe?" tanong uli niya.

"Wala." sagot ko.

"Masakit?" pahabol niyang tanong.

"Pare naman?" sagot ko at natawa si Janine pagkasagot ko.

Hanggang sa makauwi kami magkahalong kaba at lungkot ang nararamdaman ko. Nanood nalang ako ng tv para malibang.

Mag-alas-diyes na ng gabi ng maisipan kong itext siya.

hi bhe. =]

Ang tagal magreply, mga 10 minuto siguro ang nakalipas.

bhe?

Sender:
My Princess

Ano ba yan. Ang tagal tagal kong hinintay ang reply niya tapos ang ikli ikli lang naman pala ng reply. Ngunit ilang segundo lang ay muli akong nakatanggap ng text mula sakanya.

sino ka?

Sender:
My Princess

Ay, oo nga pala. Baka kaya ganun lang ang reply niya kasi hindi niya alam na ako ung nagtext. Kaya naman nagreply ako.

si Daddy mo toh baby..

Ang tagal nanaman magreply. Nakakainis naman tong mga ganitong ka-text lalo na kapag hinihintay mo reply nila. Pagkalipas ng 15 minuto sa wakas dumating na ang reply niya.

sinong daddy?
and y u're calling me baby?

Sender:
My Princess

Gumaganon na si Chloe ngayon sa text ah.

hon.. c joshua toh..

Hindi kaya, iniiwasan na niya ako? Bakit ganun siya magreply?

Tulad ng inaasahan, naghintay nanaman ako ng matagal para sa reply niya.

c sai to.

Sender:
My Princess



Chapter 12

Break?


Nalintikan na. Si Cyrus pala ang katext ko kanina pa. Kaya pala ang tagal magreply. Hindi ko na nga rereplyan. Paano na toh nabasa niya ang mga text ko para kay Chloe? Biglang may takot akong naramdaman. Makatulog na nga lang.

Ngunit nang gabing un ay medyo nahirapan ako sa pagtulog dahil sa pangyayari.

Tanghali na ako nagising kinabukasan. Masakit ang ulo ko dahil narin siguro sa pag-iisip ng kung anu-ano bago ako makatulog.

Ano kaya reaction ni Cyrus sa mga text ko? Nag-away kaya sila ni Chloe? Kinakabahan ako. Naisipan kong puntahan si pare para ikwento ang mga nangyari. Matapos kong mag-ayos at kumain ay pumunta na ako sakanila.

"Oh pare napadalaw ka." pagbati sakin ni Janine.

"Kasi pare kagabi tinext ko ung number na binigay ni Chloe sakin." paninimula ko magkwento.

"Oh tapos? Natorpe ka nanaman?" pagsaside comment niya.

"Hindi, kay Cyrus ata ung number na binigay niya kasi si Cyrus ung nakatext ko eh." pagpapaliwanag ko.

"Ano naman masama dun? Bestfriend mo naman un." sagot niya.

"Eh kasi ung pagtetext ko. Tinawag ko siyang honey, baby, babe. Hindi ko naman alam na kay Cyrus pala un eh. Akala ko kay Chloe." pagtutuloy ko.

"Yun nga lang pare. Ano ba ung number? Itetext ko." pagtatanong niya.

"Ano naman sasabihin mo?" pabalik na tanong ko naman sakanya.

"Sasabihin ko nalang na boyfriend kita para hindi na siya magduda." sagot naman niya.

"Ikaw talaga pare. May HD ka parin sakin hanggang ngayon." panunukso ko naman kay pare.

"Anong HD?" tanong niya.

"Hidden Desire." natatawa kong sagot.

"Sira. Aayusin lang natin ung gulong ginawa mo noh." sabi niya.

Sumang-ayon ako sa idea ni pare at inabot ko ang cellphone ko at nagsimulang magtext si pare. Pinakita naman ni pare sakin ang itetext niya bago niya isend.

Ui Cyrus! Janine toh.
snsya k n kgbi ky joshua ha?
ang landi ksi nitong bf ko..
kinotongan ko n nga e..

"Eto pare pwede n ba?" medyo natatawa tawa niyang pinakita sakin.

"Mukha naman akong under niyan sayo pero sige na nga." napipilitan kong sagot.

Sinend naman niya ang text na un. Ilang minuto lang ay nagreply na agad si Cyrus at sabay namin binasa ni pare.

ui janine! hello!
c chloe toh pero
pnbsa q nren ky sai
ung txt m.. kau pla
ni joshua aa.. sbi
ni daddy khpon hndi
raw.. loko tlga un..
mommy janine =)

Sender:
Unknown Number

"Pare, naguguluhan naman ako. Akala ko ba si Cyrus toh?" tanong ni Janine.

"Kagabi kasi si Cyrus daw katext ko eh?" sagot ko.

"Baka pinagttripan ka lang ni Chloe?" pagtatanong niya.

"Ewan ko? Replyan mo nga pare. Naguguluhan din ako eh." sagot ko.

"Ano naman sasabihin ko?" tanong niya.

"Ako nalang magrereply. Pahiram cell mo." sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone niya at nagsimulang magtext.

oh chloe? akala ko
ky sai tong number?
ksi kgbi c sai daw
nktxt ni josh..

At sinend ko ang text na un. Naguguluhan na talaga ako. Sino ba talaga ang katext ko? Ilang saglit lang ay nagreply na ito.

hndi ha.. sakin toh..
nagplit lng kmi ng cp
ni sai nung isang araw..
nklimutan kong sbihin ky
daddy khpon..
ngtxt b siya?

Sender:
Chloe

"Hala pare, si Chloe nga toh. Paano yan? Sinabi mo boyfriend mo ako?" pagtatanong ko.

"Hahaha. Hayaan na natin. Atlis hindi na magdududa si Sai kapag tinetext mo si Chloe diba? Magrereply ka pa ba?" sabi niya.

"Hindi na. Baka lalo lang akong malito. Salamat pare ha." sagot ko.

Simula ng araw na un, lagi ko ng nakakatext si Chloe at ang pagkakaalam naman niya kami talaga ni pare. Madalas nga niya akong tanungin tungkol samin ni pare pero wala naman akong maisagot dahil wala naman talagang namamagitan samin kaya napipilitan nalang akong mag-imbento. Hayaan ko nalang na ganito ang sitwasyon namin, masaya parin naman ako. Hindi naman big deal sakin ang maging girlfriend ko siya, basta nandiyan lang siya sa tabi ko at ok kami, sobrang saya ko na. Hindi ko pa kasi kayang magmove-on sa ngayon, kaya ine-enjoy ko muna ang mga sandaling may oras siya para kausapin ako. Mahirap talaga, mahirap kalimutan ang 1st love dahil sa mga markang iniwan nito sa puso ko.

Madalas akong tulugan ni Chloe tuwing gabi lalo na ung tipong excite na excite ka para sa reply niya tapos nagkandapuyat ka kakaantay sa reply niya halos nakatulog ka na nga, un pala ung katext mo tulog na. Tiniis ko ang antok para makatext siya tapos tutulugan lang ako?! Tuwing nangyayari un napapabuntong hininga nalang ako. Sinasadya niya kaya un? O talagang nakakatulog siya? Pero kapag may problema siya kay Cyrus kahit hanggang 4a.m. game na game makipag-text sakin at humihingi ng advice. Ok lang, kahit masakit siyempre ang mas makakapagpatatag ng kanilang relationship ang iaadvice ko. Minsan nga parang gusto ko ng sabihin sakanya, magbreak na kayo! nandito naman ako! pero wala. Hindi ko kaya.

-----

Chloe

Ilang araw na simula ng manibago ako kay Sai. Madalas siyang tahimik. Hindi na siya gaanong nangungulit, minsan nalang niya pisilin ang ilong ko, minsan nalang niya ako tanungin kung mahal ko ba siya, basta pakiramdam ko nanlalamig na siya. Tuwing yun ang nasa isip ko hindi ko mapigilan ang maiyak pakiramdam ko bukas o makalawa, iiwan na niya ako. Isang araw habang nasa school kami, hindi ko na kaya ang bigat na nararamdaman ko kaya lakas loob ko siyang tinanong.

"Saibie, may problema ba?" medyo nanginginig na boses kong pagtatanong dahil pinipigilan kong umiyak.

"Wala. Baket?" pagtataka niya.

"Bakit ka ganyan? Bakit parang nag-iba ka? Bakit parang anlayo layo mo sakin?" sunod sunod kong pagtatanong.

Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat dahil ngayon ang unang beses namin mag-usap ng ganito. Ngayon lang din ang unang beses na makaramdam ako ng ganito kabigat.

"Anong ibig mong sabihin?" muli niyang pagtatanong.

"Wala. Di bale nalang." sagot ko.

Tinapos ko na ang aming usapan dahil any moment babagsak na ang mga luha sa aking mga mata. Parang sasabog na ang puso ko dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari samin. Medyo tumungo ako para hindi niya mahalata na medyo naluluha na ang mga mata ko.

Pagkatungo ko ay inakbayan ako ni Cyrus, niyakap at hinimas ang buhok ko ng paulit-ulit. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng oras na un dahil sa ginawa niya. Buti naman.

Nang kinahapunan ay umuwi narin kami ni Sai. Tulad ng lagi niyang ginagawa, hinahatid niya ako sa tapat ng bahay namin at bago ako pumasok ay hahalikan niya ako sa noo, yun ang body language niya kung paano niya sabihing mahal niya ako. Tuwing ginagawa niya un kinikilig ako, pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Parang wala. Parang isang normal na halik lang mula sakanya. Mahal na mahal ko siya at nasasaktan ako. Hay ayoko ng ganito.

Magkaiba kami ng course ni Sai pero sa isang university kami nag-aaral kaya ang oras lang ng pagkikita namin ay ung mga free time namin.

Kinabukasan, mag-aalas onse na nang magkita kami sa kubo kung saan kami madalas magkasama, nagkkwentuhan at nag-aaral. Nag-overtime ang prof niya ngayon kaya naman medyo nahuli siya ng dating. Nasanay kami na tuwing magkikita kami dun ay hahalikan niya ako sa pisngi. Ngunit, tulad ng naramdaman ko sa halik niya kagabi, parang kulang.

Umupo nalang ako at nagsimula gawin ang homework ko, siya naman ay nagbabasa ng libro. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ako sanay ng ganito. Halos mag-iisang linggo na pala kaming ganito pero binabalewala ko dahil akala ko pagkalipas ng ilang araw ay babalik na kami sa normal, nagkamali ako.

Mga trenta minutos na siguro ang nakakalipas nang dahan-dahang tumayo si Sai.

"Hindi ko na kaya, magbreak na tayo." sabi niya.

Dahan-dahang pumatak ang mga luha sa mga mata ko.



Chapter 13

Truth or Lie?


Cyrus

Nagulat ako nang makita kong biglang umiyak si Chloe sa harap ko. Hindi ko alam kung anong masama ang nasabi ko. Kaya naman agad akong umupo sa tabi niya at pinunasan ang mga luha niya.

"May problema ba?" tanong ko sakanya.

"Ako ang dapat magtanong niyan Cyrus. May problema ka ba? Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi kita maramdaman. Tapos ngayon nakikipagbreak ka." sagot niya.

Hindi ko napigilan ang aking sarili at ako ay natawa sa sinabi ni Chloe.

"Ano ka ba? Kakain lang tayo. Nagugutom na kasi ako eh. Kung anu-ano iniisip mo. Tara maglunch na tayo." sabi ko sakanya habang inaakay siyang tumayo ngunit pinigilan niya ako.

"Seryoso ako Sai. Wala ba talagang problema? Hindi ko na kasi maintindihan. Pakiramdam ko ang layo mo kahit nandiyan ka lang sa tabi ko." sabi niya sakin.

"Wala namang problema. Bakit Chloe? Hindi rin kita maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan." pagtataka ko.

"Wala ba? Sana nga wala. Wag mo nalang akong intindihin. Kumain ka mag-isa, wala na akong ganang kumain." sagot niya sabay tayo at lakad papalayo habang pinupunasan ang mga luha niya.

Tumayo rin ako at sinundan siya kung saan man siya pupunta. Hindi ko na sinubukang kausapin siya dahil baka matarayan niya lang ulit ako. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay pumasok siya sa CR ng mga babae. Gutom na gutom na talaga ako ng oras na yun.

---

Chloe

Bakit kaya ganito? Pinapahirapan ko ba talaga ang sarili ko sa pag-iisip ng kung anu-ano? Siguro nga sadyang napapraning lang ako pero hindi ko talaga kayang huwag umiyak sa mga nangyayari.

Umiyak lang ako ng umiyak sa loob ng cubicle ng CR. Nilalabas ko ang sama ng loob ko na parang hindi man lang mapansin ni Cyrus. Sobrang nakakalungkot.

Mahigit dalawampung minuto siguro akong nag-iiyak sa loob ng CR at maya-maya'y napagpasyahan kong ayusin na ang aking sarili dahil mag-uumpisa na ang aming klase. Matapos non ay lumabas na ako ng CR.

Nagulat ako ng bigla akong sinalubong ni Cyrus sa aking paglabas. May hawak siyang isang rosas na gawa sa papel at may nakasulat na "I'm Sorry". Sa ginawang yun ni Cyrus, para bang ang lahat ng inis ko sakanya kanina ay nawala. Natuwa ako pero hindi ko dapat ipahalata na natuwa ako sa ginawa niya. Akala mo porket binigyan mo ko ng rose, bati na tayong lalake ka.

"Ano yan?" tanong ko.

"Peace offering po. Sorry na, Chlobi." sagot niya.

Kinuha ko ang rosas na gawa sa papel at palihim na napangiti.

"Tara na. Malalate na tayo sa klase." pagmamatigas ko paring sagot sakanya kahit kinilig talaga ako sa ginawa niya.

"Teka, bibili lang ako ng sandwich para satin. Nagugutom na talaga ako eh." sabi niya.

Lalong lumambot ang puso ko nang malaman kong hindi pa pala kumakain si Sai at hinintay niya ako hanggang matapos ako sa pagmumukmok ko sa CR. Hay. Wala nga sigurong mali. Ako lang tong nag-iisip ng kung anu-ano. Hindi ko na siya hinintay na bumalik at napagpasyahan kong pumunta nalang ng classroom dahil mag-uumpisa na ang klase.

Saktong pagkarating ko ng classroom ay siyang pagdating din ng professor namin. Mga limang minuto siguro ang nakalipas ng maramdaman kong nagrerebelde na ang aking tiyan. Nako, nagugutom na ako tuloy-tuloy pa naman ang klase ko hanggang alas-kwatro. Maya-maya ay napalingon ako sa may pintuan. Nakita ko si Sai na sumesenyas sakin na lumabas ako. Kaya naman ako'y dahan-dahang lumabas.

"Oh bakit nandito ka pa? Late ka na sa klase mo." pag-aalala ko.

"Ok lang yan. Minsan lang naman. Oh ito 2 sandwich at isang C2. Alam kong gutom ka na at kulang sayo ang isa." sabi niya habang inaabot ang brown paperbag.

"Ay ganon? Kulang sakin ang isa? Sige ako na matakaw." pabirong sagot ko.

"Ikaw naman talaga." nangingiting sagot niya.

Kinuha ko na ang paperbag.

"Nakuha mo pang mang-asar ha." pabiro kong sabi habang kinurot ang bewang ni Sai dahil may kiliti siya dun.

"Aray tama na. Hindi ka na matakaw." sabi niya kasabay ng pagpigil niya sa pangungurot ko.

"Sige papasok na ako sa klase." pagpapaalam ni Sai at binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap bago siya umalis. Pumasok narin naman ako sa loob ng classroom.

Siguro nga ako lang tong praning sa ikinikilos ni Cyrus. Hay. Kailangan kong bumawi sakanya.

Pagkaupo ko ay palihim kong binuksan ang binigay sakin ni Sai dahil sobrang gutom na ako talaga. Pagkabukas ko ay may nakita akong isang papel. Kinuha ko ito at binasa.

Eatwell babe.
Sorry for everything.
I love you. =)

"Ang haba naman ng hair mo teh. Natatapakan ko na oh." hindi ko namalayan na nakikibasa na pala ang katabi kong baklang chismosa.

"Loka. Panira ka talaga ng moment." napangiti kong sagot.

Naging ok na kami ulit ni Cyrus matapos non at pinapunta ko siya sa bahay upang ipagluto ng pagkain dahil ginutom ko siya noong isang araw.

Masaya kaming nagkekwentuhan habang kumakain. Matapos non ay nanood kami ng movie sa sala habang nakasandal ang ulo ko sakanyang balikat. Tamang kwentuhan ulit nang biglang naging seryoso ang usapan namin.

"Chlobi, sorry kung parang nagbago ako this past few days." sabi ni Sai.

"Ok na tayo ulit diba? Kinalimutan ko na yun. Sorry rin kung naging praning ako." sagot ko.

"Hindi, kasalanan ko naman talaga eh. Kung hindi naman kita bibigyan ng dahilan, hindi mo naman maiisip un." sabi ni Sai.

Nag-iba ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Natahimik ng mga 30 seconds siguro.

"Alam mo ba ung ..." pabitin na salita ni Cyrus.

"Ung?" pagtataka ko. Napaupo ako ng diretso at napatingin ako sakanya.

"Selos?" medyo nahihiyang sabi ni Sai na medyo napatungo pa.

Napangiti ako na kinilig na natatawa na ewan sa tanong na un ni Sai.

Inasar ko si Sai. Kinikiliti ko ang bewang niya habang siya naman ay hindi makatingin sakin ng diretso.

"Kaya naman pala. Nagseselos na pala ang boyfriend ko kaya nagkakaganun." sabi ko habang patuloy siyang kinikiliti.

"Tigilan mo nga ako. Isa." sagot niya na naiinis dahil sa pang-aasar ko sakanya.

Matapos nun ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kanino ka naman kaya nagselos eh ikaw lang naman mahal ko?" pagtataka kong tanong.

"Kay... Joshua." sagot niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ngunit mga ilang segundo lang ay ibinaling ko ang paningin ko sa TV.

"Bakit ka naman magseselos dun?" pagtatanong ko.

"Natatakot kasi akong mawala ka." sagot niya.

"Sus, alam mo namang hindi mangyayari yun eh. Nakamove-on na ung bestfriend mo for sure, yun pa." sabi ko sabay pisil sa ilong niya.

"Malay mo hindi pa. Lagi mo pa namang katext." sabi ni Sai.

"Minsan lang kaya, seloso." pang-aasar ko uli sakanya at nagkulitan na kami uli matapos non.

Ilang buwan narin ang nakalipas. Kahit alam kong pinagseselosan ni Sai si Joshua, hindi naman kami nawalan ng communication at nagkikita parin kami ni Joshua dahil para sa amin wala naman kaming ginagawang masama. Hindi ko nalang sinasabi kay Sai para walang gulo.

Malapit na ang aming 4th anniversary ni Sai. Kaya naman naisipan kong maghanap na ng ireregalo ko para sakanya. Pumunta ako sa mall mag-isa pero ang alam ni Sai ay kasama ko ang tita ko sa ibang lugar.

Habang naglilibot-libot ako sa mall nagtext si Joshua.

Musta Chloe? ü

Sender:
Jo

ito naghahanap ng gift para kay sai.
lapit na 4th anniv namin daddy. =)

Nagreply naman siya kaagad.

Congratulations sainyo baby.
Stay happily inlove. ü
San ka ngaun?

Sender:
Jo

dito sa trinoma.
ikaw?

---

ui nandito rin ako.
san ka?
gusto mo samahan kita?

Sender:
Jo

Sa wakas may mahihingian narin ako ng opinyon kung anung magandang gift para kay Sai. Kaya pumayag akong samahan ako ni Joshua.

cge daddy.
kita nlng tau sa carousel. =)

Nagkita nga kami ni Joshua. Tinulungan niya akong maghanap ng pangregalo. Pagkatapos nun ay naisipan namin magpahinga muna at kumain bago umuwi.

Masaya kaming nagkkwentuhan nang biglang nag-ring ang phone ko.

Saibi
Calling...

Hindi naman akong nag-alangan na sagutin ang tawag ni Sai.

Oh babe napatawag ka?
Nasaan ka? Sino kasama mo?




Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung sasabihin ko ba ang totoo na kasama ko si Joshua o panindigan ang kasinungalingan kong kasama ko ang tita ko.

Anong sasabihin ko?


chapter 14 Sorry Goodbye''.


Chloe

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Cyrus. Ilang segundo ang nakalipas bago ako nakasagot sa katanungan niya.

Si tita kasama ko ngaun saibi, bakit?

Matapos kong sumagot ay naputol ang tawag galing kay Sai. May hindi maipaliwanag akong naramdaman na naging dahilan ng pagtingin ko sa isang lugar. Laking gulat ko nang makita ko si Cyrus na nakatingin kung saan kami naroroon ni Joshua. May galit at gigil akong nakikita sakanyang ichura, lalo na ng napalingon si Joshua sa kinaroroon ni Cyrus. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagmadaling pinuntahan si Sai habang siya naman ay tumalikod at naglakad papalayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napakalaking pagkakamali itong nagawa ko. Napakalaking katangahan. Naluluha na ako ng mga sandaling yun.

Nang maabutan ko si Sai, hinawakan ko ang braso niya.

"Sai..." sabi ko sakanya.

Lumingon siya at nagkatitigan kami ng mga ilang segundo. Matapos non ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, napakahigpit. Habang hawak niya ang kamay ko ay hinihila niya ako ng mabilis papalabas ng mall.

"Sai, bitawan mo na ako, nasasaktan na ko." pagrereklamo ko habang pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha.

Napahinto si Sai nang hawakan ni Joshua ang balikat niya.

"Cyrus." medyo hinihingal na sinabi ni Joshua.

Hinawi lang ni Cyrus ang kamay ni Joshua sa kanyang balikat.

"Tigilan mo na si Chloe. Wala ka ng pag-asa." malumanay ngunit may galit ang tono ng pagsasalita niya.

"Pero Sai--" pagsabat ko.

"Manahimik ka." sagot ni Sai.

Ito ang unang pagkakataon na sinagot ako ng ganyan ni Cyrus. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa bawat salitang binibitawan niya. Bakit ba kasi nagkita pa kami ni Joshua at nagkataon pang nandito rin si Cyrus?! Tapos ayaw pang makinig ni Cyrus sa mga paliwanag ko. Haaaay.

Naglakad na ulit kami papalayo ni Sai. Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko at hinawakan niya ang palad ko. Mas mahigpit kaysa sa nakasanayan ko. Nilingon ko naman si Joshua ngunit hindi ko na siya nakita.

Hinatid ako ni Sai pauwi. Habang nasa byahe kami papauwi, hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil baka kung anu-ano na ang iniisip ni Sai at masira ang tiwala niya sakin. Kung anu-ano ang iniisip ko kaya naman hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko.

"Bumaba ka na." sabi ni Cyrus sakin.

"Ayoko hangga't hindi ka nakikinig sa paliwanag ko." sagot ko sakanya.

"Wala kang dapat ipaliwanag. Baba na." pagpupumilit niya.

"Sai nagkataon lang na nagkita kami ni Joshua dun sa mall tapos--"

"Sabing wala kang dapat ipaliwanag eh. I said GO!" pasigaw niyang sinabi sakin habang hinampas niya ng malakas ang manibela ng kotse niya.

Natakot ako ng oras na yun. Sa takot ko ay niyakap ko si Sai.

"Sai, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko. Selos selos ka pa diyan." sabi ko kay Sai ng buong puso.

"Anong gusto mong maramdaman ko? Nagsinungaling ka na nga, siya pa ang kasama mo." sagot niya.

"Kasi... bumili lang naman talaga ako ng regalo para sa anniversary natin." sagot ko sakanya.

"Last na toh Chloe. Ayokong mahuhuli pa kitang kasama o kausap siya." sabi niya sakin.

Inalis ko ang pagkakayakap ko kay Sai.

"Grabe, ganyan ka ba talaga kaselos kay Joshua?" pagtataka ko.

"Basta ayokong mag-usap pa kayo." sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Sige, hindi na. Iiwasan ko na siya para sayo." sabi ko at pagkatapos ay bumaba na ako ng kotse niya at pumasok sa loob ng bahay.

Nakatulog akong umiiyak at nag-iisip ng kung anu-ano. Wala naman akong maisip na dahilan para sobrang ikagalit niya kay Joshua. Maliban nalang kung alam niya ung mga pinaggagagawa ni Joshua nung highschool kami. Hay. Namimiss ko ang mga panahong yun.

-----

Joshua

Ang saya-saya naming nag-uusap ni Chloe nang biglang may tumawag sakanya. Ilang saglit lang ay napatulala siya sa isang lugar kaya naman napalingon ako para tignan kung ano ang nakita niya. Si Cyrus. Tumayo siya para puntahan si Cyrus, naiwan pa nga niya ang binili niyang regalo sa kanyang pagmamadali. Kinuha ko ito at sinundan siya. Hinihila palabas ni Cyrus si Chloe, mukhang nahihirapan ang prinsesa ko kaya binilisan ko ang paglalakad para maabutan ko sila. Hinawakan ko ang balikat ni Cyrus para pigilan siya.

"Cyrus." sabi ko sakanya.

Hinawi lang ni Sai ang kamay ko.

"Tigilan mo na si Chloe. Wala ka ng pag-asa." sabi niya at nag-umpisa na silang maglakad uli.

Nang marinig ko yun, parang tumigil ang mundo ko ng ilang segundo. Wala na akong ibang narinig. Bakit nga ba si Chloe parin? Eh may Cyrus na nga siya? Parang pinahihirapan ko lang si Chloe dahil nag-aaway sila ni Cyrus dahil sakin. Pero... si Chloe lang talaga e. Aanhin ko ang iba, kung hindi naman ako masaya.

Matapos ko mag-drama sa isip ko, wala na akong nagawa kundi maglakad palayo habang dala-dala ko ang regalo ni Chloe kay Sai na sana regalo niya para sakin.

Akala ko pa naman maayos na ang takbo ng plano kong makasama si Chloe pero sa pangalawang pagkakataon nasira nanaman ito ni Cyrus.

-----

Chloe

Hays.. Paano ba to? Paano ko iiwasan si Daddy? Paulit ulit na tanong ko sa aking sarili. Sobrang miss ko pa naman siya, tapos siya din ang madalas kong nakakausap kapag may problema kami ni Sai. Di ko akalaing siya ang magiging dahilan ng napalaking problema namin ngayon.

Mahirap iwasan si Joshua pero mas hindi ko ata kakayanin na mawala sa akin si Cyrus. Halos 4 na taon na kaming magkasama, halos 4 na taon naming inalagaan ang relationship namin. Sa gulo ng utak ko humiga ako sa kama at dun nagpaikot ikot. Hindi ko namalayan na madaling araw na pala. Maya maya nakita ko ang cellphone ko.

Alam ko na. Itetext ko nalang si Daddy, hindi ko kakayanin na sabihin sa kanya ng harapan na mag-iwasan nalang kami.


Ui Joshua!
Sori bout
wat hapend..
umalis aq
ng ndi nkpgpaalam..


Message Sent


Wala pang dalawang minuto ay tumunog na ang cellphone ko. Akala ko naubusan ako ng load. Nagulat ako, nakapagreply kaagad si Joshua. Napatingin ako sa orasan, madaling araw na pero gising pa rin sya.


Ok lng un baby!
Aq nga dpt magsori..
nag away ata kau ni Sai..
hayaan mo d na muna
kta yayain or itetext..

Sender:
Jo


Buti naman at kahit papaano ay naiintindihan ni Joshua ang nangyayari. At siya na rin ang nagsabing hindi na niya muna ako yayayain at itetext. Napabuntong hininga ako. Pero teka, muna? Tama ba nabasa ko? May muna? Dapat wala na talaga at all. Babasahin ko na sana ulit ang text ni Joshua para tingnan kung may "muna" nga ba ang text nya, nang bilang tumunog ang cellphone ko.


Baby! Sa mga susunod
na araw nlng kta ittxt
at yayain.. palipacn
muna ntn ang sitwasyon..
slip kna.. may pasok pa! (:

Sender:
Jo


Whaaaaaaat? Nagulat ako sa text niya. No! This can't be. Hindi pwede. Baka lalo kaming mag away ni Sai! Mabilis akong nagreply sa kanya.


Joshua, im sori ulit
pro d na tau pdeng
mgtxt or lumabas
kht kelan kc magagalit
si Sai.. ayw qng mag away
kami.. mahal ko siya!
Last na to!

Message Sent


-----


Joshua



Anong oras na pero wala pa rin akong balita kung anong nangyari sa kanila. Kamusta kaya si Chloe? Nag awa kaya sila? Wag naman sana. Ayaw kong umiyak si Chloe. Gusto ko man syang itext or tawagan nag aalangan ako kasi baka na ka Cyrus ang cellphone. Baka nagpalit na naman sila. Ang dami talaga nilang kaartehan.

Napapagod na ko kakalakad dito sa kwarto ko at nahihilo na ko kakaikot dito sa kama pero wala pa din kahit isang text. Chloeeee, magtext ka naman. Maya maya nga ay tumunog ang cellphone ko.

Uy text! Sana si Chloe..


Boyfrend, musta?
Wala aq mgwa at d aq
mkatulog, pede ba
pumunta dyn?

Sender:
Pare

Si pare lang pala. Akala ko naman si Chloe. Pero ayos din naman, timing na timing talaga to si pare.


Cge pare! Timing,
d rin aq mkatulog.

Message Sent



Maya maya ay dumating na si pare. Naupo siya sa kama ko at kinutingting ang laptop ko habang ako palakad lakad lang sa kwarto ko, tinitingnan ang cellphone kada minuto.

"Pare!" tawag sa akin ni Pareng Janine. Napalingon naman ako kaagad.

"Oh pare? May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Ako, wala! Enjoy ka ba sa ginagawa mo? Di ba yan boring?" tanong nya sa akin. Hindi ko sya magets. Napakunot lang ang noo ko.

Biglang may dumapong unan sa muka ko. Nasaktan naman ako.

"Aray!" daing ko.

"Gising ka na ba? Para kang tanga pare. Kanina ka pa dyan paikot ikot. Paulit ulit mong tinitingnan yang cellphone mo." mabilis na sabi sa akin ni Janine.

"Pare naman eh. May nangyari kasi kanina.." sabi ko sa kanya. At kinukwento lahat ng nangyari.


"Pare, di ba ang alam nila girlfriend mo ako? Eh bakit pa nagseselos si Cyrus? Seloso naman nun." sabi ni Pareng Janine matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa amin nina Chloe kanina.

"Hindi ko alam pare! Pero nag aalala ako kay Chloe, ano kayang nangyari sa kanila?" Gulong gulo pa din ang utak ko.

"Gusto mo itext ko sa Chloe?" tanong ni Janine sa akin.

"Ano naman sasabihin mo?" balik na tanong ko sa kanya.

"Ako nang bahala.." nakangiting sabi ni Pare. Hays. Buti nalang andito sa pare kahit kailan talaga maaasahan ko siya.

Nagpipipipindot na si Janine sa kanyang iPhone para itext si Chloe ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Wag na pala pare, nagtext na si Chloe.."

"Paano mo namang nalaman na si Chloe nga yan? Eh ndi mo pa nababasa?"

"Syempre, lukso ng puso! Haha.."

"Weh? Pabasa.."

Alam kong si Princess kaagad yun dahil iba ang ringing tone na nilagay ko. At sabay naming binasa ang text niya.


Ui Joshua!
Sori bout
wat hapend..
umalis aq
ng ndi nkpgpaalam..

Sender:
My Princess


Napatingin naman ako kay Janine. Nakangit lan si Pare at pataas taas ang kilay. Parang sinasabi niya na magreply na ako. Kaya nagreply kaagad ako.

Ok lng un baby!
Aq nga dpt magsori..
nag away ata kau ni Sai..
hayaan mo d na muna
kta yayain or itetext..

Message Sent


"Ayan! Sa tingin ko naman okay si Chloe, dba pare?" tanong ko sa kanya.

"Oo, hindi naman magtetext yan ng ganyan kung hindi dbah?" sagot niya sa akin habang nakangiti. Cute talaga ng smile ni pare.


Hindi na nareply si Chloe. Maya maya ay tinext ko ulit si Chloe, dagdag sa pauna kong text.


Baby! Sa mga susunod
na araw nlng kta ittxt
at yayain.. palipacn
muna ntn ang sitwasyon..
slip kna.. may pasok pa! (:

Message Sent


Pero wala pang ilang minuto ay nagreply na kaagad siya. Nakibasa ulit si Pare. May pagkachismosa din to.


Joshua, im sori ulit
pro d na tau pdeng
mgtxt or lumabas
kht kelan kc magagalit
si Sai.. ayw qng mag away
kami.. mahal ko siya!
Last na to!

Sender:
My Princess



"Pare, pano yan?" tanong sa akin ni Janine.

Hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako sa text niya. Hindi pwede to. Hindi pwedeng mawala na naman sa akin si Chloe.

"Aray!" may dumapo na namang unan sa pisngi ko.

"Pare! Paano na?" madiing tanong ni Pareng Janine.

"Hindi pwede to pare!" ang tanging nasagot ko sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at nagreply ako kay Chloe. Pero hindi siya nagreply. Paulit ulit ko siyang tinitext pero wala talagang reply.

"Pare! Subukan mo kayang tawagan." mga salitang nakaalintana sa pagtetext ko.

"Honga no, Pare! Hindi ko naisip un!" At dinayal ko na nga ang number ni Chloe, habang nagriring...

"Minsan kasi Pare, gamitin mo ang utak mo! Haha.. Hindi lang basta nakapatong dyan." pang-aasar naman ni Janine na hindi ko masyadong napansin dahil abala ako sa pagcontact kay Chloe, hindi niya sinasagot. Hanggang sa...... *The number you have dialed is out of service or coverage area, please try again later.*

"Pare! Pinatay niya ang cellphone nya!" inis na inis kong nasabi kay Janine.

"Oh? Eh bat ganyan ang tono mo sa akin?" seryosong sabi ni Janine habang nakatitig sa akin.

"Pare, pasensya na. Alam mo naman e!" malambing na sabi ko sa kanya na para bang nagmamakaawa.

"Mukang ayaw na niya talagang makiusap sayo. Anong plano mo?" mahinahong sabi niya sa akin.

"Hindi ko alam!" matamlay na sagot sa kanya, napaupo nalang ako bigla sa sahig. Si pare naman kung ano ano pa ding kinukutingting sa mga gamit ko.

Magulo na naman ang utak ko. Akala ko okay na. Akala ko papalamigin lan ang sitwasyon. Yun pala. Haaay. Nakakaasar naman.

"Pare, ano to? Para kanino to?" tanong sa akin ni pare. Tiningnan ko naman kung ano ang kapit kapit niya.

Tumayo ako at lumapit kay pareng Janine. Napangiti ako.

"Pare! Kaya mahal kita eh, ang galing mo talaga!" nakangiting sabi ko sa kanya at kinuha ang kapit kapit niya..



chapter 15 ..partners in crime''..



Joshua

"Pare, ano to? Para kanino to?" tanong sa akin ni pare. Tiningnan ko naman kung ano ang kapit kapit niya.

Tumayo ako at lumapit kay pareng Janine. Napangiti ako.

"Pare! Kaya mahal kita eh, ang galing mo talaga!" nakangiting sabi ko sa kanya at kinuha ang kapit kapit niya..

Yun ung regalong binili ni Chloe para sa 4th Anniversary nila ni Cyrus. Naiwan niya yun sa table na pinagpahingahan namin kaya ako nalang ang nag-uwi. Sayang naman kung maiiwan lang dun.

"Oh so para kanino nga yan pare?" muling tanong sa akin ni Janine.

"Para kay Cyrus to!" sagot ko sa kanya. Medyo nalungkot ako, sana kasi para sa akin nalang.

"What? Regalo mo para kay Cyrus?" nagulat na tanong ni Janine. Natawa naman ako.

"Ano ka ba pare, ito yung binili ni Chloe para kay Cyrus!" natatawang sagot ko sa kanya.

"Ah! Linawin mo kasi, akala ko nililigawan mo na si Cyrus! Haha.. Suhol!" natatawang pang aasar ni pareng Janine.

"Sige, pagtawanan mo pa ko!" inis inisang sabi ko sa kanya pero tuloy pa din siya sa pagtawa. "Alam mo ikaw, nagpunta ka lang ng New Zealand pagbalik mo marunong ka na mang-asar!" patuloy na sabi ko sa kanya.

"Aba! Syempre.. Nadevelop na yung talent ko dun e! Kaya may katapat ka na." proud na proud niyang sabi sa akin at may padila dila pa.

"Ang yabang mo na ngayon ah!" nakangiting sabi ko sa kanya habang nilalapitan ko para kurutin ang kanyang pisngi.

"Aray! Aray! Mana lang sayo!" pagrereklamo niyang sabi habang nangingiliti sa bewang. Hindi niya ako tinitigilan hangga't hindi ko binibitawan ang kanyang pisngi.

"Kakabagan ako nito pare kakakiliti mo!" sabi ko sa kanya habang mamatay matay akong natawa.

"Eh di mabuti! Para mamatay lahat ng lamok dito sa inyo. Haha.. Bitawan mo muna ako." Nang bitawan ko siya ay derecho siya sa pangungutingting ng mga gamit ko.

Itong si pare malaki na talaga ang pinagbago. Pero natutuwa ako dahil ngayon may kasabayan na ko sa pang-aasar. Mayabang na din siya ngayon. Haha.. Magbestfriend nga kami. Sayang lang at di ko kayang tumbasan ang pagmamahal niya sa akin. Alam ko naman na hindi pa din nakakapgmove on tong si Pare e. Sa gwapo ko ba namang to! Haha..

"Pare, di ko alam mahilig ka pala sa kero keroppi! Haha.. Parang bata! Akala ko superman lang." pambasag niya sa katahimikan.

"Ha? Superman lang ang favorite ko." mahinahong sagot ko sa kanya.

"Eh bakit may nakaframe kang medyas ng kero keroppi? Wag mong sabihing regalo yan sayo? Haha.." natatawang pang-asar ni pare.

"Ah yan! Kay Chloe yan eh!" sagot ko sa kanya. Napatingin naman niya sakin, kitang kita sa kanyang mga mata na siya'y naguguluhan.

"Kasi pare, nung first day of school nung naglaro tayo, ako ang nakakuha ng sapatos ni Chloe pero binigay ko kay Cyrus. Yung medyas lang ang kinuha ko. Tapos ayan pinaframe ko!" nakangiting pagpapaliwanag ko kay pareng Janine, kapag naaalala ko kasi ang mga nangyari nuon hindi ko maiwasang mangiti. "Nakaframe para hindi lumabas ung amoy! Haha.. Baho kasi.." pagpapatawa ko.

"Sira ka talaga pare." ang tanging naisagot niya sa akin. Hindi talaga mapigil si Pare sa pagkalkal ng mga gamit ko. Natutuwa naman ako dahil first time ko siyang makitang ganyan. Pagkakaangat niya ng mga gamit ko sinisigurado niyang nasa tamang pwesto ang mga iyon.

"Ganyan ba tinuturo sa inyo sa NZ?" pagtatanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin. Mukang hindi niya nagets. "Ang makialam ng mga gamit ng ibang tao?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Tumigil siya sa ginagawa niya at humarap sa akin. At nakapamewang pa. Mukang magtataray siya. Haha..

"Hoy! Hindi ako pakialamera ha! Curious lang!" medyo pasigaw niyang pagtataray, pero sa loob loob ko natatawa ako.

"Chillax pare, nagbibiro lang eh!" pangisi ngisi kong sabi sa kanya.

"Chillax lang naman ako eh. Ayos ba pare? Yung pagtataray ko? Haha.." natatawa niyang sagot habang bumabalik sa pangingialam ng mga gamit ko.

"Alam mo pare, this is one of my ways to know what you've been up to. Tagal kaya nating hindi nagkasama." sabi niya sa kin.

"Nakakanosebleed ka naman pare! Haha.." pang-asar ko sa kanya na mukang hindi naman siya tinablan.

"May tissue sa bag ko, pwede mong gamitin!" pambasag niya sa akin. Laki talaga ng inimprove nitong babaeng to.

"Magbestfriend nga tayo! Partners tayo ah! Wag ka nang tumanggi ah. Simula ngayon ikaw na ang partners in crime ko, haha.." sabi ko sa kanya, dahil sa lakas nyang mang-asar pwede na talaga kaming magpartner.

"Oo na, may magagawa pa ba ko?" ang tangi niyang nasabi.

"Oh pagod ka na?" tanong ko sa kanya ng makita kong paupo na siya sa aking sofa.

"Oo eh! Tsaka isang bagay nalang naman ang hindi ko nakikita. Yung closet mo. Na nakalock pa ha! Tsaka na yan. Hindi naman ako nagmamadali eh." sagot niya sa akin habang nakaupo sa sofa. Mukang napagod ka kakakalkal. Haha.. Naging pakialamera na nga si pare.

"Ano ba nakita mo pare? Alam mo na ba ang mga nangyari sa akin nung nawala ako dahil sa pangangalkal mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo! Na nagwalang hiya ka." matamlay niyang sagot, inaantok na siguro siya.

"Nalaman mo yun nang dahil lang sa pangangalkal?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"OA ka naman. Parang basura lang ah. PANGANGALKAL!" sinadya niya talagang diniinan ang salitang yun. Nakakatuwa talaga to si pare. "Tsaka ko na sayo sasabihin kung pano, 4am na pala oh! Uwi na ko." pamamaalam ni pare.

"Hindi pwede! Hindi ka uuwi ngayon!" mabilis na kontra ko sa sinabi niya.

"At bakit naman?" nagtataka niyang pagtatanong.

"Hahayaan ko ba namang umuwi mag-isa ng ganitong oras ang GIRLFRIEND KO?" nakangiting sagot ko sa kanya habang pinapataas taas ang kilay ko.

"GIRLFRIEND.. KA.. DIYAN!" sagot niya sa akin sa tonong nang-aasar na bata pagkatapos ay dumila pa.

"Sus! Kunwari pa to. Gustong gusto naman." sabi ko sa kanya.

"Ang kapal ng face mo!" sagot naman niya sa akin.

"Totoo naman ah. Hindi ba tinext mo pa kay Chloe na girlfriend kita kaya wag kana tumanggi!" pagpapaalala ko sa kanya.

"Hoy! Joke lang yun dbah? Para lang naman yun maayos ung gulong pinasukan mo!" depensa naman niya sa akin.

"Oo nga! Pero--"

"Wag mong sabihing may gusto ka na din sa akin ah? Hahaha.." pagbibiro niya sa akin. Patawa talaga to si Pare.

"Assuming ka pare!" pangbara kong sinabi sa kanya.

"Nagbibiro lang, alam ko naman na si Chloe lang eh!" medyo seryoso niyang sagot sa akin.

"Pero pare, hindi talaga kita papayagan umuwi ng ganitong oras, kahit nakakotse ka pa! Dito ka nalang matulog sa kama ko. Tas ako sa sofa! Di rin naman ako makakatulog dahil pupuntahan ko pa sila mama sa hospital mamayang umaga." sabi ko sa kanya habang inaayos na ang hihigaan niya. Hindi naman ata tama na pauwiin ko siya ng ganitong oras.

"Sige na nga. Pero wag mo kong pagnanasaan ah!" pagbibirong matamlay na sabi niya sa akin habang nakasandal sa sofa, ako naman inaayos pa din ang hihigaan niya.



Janine

Nakakapagod icheck ang mga gamit ni pareng Joshua. Andami dami. Pero infairness kahit lalaki siya at napakarami niyang gamit eh ang linis linis ng room niya. Nagpaalam na ako kay Joshua para umuwi pero pinigilan niya ako. Kaya pumayag na din akong matulog dun.

"Sige na nga. Pero wag mo kong pagnanasaan ah!" pabiro kong sabi sa kanya. Alam ko naman kasi na si Chloe lang ang pinagnanasaan niya. Haha.. Hays.. Inaantok na talaga ako.

Habang inaayos ni Joshua ang hihigaan ko, kung ano ano ang natakbo sa utak ko. Halatang halatang may gusto pa din siya kay Chloe sa lahat ng nakita ko, ay! Hindi pala gusto. Mahal pala. Mahal pa din niya si Chloe. Medyo masakit, isipin mo ba naman yung taong mahal mo may mahal na iba. Pero mas nasasaktan ako kapag nakikitang namomroblema siya dahil sa sitwasyon nila ni Chloe. Sana maayos na sila. Sana maging masaya na si Pare. Sasaya na din ako para sa kanya.





"You.. You.. k-know what?"

"I.. I tried to, b-but.. Zzzzzz.."


"Di nga?"








Joshua


Matapos kong ayusin ang hihigaan niya at kunin ang mga gagamitin ko.. "Oh ayan! Matulog ka na dito. Ako na diyan sa sofa, pare!" sabi ko sa kanya. Pero hindi siya naiingli sa sofa kaya tiningnan ko siya at sinabing.. "Dito ka--"

"Haha.. Nakatulog ka na diyan pare. Lipat na dito." pagyaya ko sa kanya ngunit wala siyang kibo. Mukang tulog na tulog na nga ata siya. Hindi naman pala sanay sa puyatan e, nagpupuyat pa. Di naman pwede na diyan siya sa sofa matulog.

Nilapitan ko si pare. Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi talaga siya magising. Ano kaya ang ginawa niya buong araw at mukang pagod na pagod. Sumandal lang siya e nakatulog na. At dahil hindi siya magising nagpasya akong buhatin nalang siya at ilipat sa kama. "Ang bigaaaaaat!" pabulong kong pagrereklamo. Haha.. Hindi ko akalaing mabigat si pare ng ganito. Pero okay lang, kesa naman sumakit ang likod niya sa sofa, sisihin pa ko.

Pagkalapag na lapag ko sa kama.. "You.. You.. k-know what?" ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Tulog? Nagsasalita, buti nalang at hindi Crispin at Basilio ang sinabi niya, kundi pareho sila ni Chloe. Haha.. "Huh?" ang salitang lumabas ulit sa kanyang bibig.

"Hindi eh! Ano ba yun?" Haha.. tulog kinakausap ko. Pero malay mo sumagot! Mukang sekreto ang sasabihin.
"I.. I tried to, b-but.. Zzzzzz.." ang mga huling salitang sinabi niya bago siya humilik. Haha.. nahilik si pare. Mabidyohan nga, haha.. Sayang hindi natuloy ang sasabihin niya.

Habang binibidyohan ko siya, napansin ko lalo ang kagandahan niya. Ang ganda ganda talaga ni pare. Dati pa naman ay maganda na siya. Pero nagtomboy tomboyan siya dahil sa akin, dahil sinusungitan ko siya nuon. Akala ko tuloy tomboy siya. "Ang ganda ganda mo talaga, pare! Pasensya na at hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal mo sa akin. Pero sana sa'yo nalang ako nainlove! Wag kang masyadong magpapacute sa akin dahil baka magkaron ng karibal si Chloe, haha.." pabulong kong sabi sa kanya sabay halik sa noo.

"Di nga?" mga salitang lumabas sa bibig niya.

Nagulat ako. :O

Gising si pare?

Narinig niya kaya ang sinabi ko? :O



Reply #14
02-05-11 02:57 AM
  • Full Member
  • ***
  • Male Online
 
Posts: 3643
Thank You: 604
Reputation: 24
tulporats has no influence.barely matters.is working their way up.might someday be someone...is on the verge of being accepted.is a rising star!has a powerful will.is a force to reckon with.has great potential!has an aura about them.is leading the good life!is awe-inspiring!
Chapter 16: "You'll never see me again!"


Joshua


"Di nga?......." mga salitang lumabas sa bibig niya.

Nagulat ako. :O

Gising si pare?

Narinig niya kaya ang sinabi ko? :O



"Weh? Totoo? Ganun na kamahal ang gatas?" dugtong niya. Ahahahaha.. Pasaway talaga to si pare. Akala ko naman narinig niya mga nasabi ko. Nananaginip lang pala. Maya maya ay humilik na ulit siya.

Pumunta na din ako sa sofa para magpahinga. Hindi na din naman ako nito makakatulog ng maayos. Dahil simula ng nakatext ko si Chloe, nagkainsomnia na ako. BI talaga yun, haha.. Buti nalang hindi ako nagsummer classes. Isang buwan nalang pasukan na ulit. Sana bago magpasukan maging okay na kami nila Chloe at Joshua. Makaidlip na nga muna.

*Tu.. tut.. tu.. tut.. tu.. tut.. tu.. tut..*

Nang makinig ko ang alarm clock ko ay kaagad ko itong kinuha para hindi magising si Pare. Nadapa pa ako sa pagmamadali, buti nalang tulog mantika siya. Dali dali akong naligo at nagbihis. Pagtingin ko sa orasan, sakto! A las 7 palang. Makakabili pa ko ng pang almusal ni Janine sakaling magising siya at wala pa ako dito sa bahay.

Pagkabalik ko, inihanda ko na ang pagkain sa mesa, tinakpan ko ito. Baka kasi may maligaw na langaw. Haha.. Pagkatapos ay dumerecho ako sa kwarto. Tulog pa din si pare. Kailangan kong umalis dahil susunduin ko sina mama at papa kaya nag-iwan nalang ako ng note sa kanya, tsaka ako umalis. Halos isang oras ang byahe papunta sa ospital may kaluyuan kasi. Pagdating ko ay naghahanda na sila para umuwi. Niyakap ko si mama at nagmano naman ako kay papa.

"Kamusta po?" pangangamusta ko sa kanilang dalawa.

"Okay naman ako anak, mas gumaan ang pakiramdam ko." sagot sa akin ni mama.

"Ikaw muna dito anak, magbabayad lang ako!" sabi sa akin ni papa.

"Mama, sorry po talaga sa nagawa ko.. Pangako po hindi mauulit. Nagpapakabait na po ako." paghingi ko ng tawad sa kanya. Kaya nagkasakit si Mama ay dahil sa akin. Nung nagbulakbol dati, pero hindi na mauulit yun. Paminsan minsan ay kinakailangang dalhin si Mama sa ospital para inconfine dahil nahihirapan siya sa paghinga.

"Anak! Okay na. Basta ung pangako mo, tuparin mo. Hindi mo kailangang humingi ng pagpapatawad araw araw. Nakakasawa na din anak." sabi sa akin ni mama.

"Mama naman nagbibiro pa. Pero salamat po." pagkatapos at hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap. Ang nanay ko talaga maloko din. Sa kanya ako nagmana. Si papa kasi serious type.

Maya maya pa umuwi na nga kami. Pagdating namin sa bahay andun pa rin ang mga pagkain sa mesa. Mukang hindi pa nagigising si pare.

"Oh anak, ipinaghanda mo kami? Mabuti naman at naisipan mo yan." sabi sa akin ni papa ng makita ang mga pagkain sa mesa.

"Pero bakit sobra ata ng plato?" pagpuna naman ni mama.

"Hindi po, dito na po kasi nakatulog si Janine kaya pinaghanda ko na din siya ng makakain." sagot ko kay mama. napatango nalang si papa at kumain na.

"Si Janine? Kayo na ni Janine? Ay mabuti naman, bagay kayo anak! Nakakatuwa naman.." sunod sunod na sabi ni mama.

"Ma, hindi po. Magbestfriend lang po kami. Ay hindi po pala, partners in crime po pala. Hehe.." sagot ko sa kanya. Kitang kita sa muka ni mama ang saya ng mga sinabi niya yun. Mukang gusto ni mama si Janine para sa akin ah.

"Kayo talagang mga bata kayo!" ang huli niyang sinabi habang papunta na ako sa aking kwarto.

Tulog pa nga si Pare. Talagang napagod siya. Sana naman pagbalik ko gising na siya. Pupuntahan ko si Chloe sa university nila at ibibigay tong regalo niya para kay Cyrus. Kung hindi lang niya to pinagpaguran hanapin, itatapon ko na to e. Haha.. Bitter ako? Jokes lang yun. Tsaka gusto ko din makausap si Chloe. Ito na ang chance ko.

Nag-iwan nalang ulit ako ng note para kay pare. Kinuha ko ang cap ko at ang shades para magdisguise ng konti. Humarap ako sa salamin, tiningnan ko kung hindi na ba ako mahahalata sa suot ko. Sus! Pogi pa rin o! Haha.. Mas pogi pa nga e.Pagkatapos ay pumunta na ako sa university nila Chloe at Cyrus. Ang layo layo naman. Pero okay lang basta makita at makausap ko si Chloe, sana hindi ako makita ni Cyrus.

Ang daming tao sa labas, saan ko kaya makikita si Chloe? Hindi naman ako pwedeng magtanong dahil baka kaibigan ni Cyrus ang mapagtanungan ko. Sikat pa naman daw siya dito dahil sa mga achievements niya. Pero sikat din naman ako sa university namin, yun nga lang dahil sa mga kagaguhan ko nuon, pero mas gwapo pa din ako sa kanya, walang duda. Haha..

Pumasok na ako sa university nila. Hihintayin ko nalang dito si Chloe, umupo ako sa may bench sa may ilalim ng puno. Medyo nakatungo ako, pero kita ko pa din ang mga dumaan. Pumasok o lumabas man si Chloe makikilala ko siya, kahit nakatalikod pa siya. Mag-iisang oras na din akong naghihintay dun at nagmamasid pero walang Chloe.

Maya maya pa ay nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. "Pashare ah! May hinihintay lang." pagpapaalam ng isang babaeng kilala ko ang boses. At hindi ako pwedeng magkamali. "Chloe?" pagtatanong ko kung siya nga ang prinsesa ko. Walang duda, siya na nga. Ganda talaga niya kahit pagod na siya. Kitang kita sa muka niya.

"Joshua?" balik niyang tanong sa akin na para bang hindi makapaniwala.

"Oo ako to! Mas gwapo kapag may shades no? Haha.." pagyayabang ko pa sa kanya.

"Yabang mo talaga! Alis na ko, hindi kita pwedeng kausapin!" pagtataray niya sa akin, tumayo siya naglakad papalayo.

"Chloe, usap naman tayo. Saglit lang." sabi ko sa kanya ngunit hindi siya umiimik, patuloy siya sa paglalakad.

"Sige na Chloe, sandali lang naman e! Tsaka ito oh dala dala ko yung binili mong regalo para kay Sai." wala pa din siya sa kaing sinasabi.

"Chloe please. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba sinabi ni Sai? Bakit mo ako iniiwasan? Chloe please.." kung saang saang building na kami nakarating pero di pa din niya ako kinakausap. Para akong asong susunod sunod sa kanya. Minsan titigil siya, akala ko kakausapin na niya ako, tas maglalakad ulit siya. Anlabo.

"Chloe, kausapin mo ako ng maayos! Ikwento mo sa akin ang nangyari.. Sige na.. Wala naman akong balak manggulo e. Kung hindi mo kukunin ang regalong to, wala kang pangregalo kay Sai." pagmamakaawa ko pa din sa kanya.

Humarap siya sa akin. Hala, naiyak ang prinsesa ko. "Chloe, wag kang umiyak." tanging nasabi ko sa kanya.. Kitang kita sa mga mata niya na gulong gulo siya.



Chloe

Hays. Ang init init naman. Asan na ba c Cyrus? Nakakaasar na ha. Isang oras mahigit na ko nag-iintay dito pero wala pa din siya. Ang arte naman kasi. Kailangan pa akong sunduin at ihatid sa bahay. Pwede naman ako magcommute or magpasundo kay tito o tita. O di kaya sa library nalang ako pinaghintay, at least nakaaircon diba? Nakakapagod na. May mga nakaupo pa naman sa mga bench, may space pa naman dun sa isang bench na yun. Kaya lang ang weird naman nung lalaki yun. Nakacap na nga nakashades pa, tapos nakatungo pa, wala naman araw pero sobrang init talaga! Nagdecide akong umupo sa tabi ng lalaking yun, no choice eh. Pero bago ako umupo nagpaalam muna ako sa kanya..

"Pashare ah! May hinihintay lang." sabi ko sa lalaking mukang ewan dahil sa cap at shades niya.

"Chloe?" sabi nung lalaking weird. Kilala niya ako? Teka, parang kilala ko ang boses na yun?

"Joshua?" pagulat kong tanong sa kana. Bakit siya andito? Bakit ganyan ang suot niya? Infairness gwapo pa din si daddy.

"Oo ako to! Mas gwapo kapag may shades no? Haha.." pagyayabang niya sa akin.

"Yabang mo talaga! Alis na ko, hindi kita pwedeng kausapin!" pagtataray ko sa kanya, tumayo ako at naglakad palayo. Pero totoo naman yung sinabi niya, ang gwapo talaga ni Daddy.

"Chloe, usap naman tayo. Saglit lang." sabi niya sa akin ngunit hindi ako umiimik, patuloy ako sa paglalakad.

"Sige na Chloe, sandali lang naman e! Tsaka ito oh dala dala ko yung binili mong regalo para kay Sai." hindi pa din ako nagsasalita, wala pa din akong sinasabi sa kanya. Kahit gustong gusto ko siyang kausapin.

"Chloe please. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba sinabi ni Sai? Bakit mo ako iniiwasan? Chloe please.." pagmamakaawa niya sa akin. May mga pagkakataon na hihinto ako sa paglalakad para kausapin na siya, pero naaalala ko ang sinabi ni Sai, ayaw kong magalit siya sa akin. Anniversary pa naman namin bukas. Kaya patuloy ako sa paglalakad. Naiiyak na ako, gustong gusto ko siya makausap pero hindi pwede.

"Chloe, kausapin mo ako ng maayos! Ikwento mo sa akin ang nangyari.. Sige na.. Wala naman akong balak manggulo e. Kung hindi mo kukunin ang regalong to, wala kang pangregalo kay Sai." pagmamakaawa niya sa akin. At sa pagkakataong yun, tumulo na nga ang mga luha ko at humarap na ko sa kanya.

Gusto ko mang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko pero hindi ko magawa. Para akong tanga. Gulong gulo ako.

"Chloe, wag kang umiyak." ang sabi niya sa akin. Awang awa siya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. Maya maya pa'y pinunasan na niya ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

"My Princess, huwag ka nang umiyak. Ayaw kitang umiiyak. Gusto lang naman kita makita at gusto ko lang naman ibigay to sa'yo dahil pinaghirapan mo tong hanapin sa mall, dba? Para to sa anniversary niyo ni Sai." sabi niya sa akin habang pinupunasan pa din ang mga luhang walang tigil sa pagpatak, nakakaasar parang gripo.

"Hindi tayo pwedeng mag-usap Joshua. Sorry talaga." sa mga sinabi kong yan sa kanya, lalong bumilis ang pagpatak ng mga luha ko.

"Ganun ba?" malungkot na tanong niya sa akin. Nakikita ko na napapaluha na siya pero pinipigilan lang niya. "Kung yan ang gusto mo my princess, masusunod." tumulo na nga ang mga luha niya. Para namang nadudurog ang puso ko sa mga oras na to, si Joshua naiyak ng dahil sa akin, first time kong nakita to. "Pero kunin mo na ang regalo mo para kay Sai." pangungulit niya tungkol sa pesteng regalo na yun.

"Ang kulit mo talaga, sayo na yang regalong yan, d ko na ibibigay yan. May sumpa yan. Muntik na kaming magbreak dahil diyan." pagtataray ko sa kanya, pero naiiyak pa din ako. Makulit talaga si Joshua, inabot pa din niya sa akin ang regalo, wala na akong nagawa kundi kunin ang regalong yun.

"Tahan na baby! Aalis na ako, pasensya ka na sa gulong naidulot ko. Good luck! You'll never see me again, unless you ask for it." pagpaalam niya sa akin kasama ang pilit na ngiti at may mga namumuong luha sa kanyang mga mata. Pero bago siya umalis, pinunasan niya ang mga luha ko at inayos ang buhok ko. Ang sweet talaga ni daddy. Nakakaasar kasi si Sai, natutong magselos. :'(

Wala pang isang minuto ng umalis si Daddy ay nakita ko si Sai, nakatingin sa akin. Sobrang nagulat at natakot ako nung mga oras na yun. Nakita kaya ni Sai si Daddy? Nakita niya kaya kaming nag-uusap? Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Baka mag-away na naman kami.




"Aray! Sai..."

"Sai... nasasaktan ako..."



Cyrus


Kausap ko ang mga kaorg ko sa ilalim ng puno malapit sa library nang makita ko si Chloe naglalakad na parang wala namang patutunguhan. At may sumusunod pa sa kanya na nakacap at nakashades, si Joshua siguro yun. Nag-init kaagad ang ulo ko.

"Guys, I have to go. Just message me everything, ok?" pagpapaalam ko sa kanila.

Sinundan ko si Chloe, gusto kong malaman kung saan sila pupunta at kung si Joshua nga yun. Malalagot talaga sa akin ang dalawang yun. Nasa may likod lang nila ako nalalakad, paminsan minsan medyo dumidistansya dahil baka makita nila ako. Ang layo na ng narating namin pero hindi pa din natigil si Chloe, minsan akala mo titigil pero derederetso pa din siya, hanggang sa lumingon siya..

"Si Joshua nga yun, I'm sure! At talagang kakausapin pa ni Chloe ah." nabubwisit kong sabi sa aking sarili. Kaya nagpasiya akong lapitan sila.

"Admin Cyrus!" sigaw ng isang lalaki. "Kailangan niyo pong sumama sa akin." ang sabi niya, isa sa mga kaorg ko.

"I'm sorry, I can't!" pagtanggi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad papunta kina Chloe.

"But this is very very important!" pagpipilit niya sa akin.

"Okay fine! I'm coming.." paangil kong sabi sa kanya. At umalis na nga kami, pero tiningnan ko muna sina Chloe, mukang seryoso ang usapan, mukang matatagalan sila. Maabutan ko pa sila. Hindi naman pwedeng pabayaan ko ang mga kaorg ko.

Pagpunta ko sa mga kaorg ko. Kinausap ko sila at tinanong kung anong problema. Nasolusyonan din naman namin kaagad yun. Mabuti nalang at mabilis lang. Kailangan ko ng bumalik kina Chloe. Masama talaga ang kutob ko. Pagdating ko dun, natigilan ako ng nakita ko sila. Kausap ni Chloe ang lalaking yun, hindi ko makita ang kanyang muka dahil nakatalikod siya. Pero kitang kita ko ang ginagawa niya. Pinupunasan niya ang mga luha ni Chloe at inaayos pa ang buhok. Si Joshua nga to. Nang lalapit na ako, biglang umalis ang lalaki. Napahinto ako at napatitig nalang kay Chloe. Wala pang ilang segundo at nakita na ako ni Chloe, nagkatitigan kami. Naaasar ako sa kanya, sa kanila, talagang sinusubukan nila ako.

Lumapit ako kay Chloe.. Kinapitan ko siya sa kanyang braso at hinila papunta sa parking lot ng university.


"Aray! Sai..." daing niya. Mahigpit kasi ang pagkakapit ko sa kanya. Sinabi ko ng wag siyang makipag-usap kay Joshua pero hindi siya nakikinig.

"Sai... nasasaktan ako..." mahinang daing niya. Kitang kita sa itsura niya na nagmamakaawa siyang bitawan ko na siya. Pero hindi pwede. Kailangan namin mag-usap ng masinsinan. Hindi pwedeng ganito. Tumutulo na ang mga luha niya pero hindi siya pumapalag dahil alam niyang pareho kaming mapapahiya.

Nang makarating kami sa parking lot. Binuksan ko ang pinto at pinipilit ko siyang pumasok. Ayaw niyang pumasok, umiiyak siya, kaya wala akong nagawa kundi ang itulak siya papasok ng kotse.




"CYRUS, ANO BA?"


"Well, I don't care!"


"NO! YOU STAY HERE!"




"LEAVE ME.. ALONE!"





Chapter 17: Misunderstanding

Chloe



"CYRUS, ANO BA?" sigaw ko kay Cyrus nang itinulak niya ako sa kotse. Kahit kailan hindi ko pa nasigawan si Cyrus, ngayon lang. At yun ay dahil sa pagseselos nya kay Joshua. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya at hindi na nakakatuwa.

"Anong ANO BA? CHLOE?" balik na sigaw sa akin ni Cyrus. Tuwing sumisigaw siya nagugulat ako at natatakot kapag nakikita kong nanlalaki at nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit.

Tumayo ako at lumabas sa kotse. "Nasasaktan na ako sa ginagawa mo Cyrus. Hindi na tama to, ano bang nangyayari sayo?" mahinahon kong tanong sa kanya kahit naiyak na ako.

"Anong nangyayari sa akin? I told you na wag ka na makipag-usap kay Joshua. Pero anong ginawa mo, ha? At dun pa sa university natin? Hindi kana nahiya, nakita ka ng mga taga dun na may kasamang ibang lalaki, anong iisipin nila, ha? Malamang hindi na nila ako igagalang!" sunod sunod na sabi niya sa akin. Ano bang nangyayari kay Cyrus? Nag-iiba na siya. Hindi na siya ang Cyrus na nakilala ko two years ago.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw lang ang nagbibigay malisya sa mga nakikita mo. Alam mong ikaw ang mahal ko, ikaw ang kasama ko, ano ba Cyrus? At kaya lang naman pumunta dun sa Joshua para ibigay tong regalo ko para 2nd Anniversary natin bukas!" depensa ko sa sarili ko habang ipinapakita sa kanya ang regalo.

"Well, I don't care!" matigas na sagot niya sa akin.

"Alam mo, hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa'yo Cyrus! Nag-iiba kana, iba kana!" naiiyak iyak kong sabi sa kanya. Talagang hindi ko na maintindihan si Cyrus. Mga ilang minuto din ang lumipas ng hindi kami nag-uusap. Pareho kaming nakatayo sa labas ng kotse, parang mga tanga lang.

"Uwi na ko." pamamaalam ko sa kanya. At dahan dahan akong naglakad papalayo sa kotse. Pero bigla niyang hinablot ang braso ko.

"NO! YOU STAY HERE!" sigaw niya sa akin. Sobrang lakas ng sigaw niya, kinig sa buong parking lot, pinagtitinginan na kami ng mga tao dun.

Pumiglas piglas ako, pero hindi niya ako binibitawan. Sinubukan ko ulit ng isang beses pa pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa aking braso at sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, nasaktan ulit ako.

"Leave me.." mahinahon kong sabi sa kanya habang tinititigan ko siya na may halong galit na, pero hindi pa din niya ako binibitawan. "..ALONE!" pagtataray na sigaw ko sa kanya. Halatang halatang nagulat siya sa sigaw ko, kaya nabitawan na din niya ako. Hindi ko rin naman akalaing magagawa ko yun kay Cyrus. Mahal ko siya, Oo, pero hindi ko na kaya ang ginagawa niya. Pagkasigaw ko ay umalis na ako, dahan dahan akong naglakad hanggang sa maya maya pa'y tumakbo na kong umiiyak.


Cyrus



"CYRUS, ANO BA?" sigaw niya sa akin ng tinulak ko siya sa kotse. Kahit kailan hindi pa ako nasigawan ni Chloe, ngayon lang. At yun ay dahil kay Joshua, na dati kong bestfriend, pero ngayon ay, ano nga ba? KARIBAL?

"Anong ANO BA? CHLOE?" balik na sigaw ko sa kanya. Nanlalaki at nanlilisik na ang mga mata ko sa galit.

Tumayo at lumabas sa kotse si Chloe. Medyo nakaramdam ako ng kaba. "Nasasaktan na ako sa ginagawa mo Cyrus. Hindi na tama to, ano bang nangyayari sayo?" mahinahon niyang tanong sa akin, may mga luha nang namumuo sa kanyang mga mata.

"Anong nangyayari sa akin? I told you na wag ka na makipag-usap kay Joshua. Pero anong ginawa mo, ha? At dun pa sa university natin? Hindi kana nahiya, nakita ka ng mga taga dun na may kasamang ibang lalaki, anong iisipin nila, ha? Malamang hindi na nila ako igagalang!" sunod sunod na sabi ko sa kanya. Yun lang ang hinihingi ko sa kanya, hindi pa niya maibigay. Alam naman niya na pinagseselosan ko si Joshua. Dahil aminin man niya hindi may gusto pa din si Joshua sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw lang ang nagbibigay malisya sa mga nakikita mo. Alam mong ikaw ang mahal ko, ikaw ang kasama ko, ano ba Cyrus? At kaya lang naman pumunta dun sa Joshua para ibigay tong regalo ko para 2nd Anniversary natin bukas!" sunod sunod niyang depensa at pagkatapos ay ipinakita niya sa akin ang regalong sinasabi niya.

"Well, I don't care!" pagsusungit ko sa kanya.

"Alam mo, hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa'yo Cyrus! Nag-iiba kana, iba kana!" naiiyak iyak niyang sabi sa akin. Pagkatapos nang sinabi niya ay hindi na ito nasundan. Hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko. Makalipas ang ilang minuto..

"Uwi na ko." pamamaalam niya sa kin. Medyo nagulat ako, hindi pwedeng umuwi si Chloe mag-isa, mamaya niyan puntahan niya si Joshua. Hindi pwede, kaya hinablot ko ang braso niya.

"NO! YOU STAY HERE!" sigaw ko sa kanya. Sa sobrang lakas ng sigaw ko, nakinig sa buong parking lot, nagtinginan na mga tao sa amin dun, pero wala akong pakialam.

Sinubukan niyang umalis sa pagkakahawak ko sa kanya. Pumiglas piglas pa siya. Pero hindi ko talaga siya bibitawan.

"Leave me.." nakakakabang sabi niya habang tinititigan ako na may halong galit, pero hindi ko pa din siya binibitawan. "..ALONE!" pagtataray na sigaw niya. Gulat na gulat ako ng mga oras na yun at sobrang kinakabahan. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang nanigas ako na hindi ko maipaliwanag. Napatulala na para bang nabati ng kung anong demonyo. Ganun pala ang epekto ng galit ni Chloe sa akin. Parang hindi ko kaya, di ko alam.

Nang matauhan ako wala na si Chloe. Nakaalis na siya. Isang sigaw lang pala ni Chloe, taob na ko. Pumasok ako sa kotse. Nagdrive pauwi. Nang ilang kilometro nalang ang layo ko sa bahay namin, nag u-turn ako. May pupuntahan muna ako bago umuwi.




Joshua



"Tahan na baby! Aalis na ako, pasensya ka na sa gulong naidulot ko. Good luck! You'll never see me again, unless you ask for it."

Mga huling salitang nasabi ko kay Chloe. Hays. Buhay nga naman oh. Nakita ko nga ulit ang aking prinsesa mawawala lang din pala pagkatapos ng ilang buwan. Ano ba yung nangyari kay Cyrus, naging seloso. Hindi naman siya ganun dati kay Ericka. Kamusta na kaya si Chloe?

Sa pag-iisip isip ko napatingin ako sa labas ng bintana nang bus. Ay malaking palaka ka talaga Chloe oh, nang dahil na naman sayo lagpas na naman ako.

"Mama, para po!" sigaw ko dun sa bus driver.

"Kailangan bang sumigaw ng ganyang kalakas?" parereklamo ng bus driver.

Ito naman si mamang bus driver nagreklamo pa, kung hindi ko naman lalakasan e hindi ako makikinig.

"Pasensya na po, bababa na po kasi ako." mahinahon kong sabi sa kanya pero sa loob loob ko natatawa na ako, magreklamo ba naman.

"Alam ko! Obvious naman e, kaya ka nga pumara di ba?" pagsusunget ng bus driver.

Ano ba naman yun. Nasungitan na nga ako ni Chloe My Princess, pati ba naman tong bus driver na to. Pakamot kamot nalang akong bumaba ng bus. Sumakay ako ng jeep pagkatapos at sumakay ng tricycle pauwi ng bahay. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Papa, si Mama at si Janine, nagkukwentuhan, nagtatawanan, ang saya saya nila.

"Ang saya saya niyo ah! Anong meron?" bungad ko sa kanila sabay upo sa tabi ni Janine at akbay.

"Pa, tingnan mo yung dalawa, bagay hindi ba?" pang-uuyo ni Mama sa aming dalawa.

"Oo nga! Hindi na sila tao. Bagay na sila, Ma! Bagay na bagay!" natatawang pagsang-ayon ni Papa kay Mama.

Nagulat ako sa sinabi ni Papa, hindi naman siya palabiro ah. Tsaka san nanggaling ang sinabi niya? Hindi na tao? Bagay na? Ano yun Pinoy Henyo?

Natawanan ang lahat sa sinabi ni Papa.

"Pa, san ka natuto niyan? Gumaganyan ka na ah!" pangiti ngiti kong sabi kay Papa.

"Kanino pa? E di sa pare mong si Janine!" proud na proud na sabi ni Papa sa akin at nag-appear pa ang dalawa.

"Aba! Pare baka kung ano ano nang tinuturo mo sa kanila ah.." tumingin ako ng seryoso sa kay Janine.

"Ano ka ba Pare, nagkukwentuhan lang kami." sabi niya sa akin at hinampas pa ang hita ko, napangiti naman ako.

Nagpaalam ako sa kanila, pumunta ako sa kusina, kumain at dumerecho sa kwarto. Pagod e. Tsaka magulo ang utak ko. Humiga ako. Nag-isip isip. Mukang wala na talaga akong pag-asa kay Chloe, sa tingin ko kailangan ko na talagang magmove on. Ayaw na din naman niya akong makita. Ano ba yan, naiiyak na naman ako, mamaga ang mga mata ko nito e, mahahalata pa nila. Maya maya ay naisipan kong buksan ang closet ko, unang hakbang para makapagmove on.

Kukunin ko na sana ang susi sa ilalim ng laptop cooler pero wala ito dun. Pagtingin ko sa closet, andun ang susi. Bakit andun yun? Kahit kailan hindi ko naiiwan un dun?



Chapter 18: Moving On


Janine


"Uhhhmmm.. Aaahhh.. Haaayss.." mga kung ano anong salita ang lumalabas sa bibig ko habang nag-uunat. Napasarap ang tulog ko. Inaantok pa din ako, maya maya na ko

babangon. Nakapikit pa din ako sa kama, sinusubukan matulog ulit..

*Don't you know I've tried and I've tried
To get you out my mind
But it don't get no better..*

Ang ganda talaga ng kantang yan. Saktong sakto sa mga nangyari sa akin sa New Zealand. Rihanna talaga oh! Kung ano anong naiisip na kanta..

*As each day goes by
And I'm lost and confused
I've got nothin to lose
Hope to hear from you soon..*

Dahil sa ganda ng kantang yan, ang ginawa kong ringtone. Ay teka, ringtone ko nga yan ah.. Hala may natawag ata sa akin.

*P.S. I'm still not over you
Still not over you..*

Ano ba yan asan na ang cellphone ko? Kinapakapa ko sa side table ni Joshua, tinatamad kasi akong mumulat. Ayun sa wakas..

"Hello?" mangatal ngatal kong sagot sa kung sino mang tumawag.

"Good Afternoon Janinang!" magandang bati sa akin ng nasa kabilang linya.

"Mommy?" pagsisigurado ko sa nasa kabilang linya. Si Mommy lang naman ang natawag sakin ng Janinang. At si Mommy nga yun. Sabi niya may business trip daw siya.

Kaya wala daw akong makakasama sa bahay kung gusto ko daw sumama daw ako sa kanya. Ayoko nga. Display na naman ako dun. Mabobored lang ako dun. Dito nalang

ako. Masaya pa ako.

Nag-unat unat ako. Palagi kong naaalala yung sinabi ni Joshua nung mga bata pa kami, kailangan mag-unat ng mag-unat sa umaga para humaba ang mga buto,

pangpatangkad. Kahit na alam kong kasinungalingan yun. Nag-uunat pa din ako. Wala lang. Nakakatuwa lang kasi. Habang nag-uunat ako minulat ko na ang mga mata ko,

pagmulat ng mata ko, nagulat ako sa aking nakita..

"Chloe?" siya kaagad ang nakita ko pagmulat na pagmulat ko, napalaki pa ang mga mata ko na parang magpapop out na sa laki. Puro mga stolen shots ang mga nakadikit na

pictures ni Chloe sa kisame. Naging paparazzi pala si Pare. Ngayon ko lang nalaman. Ano ba yan. Sana pictures ko nalang ang nandyan, hindi pa stolen, magpopose pa ako

para lang sa kanya. Haha. "Hoy Janine! Lumalandi ka ah." pamumuna ko sa sarili ko.

Tumayo ako sa kama, inayos ang aking hinigaan. Ay may notes, para sa akin ito malamang, iniwan ni Joshua, kasi wala na siya.

*Good Morning!
Pare, may nakahanda nang almusal sa baba..
Kumain ka nalang pagkagising mo. Susunduin
ko lang sila Mama sa ospital.

LY,
Joshua.*

Almusal? What time is it? Almost 3pm na eh. Malamang andito na sila. Ay teka may isa pang note. Urmm..

*Pare! Sarap tulog mo ah.
Andyan sina Mama at Papa,
kumain ka lang pagkagsing mo,
okay lang yan! feel at home..
ibibigay ko lang ung regalo kay Chloe..

LY,
Joshua na Pogi*

LY? Laging Yabang! Haha.. Pogi daw. Sa bahay nalang ako kakain. Nakakahiya naman. Inayos ko ang aking sarili. Ginamit ko ang bagong toothbrush na nakatabi sa maliit na

cabinet ni Joshua sa banyo. Hindi ata pwedeng umuwi ako ng hindi nakakapagsepilyo. Dyahe! Pagkatapos ay lumabas na ng kwarto. Walang tao. Malamang nagpapahinga

sila Tito at Tita. Kaya umuwi ako ng walang paalam.

Pagdating ko sa bahay. Naligo ako. Nag-ayos. Nanuod ng TV. NABORED! Ano bang buhay toh. Ang boring! Punta nalang ulit ako kina Joshua. Baka andun na si Pare, kamusta

kaya ang pagkikita nila ni Chloe? Makikitsismis ako.

Pa-stranger effect pa ako. Padoorbell doorbell pa. Alam ko naman kung nasaan ang spare key.

*Ding Dong.. Ding Dong..*

"Sandali.." boses ng isang mama. Mukang si Tito. Nang istorbo pa ako. Sorry naman po.

"Hi Tito! Si Janine po.." nakangiting pagbati ko sa kanya.

"Oh hija, andiyan ka? Akala ko.." pakamot kamot niyang sabi sa akin habang binubuksan ang pinto.

"Kamusta po? Andiyan na po ba si Joshua?"

"Wala pa eh. Pagkahatid sa amin dito sa bahay, umalis din siya kaagad." sagot ni Tito.

"Ah ok po." maiksing sagot ko kay Tito. "Asan po si Tita?"

"Naliligo pa. Pero lalabas na din yun." nakangiting sagot sa akin ni Tito pero kita sa mga mata niya na nagtataka siya sa kung anong bagay na hindi ko maipaliwanag. "Pano

hija, feel at home ha! May aayusin lang ako sa kusina." dagdag pa niya.

"Oh sige po, salamat po!"

At umalis na nga si Tito. Dumerecho naman ako sa kwarto ni Joshua. Naalala ko kasi may isa pa kong bagay na hindi nakakalkal. At yun ay ang closet niya. Haha. Yari sa akin

to.

Pagdating ko sa kwarto ni Joshua, hinanap ko ng hinanap ang susi ng closet na yun. Mahiwagang susi. Hindi ko makita. Napagod nalang ako at lahat. Wala pa din. Umupo ako

sa kama. Napatingin sa laptop ni Joshua. Lalaking yun, organize nga ang mgagamit niya. Nakatagilid naman ung laptop dun sa laptop cooler. Nang inaayos ko na, may

napansin ako sa ilalim, ANG MAHIWAGANG SUSI! Sa wakas nakita ko na.

"Tit tiririt! Tiririt Tirit!" pakanta kanta ako habang papunta sa closet na nakasusi. Mukang sikreto. Pero bestfriend naman ako eh, kaya oks lang yan. Hindi naman nagagalit sa

akin si pare.

Kaya binuksan ko na ang closet gamit ang wonder susi. Aba! May kurtina pa. Haha. Ano to teatro? Nang nahawi ko ang kurtina kurtinaan nang closet na yun, nagulat ako sa

nakita ko, actually nasaktan, pero konti lang naman. Alam ko naman eh.

Puro mga pictures ni Chloe ang andun. Meron pang mga pictures nila Chloe na mukang nagsasayaw sila nun. Halos lahat stolen shots. Paparazzi talaga. Haha. May mga

sticky notes pa. Superman kuno. Arte talaga ni Pare. Pero infairness, nakakakilig kapag may mga ganun ganun. Walang pinagbago si pare. Chloe pa din talaga. Parang ako

lang, walang pinagbago, kundi Joshua, Joshua pa din.

Maya maya'y nakinig ko ang boses ni Tita at Tito nag-uusap. Isinara ko ang paparazzi mural closet ni Joshua, o kung ano mang tawag dun at lumabas na ako ng kwarto.

"Hello po!" bati ko kay Tita.

"Oh Janine, gising ka na pala. Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Tita.

"Ah.. Nakauwi na po ako at nakain na din at nakabalik na din po dito." sagot ko kay tita habang nakangiti.

"Ah ganun ba? Akala ko bagong gising ka pa lang." sabi naman sa akin ni Tita. "Halika, magkwentuhan muna tayo." pagyayaya sa akin ni Tita.

"Sabi ko na nga ba eh. Tama ung narinig ko kay Joshua, na natutulog ka kanina dun sa kwarto niya." pakamot kamot pa din sa ulong sbai ni Tito.

Yun pala ang laman ng nagtatakang mga mata ni Tito. Haha. Nakakatawa naman.

Matapos nun ay umupo nga kami sa sofa. Nagkwentuhan. Tawanan. At nagkulitan na din. Mga ilang oras na din ang lumipas pero wala pa si Joshua. Kamusta kaya ang lakad

niya?

Maya maya pa'y dumating na si Joshua. Nakipagkwentuhan ng konti sa amin tapos kumain at pumunta sa kwarto. Mukang pagod na pagod. Makalipas ang ilang minuto

nagpaalam ako kina tito't tita at pumunta sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto nakita kong nakatitig si Joshua sa susi ng closet niya, nang namalayan niyang andun ako,

tumitig siya sa kin. Kinabahan ako ng husto, mukang galit siya. Ngayon palang ako tinitigan ng ganun ni Joshua. "P-pa-paree.." nauutal na sabi ko.




Joshua



Mukang wala na talaga akong pag-asa kay Chloe, sa tingin ko kailangan ko na talagang magmove on. Ayaw na din naman niya akong makita. Ano ba yan, naiiyak na naman

ako, mamamaga ang mga mata ko nito e, mahahalata pa nila. Maya maya ay naisipan kong buksan ang closet ko, unang hakbang para makapagmove on.

Kukunin ko na sana ang susi sa ilalim ng laptop cooler pero wala ito dun. Pagtingin ko sa closet, andun ang susi. Bakit andun yun? Kahit kailan hindi ko naiiwan un dun? Niisip

ko kung kailan ko huling binuksan to, nang biglang.. "Si pare.." matamlay na nasabi ko, malamang siya ang nagbukas nito. Naiisip ko na naman si Chloe at ang mga sinabi

niya. Kaya lalong tumulo ang aking mga luha. Naramdaman kong may nagbukas ng pinto, kaya napatingin ako, si Pare.

"P-pa-paree.." nauutal na sabi niya. Anong nangyari dun? Di naman siya nauutal, mukang ninenerbyos.

"Pare!" bati ko sa kanya at tumayo akong patalikod para tuyuin ang aking mga mata at pisngi, tapos ay humarap kay pare. Pilit ko siyang binigyan ng ngiti, napakunot naman

ang noo niya. Mukang nahalata ni pare na fake ung smile ko, lumapit siya sa akin.

"Ano nangyari?" tanong niya. Pagkatanong na pagkatanong niya sa akin ay niyakap ko siya. Hindi ko na kinaya, iniyak ko na ng iniyak ang lungkot na nadarama ko. Niyakap

naman ako ni Pare, swerte ko talaga na andito siya sana hindi na niya ulit ako iwanan. Pagkatapos ng ilang minuto ay pinilit kong itigil ang aking pag-iyak. Kumalas ako sa

pagkakayakap namin.

"Pare, pwede bang magrequest?" nalulua ko pa ding tanong sa kanya.

Napangiti siya. "Syempre! A--"

Nang marinig ko ang sinabi nyang *Syempre* pinutol ko na kaagad ang pagsasalita niya. "Pwede bang wag mo na akong iwan?" pagmamakaawa ko sa kanya.
Bahagya siyang napaatras, kitang kita sa mga mata niya ang pagtataka. "Please? Janine, please.." pagmamakaawa ko pa din sa kanya.

Kinapitan ng dalawang kamay niya ang aking muka, tinuyo ang mga luha sa aking mga pisngi at mata dahil tuloy pa din ito sa pagpatak. Pagkatapos ay ngumiti siya.
"Joshua, don't worry, andito lang ako hindi kita iiwan. Wag ka nang umiyak, hindi bagay sayo.." mahinahon na sabi niya sa akin habang nakangiti, medyo gumaan ang

pakiramdam ko.

"Lika, upo tayo." pagyayaya niya sa akin. Umupo nga kami. Pero hindi ako naiimik, hindi ko alam ang sasabihin ko. Basta gusto ko andyan lang siya sa tabi ko.

"Joshua? Anong nangyari? Kwento ka naman.." tanong niya sa akin. Napabugtong hininga ako at kinwento ko sa kanya ang mga nangyari. Maiiyak na naman sana ako ng

biglang.. "SUBUKAN MO PANG UMIYAK JOSHUA GARCIA, SISIPAIN KITA PALABAS NG BINTANA!" nakapamewang na sigaw sa akin ni pare, gulat na gulat ako sa reaksyon

niya, nahalata niya kaagad na malapit na ulit akong maiyak. Hays. Napahikbi nalang ako. Maya maya'y tumabi na ulit sa akin si pare.

"So, what's your plan?" tanong niya sa akin.

"Ano pa ba? E di move on." mabilis na sagot ko sa kanya pagkatapos ay napabugtong hininga. Tumayo ako at nagpunta sa may cabinet, sumunod naman si Janine.

Napatingin ako sa may susi, nilingon ko si Janine, nakangiti siya at nakapeace sign. Siya na nga ang nagbukas nito at iniwan ang susi dito.

"Pare, hehe, peace tayo ah!" nakangiti niyang sabi sa akin.

"Oo naman." mabilis na sagot ko sa kanya. "Yes!" malakas na sigaw niya at napatalon pa. "Akala ko kasi magagalit ka." pagpapacute na dugtong niya.

"Hindi, alam ko naman na kakalkalin mo din to eh. Tulungan mo nalang ako." sabi ko sa kanya.

"Anong gagawin?" pagtatanong niya.

"Tatanggalin lahat ng nakita mo dito. Magmomove on na talaga ako." sagot ko sa tanong niya.

"Sure ka ba pare?" tanong niya sa akin na para bang sinasabi niyang hindi ko kaya.

"Oo pare, kaya tulungan mo na ako." sagot ko sa kanya habang binubuksan ang pinto ng cabinet at kinuha ang kahon sa may ibaba. "Dito natin ilalagay lahat ng mga yan,

tapos itatapon ko na." pagpapatuloy ko.

Habang tinatanggal namin lahat ng mga nakalagay dun, patingin tingin sa akin si pare. "Alam mo pare, kailangan ko na talagang magmove on, wag mo akong sulyap

sulyapan diyan, talagang this time gagawin ko na. Kailangan matanggal na lahat ng nakakapagpaalala sa akin ng tungkol sa kanya." Hindi nagsasalita si pare, patuloy lang

siya sa pagtatanggal ng mga nakadikit sa cabinet abang nakikinig sa mga sinasabi ko.

"Nagkahiwalay kami nung high school graduation tapos hindi ko na ulit siya nakita. Sinubukan kong magmove on pero nabigo ako. Ilang taon bago ko ulit siya nakita sa hindi

inaasahang pagkakataon. Akala ko may pag-asa na ulit akong makasama si Chloe, kahit naman hindi maging kami, okay na sa akin un basta makausap ko siya, makasama,

okay na. Hindi na ako naghahangad ng kahit ano pa. Pero ang sabi niya hindi na daw kami pwedeng magkita, si Cyrus talaga ang mahal niya. Ayaw ko namang maging

malungkot ang Prinsesa ko ng dahil sa akin, kaya ibibigay ko ang gusto niya. Hindi ko na siya kakausapin, hindi ko na siya itetext at hindi ko na din siya pupuntahan. Titigilan

ko na talaga siya, Pare." ang mga nasabi ko habang tinatanggal ang mga pictures at sticky notes sa cabinet na yun.

"If you say so.." ang tanging nasabi sa akin ni Pare, mukang hindi siya sa akin naniniwala.

"Kukuha lang akoh ng hagdan, para matanggal ung mga pictures na nasa kisame." sabi ko sa kanya, lumabas ako at kinuha ang hagdan. Pagbalik ko sa kwarto tapos na ni

Janine tanggalin lahat maliban sa mga pictures na nasa kisame. Nang tanggalin ko na ang mga pictures na yun, kinuha sa akin ni Janine at inilagay sa kahon.

"Meron pa ba?" tanong niya sa akin. "Wala na, yan nalang." sagot ko sa kanya. Isinara na ni Janine ang kahon at inilaga sa tabi ng bag niya. Bakit niya nilagay dun? Eh

itatapon ko na nga.

"Akin na Pare, itatapon ko na." sabi ko sa kanya habang kukunin na sana ang kahon.

"Ah, eh, ako.. ako nalang ang magtatapon." pangiti ngiti niyang sabi sa akin.

"Bakit?" pagtataka ko. "Ako nalang, o kaya sunugin nalang natin para sigurado." sabi ko sa kanya.

"Hindi pare, ako nalang. Wag ka nang magpumilit ha." pagmamatigas ni pare. Hindi na ako umimik. Kinuha ko ang cellphone ko at binura lahat ng messages namin ni Chloe.

Pati ang cellphone number niya binura ko na rin. Nakita naman ni Janine ang ginawa ko, bigla siyang natawa.

"Bakit ka natatawa?" pagtataka ko.

"Pare, pwede ba? Haha.. May padelete delete ka pa diyang nalalaman, eh kabisado mo naman ang number niya. Haha.." pang-aasar niya sa akin.

"Pare naman eh, wag ka nang mang-asar." nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Haha.. Bakit ba? Eh yun naman talaga ang totoo.. Haha.. Delete all messages.. Delete contact.. Sus! Haha.." pang-aasar pa din sa akin ni Pare. Tawa siya ng tawa.

Nakakahawa ang tawa ni Pare kaya napapatawa na din ako.

"O tingnan mo na, natatawa ka sa sarili mo, kasi alam mong totoo, delete daw. Haha.." pang-aasar pa din niya. Kailan kaya ito titigil ng pang-aasar.

"Natatawa ako sa tawa mo, nakakahawa kaya." pagdepensa ko sa sarili ko.

"Sus, aminin mo na kasi, kabisado mo! Haha.." patuloy pa din sa pang-aasar. Nahahawa talaga ako sa tawa ni Pare, ayaw kong matawa dahil hindi naman ako masaya. Pero

wala akong magawa dahil talagang nakakahawa ang mga tawa ni pare pati na ang itsura niya, kahit mamatay mataya na siya sa kakatawa, ang cute pa din niya.

"Hindi ka titigil ng kakatawa diyan?" napapatawang tanong ko sa kanya kahit pinipigilan ko.

"Ha? Ako ba ang kausap mo? Haha.." pang-asar niya habang natawa pa din.

"Ah, ayaw mong tumigil ah! Sige, lalo kitang papatawanin ng walang tigil.." sabi ko sa kanya habang papalapit sa kanya. Mukang alam niyang kikilitiin ko siya.

"Naku pare, titigil na ko. Oh?" tumigil siya sa pagtawa niya pero halatang natatawa pa din siya. "Ahahahaha, sorry pare, pero hindi ko talaga kayang itigil, natatawa talaga

ako sayo.." pagpapatuloy niya sa pagtawa niya. Pagkatapos ay lumayo siya sa akin.

"Hindi ka makakatakas sa akin." sabi ko sa kanya habang pataas taas ang kilay ko.

"Makakatakas ako!" sabi niya sa akin at dinilaan pa ako. "Ah ganun ah!" sabi ko sa kanya. Pagkatapos at hinabol ko siya. Lumabas pa siya ng kwarto kung saan saan

tumakbo, sala, sa kusina, sa labas ng bahay pagkatapos ay pumasok ulit ng bahay, tapos dumerecho sa kwarto. Wrong move Pare. Haha. Wala ka ng kawala ngayon.

"Pare, ayoko na! Suko na ko.." hingal na hingal niyang sabing sa akin. "Matapos mo akong pagurin? Swerte mo naman." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Pare, suko na talaga ako. Mauutas na ako." pagod na pagod niyang sabi sa akin. Napaupo siya sa kama at napahiga na sa sobrang pagod.

"Nakakaasar ka!" nakasimangot na sabi ko sa kanya habang naupo na din sa may kama. "Pinagod mo lang ako, tapos susuko ka." pagrereklamo ko sa kanya hanggang sa

napahiga pa din ako sa tabi niya.

"Ah ganun ba?" mahinahon na sabi niya sa akin, na para bang may binabalak. "Eh di hindi susuko!" umupo siya sa kama at kinuha ang unan at pinaghahampas ako.

"Pillow fight?" tanong ko sa kanya. "Sige ba! Sasabog lahat ng unan mo, pati ikaw sasabog." pagmamayabang niya sa akin. Kaya nagpaluan kami ng nagpaluan ni Pare ng

unan, naalala ko tuloy nung mga bata pa kami, madalas naming ginagawa to. Palagi kaming masaya, hdini kami titigil hangga't walang nagpapatigil o nang-iistorbo. Sa

pagpalo ko sa kanya napaupo siya, hala, mukang napalakas ata ang palo ko. Nang malapit na ako sa kanya para icheck siya pinalo niya ako ng malakas na siyang naging

dahilan ng pagkaupo ko din. Nang magkatitigan kaming dalawa, nagtawanan nalang kami. Para kaming mga baliw, pinagpawisan kami sa pinaggagawa namin.

"Miss ko yung ganito pare." sabi ko sa kanya habang hinahabol ang hininga ko.

"Ako din e, matagal na din natin tong hindi ginagawa." sabi niya sa akin pagkatapos at napahiga siya. Humiga na din ako para mabilis kaming makapagpahinga. Mga ilang

minuto din ang nakalipas bago ako nakapagsalita. "Pare, salamat ah!"

"San? Sa malalakas na palo?" tanong niya sa akin habang natatawa tawa siya. Tumagilid ako at tinitigan siya.

"Hmm.. Oo! Salamat sa lahat." seryosong sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang isang kamay niya. "Thank you talaga." pagpapasalamat ko ulit sa kanya.

Tumagilid din siya at tumitig sa akin. "Hindi mo kailangan magpasalamat, hindi ba partner's in crime tayo?" nakangiti niyang sabi sa akin.

Ang tatamis talaga ng ngiti ni pare, pati mga mata niya. Unti-unti akong napapalapit sa kanya, hindi ko alam kung bakit, pero parang namamagnet ako sa kanya na ewan.

Palapit ako ng palapit sa kanya habang nakatitig lang siya at nakangiti sa akin.

Lalong napapalapit ako sa kanya.

Napapalapit na ang mga labi ko sa kanyang mga labi.


Malapit na malapit na aming mga labi sa isa't isa.

Pages: [1] 2 3 4 ... 37   Go Up
 



All dates are GMT+8:00. The date now is 05-20-13 05:07 AM
WWW.PINOYDEN.COM.PH does not store any files on it's server, we are just indexing other sites contents!
WWW.PINOYDEN.COM.PH [Ang Tambayan ng pinoy!] © copyright 2008-2009 All Rights Reserved.
Contents published on www.PinoyDen.com.ph requires permission for reprint.

Page created in 0.783 seconds with 22 queries.